White socks, check! Black school shoes, check! Blue checkered Uniform, check! Red strappy school bag, check! and a cutie silver headband, check na check!
All geared up, Zea went to school. Naglalakad pa lang siya sa sidewalk ng school ay ramdam na niya ang lahat ng matang nakatingin sa kanya.
"Bago siguro yan..."
"Oo, ngayon ko lang siya nakita."
"Grabe, nakita mo yung kutis? Anak mayaman 'yan siguro."
She bit her lips. Halos napangiti si Zea siya sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga estudyante. Maraming nakasunod sa likod niya kaya marahan siyang naglakad patungo sa high school building.
"Miss... anong grade mo na?" tanong ng isang binatang na naglakas ng loob na kausapin siya.
"Grade 12," mabilis niyang sagot saka lumakad lang ng diretso.
"Kinausap niya ako!" sigaw ng lalaki sabay hiyawan ng mga kabarkada nito.
Papasok na sana siya ng building nang biglang may humarang sa kanya.
"Hi Miss..."
Zea's eyes slowly went up. Ngunit mabilis siyang napangiwi nang makita si Ethan. Lahat tuloy ng lalaking sumusunod sa kanya ay mabilis na nagpulasan.
"Alam mo, kahit kailan panira ka ng awra eh."
"Sus... enjoy na enjoy ka naman. Maliit pa mga pututoy no'n."
"Che! Kung makapagsalita rin 'to, akala mo ang laki ng kanya?"
"Gusto mong makita?"
"Utang na loob Eth... Errol! Puwede ba? Ano bang ginagawa mo rito? Doon ang College building, di ba?"
"Wala naman..." Ethan flashed his naughtiest smile. "Gusto lang kitang makitang naka-high school uniform." Sabay tingin sa dibdib ni Zea.
"Ah talaga? Yung uniform ang gusto mong makita? Kung makatingin ka kasi parang yung nasa loob ng uniform ko ang gusto mong makita."
"Well, puwede rin naman kung papayag ka."
Mabilis na dinibdiban ni Zea si Ethan. "Lumayas ka na leche ka!"
"Oo na.. aalis na," natatawang-wika nito sabay kindat. Pero inismiran lang siya ng dalaga sabay talikod.
Nangiti lang si Ethan habang pinagmamasdan ito maglakad palayo. "Kunwari pa. Gustong-gusto rin naman niya akong tikman." bulong niya sa sarili. Pero laking gulat niya nang biglang humarap sa kanya si Zea na puyos na puyos sa galit.
"Narinig kitang manyakero ka!" sabay turo ni Zea sa hikaw niyang listening device.
Natawa lang sa kanya si Ethan, saka mapang-asar pang kumagat sa kanyang labi.
***
Halos hindi na magkarinigan sa loob ng silid at kanya-kanya ng kumpulan ng grupo ang mga magkakaibigan. Bumukas ang pinto at kaagad nagsipagpulasan ang mga ito at naupo sa kanya-kanyang puwesto.
"Good morning everyone. We have a new student in our class. I want you to meet, Ms. Astrid Garcia."
Lumakad sa gitna si Zea, ngumiti sa buong klase at halos lahat ay natulala sa kanya.
"Ms. Garcia, can you tell us a little bit about yourself."
Marahan na tinitigan ni Zea ang mga bagong kaklase, saka muling ngumiti. "Hi everyone! I'm Astrid Garcia. I'm from SVC University. I'm from France, but my parents sent me back. So, I'm now staying at our old house at Dizon."
"Oh... France." bulong ng isa niyang classmate.
"Is that for real?"
"I bet hindi naman marunong mag-french yan..."
Zea let out a forced smile. Pero ang pagtaas ng kilay niya ay isang bagay na hindi na kailangan ng force. Napabuntong hininga na lang siya, habang pinagmamasdan ang mapunuring mga tingin ng ilang kaklase niya.
Wala rin naman palang nagbago sa High school. Nagkalat pa rin ang mga Bitchessa.
Hindi tuloy mapigilan ni Zea na maalala ang nakaraang school life.
"Nakakainis yan si Zea, ang yabang. Palibhasa ang daming alam, akala mo kung sino."
"Ang overachiever! Kulang na lang patayuan na siya ng monumento dito sa school."
"Friends? No way... Wala naman alam yun kundi magbasa ng libro at ang hobbies niya, mag-recite. Duh?!"
"Si Zea? Naku di ka papakopyahin no'n. Sobrang self-righteous no'n eh."
"Hmm... maganda si Zea eh, kaso nakakatakot yung daddy niya eh."
"Hindi lang kamo daddy niya, Hindi ba judo expert din siya? Baka ibalibag lang tayo no'n."
"Mayaman kasi sila, baka matahin lang ako no'n, kaya hindi ko siya ina-aapproach."
Parang may kung anong lumamukos sa puso niya tuwing maririnig ang bulung-bulungan ng mga nakapaligid sa kanya.
How can they be so rude? I can't help it kung matalino at mayaman ako. I'm born with it. Wala rin akong balak pababain ang grades ko just to please them. Lagot naman ako sa Dad ko no'n. I never imagined school would be so tough. Damn, I have no friends at all.
Muli siyang napabuntong-hininga. Mukhang mauulit na naman ang nangyari sa kanya sa pagkakataon na ito.
"Would you just quit it?"
Natahimik ang lahat ng marinig ang tinig ng isang babae. "How can you be so rude? Bago lang siya dito sa school! Can't you be a little bit nicer to her?" saway ng isang dalaga sabay lingon at ngiti kay Zea. "Hi! I'm Selene Madrigal. I'm the class President."
Marahang bumagsak ang mahaba nitong itim na buhok sa kanyang balikat nang ilahad nito ang kamay patungo kay Zea. Ngumiti ang mala-manika sa gandang mata nito saka lalong lumapad ang ngiti sa mamula-mula nitong mga labi.
Kaagad napangiti si Zea at kinamayan ito. "Hi, I'm Astrid."
****
Matapos ang unang subject kaagad umakyat si Bem-Bem sa rooftop.
"Uy Dre!" tawag ni Bem-Bem kay Yohan at Gino na kasalukuyang nakahilata sa bench. "Langya, bakit di kayo pumasok?"
Nangiti lang si Gino habang nagii-scroll sa phone. "Wala naman masyadong nangyayari sa first day. Bakit pa kami papasok?"
Tamad namang dumilat si Yohan at inis na napakamot sa ingay ng dalawa. "Ano naman kung di kami pumasok? Ano bang pinuputok ng buchi mo?"
"Ang pinagpuputok ng buchi ko eh, hindi niyo ako sinabihan na tatambay kayo dito. Para tuloy akong tanga kanina sa classroom."
"Para ka naman talagang tanga, may bago pa ba dun?"
natatawang biro ni Yohan na ikinatawa nila ni Gino."Buti na lang may bago tayong classmate na ubod ng ganda. Nangawit nga leeg ko kalilingon sa kanya," ngiting-ngiting kuwento ni Bem-Bem.
Yohan looking totally uninterested. Humiga ulit ito sa bench at tinakpan ang mukha para matulog.
"Anong itsura Bem?" usisa ni Gino.
"Maganda dre, mahaba ang buhok, maputi, maganda ang mata, tapos ang nipis ng labi na mapula-pula pa... mukhang manika... tapos ang cute pa niya dun sa headband niyang silver na may bulaklak sa gilid."
Napabalikwas bigla si Yohan sa upuan. Halos mahulog na nga siya sa pagkakatayo.
"Ano? naka-ano? Headband na silver? May bulaklak sa gilid?" nagmamadaling pagtatanong ni Yohan.Nangiti tuloy si Bem-Bem. "Inulit mo lang kaya, sinabi ko."
Mabilis na tumayo si Yohan at kinaladkad si Bem-Bem.
"Ituro mo nga sa akin yang babaeng yan." Hinawakan niya ito sa balikat, saka nagmamadali itong kinaladkad. Sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Yohan, hindi na magawang makapalag ni Bem-Bem.
"Dre, alam kong guwapo ka. Pero chic ko na yun, walang taluhan." nag-mamakaawang tugon nito.
Kaagad naman siyang binatukan ni Gino.
"Anong chic? Yun yung naka-away ni Yohan sa Bazaar kahapon."****
Dahan-dahang naupo si Zea, dala ang pagkain niya na nakalagay sa tray. Pumwesto siya sa bandang gitna ng long table at inilapag niya isa-isa ang pagkain sa lamesa. Napatingin siya sa mga kasabay niyang kumain na halos lahat ay nakangiti rin sa kanya.
Well at least... this time hindi ako hated sa school. Everybody seems to be friendly.
Kakagat na sana siya sa sandwich, nang bigla na lang bumalagbag ang pintuan sa canteen. Her eyes narrowed as she saw a familiar silhouette of a guy walking towards her —and It was none other than Yohan.
Naupo ito sa ibabaw ng table ni Zea. Samantalang ang ibang mga Blue SIBS ay nagkumpulan sa table niya. Unti-unting nang umiiwas ang mga tao sa kanila.
"Ang suwerte mo naman talaga ano?" Yohan smirked. "Sa dinami-dami ng school dito sa siyudad. Dito ka pa sa baluarte ko pumasok." naka-ngising sambit nito.
"Ssssh!" Zea put her finger on her lips to shut him up and munched on her sandwich and licked the mayo on her finger.
"You were saying?"Bukod sa hindi nakinig ay hindi rin siya pinansin ni Zea. Bagay na lalong ikinangitngit ni Yohan.
Marahas na hinampas ni Yohan ang mesa. "Alam mo ang tapang mo eh. Palibhasa, hindi mo kilala binabangga mo."
"Bakit, kailangan ko ba?" singhal ni Zea.
Yohan irritatingly chuckled. "Hayaan mong ipakilala ko sayo, ang sarili ko."
He quickly flipped the food tray straight into Zea's face. But to everyone's surprise. Zea caught the tray, while she comfortably sipped on her zesto. Marahan nitong ibinaba ang tray sa lamesa at matamang tinitigan ang binata.
"So? Tray ba ang pangalan mo?"
Yohan glared at her, stood up, and grabbed Zea by her collar, he tried to pin her down the table.
Pero mabilis din nahawakan ni Zea ang kuwelyo ng binata at pilit din binaltak ito. Nagkatitigan ng masama ang dalawa.
Yohan loses his temper and dragged her off the table. But as soon as Zea set foot on the empty area. She planted her foot onto the ground, grabbed his hand and gripped his shoulder, and slammed him hard onto the ground.
"Tang-ina, judo throw!" napasigaw si Bem-Bem.
Zea gave him a smirk.
Napatanga si Yohan kay Zea, habang nakahilata ito sa sahig. Hindi naman niya kasi akalain na marunong pala mag-judo ang babaeng ito.
Mabilis na kinuyog ng blue sibs si Zea. Masyadong marami, hindi siya nakapalag. Dinarag siya ng mga ito papasok sa comfort room habang si Yohan hanggang ngayon tulala.
"Huy Dre! Sundan mo!" sigaw ni Gino.
Mabilis na napatayo si Yohan. Ang bilis ng mga pangyayari at puro sigawan na lang sa comfort room ang kanyang naririnig.
Gusto lang naman ni Yohan na takutin ang dalaga. Pero wala naman siyang balak na saktan talaga ito. Tumakbo siya papasok sa banyo. Ngunit pagkapasok niya ay kaagad siyang sinalubong ng mga Blue SIBS na nagtatakbuhan palabas.
Dumiretso siya sa loob, pero walong lalaki na walang malay sa sahig ang bumungad sa kanya, habang ang isa naman ay nagngangangawa habang ina-arm lock sa leeg ng dalaga.
Kaagad siyang namataan ni Zea. At sa puntong iyon biglang kinabahan ang binata. Ibang iba kasi ang aura nito kumpara kanina.
That kind of deadly stare. Is the same look, he sees in his enemy's eyes. Like a cold, ruthless assassin ready for the kill. Mga tingin na nakikita lang ni Yohan sa mga nakakalaban niya sa Arena.
"Let me introduce myself first." Zea coldly said. "I'm Astrid Garcia, and no one messes with me!"
She sprinted towards Yohan, she quickly stepped on the side of the wall, leaped into mid-air, and gave Yohan a diving punch. But due to Yohan's quick reflexes, he was able to avoid Zea's attack. He swiftly grabbed her and pinned her onto the ground. He's now on top of her and made sure to hold her still until she calms down.
Nagpumiglas si Zea pero malakas talaga si Yohan.
"You still won't quit? Tumigil ka na." he whispered.
But Zea was just too angry to stop now. She swiftly slid her legs and put it around his shoulders.
Halos maduling tuloy si Yohan at nang mapatingin siya sa maputi at napakinis na legs ni Zea na nakapulupot sa balikat niya.
Puta! Triangle choke.
Pero huli na ang lahat.
Zea quickly utilized her legs and isolated Yohan's head and arms. Cutting off the arteries around his neck.
Kapag hindi nakakilos ng mabilis si Yohan. Hindi dadaloy ang dugo sa utak niya at siguradong mawawalan siya ng malay.
He wanted to pound Zea's face. He could, but he wont. Pero mukhang tutuluyan talaga siya ng dalaga. Namumula na ang mga mata niya. Sinubukan niyang tumayo. Nagulat na lang si Zea nang maramdaman niyang umangat ang katawan niya.
She can't imagine how strong this kid is. He still managed to stand up in a middle of a vicious triangle choke.
Pero hindi pa rin bumibitaw si Zea. Marahas na ihinampas ni Yohan ang katawan sa pader dahilan para makabitaw si Zea. Mabilis siyang sumagap ng hangin. At ang huli na niyang nakita ay ang mga taong pumasok sa loob na pilit silang pinaghiwalay.
****
And then, there was silence. Pitch black. Until a hard slap woke him.
Pagdilat ni Yohan ay kaagad siyang napatingin sa familiar na kisame. Kasunod nito ay isang pamilyar na mukha na ayaw niyang makita —the Guidance counselor's face.
Dammit! asar na bulong ni Yohan sa sarili.
He was sitting there along with Zea on the other side and the rest of the unconscious guys in the C.R. sitting behind them.
Isa lang ang itsura nila pare-pareho. Gulo-gulo ang buhok, gusot at madumi ang uniform, yung iba may punit pa.
"Hindi kayo excited no? Talagang hindi niyo pinalagpas ang first day ng klase para mag-rumble?" inis na wika ng guidance counselor, habang isa-isang tinititigan ang kanilang mga mukha. Hanggang mapunta ang kanyang tingin kay Zea.
"When I told you that I'll see you around the campus. Hindi ko inakala na sa ganitong pagkakataon tayo magkikita."
Hindi makatingin ng direkta si Zea. Walang nagawa ang guidance counselor, kundi huminga ng malalim.
"Sinong gumawa sa inyo nito?" tanong nito sa mga estudyanteng nabugbog.
Natatakot man sila, marahan nilang tinuro si Zea.
"Ms. Astrid?" hindi makapaniwalang tanong ng Counselor.
Tumango-tango lang si Zea.
"Sino Nag-umpisa?" tanong nito ulit.
Marahan naman nilang tinuro si Yohan.
"Si Mr. Yohan as usual. Wala ka na bang makalaban dito sa school? Kaya babae naman ang pinapatulan mo?"
"Pinunit niya yung pera ko." mahina niyang sambit.
"Ano?"
"Pinunit niya yung pera ko pang-enroll."
Bumaling ng tingin ang Guidance Counselor kay Zea.
"Is this true, Ms. Garcia?"Tumango-tango lang siya ulit.
"At kaya niyo siya binalikan tapos ipinasok niyo sa CR at tinangkang i-rape?" akusa nito.
"Hindi Sir ah! Wala pong ganon!" sigaw ng mga lalaki sa loob Guidance office. Umalma ang lahat nang ma-brought up ng Guidance counselor ang issue na rape.
"Wala kaming planong ganun. Naaangasan lang kasi ako sa babaeng yan, kaya gusto ko sanang takutin, kaso pumalag. Basagulero ako Sir, pero hindi ako rapist." paliwanag ni Yohan.
"Proceed to the Detention room," galit na pahayag ng counselor.
Mabilis silang tumayo.
"At saan naman kayong dalawa pupunta?" saway nito kay Zea at Yohan.
"Sila lang di kayo kasama."Marahang naupo ulit ang dalawa, naka-simangot.
"Ano sa tingin niyo? Papayag ako na matutulog lang kayo sa loob ng Detention Room? Matapos ninyong mag-rumble at sirain ang Boy's CR?"
Sumenyas ito sa assistant niya at kaagad dinala ang walis, mop at timba sa harap nila.
"Bilang parusa, gusto kong linisin niyo yung bagong tayo na pre-school building. At walang mag-aaway ha! Lahat ng room, pati hallway. Hindi kayo papasok buong araw at hindi kayo uuwi hangga't hindi tapos ang lahat."
****
Nagtitigan ng masama ang dalawa habang hawak ang walis at mop. walang katao-tao sa lugar. Sila lang.
"Ano?! Gusto mo dito natin ituloy?" hamon ni Yohan.
Zea just rolled her eyes at him.
"Wala ka rin kadala-dala ano?" Bibitawan na sana niya ang walis, pero bigla silang may narinig na taong paparating.
"Dito na lang, baka may makakita sa atin." Malamyos na tinig ng isang babae.
Napakunot ang noo ni Yohan nang marinig ito. Kilala ko yung
bosesnayun ah..."Bakit ba kasi kailangan natin nagtago?" tanong ng lalaki.
Mula sa 2nd floor, mabilis na sinilip ni Yohan sa baba ang dalawang nag-usap.
Selene? Hindi maka-paniwala si Yohan.
"Huwag ka nang magtampo. Ayoko lang ng issue." malambing na yumakap si Selene sa lalaki.
Mariing kinuyom ni Yohan ang kanyang mga palad, at kaagad naman itong napansin ni Zea. Napasilip din tuloy siya sa ibaba.
Si Selene? Siya yung mabait na class President kanina. Marahang napatingin si Zea kay Yohan. Hindi ito umiimik pero halata namang umuusok na ilong nito sa galit. So... may gusto pala tong mokong
na to kay Selene, bulong ni Zea sa sarili.Napalingon si Yohan kay Zea at nakita niya itong pangisi-ngisi na nakatingin sa kanya. Yohan grabbed her shoulders then forced her to get down. Sabay senyas na wag maingay.
"Ayaw mo ng issue? Oh ayaw mo malaman ni Yohan?" galit na tanong ng lalaki kay Selene.
"Ikaw naman, alam mo naman na kailangan ko lang si Yohan. Para walang makakakanti sa akin sa school." malambing na wika ni Selene sa lalaki.
Napataas tuloy ang kilay ni Yohan at sadyang ikinagulat ni Zea ang narinig. Iba kasi ang ugaling pinakita niya kanina kumpara ngayon.
"Akala kasi ng lahat siya ang boyfriend mo, nagsasasawa na ako nang katatago."
Selene kissed the guy sweetly. "Ikaw lang naman talaga eh. Hindi ko naman siya talaga gusto. Kailangan ko lang ng impluwensya niya. Malakas kapit niya sa SIBS, alam mo namang kailangan kong mapanatili yung scholarship ko, right?"
Zea didn't know how to react. Oo, galit siya kay Yohan. Pero hindi naman siya insensitive. Napatingin siya rito and Yohan just sat there listening quietly.
Nagpaalam na ang lalaki kay Selene pero naiwan pa ang dalaga sa lugar. Akmang tatayo si Yohan pero mabilis na kinabig pababa ni Zea ang kamay niya hanggang sa mapaupo ito. Napatingin sa kanya si Yohan.
"Ssshh..." saway ni Zea, sabay turo sa paparating na mga barkada ni Selene.
"Sabi ko na dito mo na naman tinagpo yang boylet mo.," wika ng isa sa mga babaeng kabarkada ni Selene.
Selene wickedly smiled at the girl."You mean boy toy?" she said with her bitchiest smirk at nagtawanan ang grupo ng mga hitad.
"Alam mo Selene talent yan ha, how do you manage to juggle 3 boys in the palm of your hand? Not to mention kasama si Yohan ha. Hindi ka ba natatakot?"
Selene flipped her hair and smirked.
"Not at all, bitch."Yohan's jaw tightened.
"Alam niyo kasi girls, hindi ko kailangan ng 'King' sa high school. Ang kailangan ko, ay yung kayang mag-hari kahit matapos pa ang high school at college." walang ka-gatol-gatol na sambit ni Selene.
They all nodded in agreement.
Yohan gritted his teeth. He's furious right now. Pero mabilis na hinawakan ni Zea ang braso nito para pigilan ang binata.
"Oh by the way, yung transferee?" tanong ng isa sa mga babae.
"What about her?" tanong ni Selene.
"Hindi ka ba na-tre-threaten? Sobrang ganda kaya niya girl —baka masapawan ka."
Selene chuckled."Hayaan mo na yun. Hanggang ganda lang yun, mukha namang walang laman ang utak non!"
Kumunot bigla ang noo ni Zea sa narinig. Bitchessa amputa... Tatayo na sana sa pagkakaupo si Zea pero siya naman ang kinabig ni Yohan.
"Tumigil ka nga," mahinang bulong ni Yohan.
Pinandilatan siya ni Zea.
"Kung sayo, okay lang. Aba, sa akin hindi." Mabilis na hinablot ni Zea si Yohan patayo. Hinawakan niya ang kwelyo ng uniporme niya at kinabig ito papalapit sa kanya.Biglang napatanga si Yohan, habang tinititigan si Zea. Halos maduling na nga siya, habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Zea sa pisngi niya.
"Lintik lang walang ganti!." mahinang bulong ni Zea, sabay halik sa labi ni Yohan.
Nagulat ito sa ginawa ng dalaga. Hindi niya maintindihan. Pero hindi na rin niya maitatanggi. —He likes it.
He likes the way she kisses him, how soft her lips were, and the sweet scent of her long hair. He's completely lost at the moment. He looked at her beautiful face once more and he can't help but be mesmerized.
Napatingin ang isa sa mga kasama ni Selene sa 2nd floor at halos manlaki ang mga mata nito no'ng makita ang dalawa na naghahalikan. "Oh my God!" Sabay turo sa dalawa.
Tumingin naman kaagad buong grupo sa itinuro nito at sabay-sabay pa silang napanganga no'ng makita si Yohan na may kahalikan sa 2nd floor.
"S-Si Yohan yan diba?"
"Oh shit... teka, diba 'yan yung transfer student?" bulungan ng mga babaeng kasama ni Selene.
Selene froze the moment she saw Yohan kissing another girl. She couldn't believe her eyes.
Completely drawn at the moment. Yohan cupped Zea's face and kissed her intensely.
Lokong to ah... mukhang nag-eenjoy. bulong sa sarili ni Zea."Girls, umalis na kaya tayo? Bago pa tayo makita ni Yohan," kayag ng isa sa kanila.
"YOHAN!!!" Selene shouted. She's fuming mad right now and she wanted him to know that she's there.
Yohan stopped for a moment and looked at her. Unfortunately, he doesn't give a fuck anymore. Ngumisi lang ito sabay balik ulit sa labi ni Zea.
"Halika na Selene," kayag ng kanyang kasama.Ngunit nanatiling nakatayo si Selene, kahit pa hinahatak na siya ng mga kasama niya paalis. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maiiwas ang kanyang tingin sa dalawa.The way Yohan kisses that transfer student somehow brought a little pain in Selene's heart."Selene..."Asar na itong nagpakawala ng hininga saka tumalikod at naglakad palayo.At the corner of Zea's eye, she saw Selene and the rest of her crew left. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa labi nito at tinulak palayo ang binata. Bahagya itong ikinagulat ni Yohan.Halos mapatanga tuloy si Zea no'ng makita ang pamumula ng pisngi ng binata. Hindi niya tuloy mapigilang matawa. "Ay bakit? First time mo?"Lalong namula ang mukha ni Yohan at hindi makatingin ng diretso sa dalaga. Hindi tuloy malaman ni Yohan ang sasabihin. Dahil, oo —first time niya."Hindi ah.""Ahh..." Isang tusong ngi
"I believe we met earlier..." Ningitian siya ni Ethan habang naghihintay ang kamay nito sa kanya.Inabot ni Yohan ang palad nito para makipagkamay saka napangisi.Ang kinis... bakla to."Dana!" tawag ng presidente sa secretary niya."Yes, sir?""Kindly close my office and cancel all my appointments today.""Right away, Sir." Kaagad lumabas ang sekretarya at tahimik na isinara ang pinto.Tahimik na pinasadahan ng tingin ni Ethan ang SIBS president. A man of few words, reserved and seldomly smile. Sinister look, sa mga titig pa lang nito mangingilag ka nang kumilos ng masama. Sa tindig at solidong pangangatawan ng binata, nakakasigurado siyang hindi lang trabaho sa opisina ang pinagkakaabalahan nito.He's in his mid 20's. Ethan smiled sheepishly at him. Too young to be the president of a notorious organization. He must be really good at business. But I’m quite sure that there's more to that.
Mabilis na nagpulasan ang mga estudyante nang pumasok ang Advance Chemistry teacher sa loob ng silid."Good morning class!""Good morning Mrs. Ochoa!""Alright, bring out your assignments! I want to make sure na pinag-aralan niyong mabuti ang lesson kahapon." Kaagad kinuha ng teacher ang kopya ng seating arrangement saka pinasadahan ito ng tingin."Ma'am!" sigaw ni Selene saka mabilis namang nagtaas ng kamay.Pero nginitian lang siya ni Ms. Ochoa. "For sure nag-aaral ka ng mabuti, Ms. Madrigal. How about we give others a chance."The teacher scanned the room. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang estudyanteng nakadukdok ang ulo sa lamesa. Tumalas ang tingin niya sa dalaga saka mabilis na hinanap ang pangalan nito sa seat plan.Napatingin tuloy si Yohan sa humihilik na babae sa harapan niya. Palihim siyang natawa. Dinampot niya ang takip ng kanyang ballpen saka pasimpleng binato ang ulo nito. Pero wa epek!"Ms. Astrid Gar
Zea looked at her plane ticket then turned her gaze at Ethan."Mauuna kang aalis sa amin. Nandiyan na lahat ng documents na kailangan mo."He handed her a silver case. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang bulto ng pera na nakapaloob dito."I'm going to deposit this to your fake account. You'll need this to bid. Para makaakyat ka sa VIP Hall. Aalis kami ni Yohan papuntang Macau four days from now." Marahang umakyat ang kanyang tingin at hinuli ang mata ni Zea. "Masyado mo namang ginalingan kanina. Siguradong hindi makakatulog ang batang 'yon kaiisip sayo."Zea kept silent.Naalala niya kasi 'yong pakiramdam no'ng halikan siya nito. How he held her close, the way he touched her, his warm breathe against her lips.It was the exact feeling.Iyon nga lang... hindi si Yohan ang naaalala niya.But a distinct memory of the only man she loved.Suminsin ang pagkakatitig ni Ethan sa d
The sight of Zea and Ethan walking and her hand wrapped around on his arm made Yohan sick. Inis na sumimangot si Yohan. Magsama kayong dalawa. Isang malakas na ugong ng kotse ang umarangkada sa kahabaan ng kalsada. Dahilan para mabilis na mapalingon si Yohan. A sleek candy red Maserati swerved savagely towards him. Tumigil ito sa tapat niya at hindi niya mapigilang magpakawala ng hininga nang makita kung sino ang nagmamaneho nito. The window slowly slid down at isang nakangising lalaki na ngumunguya ng chewing gum ang mapanuyang dumungaw. "Look who we have here?" The guy smoothed his tied-back hair and his devilish eyes gleamed under the street lights. Bawat mapadaan sa kalsada, napapatingin sa kanila. Bukod kasi sa maangas na kotse na dala nito, di hamak na mas maangas yung nagdadala. Guwapo pero mukhang kontrabida. Malakas ang datingan at mukhang papalag. "At ano naman ang GINAGAWA
Galit na galit na binalibag ni Cheyne ang mga dokumento sa mukha ng secretary ng kapatid niya."Is this all the information you got?" Binalibag ni Cheyne ang papeles sa lamesa ng secretary and shot her a death glare. "Ano 'to? Napaka-basic ng information! Gagawa tayo ng resume?""Sorry po, Sir.""I need to know kung sino tong Astrid Garcia na to! Anong kinalaman niya kay Yohan! Sa SIBS! At 'yong Errol Suarez na yun!""Y-Yes, Sir..." nanginginig nitong wika."EH, ANO PANG GINAGAWA MO DIYAN? MOVE!"Dali-daling tumayo ang sekretarya at lumabas ng opisina.A tall sinister-looking guy in a black suit entered the room. And the way his eyes look, he is way scarier than Cheyne was."Why are you terrorizing my secretary?" tanong ni Dylan sa kapatid na si Cheyne."May pina-investigate akong babae diyan sa secretary mo kaso basura naman 'yong information na ibinigay sa akin."Nangiti si Dylan kay Cheyne. "Sa pagkakaalam ko..
CONVENIENCE STORE"Ohhhhh!" marahang bigkas ni Bem-Bem habang tinititigan si Yohan na kanina pa nakasimangot habang ngumunguya ng chichirya. "Tsk! Tsk! Tsk! Alam ko 'yang mga itsurang ganyan eh. Ganyan ang mga itsura ng mga na-babasted eh.""Alam na alam mo ah?" banat ni Gino kay Bem-Bem. "Kung sa bagay, 'yang pagmumukhang 'yan mukhang dala na sa basted eh."Napasimangot lang si Yohan habang tinitingnan ang dalawa. At lalo pa siyang napasimangot nang iabot ng isa pang classmate nila ang test paper niya at makita ang score niya.Tanginang score 'to oh... itlog na naman puta..."By the way, wala kasi si Astrid, baka puwedeng ikaw na magtago nito at magbigay sa kanya.""T-Teka... b-bakit ako?"Pero di na nagawang makatanggi pa ni yohan nang iwanan nito ang test paper sa mesa niya at makita ang ngiting aso ng dalawa niyang tropa."Sus! Kunwari pa 'tong betlog na 'to. Gusto mo naman talaga magkadahilan para ma
Pagkagaling sa kuwarto ni Ethan, kaagad nagmadaling magtungo si Zea sa hagdanan bago pa ma-activate ang mga CCTV na kanina pa mina-manipulate ni Kaito. Mabilis siyang lumakad sa hallway ngunit mabilis din na napahinto nang may mahagip ang kanyang mga mata.It was a familiar face. A face she hasn't seen for a long time.Kaagad nanlamig ang mga palad niya at unti-unting gumapang ang kaba sa kanyang dibdib.Habang marahang sinusundan ang lalaking nakita niya sa kahabaan ng dim lit na hallway. Parang biglang natuyo ang lalamunan niya at halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.Siya nga ba? Siya nga ba yun?Isang matangkad at matipunong lalaki. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil bahagya itong nakatalikod sa kanya.Pero paano?Bakit naman siya mapupunta rito sa Macau?Halos bumaon na ang kuko ni Zea sa pader sa tindi ng pagkakakapit niya rito hab
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti