Share

III

Author: Taryn
last update Last Updated: 2021-11-17 10:27:29

Tammy's POV

"Pinatawag ko kayong lahat sa pagpupulong na ito upang malaman niyo na ako na ang bagong--- what the actual f*ck!" Tili ni Domi nang sabuyan siya nina Clark at Rousanne ng tubig. Kanina pa kasi kami nagtatampisaw sa tubig tapos siya kain lang ng kain sa gilid. Kunwari raw ay ipinatawag niya kami para sa isang anunsyo. Nakatapak siya kanina sa isang malaking bato ngayon ay b**ang b**a siya kaya napilitan siyang maki-sali na rin sa paglangoy. Aniya, mamaya pa raw dapat siya maliligo dahil nga nilalamig siya pero dahil b**a na rin naman na siya, nakiligo na rin.

Hindi nga namin alam kung bakit ang init ng panahon tapos ang lamig ng tubig, pero okay lang. Ang enjoy naman! Kanina pagdating namin sa bahay nina Seb ay kumain muna kami ng tanghalian. Namangha ako sa laki at sa ganda ng bahay nila, yung bakuran nila ay sobrang luwang. Ayon sa Mommy ni Seb, sakop pa daw ng lupain nila itong falls. Kaya kung susumahin ay sobrang luwang talaga ng lupa nila.

Pumunta ako sa parte kung saan nahuhulog yung mga tubig at inenjoy ang malamig na tubig. Ang saya dito, ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Kadalasan kasi ay sa resort kami nagpupunta nina Nanay Betty, iyon daw kasi ang utos ni Sir Reagan.

Muntik akong mapamura nang biglang sumulpot si Seb sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin, siya naman ay tawang tawa sa ginawa niya.

"Hahahahahaha! Nakita mo sana itsura mo." Pang aasar niya. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha. "Loko ka ah!" Nagsabuyan kaming dalawa hanggang sa lumapit yung iba at nakisali na rin. 

Buong hapon ay tawa lang kami ng tawa habang ini-enjoy yung araw na una kaming magkakasama sa labas ng school. Nagtatawanan, nag-aasaran, nagkulitan--- ang saya! Sobrang saya ko.

"Gosh, ang itim ko na!" Reklamo ni Domi. Sinamaan naman siya ng tingin ni Clark kaya nag peace sign siya at sinabing... "Charotskie!"

Umiling iling na lang kami. Nauna nang naglakad sina Rousanne, Domi at Camilla dahil inaayos ko pa yung mga gamit ko. 

"Mauna kana din." Narinig kong sabi ni Seb kay Clark.

"Geh, andyan na sundo ko eh." Sagot niya. "Kitakits bukas, Tamara." Tinanguan ko siya ko siya at nag wave ng hand para mag good bye.

"Tulungan na kita." Kinuha niya yung bag ko at siya na yung nag buhat, dala ko naman yung basket ng prutas na dinala ko kanina. Pinagbaon kasi ako ni Nanay Betty ng prutas para raw may kainin kami habang tumatambay dito. May mga dala ring pagkain yung iba kaya ang ending, kaunti lang ang nabawas dito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Seb papunta sa bahay nila. Actually, itong falls ay nasa loob ng gubat pero malapit lang naman sa labasan kaya hindi nakakatakot. Ngayon ay palabas na kami ng gubat dahil medyo gumagabi na rin, masyado naming na-enjoy yung pag swimming sa falls kaya hindi namin namalayan yung oras. Hindi ko nga alam kung nasa labas na ba si Kuya John dahil naiwan ko yung cellphone ko sa bahay nina Seb kanina.

Nang umihip ang hangin ay napayakap ako sa sarili ko. Ang lamig! Kahit na nakapalit na ako ng tuyong damit at shorts ay nilalamig pa rin ako dahil nga b**a yung underwear ko.

"You can wear this, ipatong mo na lang." Inabot niya sa akin yung damit niya.

"What about you?" Tanong ko dahil half-naked na siya at ang lamig kaya nung simoy ng hangin.

"I'm okay, don't mind me." Tumango na lang ako at habang naglalakad ay sinusuot ko yung t-shirt niya. Lihim akong napangiti nang maamoy yung sobrang bango'ng pabango niya. "Iuwi mo na yan." 

"Sige. B-bilisan na natin para maabutan pa natin si--"

"Hayaan mo sila," Nakatingin siya sa akin.. "Huwag na muna tayong mag madali." Napalunok ako. 

Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko kaya naman iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

"S-sige.." Huminga ako ng malalim. A-ang awkward naman na kami na lang ang magkasabay sa paglalakad, yung apat ay nauna na at malapit na salikod ng bahay nina Seb. S-sana pala kanina ay binilisan ko ang pagkilos. Naiilang tuloy ako. 

"Are you okay? Nilalamig ka pa ba?" Saglit ko siyang tinignan pero umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

"O-oo, okay lang ako." Pero matapos kong sabihin 'yon ay mainit niyang palad ang naramdaman kong humawak sa kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga iyon kaya napatingin ako sa mga kamay namin. Hindi ko aakalaing magagandahan ako sa itsura ng mga kamay naming pinag-siklop.

"Sabi nila kapag nilalamig daw yung kasama mo, hawakan mo lang yung kamay nila." Hindi na lang ako sumagot dahil sobrang okupado ng isip at puso ko sa nakikita ko ngayon.

Nilakad namin ang madilim na daan patungo sa bahay nila ng magkahawak kamay.

Kinabukasan ay pumasok ako sa eskwelahan ng may ngiti sa labi. Hindi ko alam, masyado akong masaya dahil lang sa magka-holding hands kaming naglakad ni Seb kagabi. Tumatalon sa saya yung puso ko.

"Bakit ka naman nakangiti jan baks?" Tanong ni Camilla. Nagkibit balikat ako. "May crush ka 'noh?" 

"Wala ah." Nakangiti pa ring sabi ko. Nandito kami ngayon sa garden ng school at gumagawa ng takdang-aralin. Two hours break kasi namin ngayon kaya dito kami nag desisyon na tapusin yung mga hindi pa namin nagagawang activities. 

"Si Tammy may crush!" Inilingan ko sina Rousanne nang tingnan nila ako. "Kanina pa nakangiti!"

"Sino naman yun Tammy? Ang swerte naman!" Si Clark.

"Wala nga sabi, dinagdagan lang nila yung allowance ko kaya masaya ako." Pagsisinungaling ko. 

"Sure ka jan baks ha? Dapat kung may crush ka na, sabihin mo sa amin ng makilatis!" Si Rousanne.

"O-oo naman." Sagot ko habang pasimpleng tumingin kay Seb na hindi ko alam kung kanina pa ba nakatingin sa akin. Jusko, bakit ba kasi ako tinitignan nito? "May kukunin lang akong libro sa library." Paalam ko sa kanila kahit na ang totoo ay tatakas lang ako sa mga tingin ni Seb. Nakaka-fall kasi eh.

Umiling iling ako, na fall na nga eh. 

"Sino naman yun?" Sh*t. Muntik nakong mapatalon at mapasigaw sa gulat.

"Bakit ba ang hilig mong mang gulat?!" Inis na tanong ko pero hindi ako pwedeng sumigaw dahil nasa loob kami ng library. Naghahanap ako ng libro nang bigla siyang magsalita sa likod ko. "A-at ano bang pinagsasabi mo?" 

"Yung crush mo. Sino?" Umiling iling ako tsaka kunwaring nagpatuloy sa paghahanap ng libro.

"Wala nga, ang kulit naman eh." 

"Kung wala..."

"Ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Manood tayo ng sine bukas after class." Aniya bago umalis. Ano?

"T-teka, hindi ako pwede--"

"Magpaalam ka muna bago mo sabihin sa aking hindi ka pinayagan." Seryosong sabi niya bago tuluyang umalis. M-manonood ng sine?

I-inaaya ba niya akong makipag- d-date?

"Aba'y bakit ka ba nag pa-pacute dyan?" Tanong ni Nanay Betty sa akin habang sinasara yung bintana ng kwarto ko. Ngayong gabi ko kasi naisipang mag-paalam sa kanya tungkol doon sa panonood namin ni Seb ng sine. 

"Manonood po sana ako ng sine--"

"Sinong kasama mo? Kung 'yan ay lalaki at dalawa lang kayo ay hindi ang sagot ko." Sabi na eh. Hindi niya ako papayagan kung sasabihin kong dalawa lang kami ni Seb, buti na lang at hindi ko pa sinasabi.

Ngayon ano ang gagawin ko? Gusto kong makasama bukas si Seb manuod ng sine. Sayang naman yun, siya pa nag-aya. Paano kaya kung magsinungaling na muna ako kay Nanay Betty ngayon? Ngayon lang naman eh.

"K-kasama ko po yung mga nakasama kong naligo sa f-falls."

"Ikaw ba'y nagsasabi ng totoo?" Tumango tango ako.

"O-opo." 

"Oh siya sige. Anong oras ka susunduin ng Kuya John mo bukas?"

"Sila na po ang maghahatid sa akin pauwi para rin po makapag-pahinga si Kuya John."

"Oh sige. Pero ‘wag kang magpapagabi at hindi natin alam baka mamaya pala ay darating si Sir Reagan, malalagot tayong lahat." Tumango tango ako at niyakap siya. 

"Thank you poooooooo!" 

Bago matulog ay tinext ko pa si Seb at sinabing pinayagan ako ni Nanay Betty na lumabas at manuod ng sine. 

Kinabukasan ay pumasok ako at suot 'yung sling bag na regalo ni Seb sa akin nung birthday ko. Medyo malaki naman kasi yun at kasya ang ilang notebooks kaya yun na ang ginamit ko at manonood rin kami ng sine mamaya kaya gusto ko gamit ko yung bag na binigay niya.

"Ang taray! Ang ganda ng bag!" Natatawa akong tinampal ang balikat ni Domi dahil sa sinabi niyang 'yon.

Lumipas ang buong araw at naging tahimik lang ako tungkol sa lakad namin ni Seb after class. Bahala na kung after nito ay malaman nilang lumabas kaming dalawa at gusto ko si Seb, ang mahalaga nakasama ko siya ng solo bago maging awkward ang lahat.

"Did you enjoy the movie?" Tanong niya na siya namang tinanguan ko.

"Super." Sagot ko kahit na ang totoo niyan, sa kanya lang ang atensyon ko buong oras. Hindi ko nga alam kung ano yung title ng movie na pinanood namin kasi ang alam ko lang ngayon ay sobrang saya ko dahil magkasama kaming dalawa. 

"Let's eat, I've reserved a table for us in an Italian restaurant." Tumango lang ako habang nakangiti. Wala akong ibang magawa kung hindi ang ngumiti at sumunod sa kung anong gusto niyang gawin. 

Habang kumakain ay nakatitig lang ako sa kanya. May kinu-kuwento kasi siya sa akin about nung bata siya pero hindi ko nage-gets kung ano yung dahil sentro ng atensyon ko yung mga expressions niya. 

"Are you okay?" Tanong niya na siyang nagpa-balik sa akin sa ulirat. Shems, masyado na yata akong halata na may gusto sa kanya.

"O-oo naman, sige lang i-ituloy mo lang yung ano.. yung kwento mo." Sabi ko bago tumikhim at uminom ng tubig. Gosh Tamara, you need to fix yourself, mabubuking ka ng wala sa oras. masyado kang halata!

Matapos kumain ay naglakad-lakad kami saglit sa mall bago nag desisyong umuwi dahil mag a-alas siyete na ng gabi. What I like most in this 'date' ay nasigurado ko sa sarili kong gusto ko nga si Seb. Dati hindi ako sigurado dahil baka nababaitan lang ako pero ngayon sure na. I like him and I'll wait a perfect timing to confess my feelings for him. 

"Thank you so much, I really enjoyed the movie and your company." Sabi ko nang makababa ako sa kotse niya. Yes, kotse niya. I don't know how he got his license but I think his family has their own way of dealing it. 

"Ako nga dapat ang mag thank you dahil nagpaalam ka talaga para lang may kasama akong manood ngayon." 

"Well, I think that's what friends are for?" Awkward na sabi ko. Tinitigan lang naman niya ako at unti-unting lumapit. He held my hands at bago pa niya ito m*******n ay bumukas ang maliit naming gate at iniluwa nito si Ate Lucy. Agad namang binitawan ni Seb ang kamay ko.

"U-uh, I think you need to go inside now." Halata sa kanya na kinakabahan siya, cute!

"Y-yeah, thank you sa paghatid." Sabi ko ulit bago tumalikod at bago pa man maisarado ni Ate Lucy ang gate ay narinig ko na ang pag bukas ng makina ng kotse niya at pag harurot ng sasakyan niya paalis.

"Sino ‘yon ha?" Pang aasar ni Ate Lucy habang papasok kami sa loob. "Dalawa lang kayong nanuod ng sine 'noh?"

"Hindi po ah."

"Alam mo Tammy, pag-sinungalingan mo na ang lahat huwag lang ako." Napatigil ako sa paglalakad. "Normal ang ganyan sa mga kabataang tulad mo pero mag-ingat ka ha? Sa edad niyo kadalasan ay hindi niyo pa alam kung ano ang pinapasok niyo. Huwag kayong padalos dalos." Tumango ako sa kanya.

"Sorry po."

"Sa susunod ay huwag ka nang magsi-sinungaling kay Nanay Betty ha?" Tumango akong muli.

"Opo ate.."

"Oh, halika na at nasa loob si Sir Reagan." Nanlaki ang mga mata ko. Kung nandito siya at ganitong oras ay wala pa ako ay--- "Hindi siya nagalit, okay? Ang sinabi namin ay naki-birthday ka sa anak ni Mayor na kaklase mo." Tukoy niya kay Rousanne. Anak kasi ng Mayor namin si Rousanne kaya kilala nila. Nakahinga ako ng maluwag. "Pero sabi niya kanina, sa oras na makauwi ka ay dumiretso ka raw sa office niya."

Napalunok ako. Siguro doon niya ako sesermunan at sisigawan. Nakakatakot pa naman siyang magalit.

Kagaya nga ng sabi ni Ate Lucy ay umakyat kaagad ako sa taas at dumiretso sa opisina niya. Bago pihitin ang doorknob ay nag sign of the cross muna ako at saglit na nag-dasal for safety.

"S-sir Reagan.." Nakatalikod siya sa akin dahil nakaharap siya sa malaking glass window nitong opisina niya kung saan makikita ang pool sa likod ng bahay niya. Humarap siya sa akin at saglit na nagtama ang mga mata namin bago bumaba ang kanyang tingin sa suot kong sling bag.

bahagyang kumunot ang kanyang noo habnag nakatingin rito kaya naman hindi ko maiwasang magtanong.

"M-may problema po ba?"

"Who gave you that bag?" Sinulyapan ko yung bag tapos binalik yung tingin sa kanya.

"M-my classmate gave it to me as a present." Tumango tango siya bago uminom sa wine glass na hawak niya. Naka business suit pa siya ngunit maluwang na ang pagkakatali ng kanyang neck tie. Natatakot talaga ako kapag may hawak siyang wine glass kasi baka anytime ibato niya ito.

"Here." Nilapag niya ang isang paper bag sa kanyang mesa. "Get it." Lumapit ako para tingnan kung ano yung laman ng paper bag at napatigil ako nang makita kung ano ito. "I want you to throw that bag you're wearing now and use my present instead."

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano. K-kasi yung regalo ni Seb sa akin ay kaparehong-kapareho nitong nasa paper bag. 

"Bukas ako ang maghahatid sa 'yo." 

"P-pero Sir.."

"Get out." Napa-buntong hininga na lang ako nang talikuran niya ako at hindi na muling nagsalita pa. 

Dala-dala ang paperbag ay lumabas na ako sa office niya at dumiretso na sa kwarto ko. Ano naman kaya ang pumasok sa isip ni Sir Reagan at sinabing ihahatid niya ako bukas? Umiling iling ako, baka sinabi lang niya yun. Baka nga bukas o mamayang madaling araw ay umalis na naman yan eh. Naligo na lang ako kaysa mag isip ng kung ano ano. Pagkatapos maligo ay ginawa ko na muna yung mga homeworks ko at nag review ng mga ni-lesson kanina, pampaantok kumbaga.

Nagising ako nang maramdaman kong naglalaban na yung mga dragon sa tyan ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa study table ko. Nagkalat yung mga ballpen at libro sa mesa ko, ang sakit rin ng leeg ko dahil hindi komportable ang pagkakayuko ko sa mesa. Tumayo ako at inayos yung mga nagkalat sa mesa ko bago lumabas ng kwarto. Nagugutom na kasi ako, resulta yata 'to ng pagiging maharot ko kanina-- hindi ako naka kain ng maayos dahil puro titig lang ako kay Seb.

Pababa na sana ako ng hagdan nang may marinig akong ingay mula sa kwarto ni Sir Reagan. A-ano yun? May kasama ba si Sir Reagan sa loob? N-nag aaway ba sila? P-para kasing nagsisigawan yung ingay sa loob. Humakbang ako ng dahan dahan papunta sa direksyon ng pinto ni Sir Reagan. Magkatabi lang yung kwarto namin pero bakit wala naman akong narinig kanina?

Dinikit ko yung tenga ko sa pinto at napatakip ako ng bibig sa narinig.

"F*ck! Ahhhh-sh*t! H-harder! F*ck R-Reagan! Y-you’re… s-so good… s-sh*t..." 

Napatakbo kaagad ako sa kwarto at sinara ang pinto. S-sh*t, s-sino yun? 

Pinagpapawisan akong napaupo sa kama. G-girlfriend ba yun ni Sir Reagan? A-anong ginagawa nila? Hindi ako makapaniwala, sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig ng ganon!

@TarynGrace

Comments (1)
goodnovel comment avatar
queenm1774420
update po salamat
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   Intro

    Intro.Tamara's POV"Hoy Joana, ibalik mo rin sa akin yangpogsko mamaya ha!" Sabi ko sa kaibigan kong si Joana. Hiniram niya kasi yung isang plastik kongpogs, ewan ko ba sa kanya, ang dami niyang baon pero hindi makabili ng sariling laruan. Pero okay lang, mabait naman sa akin si Joana at madalas niya rin akong pinapahiram ng mga laruan niya mula pa 'nong lumipat kami rito."Oo Tammy! Paparamihin ko 'to. Tatalunin ko si Betchay, napakayabang kasi 'nun." Tumango tango ako dahil tama siya. Napakayabang ni Betchay kaya kaunti lang ang may gustong makalaro siya, minsan nandaraya r

    Last Updated : 2021-11-17
  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   I

    Tammy's POV"Ang gagawin mo lang ay magpupunas ng mga pigurin— pero mag doble ingat ka Tammy dahil baka mabasag mo ang mga yan at mapagalitan ka ni Sir." Huminga ako ng malalim bago tumango.Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ako kinuha ng lalaking 'yon at kung bakit hinayaan ako ni Papa na makuha nila. Kagabi ay sobra ang aking naging pag-iyak dahil sa nangyari, paano na ang Papa ko? Sino na ang mag-aalaga sa kanya? Sino na ang maghahanda ng pagkain niya tuwing galing siya ng trabaho?"Tapos kapag natapos nang hugasan yung mga plato, punasan mo na rin— nakikinig ka pa ba

    Last Updated : 2021-11-17
  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   II

    Tammy's POV"Happy birthday, Tammy!" Malakas na bati nina Ate Lucy at iba pang kasambahay kasama na ang mga drivers dito sa bahay. Napa-upo ako sa hagdan dahil kagigising ko lang at napag-desisyunan kong uminom ng malamig na tubig, pababa lang ako nang batiin nila ako."Kayo naman po, hindi pa ako nakaligo!" Nag tawanan sila sa sinabi ko. Naglakad papalapit sa akin si Nanay Betty at inakay ako pababa ng hagdan. Nakakahiya dahil naka pajama at naka-paa lang ako."Happy birthday sa nag-iisa naming prinsesa!" Maligayang bati ni Kuya John, ang driver namin."Thank you po!" Pumunta kaagad ako sa mesa na puno ng pagkain. "Ang dami naman po nito.""Syempre naman, para sa 'yo yan

    Last Updated : 2021-11-17

Latest chapter

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   III

    Tammy's POV"Pinatawag ko kayong lahat sa pagpupulong na ito upang malaman niyo na ako na ang bagong--- what the actual f*ck!" Tili ni Domi nang sabuyan siya nina Clark at Rousanne ng tubig. Kanina pa kasi kami nagtatampisaw sa tubig tapos siya kain lang ng kain sa gilid. Kunwari raw ay ipinatawag niya kami para sa isang anunsyo. Nakatapak siya kanina sa isang malaking bato ngayon ay basang basa siya kaya napilitan siyang maki-sali na rin sa paglangoy. Aniya, mamaya pa raw dapat siya maliligo dahil nga nilalamig siya pero dahil basa na rin naman na siya, nakiligo na rin.Hindi nga namin alam kung bakit ang init ng panahon tapos ang lamig ng tubig, pero okay lang. Ang enjoy naman! Kanina pagdating namin sa bahay nina Seb ay kumain muna kami ng tanghalian. Namangha ako sa laki at sa ganda ng bahay nila, yung bakuran nila ay sobrang luwang. Ayon sa Mommy ni

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   II

    Tammy's POV"Happy birthday, Tammy!" Malakas na bati nina Ate Lucy at iba pang kasambahay kasama na ang mga drivers dito sa bahay. Napa-upo ako sa hagdan dahil kagigising ko lang at napag-desisyunan kong uminom ng malamig na tubig, pababa lang ako nang batiin nila ako."Kayo naman po, hindi pa ako nakaligo!" Nag tawanan sila sa sinabi ko. Naglakad papalapit sa akin si Nanay Betty at inakay ako pababa ng hagdan. Nakakahiya dahil naka pajama at naka-paa lang ako."Happy birthday sa nag-iisa naming prinsesa!" Maligayang bati ni Kuya John, ang driver namin."Thank you po!" Pumunta kaagad ako sa mesa na puno ng pagkain. "Ang dami naman po nito.""Syempre naman, para sa 'yo yan

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   I

    Tammy's POV"Ang gagawin mo lang ay magpupunas ng mga pigurin— pero mag doble ingat ka Tammy dahil baka mabasag mo ang mga yan at mapagalitan ka ni Sir." Huminga ako ng malalim bago tumango.Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ako kinuha ng lalaking 'yon at kung bakit hinayaan ako ni Papa na makuha nila. Kagabi ay sobra ang aking naging pag-iyak dahil sa nangyari, paano na ang Papa ko? Sino na ang mag-aalaga sa kanya? Sino na ang maghahanda ng pagkain niya tuwing galing siya ng trabaho?"Tapos kapag natapos nang hugasan yung mga plato, punasan mo na rin— nakikinig ka pa ba

  • Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)   Intro

    Intro.Tamara's POV"Hoy Joana, ibalik mo rin sa akin yangpogsko mamaya ha!" Sabi ko sa kaibigan kong si Joana. Hiniram niya kasi yung isang plastik kongpogs, ewan ko ba sa kanya, ang dami niyang baon pero hindi makabili ng sariling laruan. Pero okay lang, mabait naman sa akin si Joana at madalas niya rin akong pinapahiram ng mga laruan niya mula pa 'nong lumipat kami rito."Oo Tammy! Paparamihin ko 'to. Tatalunin ko si Betchay, napakayabang kasi 'nun." Tumango tango ako dahil tama siya. Napakayabang ni Betchay kaya kaunti lang ang may gustong makalaro siya, minsan nandaraya r

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status