Share

II

Penulis: Taryn
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-17 10:26:57

Tammy's POV

"Happy birthday, Tammy!" Malakas na bati nina Ate Lucy at iba pang kasambahay kasama na ang mga drivers dito sa bahay. Napa-upo ako sa hagdan dahil kagigising ko lang at napag-desisyunan kong uminom ng malamig na tubig, pababa lang ako nang batiin nila ako.

"Kayo naman po, hindi pa ako nakaligo!" Nag tawanan sila sa sinabi ko. Naglakad papalapit sa akin si Nanay Betty at inakay ako pababa ng hagdan. Nakakahiya dahil naka pajama at naka-paa lang ako.

"Happy birthday sa nag-iisa naming prinsesa!" Maligayang bati ni Kuya John, ang driver namin.

"Thank you po!" Pumunta kaagad ako sa mesa na puno ng pagkain. "Ang dami naman po nito." 

"Syempre naman, para sa 'yo yan lahat. Masaya ka ba?" Nginitian ko si Ate Lucy.

"Sobra ate!" 

"Oh ngayong labing-anim kana kailangan doble ingat na talaga kami sayo. Hindi ka pa pwedeng magpaligaw ha?" Humagikgik ako dahil sa sinabi ni Kuya Noel--- isa sa mga hardinero dito.

"Oh siya sige mag wish ka na bago mo hipan ang kandila nitong cake mo." Pumikit ako at inisip kung ano ang iwi-wish ko. Ano pa nga ba ang dapat kong hilingin? Lahat na yata ng bagay ay nasa akin na dahil binigay lahat ni Sir Reagan. Mula sa limited edition na sapatos hanggang sa top of the line na gadgets.

Kung ganon ay uulitin ko nanaman ulit yung laging kong hiling na hanggang ngayon ay hindi pa natutupad.

Sana makita ko ulit ang Papa ko.

Two years ago ay binalikan ko ang bahay na inuupahan namin noon ni Papa ngunit wala akong nadatnan. Nag tanong ako sa mga kapitbahay kung alam ba nila ang nilipatan ni Papa pero wala akong nakuhang sagot kaya naman ngayon hindi ko na alam kung nasaan ang Papa ko. Pakiramdam ko ay alam ni Sir Reagan kung nasaan siya pero paano ko maitatanong kung matagal na siyang hindi umuuwi dito? 

Ang huling pagkikita namin ni Sir Reagan ay noong sampung taong gulang palang ako. Nung sinabi niya sa aking g-ginawa raw akong pambayad utang ni Papa sa kanya. 

Napayuko ako at napabuntong hininga nang maalala ko ang tagpong 'yon. Naramdaman kong namasa ang mga mata ko kaya paulit ulit ang naging pagpikit ko upang mapigilan ang nagbabadya kong pagluha. 

"Okay ka lang ba?" Tumikhim ako bago tumingala at pineke ang ngiti.

"Okay na okay ako ate, busog na nga po ako eh!" Sagot ko kay Ate Lucy nang tabihan niya ako rito sa mesa. 

"Pasensya ka na kung hindi natin pwedeng tawagin yung mga kaklase mo rito ha?"  Nginitian ko siya. 

"Naiintindihan ko naman po yun ate." Tumango tango siya habang nakangiti. "Pwede naman po naming i-celebrate sa ibang lugar." Pagbibiro ko. Hindi kasi nila ako masyadong pinapayagang gumala-gala dahil baka malaman ni Sir Reagan at pagalitan ako-- syempre ayoko ring mapagalitan sila dahil sa akin.

"Pwede rin pero magpaalam ka muna sa amin para alam namin kung saan ka pupunta at kung sino mga kasama mo." 

"Talaga po? Thank you poooo!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si Ate Lucy dahil sa sobrang saya. Feeling ko ngayong labing-anim na ako ay papayagan na ako ni Nanay Betty na sumama sa mga kaklase ko tuwing may outing. Hindi naman siguro malalaman ni Sir Reagan kung walang magsusumbong pero syempre, mag-iingat pa rin ako.

"Siya nga pala, bago ko pa makalimutan ay ibibigay ko na sa iyo. Hintayin mo ako rito." Tumayo siya at naglakad patungo sa kwarto nila. Ano kaya yun?

Nagkibit balikat na lang ako at pinanood sina Nanay Betty at ibang mga kasama namin dito sa bahay. Masaya silang kumakain at nag bibiruan, napangiti ako. Napakaswerte ko dahil mababait sila at itinuturing na nila akong parte ng pamilyang nabuo nila dito sa mansyon.

Nasaan na kaya si Sir Reagan at saan kaya siya nakatira? Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil kapag umuuwi siya dito minsan ay nasa eskwelahan ako o kaya naman ay mahimbing ang tulog ko. Sabi nila Nanay Betty ay hindi raw talaga masyadong umuuwi dito si Sir Reagan dahil marami siyang business sa ibang bansa at isa pa, hindi lang naman daw ito ang bahay niya. 

"Tammy." Isang puting envelope ang inabot sa akin ni Ate Lucy. Tinignan ko ang harapan at likod nito. "Sulat yan pero mamayang  gabi mo na basahin." 

"Sige po." Sabi ko bago kumain ulit. 

Since linggo ngayon at wala naman silang masyadong ginagawa, nag karaoke kami hanggang sa mapagod at magsawa kami.

Ang saya lang kasi kahit simple at kami kami lang ang nag celebrate ng kaarawan ko ay nag enjoy naman kami at nabusog. Taon-taon ay ganito kami lalo na kapag may nag b-birthday at kahit na papaano ay nababawasan ang pangungulila ko kay Papa.

Pagkatapos kong mag bihis at habang bino-blower ko ang buhok ko ay napako ang atensyon ko sa white envelope na nasa ibabaw ng bedside table ko. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang envelope.

Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat. Unang linya pa lang ay tumulo na ang mga luha ko.

Anak,

Maligayang kaarawan sa iyo, anak ko. Kamusta ka na dyan? Balita ko ay bumalik ka sa dati nating bahay dalawang taon na ang nakararaan. Pasensya ka na dahil hindi ko pa pwedeng sabihin kung nasaan ako pero huwag kang mag alala, lagi kitang binabantayan mula sa malayo. Kitang kita ko ang pag-aalaga nila sa 'yo dyan at masaya ako dahil nakakapag-aral ka sa magarang paaralan bagay na alam kong hindi mo mararanasan kapag nasa puder pa kita. Huwag kang mag-alala sa akin, maayos ang kalagayan ko at maganda ang bahay na tinutuluyan ko. Mahal na mahal kita, anak. At para sa 'yo lahat ng ginawa ko.

                                                                                                                  Papa.

Napayakap ako sa liham ni Papa habang umiiyak. Patuloy sa pag-tulo ang mga luha ko, sobrang namimiss ko na kasi siya. Wala na akong pakialam kung totoo ngang ipinambayad utang niya ako kay Sir Reagan, ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman kung nasaan ang Papa ko at makita siya ulit.

Humiga ako sa kama at patuloy na umiyak. Aanhin ko lahat ng bagay na mayroon ako ngayon kung hindi ko naman kasama ang Papa ko? Oo, pinapaaral ako ni Sir Reagan sa magarang eskwelahan, may sariling driver, may mga kasambahay na naninilbihan at nag-aalaga sa akin,  mga magagarang gamit, pera sa bangko at may sariling kwarto sa mansyong ito at masaya naman ako. Pero sa tuwing mag-isa na lang ako at naaalala ko si Papa ay pakiramdam ko walang-wala ako. Ang lungkot lungkot ko.

Iniyak ko lang ng iniyak yung lungkot na nararamdaman ko hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako habang hawak ang sulat sa akin ni Papa.

"Belated happy birthday bakla!" Bati sa akin ni Rousanne. "Bakla ka ng taon, hindi mo na naman kami inaya sa bahay niyo kahapon!" Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Mag mula kasi noong first year high school kami hanggang ngayong fourth year na, tuwing birthday ko ay ipinipilit nilang pumunta sa bahay kaso hindi pwede dahil natatakot ako at nakakahiya rin. Syempre nakikitira lang naman ako doon, ang lakas naman ng loob kong mag bisita, diba?

"Sorry talaga, hindi kasi pwede eh. Pero pwede na tayong lumabas dahil papayagan na nila ako." Sabi ko na ikinatuwa naman nila. Dito sa school ay may lima akong kaibigan. Si Rousanne, Camilla, Clark, Sebastian at Domi--- na isang beki. Kahit na ubod ng yaman ang kani-kanilang pamilya ay napaka-simple nilang kasama. Hindi maarte at hindi bully. Noong bata ako, akala ko kapag nasa private school ka ay bu-bullyhin ka ng mga mayayaman, hindi pala. 

"Hey, happy birthday!" Nag beso kami ni Camilla sabay abot niya sa akin nung regalo niya. 

"Nag abala ka pa." Sabi ko. 

"Uy, syempre meron din sa 'kin." Inabot din ni Rousanne yung regalo niya sa akin kaya natatawa na lang ako. Nagpapamahalan kasi sila ng mga regalong ibinibigay.

"Happy birthday, Tammy." Inabot ni Clark sa akin ang regalo niya bago nagpatuloy sa paglalaro sa kanyang iPhone.

"What is the meaning of this?" Binato ko si Domi ng crumpled paper dahil naagaw na naman niya ang atensyon naming lahat dahil sa entrada niya. Mabuti na lang at hindi pa dumadating yung guro namin.

"Don't tell me wala kang regalo kay Tamara?" Gulat na tanong ni Rousanne sa kanya.

"Gaga! Pwede ba yun? Nasa field na, yung helicopter namin na di rin nagamit ever ang gift ko." Sabi niya bago irap.

"Ang yabang! Baka ikaw pa bigyan ni Tammy ng helicopter!" Biro ni Camilla. Umiling iling na lang ako, nami-miss ko tuloy yung mga kalaro ko ng pogs sa dati naming bahay ni Papa. "Teka, nasaan ba si Seb?" Tanong niya. 

"Baka nasa gym yun at nanonood ng mga nag f-final practice ng cheerdancing. Gosh, if I know bet lang niyang makakita ng mga babaeng maikli ang palda na pinapalipad ng mga boys." Natawa sila sa biro ni Rousanne pero ako nanatili lang sa labas ang tingin.

Si Sebastian Delfin ay matagal ko nang gusto, simula pa lang nung first year high school kami ay gusto ko na siya. Ang bait niya kasi at maalaga. Naramdaman kong gusto ko siya nung nagkasakit ako pero kailangan ko pa ring pumasok dahil final exam, inalagaan niya talaga ako at hindi niya ako pinabayaan. Mayroon pa yung time na dinatnan ako ng buwanang dalaw tapos hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala akong dalang napkin at extra uniform, nung time na yun wala rin yung P.E uniform ko sa locker dahil pinalabhan ko kaya ang ending, binilhan niya ako ng skirt at underwear. Sobrang hiya ko 'nun pero sobrang pasasalamat ko rin sa kanya.

"Are you listening?"

"Ayun, tulaley si bakla." Bumalik ako sa ulirat nang magsalita si Rousanne, nasa harap ko na pala si Seb nang hindi ko namamalayan. Parang bigla akong naputulan ng dila at hirap na magsalita nang makita kong nakangiti siya sa akin.

"A-ano.." Ang hirap ng ganito, yung magkagusto ka sa kaibigan mo tapos ikaw lang nakakaalam dahil ayaw mong ipaalam sa iba mo pang kaibigan dahil alam mong aasarin ka nila. Kaya ending, tinatago mo na lang yung nararamdaman mo. Tinatago at sinasarili yung saya at kilig. "Bakit?"

"Anong bakit? Sabi ko happy birthday." Nakangiti pa ring sabi niya sabay abot ng regalo.

"Feeling ko sobrang mahal niyan, patingin nga?" Kinuha ni Camilla yung paper bag at kinuha yung box sa loob. "Gosh, ang bigat ha." Nang buksan niya ang box ay napatakip kaming lahat ng bibig.

"Holy f*ck! Ito yung pinag-uusapan lang natin last week na bag!" Maingat ko itong kinuha sa kanya at napatitig talaga sa sling bag na regalo sa akin ni Seb. Ito yung pinag uusapan naming bago labas na limited edition rare design na sling bag ng isa sa pinakasikat na luxury goods manufacturer sa mundo. At dahil bagong labas lang ito, paniguradong milyon ang halaga nito.

"I know that you like the color white so much kaya yan ang binili ko." Aniya habang nagkakamot ng batok na parang nahihiya. Aba? Siya pa talaga ang may ganang umarte ng ganyan eh ako nga 'tong dapat na mahiya dahil gumastos pa siya ng milyon para lang sa regalo niya sa akin.

"T-thank you sa inyo." Bigla ko na lang nasabi habang nakatingin pa rin sa bag. Hindi naman ako nagpapasalamat dahil ang mamahal ng mga binigay nilang regalo, nagpapasalamat ako dahil grabe yung pinaparamdam nila sa akin. Sobrang saya ko dahil may mga kaibigan akong gaya nila.

"Damn Tamara, don't you ever cry again." Natawa na lang kami sa sinabi ni Clark sa amin. Ayaw niya kasi nang may umiiyak sa grupo namin. Last year kasi ay naiyak ako dahil sinurprise nila ako nung birthday ko.

"Ito naman si bakla! Oh siya, saan tayo sa weekends? Diba sabi mo sure kang papayagan ka na nilang sumama sa amin? Where to go mga baks?" Excited na tanong ni Rousanne. Sa aming lahat ay siya ang pinaka-adventurous. Si Camilla naman ay duwag dahil siya ang natatakot sa mga kakaibang ideas ni Rousanne. Kaming apat naman, go with the flow lang. Pero ako talaga yung hindi pinapayagan hahaha!

"Saturday, yung falls malapit sa amin. Malinis yung tubig at hindi masyadong malalim. Kung natatakot naman kayo na baka malalim, may mga salbabida at life vest kayong pwedeng gamitin doon." Suhestiyon ni Seb.

"Sure ka bang safe tayo dyan? Lalo na first time sasama sa atin ni Tammy." Kinakabahang tanong ni Camilla. Umiral nanaman yung pagka-duwag niya hahaha!

"Gosh baks, si papi Seb na nga nag sabi na mababaw lang don!" Stress na sabi ni Domi sa kanya.

"Paano kung--"

"Yan ka na naman sa kaka-paano mo na yan. Sige, pagdating natin doon susuotan kaagad kita ng life vest at salbabida, bet?"

"Bahala kayo, basta sa gilid lang ako."

"Jusko ka!" Stress na talagang sabi ni Domi sa kanya na siyang ikinatawa namin.

Matapos ang mahaba-habang diskusyon ay nagsipag- sang ayunan kami sa suhestiyon ni Seb na doon na lang sa falls tutal malapit naman daw yun sa bahay nila. 

Pag uwi ko ng hapon at pagbaba ko ng kotse ay nagtataka ako dahil nakatayo silang lahat sa main door at nakangiti sa akin.

"Ano pong meron? Ang weird niyo!" Natatawang tanong ko. 

"Pumasok ka na para makita mo." Sinalubong ako ni Ate Lucy at kinuha yung mga bitbit kong regalo ng mga kaibigan at ibang kaklase ko. "Iba talaga ang prinsesa namin, ang daming nagmamahal." Napangiti ako sa sinabing 'yon ni Ate. "Pero deserve mo naman lahat ng love na natatanggap mo, lovable ka naman kasing tunay." Kinindatan niya ako kaya natawa ako. Naglakad lang kami papunta sa loob at tumambad sa akin ang isang malaking box na kung hindi ako nagkakamali ay regalo mula kay Sir Reagan. Hindi naman na ako magugulat dahil taon-taon niya akong pinapadalhan ng regalo. Nang buksan ko ito ay tatlong pares ng black shoes at rubber shoes ang una kong nilabas. Sunod ay mga damit, dress, jeans at ang huli ay iyong bagong labas na cellphone, iPad at laptop. 

Napakamot ako ng batok. Okay pa naman yung laptop na bigay niya sa akin last year ah? Bago at walang gasgas rin itong cellphone na regalo niya last year din. Ang dami ko na ring sapatos at damit. Bumuntong hininga at ngumiti, dapat ay magpasalamat ako kay Sir Reagan dahil sobrang bait niya sa akin. Balang araw ay makakabawi rin ako sa kanya. 

Nang matuon ang atensyon ko sa isang life-size Panda bear na nakaupo sa sofa ay tumakbo ako para yakapin yun. Favorite ko ang Panda kaya naman sa lahat ng regalong natanggap ko ngayon ay ito ang pinakagusto ko. Syempre yung regalo rin ni Seb sa akin.

"Ay oh, mas gusto pa yung teddy bear kaysa sa mga gadgets." Saad ni Nanay Betty.

"Cute nito eh!" Sabi ko bago humiwalay sa Panda bear. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Nay.." Paglalambing ko. Ngumiti ako sa kanya ng matamis sabay sabing.. "Pwede po ba kaming lumabas ng mga kaibigan ko sa Sabado? Napag-usapan po kasi nila na maliligo sila sa falls-- doon sa kabilang baranggay kasi taga doon yung kaibigan naming isa. Pwede po ba akong sumama?" Nagpapa-cute na tanong ko. Bumuntong hininga siya sabay suklay ng buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Oh siya sige, pero mag-iingat ka ha? Magpahatid at magpa-sundo ka kay John." Malawak akong ngumiti sabay hinalikan siya ng maraming beses sa pisngi. "Aba'y baka maubos mo naman ako Tammy!" Humagikgik ako at niyakap lang siya ng mahigpit. Isa sa mga nagustuhan ko sa pagtira ko sa bahay na ito ay ang trato sa akin ni Nanay Betty. Trinatrato niya akong parang tunay na anak kaya nirerespeto at minamahal ko rin siya bilang Nanay ko.

Kinagabihan ay nakahiga na ako sa kama at handa nang matulog nang matuon ang atensyon ko sa malaking box na pinadala ni Sir Reagan.

Bakit kaya ganito si Sir Reagan sa akin? Hindi naman kami magka-ano ano pero pinaaral, binihisan at binubuhay niya ako--

bagay na hindi ko maintindihan.

@TarynGrace

Bab terkait

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   III

    Tammy's POV"Pinatawag ko kayong lahat sa pagpupulong na ito upang malaman niyo na ako na ang bagong--- what the actual f*ck!" Tili ni Domi nang sabuyan siya nina Clark at Rousanne ng tubig. Kanina pa kasi kami nagtatampisaw sa tubig tapos siya kain lang ng kain sa gilid. Kunwari raw ay ipinatawag niya kami para sa isang anunsyo. Nakatapak siya kanina sa isang malaking bato ngayon ay basang basa siya kaya napilitan siyang maki-sali na rin sa paglangoy. Aniya, mamaya pa raw dapat siya maliligo dahil nga nilalamig siya pero dahil basa na rin naman na siya, nakiligo na rin.Hindi nga namin alam kung bakit ang init ng panahon tapos ang lamig ng tubig, pero okay lang. Ang enjoy naman! Kanina pagdating namin sa bahay nina Seb ay kumain muna kami ng tanghalian. Namangha ako sa laki at sa ganda ng bahay nila, yung bakuran nila ay sobrang luwang. Ayon sa Mommy ni

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17
  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   Intro

    Intro.Tamara's POV"Hoy Joana, ibalik mo rin sa akin yangpogsko mamaya ha!" Sabi ko sa kaibigan kong si Joana. Hiniram niya kasi yung isang plastik kongpogs, ewan ko ba sa kanya, ang dami niyang baon pero hindi makabili ng sariling laruan. Pero okay lang, mabait naman sa akin si Joana at madalas niya rin akong pinapahiram ng mga laruan niya mula pa 'nong lumipat kami rito."Oo Tammy! Paparamihin ko 'to. Tatalunin ko si Betchay, napakayabang kasi 'nun." Tumango tango ako dahil tama siya. Napakayabang ni Betchay kaya kaunti lang ang may gustong makalaro siya, minsan nandaraya r

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17
  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   I

    Tammy's POV"Ang gagawin mo lang ay magpupunas ng mga pigurin— pero mag doble ingat ka Tammy dahil baka mabasag mo ang mga yan at mapagalitan ka ni Sir." Huminga ako ng malalim bago tumango.Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ako kinuha ng lalaking 'yon at kung bakit hinayaan ako ni Papa na makuha nila. Kagabi ay sobra ang aking naging pag-iyak dahil sa nangyari, paano na ang Papa ko? Sino na ang mag-aalaga sa kanya? Sino na ang maghahanda ng pagkain niya tuwing galing siya ng trabaho?"Tapos kapag natapos nang hugasan yung mga plato, punasan mo na rin— nakikinig ka pa ba

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17

Bab terbaru

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   III

    Tammy's POV"Pinatawag ko kayong lahat sa pagpupulong na ito upang malaman niyo na ako na ang bagong--- what the actual f*ck!" Tili ni Domi nang sabuyan siya nina Clark at Rousanne ng tubig. Kanina pa kasi kami nagtatampisaw sa tubig tapos siya kain lang ng kain sa gilid. Kunwari raw ay ipinatawag niya kami para sa isang anunsyo. Nakatapak siya kanina sa isang malaking bato ngayon ay basang basa siya kaya napilitan siyang maki-sali na rin sa paglangoy. Aniya, mamaya pa raw dapat siya maliligo dahil nga nilalamig siya pero dahil basa na rin naman na siya, nakiligo na rin.Hindi nga namin alam kung bakit ang init ng panahon tapos ang lamig ng tubig, pero okay lang. Ang enjoy naman! Kanina pagdating namin sa bahay nina Seb ay kumain muna kami ng tanghalian. Namangha ako sa laki at sa ganda ng bahay nila, yung bakuran nila ay sobrang luwang. Ayon sa Mommy ni

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   II

    Tammy's POV"Happy birthday, Tammy!" Malakas na bati nina Ate Lucy at iba pang kasambahay kasama na ang mga drivers dito sa bahay. Napa-upo ako sa hagdan dahil kagigising ko lang at napag-desisyunan kong uminom ng malamig na tubig, pababa lang ako nang batiin nila ako."Kayo naman po, hindi pa ako nakaligo!" Nag tawanan sila sa sinabi ko. Naglakad papalapit sa akin si Nanay Betty at inakay ako pababa ng hagdan. Nakakahiya dahil naka pajama at naka-paa lang ako."Happy birthday sa nag-iisa naming prinsesa!" Maligayang bati ni Kuya John, ang driver namin."Thank you po!" Pumunta kaagad ako sa mesa na puno ng pagkain. "Ang dami naman po nito.""Syempre naman, para sa 'yo yan

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   I

    Tammy's POV"Ang gagawin mo lang ay magpupunas ng mga pigurin— pero mag doble ingat ka Tammy dahil baka mabasag mo ang mga yan at mapagalitan ka ni Sir." Huminga ako ng malalim bago tumango.Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ako kinuha ng lalaking 'yon at kung bakit hinayaan ako ni Papa na makuha nila. Kagabi ay sobra ang aking naging pag-iyak dahil sa nangyari, paano na ang Papa ko? Sino na ang mag-aalaga sa kanya? Sino na ang maghahanda ng pagkain niya tuwing galing siya ng trabaho?"Tapos kapag natapos nang hugasan yung mga plato, punasan mo na rin— nakikinig ka pa ba

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   Intro

    Intro.Tamara's POV"Hoy Joana, ibalik mo rin sa akin yangpogsko mamaya ha!" Sabi ko sa kaibigan kong si Joana. Hiniram niya kasi yung isang plastik kongpogs, ewan ko ba sa kanya, ang dami niyang baon pero hindi makabili ng sariling laruan. Pero okay lang, mabait naman sa akin si Joana at madalas niya rin akong pinapahiram ng mga laruan niya mula pa 'nong lumipat kami rito."Oo Tammy! Paparamihin ko 'to. Tatalunin ko si Betchay, napakayabang kasi 'nun." Tumango tango ako dahil tama siya. Napakayabang ni Betchay kaya kaunti lang ang may gustong makalaro siya, minsan nandaraya r

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status