Share

Unexpected Billionaire Husband
Unexpected Billionaire Husband
Author: Riallanne

CHAPTER 01

Author: Riallanne
last update Huling Na-update: 2022-05-30 11:49:48

"Kumusta?" bungad ko kay Via, isa siya sa naging kaibigan ko dito sa coffee shop kagaya ko ay kailangan rin niyang magtrabaho para sa anak niya, ako naman ay para sa aming dalawa ng mama ko.

"Maayos naman, dalian mo na nandiyan na si manager." anito, mabilis akong napatingin sa likuran ko at doon ko nakita ang manager namin na papalapit na. Nagpanggap akong hindi siya nakita at naglakad papuntang locker para sa mga trabahador ng shop.

Nagpalit ako ng uniform at pagkatapos ay lumabas na ng silid. Nagsimula na ako sa pagtra-trabaho. Nakangiti kong ginagawa ang kape, masarap sa pakiramdam tuwing nakakagawa ako ng kape at maiabot ito sa bawat costumer na umo-order

Nakangiti kong iniabot ang kape sa isang costumer. "Enjoy your coffee Ma'am."

Nang magsara ang shop kami rin ang nag-linis at pagkatapos no'n ay doon lang kami makaka-uwi. Palaging ganito ang routine ko, pagkatapos sa eskwela ay diretso kaagad dito sa coffee shop, minsan nga lang ay napapagalitan ako ng manager dahil madalas ay late ako.

Walang sasakyang dumadaan kung kaya napagdesisyunan kong lakarin na lang hanggang sa makarating sa paradahan ng sakayan.

Habang naglalakad ay napakunot ang noo ko at nakaramdam ako ng kaba dahil sa nakita. Nag-aalangan ako kung lalapitan ko ba ang taong walang malay at nakahandusay sa kalsada o hindi.

Pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa sa tao, kung kaya sa huli ay naglakad ako palapit sa kaniya.

"Hello Mister? Gumising ho kayo." kinakabahan kong sabi dito. Ngunit hindi man lang ito gumalaw, napatingin ako sa mukha nito. Maraming mga pasa ang kaniyang mukha, pero kahit ganoon ay halata pa rin dito kung gaano ito kagwapo.

Mabilis kong tinignan ang pulso nito at nakahinga ako ng maluwag nang makitang humihinga pa ito.

"Mister gumising ho kayo." pag-gigising ko rito. Kailangan niya nang magising dahil pwedi kaming masagasaan kung mananatili kami rito sa kalsada.

Ilang minuto ang lumipas napagod lang ako sa paggising dito dahil hindi naman ito nagigising, amoy alak rin si Mister.

Wala akong choice kundi gawin ang naisip ko.

Buong lakas ko siyang tinulungang patayuin, halos mabalian ako ng sariling buto dahil sa bigat nito idagdag pang ang laki pala niyang tao.

"Mister, gumising ka na." nakangiwi kong paki-usap sa lalaki.

Haisst, gwapo na sana siya kaso dumagdag pa siya sa pasanin ko ngayon.

Patigil- tigil ako sa paglalakad habang akay-akay siya dahil sa bigat niya para kaming lasing na dalawa dahil sa klase ng paglalakad ko.

Laking pasasalamat ko nang may humintong tricycle sa dinaraanan namin.  Mabilis ko itong pinara, nang huminto ito ay napangiti ako pero kabaliktaran naman no'n ang nararamdaman ko. Dahil sa inis ay itinulak ko papasok sa loob ng tricycle ang lalaking akay-akay ko dahilan para mauntog ito, nakaramdam ako ng guilt ng tumama ang gwapo nitong mukha sa upuan ng sasakyan.

Pagka-lipas ng ilang minuto ay nakarating na rin ang sinasakyan namin sa tapat ng bahay. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kay mama, pero bahala na.

Nagbayad ako sa tricycle driver ng pamasahe at pagka-alis nito ay napatingin ako sa lalaking naka-akbay sa akin habang inaalalayan kong huwag matumba.

Ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga bago kumatok sa pinto ng bahay. Pagkaraan ng ilang saglit bumukas ang pinto at bumungad si mama.

"Ma, magpapaliwanag po ako." nakangiwing sabi ko, hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan ko na siya.

"Sino siya?" tanong ni mama.

"Ma papasukin mo muna kami." nahihirapang sabi ko, dahil pakiramdam ko ilang saglit lang ay mababalian na ako ng buto dahil sa bigat niya.

Niluwagan ni mama ang pagkakabukas sa pinto upang makapasok kami, nang makapasok sa loob ay kusa ko ng binitawan si Mister sa pagkaka-akay ko dahilan para bumagsak ito sa sahig. Napangiwi ako ng tumama na naman ang mukha nito sa sahig.

Kawawa na tuloy ang handsome face niya.

Pinatunog tunog ko pa ang batok ko at ini-streatch ang balikat at braso ko, ang sakit!

"Ngayon magpaliwanag ka?!" halos mapatalon ako sa boses ni mama.

"Ma ganito kasi 'yan, naglalakad na ako pauwi at naghahanap ako ng masasakyan ng makita ko si Mister sa kalsada habang nakahandusay at walang malay, wala akong choice ma kundi ang iuwi siya rito sa bahay kasama ako." mahabang paliwanag ko.

Napatingin naman si mama sa lalaki. "Kawawa naman ang binatang ito. Sige na Yara kumuha ka ng pang-gamot doon sa sala at kumuha ka na rin ng tubig na maligamgam at bimpo." utos ni mama.

Tumango lang ako tinalikuran na silang dalawa, paniguradong mahuhuli ako ng gising bukas dahil sa nangyari ngayon.

Kinuha ko ang mga pinapakuhang gamit ni mama at bumalik na dala-dala ang mga iyon. Inilapag ko sa semento ang mga dala ko at tinulungan si mama na linisan ang sugat ni Mister.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya, ano ba ang nangyari bakit siya may mga pasa? Mukha rin siyang mayaman dahil sa suot niya at sa kutis pero bakit naging ganito?

Naramdaman ko ang paggalaw nito ng idampi ko ang cotton na may alcohol sa sugat niya pero hindi naman siya tuluyang nagising.

Nang matapos namin siyang gamutin ay humarap sa akin si mama. "Yara doon ka na matulog sa kwarto ko, tabi na lang tayo at doon na muna siya sa kwarto mo."

Kahit ayaw ko ay tumango ako dahil wala naman akong pagpipilian kundi ang pumayag. Inakay ko na naman si Mister hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at inihiga siya sa hindi gaanong malambot kong kama.

Pinakatitigan ko pa saglit ang mukha niya bago inayos ang ilang hibla ng buhok niyang tumabig sa noo niya. "Ang gwapo mo naman po Mister, medyo crush na po kita." mahinang bulong ko dahil baka marinig ni mama na nasa kabilang kwarto lang, mahina pa akong humagikhik bago kinumutan si Mister.

Umayos na ako ng tayo at naglakad, akmang aalis na ako ng marinig kong nagsalita siya. "Please come back Rain." narinig kong sabi niya sa baritonong boses.

Nilingon ko siya saglit bago napabuntong hininga, broken ka ba mister? Tuluyan na akong umalis at pumunta sa kwarto ni mama.

Tumabi ako ng higa kay mama at mabilis akong nilamon ng antok dahil sa pagod. Kinaumagahan akala ko ay late na ako ng gising ngunit pagtingin ko sa orasan ay ala-singko pa lang ng umaga. Napatingin ako kay mama, tulog pa rin ito.

Sinubukan kong bumalik sa pagtulog ngunit hindi na ako makatulog, mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ng maalala ang nangyari kagabi.

"Si Mister." mahinang bulong ko bago dahan-dahang tumayo para hindi magising si mama.

Lumabas ako ng kwarto ni mama at naglakad patungo sa silid ko na kinarorounan ni Mister. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

Akala ko ay gising na ito at umalis na ngunit nagkamali ako dahil naabutan ko itong nakahiga pa rin at tulog. Naglakad ako palapit sa kaniya.

Hindi ko maalis ang mga mata ko mula sa pagkakatitig sa kaniya, ang ganda niyang pagmasdan habang natutulog. Mabait kaya si Mister?

Akmang hahawakan ko na ang matangos niyang ilong ng magulat ako dahil biglang umangat ang kaniyang kamay upang sanggahin ang kamay ko at madiing hawakan ang pulsuhan ko.

Bahagya akong napangiwi kasabay ng pag-mulat ng kaniyang mga mata, nakakatakot ang kulay berde niyang mga mata, ngunit maganda namang titigan.

"Who are you?" matigas at paos na boses niyang tanong sa akin na ikinatulos ko sa pagkakaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya.

"Ah." nawalan ako ng sasabihin, nakaramdam ako ng kaba dahil sa boses niya at parang bumahag ang buntot ko.

"I'm asking you. Who are you?" tanong ulit nito sa madilim na mukha.

"Y-yara." nauutal kong sagot.

"What am I doing here?" matigas pa rin niyang tanong habang hindi pa rin binibitawan ang wrist ko, gusto ko ng umiyak dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko.

________

RIALLANNE

Kaugnay na kabanata

  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 02

    "Ma-masakit." reklamo ko, mas lalong tumalim ang mga mata nito dahil sa sinabi ko bago binitawan ang palapulsohan ko. Sapo ko ang pulsuhan kong madiin niyang hinawakan dahil sa sobrang sakit, iyon pa naman ang kanang kamay ko.Ang sama niya!"Again. Why am I here?" tanong ulit niya at inilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto ko."Nakita kasi kita kagabi ng walang malay sa daan, pinilit kitang gisingin Mister pero hindi kita magising." kahit kinakabahan ay nagawa ko paring mag-salita at magpaliwanag."Where's my car?" tanong nito.Mabilis naman akong umiling. "Wala akong kotse na nakita Mister." nakayukong sagot ko."Where's my phone?" tanong ulit nito, bakas ang iritasyon sa mukha niya. "Wala rin akong nakita Mister." sagot ko."Darn it!" malakas at galit niyang sigaw na nagpa-iktad sa akin."Bakit hindi mo na lang ako pinabayaan doon sa kalsada? Ninakaw mo ba ang mga gamit ko at sinasabi mo lang na wala kang nakita?" galit na galit ang boses na tanong nito at mahigpit akong hinawaka

    Huling Na-update : 2022-05-30
  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 03

    "Hanggang dito na lang Mister." wika ko ng makarating kami sa paradahan. "Ano nga pa lang pangalan mo?" "I'm Hunther." walang buhay na boses niyang sagot. "Ito lang ba ang sasakyang mayroon dito? Wala bang kotse or van?"Natawa ako sa tanong niya. "May nakita ka bang nakaparadang kotse o van?" sarkastiko kong tanong sa kaniya."Tss." anito. "Okay, hanggang dito na lang Mister Hunther. Nawa'y hindi na tayo magkitang muli." wika ko, bago sumakay sa isang tricycle na papa-alis na. "I hope so." tugon niya bago tuluyang maka-alis ang tricycle na kinaruruonan ko....Nang makarating ang tricycle sa university ay bumaba na ako at nagbayad ng pamasahe. Habang naglalakad papuntang classroom ay nakasabayan ko si Marie."Hey girl!" masiglang bati nito sa akin, tinanguan ko lang ito hindi kagaya ng dati na babatiin ko rin pabalik kapag binati niya ako. "May problema ba?" tanong niya."Wala naman." matamlay kong sagot."Wait, what's this? Bakit may pasa ka?" naghihistrikal niyang sabi sa akin a

    Huling Na-update : 2022-05-30
  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 04

    Kinaumagahan ay hindi gaanong maganda ang pakiramdam ko, mainit rin ang ibinubuga ng hininga ko. Sinipat ko ang noo at leeg ko at doon ko napagtantong mainit pala ako."Aish! Bakit ako nilalagnat?" mahina at medyo naiinis kong bulong. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si mama na may dala-dala ang mangkok na may lamang lugar at tubig at isang piraso ng biogesic. "Hindi ka papasok sa school, at mas lalong hindi ka papasok sa trabaho." mautoridad na sabi ni mama."Ma." nagmamakaawa kong sabi, hindi pwedi marami akong lesson na mamimiss at mababawasan ang sahod ko sa coffee shop."Huwag matigas ang ulo mo Yara. Nilalagnat ka." galit na sabi ni mama."Paano mo po nalaman?" tanong ko."Pinuntahan kita kanina at napansin kong may mali kaya sinipat sipat kita at doon ko nalamang mainit ka. Masyado mong pinapagod ang sarili mo, magpahinga ka naman." Natahimik na lang ako sa sinabi ni mama. Ito ang nag-pakain sa akin at nag-painom na rin ng gamot. Sinabi rin niyang matulog ulit ako a

    Huling Na-update : 2022-05-30
  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 05

    Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Tama ako ng pagkakarinig hindi ba?"May saltik ka ba sa utak?" wala sa sariling naibulalas ko.Nandilim ang mukha nito. "I'm serious woman, you will marry me as soon as possible and you need to agree with it." Bumuntong hininga ako ng makabawi na sa pagkagulat. "Paano kung hindi ako agree?" "You need to agree." matigas at mariin niyang sabi na para bang wala akong choice kundi ang omu-o.Umiling ako. Kahit anong mangyari, hindi ako papayag. "Hindi ako magpapakasal sa'yo. Tapos ang usapan. Kung kaya mo lang ako sinundo dahil doon ay maaari mo na akong ibaba ngayon din." Saglit kaming nagkatitigan, nagsusukatan ng tingin at walang may gustong umiwas at bawiin ang tinginan sa isa't isa. Ito ang unang umiwas ng tingin, bago binuhay muli ang makina ng sasakyan."Hoy, ano ba?! Ang sabi ko ay bababa na lang ako." Pagpapalatak ko rito habang magkasalubong ang parehong kilay, ngunit hindi ito sumagot nanatili pa rin itong nakatingin ng seryos

    Huling Na-update : 2022-05-30
  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 06

    Nagising ako sa hindi pamilyar na silid, mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sa pag-aakalang maling bahay ang napasukan ko. Ngunit nang magproseso sa utak ko ay doon lang ako kumalma, naalala kong nandirito pala ako sa bahay ni Hunther.Umalis ako nang kama at dumeritso sa banyo, kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makapasok ako rito sa loob nang kwarto maging sa pagpasok ko sa loob nang banyo, halatang pangmayaman at nakakatakot hawakan dahil baka madumihan o masira.Ginamit ko ang toothbrush na ginamit ko kagabi, hindi ko alam kung kanino ito ngunit mukhang bago kung kaya ginamit ko na. Lumabas ako nang banyo at halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Hunther, nasa harap ko ito mismo."Ano ba! Nanggugulat ka," pasigaw kong sabi dahil sa pagkagulat."Let's talk," hindi niya pinansin ang sinabi ko, bagkus iyon ang sinabi niya. "Ano na naman ang pag-uusapan natin?" tinaasan ko siya ng kilay.Saglit ako nitong tinignan at

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 07

    Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Siya ang may-ari ng coffee shop na ito? Well hindi basta-bastang coffee shop ito dahil sa sinabi ni Marie.Napabuntong hininga ako at sumandal sa kinauupuan habang hinahayaan siyang magkwento ng magkwento.Nang maubos namin ang inorder ay saka na kami lumabas ng coffee shop. Naglibot-libot kami sa loob ng mall. "Doon tayo," aya ko at hinila siya papasok sa loob ng bookstore. "Yara naman, ayaw ko dito. Alam mo namang allergy ako sa libro diba?" naiiritang sabi nito habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya."Anong allergy? Sira! Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talaga sa libro dahil tamad kang magbasa, tama?" tinaasan ko ito ng isang kilay habang nakahalukipkip."Oo na, ikaw na lang mag-isang bumili ng libro mo sa labas muna ako may pupuntahan lang akong store. Kita na lang tayo, bye!" anito at biglang tumakbo palabas ng bookstore animong nakikipag-karerahan.Dahil iniwan na niya ako ay itinuon ko na ang atensyon sa pagtitingin ng mga lib

    Huling Na-update : 2022-07-26

Pinakabagong kabanata

  • Unexpected Billionaire Husband    CHAPTER 01

    "Kumusta?" bungad ko kay Via, isa siya sa naging kaibigan ko dito sa coffee shop kagaya ko ay kailangan rin niyang magtrabaho para sa anak niya, ako naman ay para sa aming dalawa ng mama ko."Maayos naman, dalian mo na nandiyan na si manager." anito, mabilis akong napatingin sa likuran ko at doon ko nakita ang manager namin na papalapit na. Nagpanggap akong hindi siya nakita at naglakad papuntang locker para sa mga trabahador ng shop.Nagpalit ako ng uniform at pagkatapos ay lumabas na ng silid. Nagsimula na ako sa pagtra-trabaho. Nakangiti kong ginagawa ang kape, masarap sa pakiramdam tuwing nakakagawa ako ng kape at maiabot ito sa bawat costumer na umo-orderNakangiti kong iniabot ang kape sa isang costumer. "Enjoy your coffee Ma'am." Nang magsara ang shop kami rin ang nag-linis at pagkatapos no'n ay doon lang kami makaka-uwi. Palaging ganito ang routine ko, pagkatapos sa eskwela ay diretso kaagad dito sa coffee shop, minsan nga lang ay napapagalitan ako ng manager dahil madalas ay

DMCA.com Protection Status