White crop top that fits perfectly on her slender waist, topped with an elegant cutout blazer that matches her white skirt. Her luscious soft pink curls bounced smoothly as she struts her killer legs along with her killer heels.
Walang kawala ni-isang mata—lahat ng masalubong niya ay napapatingin sa kanya. Bumukas ang pinto ng elevator sa may lobby at nag-uunahan pa na pumasok ang mga tao sa loob nito.
Papasara na sana ang ito nang makita nila ang magandang babae na papalapit sa kanilang direksyon. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagsipag-urungan ang mga kalalakihan sa loob saka pinindot stop button makasabay lang siya.
Halos mapunit ang mga labi nito kangingiti habang papalapit ang dalaga. Ngunit ngumiti lamang ito sabay liko sa deluxe elevator para sa mga VIP guests.
She swiped her golden card to gain access and the door immediately opened. Pumasok siya sa loob at kaagad pinindot ang close button.
Prente siyang sumandal at pinagkrus ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Habang pinagmasdan ang unti-unting pagsara ng pinto. Ngunit bago pa ito tuluyang sumara ay isang kamay ang biglang humarang sa pagitan nito at muling bumukas.
Kaagad siyang napangiwi. Lalo na no'ng makita ang binatang biglang sumulpot sa kanyang harapan. Nakita palang niya ang ngiti nito, kumulo na kaagad ang dugo niya.
Pumasok ang binata at kaagad sumiksik sa tabi niya kahit napakaluwag naman espasyo sa loob ng elevator.
"Hi there, sexy," he whispered huskily with a naughty grin.
Kinilabutan tuloy siyang bigla, isama mo na rin ang pag-ikot ng sikmura niya—gusto niyang masuka. As in sukahan itong mismong kumakausap sa kanya.
Asar siyang ngumiti. "I know right?"
She can't help but frown while looking at this young man standing beside her. He smoothed out his navy blue suit and adjusted his sleek black-rimmed glasses that somehow gave him a dignified look.
But no matter how serious his outfit may be, it can never hide those smile of a playboy.
Tahimik siyang nilingon ni Zea saka tinitigang mabuti mula ulo hanggang paa. "So, kapag naka-blue ako, naka-blue ka rin? Kapag naka-salamin ako, naka-salamin ka rin?"
"Ayaw mo ba?" tanong nito saka muling gumuhit nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Kasi puwede ko naman hubarin, kung ayaw mo—"
Lumaki ang kanyang mga mata no'ng bigla itong lumapit at akmang huhubarin ang suot nito sa harap niya mismo.
"Utang na loob!" pigil niya. "Ngayon ka na nga lang nag-mukhang tao, huhubarin mo pa?"
"Nag-mukhang guwapo?"
"Nagmukhang tao, bingi!"
Natawa lang sa kanya ang lalaki. Napatigil silang pareho no'ng biglang tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng elevator.
"Finally," sambit ni Zea sabay ngiti. "You don't know how happy I am knowing that I no longer have to work with you."
Pabirong sumimangot ang lalaki.
Zea flipped her hair and stepped out of the elevator. And the guy just stood there, with a naughty grin onto his face as he watched her strut into the hallway.
She entered a glass-paneled hallway and streak of blue laser lights scanned her from the head, the intricate pattern of her retina, and down to her toes.
"Access granted. Welcome, Agent Red Velvet." The steel door opened after the automated voice prompt.
Kaagad napangiti si Zea no'ng makita ang matandang lalaki na nakaupo sa desk. Kaagad siyang lumapit dito at sinalubong ito ng mainit na yakap. "It's nice to see you again, Uncle Ram. Kamusta na po kayo?"
"Mabuti. Lalo na ngayon at nakita ka." His gentle eyes smiled as he happily patted her shoulder. Like what he used to do when she's still a little child. "Have a seat."
Sabay silang naupo.
"How's your mission in Russia?"
"Everything went well Uncle. They already deposited the money thru your account," mabilis niyang sagot sabay ngiti. Tintigan niyang mabuti ang tiyuhin na tila nag-aabang ng magandang balita.
"Hindi ka makapaghintay ano?" sambit nito at sabay pa silang natawa. "Well... you just have to wait."
Kumunot bigla ang noo ni Zea. "Wait for what?"
"Oh! There he is..." nakangiting sambit nito sabay tingin sa direksyon ng pinto.
Kaagad siyang lumingon nang marinig no'ng may marinig na taong paparating.
A silhouette of a dashing man wearing a sleek blue suit walked towards them. And a familiar sexy smile crossed upon his lips.
"Ikaw?" Halos malaglag ang panga ni Zea no'ng makita muli ang binata.
Yumuko ito at bahagyang inilapit ang kanyang mukha sa dalaga. "You don't know how happy I am —knowing that you and I will work together again." pabulong na wika nito sabay ngiti. "Damn baby... we're so meant to be."
Inis na napangiwi si Zea. Nakakainis talaga ang lalaking ito, ang sarap sipain sa bayag nang sampung ulit.
Mariing umubo si Uncle Ram. "Looks like you two don't need an introduction. Mr. Ethan Weiss, please have a seat." He tossed two envelopes on top of the table at mabilis naman itong kinuha ng dalawa.
"I believe you've been waiting for this job for a long time." Uncle Ram looked intently at her niece.
Humigpit ang pagkakahawak ni Zea sa papel na binabasa saka muling napatingin sa kanyang tiyuhin.
Her old smiled at her and nodded his head. As if he understood that look in her eyes.
"This is a highly classified mission, agents. The Government wanted to investigate this case for a long time. But due to the big persons involved. From high-ranking officials, both in the army and the police force, to prominent politicians that we have today. They decided to hire a specialized group that has entirely no connection with these people —that's us. And with that, both you will go on an undercover mission."
A picture of a well-known university flashed on the LED screen.
"As a professor?" tanong ni Ethan.
"No—as a student."
An awkward silence ran in between them. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi na rin napigilang matawa ni Ethan. "Seryoso, Sir?—student talaga?" Halos maluha na siya sa katatawa. Ngunit unti-unti rin itong napatigil no'ng mapansin na hindi natutuwa ang matanda niyang superior niya.
"I'm not kidding, Ethan. Don't take this mission too lightly," patuloy ni Uncle Ram. "The reason why I hired you both is that we're not dealing with amateurs here. May mas malaking mga bagay na hindi niyo nalalaman na nagaganap sa loob ng university na yan."
A logo flashed on the screen. —SIBS
"I heard of that group before," mabilis na sagot ni Ethan.
"Yes, it is a well-known charity organization that operates inside the university. Para sa mga estudyante, isa itong fraternity. Pero ang pakay talaga ng grupo ay kumuha ng mga orphans, out-of-school youth, and street dwellers. They give them food, shelter and provide them with good education—sounds noble, huh?" Uncle Ram continued to the next slide.
"But little did they know is that they train them to be the best in their profession, so they can work for the organization. Out of their gratitude towards the organization. Naninilbihan sila sa samahan. Even if illegal na ang pinapagawa sa kanila. They got the best lawyers and connections sa mga pulis. Produkto ng SIBS ang mga yan. Their bond is so strong, tikom ang bibig ng mga ito. Ganito sila ka-solido." dagdag niya saka seryosong tiningnan ang dalawa.
"Your mission is to enter the university as a student and be part of this SIBS Organization. Zea will go undercover as a high school student and you, Ethan as a college student." Inabot ni Uncle Ram sa kanila ang ilang mga dokumento kasama na rin ang dalawang plane ticket. "You'll be flying to Manila first thing in the morning. So get ready."
Marahang gumawi ang mga mata ni Uncle Ram kay Zea. "I know you've been waiting for this case for a long time. But promise me that you'll not do anything impulsive." Inabot niya ang kamay nito saka mahigpit na hinawakan. "Minsan nang nawala sa akin ang Dad mo. Ayokong pati ikaw mawala rin sa buhay ko."
Muling niyakap ni Zea ang tiyuhin at paulit-ulit na tumango ito. "Pangako Uncle, magiingat ako."
"This case is highly dangerous. That's why I hired Ethan. I bet you already know what this guy is capable of," buong kompiyansang wika nito sabay tapik sa balikat ng binata.
Napasimangot na lang si Zea. "Wala naman po akong choice di ba?"
Buong tamis na ngumiti sa kanya si Ethan. "I told you it's a sign," wika nito sabay finger heart.
Ngumiti rin sa kanya si Zea sabay taas ng middle finger sa harap ng binata. "This is the only sign I know."
Mariing umubo ulit si Uncle Ram, matigil lang ang bangayan ng dalawa. "As I was saying, Ethan will lead this mission. You will report and follow direct orders from this man. But for now, I want you to review the files I gave you. I'll talk about the other details once you're already settled in Manila."
Uncle Ram immediately left after the briefing. Leaving them both inside the empty conference hall—staring at each other's face.
Zea looking totally pissed and Ethan looking overly excited —at her boobs.
Inis na napabuntong-hininga si Zea.
"Mukhang hindi naman mission ang aatupagin ng isang ito eh" inis na sambit ni Zea sa sarili.
Umayos ng upo si Zea sa kanyang first class seat. Labing siyam na oras na siyang nasa eroplano pabalik ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapalagay. Tumingin siya sa kanyang relo, ngunit ang nahagip ng mata niya ay ang kanyang tattoo sa bandang ilalim ng kaliwa niyang pulso.Her eyes followed the trail of an artistically made circular ambigram tattoo that twisted into a yin yang design forming the initials of K and Z.Parang unti-unting nilamukos ang puso niya habang minamasdan ang itsura nito. Hindi tuloy mapigilan ng isipan niya na maligaw muli sa alaala ng nakaraan..."Saan tayo pupunta?" tanong niya habang tumatakbo, kasama ang isang lalaki na kanina pa hawak ang kanyang kamay. Hindi niya tuloy mapigilan ngumiti matapos masuyo nitong pisilin iyon at lingunin para sa isang matamis na ngiti.Nagtungo sila sa sentro ng bayan at tumigil sa harap ng isang pulang gusali."You said you wanted to have a t
She went to Ethan's room first thing in the morning. Pero inabot niya itongnakabihis na at naghahanda na para umalis."Good morning..." he said as he eyes himself in the mirror. He adjusted his gray slim-fit shirt and put on his navy blue hoodie. He ran his fingers through his hair and his eyes looked totally smexy in his new carbon eyeglasses.God...Bahagyang tinakpan ni Zea ang kanyang ilong. Halos masukol kasi siya sa bango ng after shave nito."Paalala ko lang ha. Sa eskuwelahan ang tungo natin, hindi sa club.""Good thing you're already here," sambit ni Ethan habang ikinakabit ang maliit na hikaw sa taas na bahagi ng kanyang tenga. It was a silver dot earring. It's so small you won't be able to see it unless you look at it closer.After he's done with it, he walked towards her and looked at her beautiful face. But she froze when she felt his fingers ran through her hair. He leaned closer, so close she can almost die sm
Zea was about to enter the secret hallway but the doorbell suddenly rang. Lumapit siyasa cassette player at isinara ang lalagyanng tape. Kaagad namang sumara secret door at muling nanumbalik sa ayos ang shelf. Nagtungo siya sa pinto at maingat na sinilip kung sino ang naroon."Tao po!"Pinagmasdan niyang maigi ang dalawang dalaga sa harap ng gate bago niya binuksan ang pintuan."Good morning!" Bati sa kanya ng isa.Lumapit siya sa gate para alamin ang pakay nito. Pero mabilis na nahagip ng kanyang mata ang jacket na suot ng mga ito.Kapag sinuswerte ka nga naman.The girls are wearing a white jacket with a black SIBS logo on its sleeves."Kung wala ka naman masyadong ginagawa baka puwedeng pumasyal ka sa event namin diyan sa kabilang kanto," wika ng isa saka mabilis na nag-abot ng flyers.Zea's eyes narrowed towards the leaflet. "SIBS Bazaar?""Yes, we're having a bazaar right across the street. S
Mabilis na nahawi ang mga tao sa daan. Lahat kusang umiiwas habang naglalakad si Yohan palabas ng bazaar kasama ang buong grupo."Oh? Sinong uupakan? Dami natin ah!" mayabang na tanong ng isang chubby na lalaki habang nag-iistretching."Ikaw!" badtrip na sagot ni Yohan. "Tumabi ka nga diyan." Tinulak niya ang matabang lalaki sabay bukas ng pintuan ng kotse."Ako na magdra-drive dre," awat ni Gino sa pagpasok sa kotse ni Yohan. Gano'n din ang matabang lalaki at naupo sa tabi ni Gino.Inis niyang ginulo ang buhok. Hindi na mapinta ang mukha niya kanina pa."Ano bang nangyari dre?" tanong ulit ng chubby na lalaki pero hindi siya sumasagot."May nakasagutan kasi yang si Yohan sa loob Bem-Bem." paliwanag ni Gino habang nagmamaneho."Oh? Ano? Buhay pa?"Nangiti bigla si Gino at pinigil ang tawa. "Kaya nga hindi maipinta mukha niyan kasi buhay pa.""Tang-ina kasi..." Napapikit si Yohan sa inis. Naalala na naman niya ang nangyari kanina.
White socks, check! Black school shoes, check! Blue checkered Uniform, check! Red strappy school bag, check! and a cutie silver headband, check na check!All geared up, Zea went to school. Naglalakad pa lang siya sa sidewalk ng school ay ramdam na niya ang lahat ng matang nakatingin sa kanya."Bago siguro yan...""Oo, ngayon ko lang siya nakita.""Grabe, nakita mo yung kutis? Anak mayaman 'yan siguro."She bit her lips. Halos napangiti si Zea siya sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga estudyante. Maraming nakasunod sa likod niya kaya marahan siyang naglakad patungo sa high school building."Miss... anong grade mo na?" tanong ng isang binatang na naglakas ng loob na kausapin siya."Grade 12," mabilis niyang sagot saka lumakad lang ng diretso."Kinausap niya ako!" sigaw ng lalaki sabay hiyawan ng mga kabarkada nito.Papasok na sana siya ng building nang bigl
"Halika na Selene," kayag ng kanyang kasama.Ngunit nanatiling nakatayo si Selene, kahit pa hinahatak na siya ng mga kasama niya paalis. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maiiwas ang kanyang tingin sa dalawa.The way Yohan kisses that transfer student somehow brought a little pain in Selene's heart."Selene..."Asar na itong nagpakawala ng hininga saka tumalikod at naglakad palayo.At the corner of Zea's eye, she saw Selene and the rest of her crew left. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa labi nito at tinulak palayo ang binata. Bahagya itong ikinagulat ni Yohan.Halos mapatanga tuloy si Zea no'ng makita ang pamumula ng pisngi ng binata. Hindi niya tuloy mapigilang matawa. "Ay bakit? First time mo?"Lalong namula ang mukha ni Yohan at hindi makatingin ng diretso sa dalaga. Hindi tuloy malaman ni Yohan ang sasabihin. Dahil, oo —first time niya."Hindi ah.""Ahh..." Isang tusong ngi
"I believe we met earlier..." Ningitian siya ni Ethan habang naghihintay ang kamay nito sa kanya.Inabot ni Yohan ang palad nito para makipagkamay saka napangisi.Ang kinis... bakla to."Dana!" tawag ng presidente sa secretary niya."Yes, sir?""Kindly close my office and cancel all my appointments today.""Right away, Sir." Kaagad lumabas ang sekretarya at tahimik na isinara ang pinto.Tahimik na pinasadahan ng tingin ni Ethan ang SIBS president. A man of few words, reserved and seldomly smile. Sinister look, sa mga titig pa lang nito mangingilag ka nang kumilos ng masama. Sa tindig at solidong pangangatawan ng binata, nakakasigurado siyang hindi lang trabaho sa opisina ang pinagkakaabalahan nito.He's in his mid 20's. Ethan smiled sheepishly at him. Too young to be the president of a notorious organization. He must be really good at business. But I’m quite sure that there's more to that.
Mabilis na nagpulasan ang mga estudyante nang pumasok ang Advance Chemistry teacher sa loob ng silid."Good morning class!""Good morning Mrs. Ochoa!""Alright, bring out your assignments! I want to make sure na pinag-aralan niyong mabuti ang lesson kahapon." Kaagad kinuha ng teacher ang kopya ng seating arrangement saka pinasadahan ito ng tingin."Ma'am!" sigaw ni Selene saka mabilis namang nagtaas ng kamay.Pero nginitian lang siya ni Ms. Ochoa. "For sure nag-aaral ka ng mabuti, Ms. Madrigal. How about we give others a chance."The teacher scanned the room. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang estudyanteng nakadukdok ang ulo sa lamesa. Tumalas ang tingin niya sa dalaga saka mabilis na hinanap ang pangalan nito sa seat plan.Napatingin tuloy si Yohan sa humihilik na babae sa harapan niya. Palihim siyang natawa. Dinampot niya ang takip ng kanyang ballpen saka pasimpleng binato ang ulo nito. Pero wa epek!"Ms. Astrid Gar
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti