"I believe we met earlier..." Ningitian siya ni Ethan habang naghihintay ang kamay nito sa kanya.
Inabot ni Yohan ang palad nito para makipagkamay saka napangisi.
Ang kinis... bakla to.
"Dana!" tawag ng presidente sa secretary niya.
"Yes, sir?"
"Kindly close my office and cancel all my appointments today."
"Right away, Sir." Kaagad lumabas ang sekretarya at tahimik na isinara ang pinto.
Tahimik na pinasadahan ng tingin ni Ethan ang SIBS president. A man of few words, reserved and seldomly smile. Sinister look, sa mga titig pa lang nito mangingilag ka nang kumilos ng masama. Sa tindig at solidong pangangatawan ng binata, nakakasigurado siyang hindi lang trabaho sa opisina ang pinagkakaabalahan nito.
He's in his mid 20's. Ethan smiled sheepishly at him. Too young to be the president of a notorious organization. He must be really good at business. But I’m quite sure that there's more to that.
Gumilid ang mata ng president nang mapansin na kanina pa nakatingin sa kanya si Ethan.
"Do you have something to ask me, Mr. Suarez?"
Ethan grinned. "Nothing, Sir, I just didn't expect that the president is too young… and goddamn good looking."
Bahagyang nangiti ang presidente sa kanya. "Well, hindi ko rin inaasahan na may pagka-bolero ka pala. You must be good with girls..."
Asar na natawa si Yohan nang maalala niya si Astrid kanina. Marami pa namang tangang maganda ngayon.
"Okay, enough with the chit chat. Let's get down to business." Kinuha ng presidente and ilang dokumento saka inilapag sa lamesa. "There'll be an upcoming International Annual Event na laging dinadaluhan ng SIBS Organization. This time, it will be held sa Macau." He paused for a moment saka marahan na tumingin kay Ethan. "But as we all know, front lang naman ito. So, Mr. Suarez..."
Kaagad tumingin sa kanya si Ethan.
"I believe you have an idea what you're getting yourself into." makahulugang wika nito.
Malapad na ngumiti si Ethan.
"I'll take that as a Yes..." The president replied with a sinister smile.
Hindi mapakali si Yohan. Hindi niya maintindihan kung paanong nakapasok sa SIBS itong Errol Suarez na to. Samantalang hindi pa nagsisimula ang SIBS Initiation.
"I already excused you from your classes next week. Para may enough time kayo to train." Tumayo ang Presidente saka inilahad ang palad para kamayan si Ethan. "I have high hopes on you. Make sure you'll make SIBS Proud."
Aabutin na sana ni Ethan ang kamay nito, nang bahagyang tumaas ang manggas ng long sleeve ng Presidente at may interesanteng bagay na nahagip ang kanyang mata. His jaw tightened as he gazed at a familiar intricate ambigram tattoo on his right arm. Just below his wrist.
Umakyat ang tingin niya sa mukha ng presidente na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya.
"Is there a problem Mr. Suarez?" Nakangiti nitong tanong pero may kung anong nababalot sa tingin nito sa kanya.
Ethan grinned and immediately shook his hand. "Wala naman, Sir. Na-distract lang ako. Ang ganda po kasi ng tattoo ninyo."
Kaagad namang inayos ng binata manggas niya saka muling ngumiti kay Ethan. "Maganda ba? Kaya nga hindi ko ipinabubura," the President stated it in a very low sarcastic voice. As if may diin ang bawat salita nito. "I'll see you bago tayo umalis papuntang Macau. You may leave Mr. Suarez."Nagpaalam si Ethan at kaagad umalis sa opisina nito.
Naupo ang Presidente sa kanyang upuan at ibinaling ang tingin Kay Yohan. "Looks like nagkakilala na kayo ni Errol?"
Napasimangot bigla si Yohan. "There's something with that guy I don't trust..."
"Well... I felt the same way."
"Kung ganon pala, eh bakit natin siya isasama sa Macau? Hindi po ba delikado yun?"
A sly grin played crossed the president's thin lips.
"Hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Kaya nga mas magandang malapit siya sa grupo. Para hawak ko siya sa leeg." Tumayo siya saka tinapik ang balikat ni Yohan. "Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya gusto ko matiyagan mong mabuti 'yang Errol na 'yan. Sa ngayon, kailangan lang natin siya. Sayang ang talento ng lalaking 'yon. Magagamit natin siya lalo na sa Macau. Maiba pala ako, paano nga kayo nagkakilala ni Errol?"
Inis na bumuga ng hininga si Yohan. "Kanina ko lang nakita 'yung unggoy na 'yon. Bigla kasing..." Napatigil siya sa pagkwekwento nang maalala niyang naisahan siya ni Errol kay Astrid. Napatingin tuloy siya sa kausap na kanina pa hinihintay ang kasunod ng kwento. "Ah basta! Nakita ko siya kanina, may binobolang tatanga-tangang babae sa kalsada."
Natawa na lang ang presidente sa sinabi niya.
"Eh Sir, paano nga po pala nakapasok sa SIBS ang lalaking 'yon? Hindi ba sa last week of June pa po ang Initiation?"
****
"So paano ka nga nakapasok?" tanong ni Zea habang namimili ng kanta sa iPod.
Ethan smiled at her sweetly. "Hindi ka ba nagwapuhan sa akin kanina no'ng niligtas kita?" malokong tanong nito sabay kagat sa labi.
"Am I supposed to? Scripted naman yun diba?"
Ethan chuckled while driving his car. "Eh nabanguhan kaya?" hirit ulit nito pero hindi pa rin siya pinansin ni Zea.
"Eh kay Mr. High school King, kinilig ka? Sino kaya ang mas magaling sa aming dalawa?"
Zea slowly looked at him with disgust. "We haven't even kissed?"
"Yun lang ba? Aba'y puwede mo naman akong subukan!"
"Ethan pwedeng wag kang masyadong makati? At sagutin mo na lang ang tanong ko."
"Hoy. Kahit makati 'to. Ginagawa ko ang assignment ko. So I did my research," sagot ni Ethan saka lumiko pakaliwa. "May upcoming international underground fight sa Macau kung saan nagpaparticipate ang SIBS taon-taon. Meron silang tatlong constant participants sa event. Si Jax Henares at si Yohan Gan."
"Sabi mo tatlo? Sino yung isa?" tanong ni Zea.
"Keanne yung pangalan nung isa. Namatay siya last year. Same event."
Napatingin si Zea kay Ethan no'ng biglang tumahimik ito. Gusto niya sana magtanong pero ang lalim ng iniisip nito.
"Katulad ng sabi ko kailangan natin ma-infiltrate ang SIBS. Maraming matataas na tao ang siguradong pupunta at pupusta sa laban. Pero nasagap ko na hindi na raw sila kukuha ng replacement kay Keanne. Kaya kailangan kong makuha ang slot ng Jax na 'yon. Dahil siguradong hindi nila papalitan si Yohan." Tahimik na lumiko si Ethan pakanan saka nilingon ang side mirror.
"Anong ginawa mo?"
"Balita ko walang ibang kaligayahan 'tong Jax na 'to kundi mang-bully. So, I just made myself an easy target. A dork for a day or two. At ayun, kinagat naman ng gago. Sinigurado ko lang na walang matinong buto na naiwan sa mokong na 'yon para hindi siya maka-attend sa laban," ani Ethan saka muling lumiko sa kaliwa.
"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot."
"Kanina pa kasi may sumusunod sa atin," kalmadong wika ni Ethan na parang wala lang.
Mabilis na napatingin si Zea sa rear mirror at nakita ang itim na kotse na bumubuntot sa kanila. "Eh ano pang ginagawa mo? Bakit di mo pa gawan ng paraan?"
Ethan looked at her and smiled sweetly.
"Kiss muna."
Tangina rin nito. Inis na napangiwi si Zea saka hinampas ang braso nito. "Just get rid of it, dammit!"
"Aray!" hiyaw ni Ethan. "Kapag ako naaksidente, papanagutan mo ba ako?"
"Ay bakit? Kailan ka pa nagkamatres?" sagot ni Zea sabay ismid.
"Wala akong matres! Pero meron akong..."
"Mag-drive ka na ngang hayop ka!"
Natawa si Ethan bago seryosong sinipat rear view mirror at saka pinaarangkada ang sasakyan.
****
Fractured rib cage, broken arms, broken legs, and dislocated shoulders.
Hindi makuhang makapagsalita ni Yohan habang ini-enumerate ang mga tamang natamo ni Jax kay Errol.
Napailing na lang si Gino. "Tang-inang 'yon. Nahiya pang tuluyan si Jax."
"Matinde nga Dre... ni hindi nga nakaporma si Jax dun sa Errol na yun," dagdag pa ni Bem-Bem.
Napangisi si Yohan. "Kung sa bagay, tama rin lang 'yon nangyari kay Jax. Matagal ko nang gustong upakan yung gagong 'yon, kung di lang natin kasama sa SIBS yun matagal ko ng tinumba 'yon eh."
"Kaya siguro si Errol ang kinuha ni Sir. Lakas kasi ng balita halos ka-level mo na raw..." Biglang umurong ang dila ni Bem-Bem nang titigan siya ng masama ni Yohan.
"Maiba ako Yohan. Kanina ko pa gustong itanong sayo to eh," sabat ni Gino.
Tinitigan ni Yohan ang kaibigan at inabangan ang itatanong nito.
"Curious lang kasi kami."
"Ano na nga? Ang dami ninyo pang pasakalye."
"Anong pakiramdam nung... hinalikan ka ni Astrid?" malokong tanong ni Bem-Bem na inunahan pa si Gino sa pagtatanong.
Napamaang si Yohan sa narinig. Ngunit mabilis din nagbalik sa utak niya ang mga nangyari. The sweet warm taste of her lips against his. The way he grabbed her close and the feel of her soft smooth skin that rubbed against his arms. Everything was so surreal. Parang panaginip lang ang lahat.
"Masarap," wala sa sariling sagot ni Yohan.
Halos mahulog tuloy ang chicken ball na kinakain ni Gino sa pagkagulat sa sagot ni Yohan.
Samantalang natulala naman si Bem-Bem sa reaksyon ng mukha ni Yohan habang nagmo-moment."Masarap?..." tanong ulit ni Bem-Bem habang nanlalaki ang mata nito.
Yohan quickly snapped back to reality. "Oo, Ang sarap! Ang sarap ninyong paguntigin dalawa!" sagot ni Yohan sabay ipit sa leeg ng dalawa. Napatingin siyang muli sa lab results ni Jax at kaagad rin niyang binitiwan ang dalawa.
Errol Suarez... Sino ka ba talaga?
Mabilis na nagpulasan ang mga estudyante nang pumasok ang Advance Chemistry teacher sa loob ng silid."Good morning class!""Good morning Mrs. Ochoa!""Alright, bring out your assignments! I want to make sure na pinag-aralan niyong mabuti ang lesson kahapon." Kaagad kinuha ng teacher ang kopya ng seating arrangement saka pinasadahan ito ng tingin."Ma'am!" sigaw ni Selene saka mabilis namang nagtaas ng kamay.Pero nginitian lang siya ni Ms. Ochoa. "For sure nag-aaral ka ng mabuti, Ms. Madrigal. How about we give others a chance."The teacher scanned the room. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang estudyanteng nakadukdok ang ulo sa lamesa. Tumalas ang tingin niya sa dalaga saka mabilis na hinanap ang pangalan nito sa seat plan.Napatingin tuloy si Yohan sa humihilik na babae sa harapan niya. Palihim siyang natawa. Dinampot niya ang takip ng kanyang ballpen saka pasimpleng binato ang ulo nito. Pero wa epek!"Ms. Astrid Gar
Zea looked at her plane ticket then turned her gaze at Ethan."Mauuna kang aalis sa amin. Nandiyan na lahat ng documents na kailangan mo."He handed her a silver case. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang bulto ng pera na nakapaloob dito."I'm going to deposit this to your fake account. You'll need this to bid. Para makaakyat ka sa VIP Hall. Aalis kami ni Yohan papuntang Macau four days from now." Marahang umakyat ang kanyang tingin at hinuli ang mata ni Zea. "Masyado mo namang ginalingan kanina. Siguradong hindi makakatulog ang batang 'yon kaiisip sayo."Zea kept silent.Naalala niya kasi 'yong pakiramdam no'ng halikan siya nito. How he held her close, the way he touched her, his warm breathe against her lips.It was the exact feeling.Iyon nga lang... hindi si Yohan ang naaalala niya.But a distinct memory of the only man she loved.Suminsin ang pagkakatitig ni Ethan sa d
The sight of Zea and Ethan walking and her hand wrapped around on his arm made Yohan sick. Inis na sumimangot si Yohan. Magsama kayong dalawa. Isang malakas na ugong ng kotse ang umarangkada sa kahabaan ng kalsada. Dahilan para mabilis na mapalingon si Yohan. A sleek candy red Maserati swerved savagely towards him. Tumigil ito sa tapat niya at hindi niya mapigilang magpakawala ng hininga nang makita kung sino ang nagmamaneho nito. The window slowly slid down at isang nakangising lalaki na ngumunguya ng chewing gum ang mapanuyang dumungaw. "Look who we have here?" The guy smoothed his tied-back hair and his devilish eyes gleamed under the street lights. Bawat mapadaan sa kalsada, napapatingin sa kanila. Bukod kasi sa maangas na kotse na dala nito, di hamak na mas maangas yung nagdadala. Guwapo pero mukhang kontrabida. Malakas ang datingan at mukhang papalag. "At ano naman ang GINAGAWA
Galit na galit na binalibag ni Cheyne ang mga dokumento sa mukha ng secretary ng kapatid niya."Is this all the information you got?" Binalibag ni Cheyne ang papeles sa lamesa ng secretary and shot her a death glare. "Ano 'to? Napaka-basic ng information! Gagawa tayo ng resume?""Sorry po, Sir.""I need to know kung sino tong Astrid Garcia na to! Anong kinalaman niya kay Yohan! Sa SIBS! At 'yong Errol Suarez na yun!""Y-Yes, Sir..." nanginginig nitong wika."EH, ANO PANG GINAGAWA MO DIYAN? MOVE!"Dali-daling tumayo ang sekretarya at lumabas ng opisina.A tall sinister-looking guy in a black suit entered the room. And the way his eyes look, he is way scarier than Cheyne was."Why are you terrorizing my secretary?" tanong ni Dylan sa kapatid na si Cheyne."May pina-investigate akong babae diyan sa secretary mo kaso basura naman 'yong information na ibinigay sa akin."Nangiti si Dylan kay Cheyne. "Sa pagkakaalam ko..
CONVENIENCE STORE"Ohhhhh!" marahang bigkas ni Bem-Bem habang tinititigan si Yohan na kanina pa nakasimangot habang ngumunguya ng chichirya. "Tsk! Tsk! Tsk! Alam ko 'yang mga itsurang ganyan eh. Ganyan ang mga itsura ng mga na-babasted eh.""Alam na alam mo ah?" banat ni Gino kay Bem-Bem. "Kung sa bagay, 'yang pagmumukhang 'yan mukhang dala na sa basted eh."Napasimangot lang si Yohan habang tinitingnan ang dalawa. At lalo pa siyang napasimangot nang iabot ng isa pang classmate nila ang test paper niya at makita ang score niya.Tanginang score 'to oh... itlog na naman puta..."By the way, wala kasi si Astrid, baka puwedeng ikaw na magtago nito at magbigay sa kanya.""T-Teka... b-bakit ako?"Pero di na nagawang makatanggi pa ni yohan nang iwanan nito ang test paper sa mesa niya at makita ang ngiting aso ng dalawa niyang tropa."Sus! Kunwari pa 'tong betlog na 'to. Gusto mo naman talaga magkadahilan para ma
Pagkagaling sa kuwarto ni Ethan, kaagad nagmadaling magtungo si Zea sa hagdanan bago pa ma-activate ang mga CCTV na kanina pa mina-manipulate ni Kaito. Mabilis siyang lumakad sa hallway ngunit mabilis din na napahinto nang may mahagip ang kanyang mga mata.It was a familiar face. A face she hasn't seen for a long time.Kaagad nanlamig ang mga palad niya at unti-unting gumapang ang kaba sa kanyang dibdib.Habang marahang sinusundan ang lalaking nakita niya sa kahabaan ng dim lit na hallway. Parang biglang natuyo ang lalamunan niya at halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.Siya nga ba? Siya nga ba yun?Isang matangkad at matipunong lalaki. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil bahagya itong nakatalikod sa kanya.Pero paano?Bakit naman siya mapupunta rito sa Macau?Halos bumaon na ang kuko ni Zea sa pader sa tindi ng pagkakakapit niya rito hab
Dylan seats comfortably on a luxurious chair as he enjoys a glass of whisky while watching Cheyne moves around the cage."Why don't you take a seat?" tanong ni Dylan sa lalaking katabi niya na nakatayo sa malapit sa kanya.Isa itong matipuno at matikas na lalaki. His arms were covered with intricate tattoos and he got a long scar on his forehead. With the looks of him, for sure he was Dylan's personal bodyguard."I rather not Sir..." seryosong sabi nito.Napatingin si Dylan sa kanya."Why don't you relax Marco? Madali lang naman matatapos ang Laban na to," Dylan confidently said.Pero Hindi umiimik si Marco. His jaw tightened as his sweat dripped on his forehead.Dylan chuckled when he saw his nervous face. "Why are you so worried?""Hindi pa ako sigurado... pero sana nagkakamali lang ako sa Iniisip ko."Dylan looks at the ice on his glass, as it slowly melts on his whiskey. "You're thinking too much..."
"Sir Dylan..." Marco looked at him pleading.Tinignan muli ni Dylan ang kanyang kapatid. This time, he saw fear in Cheyne's eyes. Hirap na itong itaas ang dalawang kamay at hindi na gaanong makakita dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa malalim niyang sugat sa kilay.But Dylan is a businessman. He doesn't like to lose. Lalo na kung pera ang usapan. He bet a huge amount of money for this fight, but it's also hard for him as a brother to look at Cheyne like that.Mabilis na kumilos si Ethan. Habang pilit na hinahanda ni Cheyne ang sarili sa susunod na pag-atake niya.He blazed towards Cheyne. He swung his body in full force, then gave Cheyne a devastating elbow right into his chest.Nagulat si Ethan ng masalag ito ni Cheyne. He might be in fear, but giving up is not in Cheyne's dictionary. Pero hindi naging sapat ang pagsalag nito. Ethan's sharp elbow still managed to get through his defense.Next, Ethan did an upward strike
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti