Share

Chapter 42 - Slice of the past

Walang katao-tao at naka-bibingi ang katahimikan. Mag-isang nakaupo si Zea sa malamig na pasemano, katabi ang mahabang mop at isang timba na puno ng tubig. Tinitigan niya ang kahabaan ng hallway, na puno ng bakas ng sapatos na dulot ng natuyong putik. Marahil dahil sa malakas na ulan nitong mga nakaraang araw.

Shit talaga, mukhang matatagalan ako maglinis nito.

Napatingin si Zea sa nakatiklop na uniporme na nasa tabi niya. Hindi niya napigilan mapangiti ng bigla niyang maalala si Yohan.

"Kunin mo na 'to, hindi ka papayagang kumuha ng exam kung naka-civilian ka, school policy yan." Pagpupumilit ni Yohan.

Tinitigan ni Zea ang unipormeng kanina pa iniaabot sa kanya ni Yohan.

"Kaninong uniporme ba yan?"

"Hiniram ko kahapon kay Ate Yanna, luma niyang uniform. Alam kong wala kang masusuot ngayong araw na 'to, kaya inihiram na kita."

Buong pagtatakang napatingin si Zea sa binata. "Paanong?"

Tinabihan siya ni Yohan sa pag-upo,

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status