Home / Romance / Unanticipated Love / Chapter 2: Date

Share

Chapter 2: Date

last update Last Updated: 2021-10-13 22:56:30

Narito ako ngayon sa kusina kasama ang ibang maids namin sina Ate Daisy at Yaya Helena, para tulungan na rin sila maghanda at maghain ng mga pagkain.

"Ikaw pa rin si Althaea na kilala namin dati." Bungad ni Ate Dai sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. "Ibang-iba ka sa kakambal mo." Dugtong pa nito.

Napag-usapan nga namin tungkol sa aming nakaraan ng kakambal ko at ng aking magulang. Inamin ko sa kanila ang aking tunay nararamdaman. Bakas sa akin ang pagkainis sa kanila.

"Ano ka ba, iha. Mahal ka ng mga magulang mo." saad ni Yaya Helena. "Huwag mong sabihin 'yan. Baka may dahilan lang sila kung bakit. Talikuran mo na iha ang hindi magandang nararamdaman mo sa inyong magulang at kapatid." Paalala at advice sa akin ni Yaya pero hindi pa rin ako kumbinsido dahil sa sakit rin naranasan ko. Hindi gaano kadali pero pinilit ko lang ngumiti sa kanila pagkatapos.

Magsasalita na sana si Ate Dai nang biglang tumunog ang cellphone ni Yaya. Tinignan niya ito muna saka sinagot ang tawag.

Sobra aking pagtataka kung bakit narito ang lalaki na 'yon, maya't maya nakapasok na siya ng kitchen at binati lahat ng narito pagkatapos niya ako batiin.

Nagtatalo kami dahil hindi ko alam kung bakit siya narito. Nasabi naman niya na may pupuntahan raw kami pero hindi pa rin sapat sa akin ang lahat kaya tinanong ko siya ulit hindi pa niya sinasagot hanggang sa tumakbo siya patungong kwarto ko na aking kinagulat.

"Papasukin ko na itong kwarto kapag nagtanong ka pa."  Maotoridad niyang saad subalit hindi ako nagpatinag. Pumasok sa isip ko sina Mom and Dad, pumayag kaya sila rito.

"Pumayag na ba ang parents ko dito sa pag-alis natin?" Tumango lang ito bago muling magsalita. "Kaya maghanda ka na baka gabihin pa tayo sa daan." sabi nito saka na naglakad palayo sa kinaroroonan ko.

Kinuha ko lang yung mga bagay na talaga kailangang dalhin at pagkatapos nagbihis ng royal blue hanging blouse at tinernohan ng naka-porta dots na square pants na design. Pagkatapos, lumabas na rin ng kwarto at bumungad sa akin si Greige na siyang nagpresintang magdala ng aking gamit.

"Saan nga pala tayo pupunta? Siguro masasagot mo na ang tanong ko.” Giit ko nang makapasok na kami sa isang SUV na sasakyan namin.

"Sa Haraya Beach Resort tayo pupunta." Diretsa niya ng tanong kaya napatango na lang din ako at di nanagsalita pa.

Hindi maiwasan sumagi sa isip ko yung moment na magkasama kami ni Zen habang ako ay nakapikit lang sa kawalan. Sobrang nami-miss ko na siya.

"Nandito na tayo." Nagulat na lang ako at napalik-mata nang magsalita si Greige. Napatingin muna ako sa labas ng sasakyan, napamangha ako sa aking nakikita rito. Isang white sand beach ang napuntahan namin. Di gaano mainit ang panahon kaya masarap sa pakiramdam malanghap ang hangin na nagmumula rin sa dagat. Bumababa na kami pagkatapos at si Greige na rin ang nagpresinta magdala ng mga gamit namin.

Mabilis kaming nakapasok ng hotel dahil may reservations na pala kami rito. Mabuti nga ‘yon para makapagpahinga muna ako mula sa biyahe. Malayu-layo rin ito sa bahay. Nang makarating na kami sa labas ng room assignments namin, inabot sa akin ni Greige ang susi ng para sa akin. Nginitian ko lang siya ng pilit saka na rin pumasok sa loob subalit natigilan nang biglang lumapit siya ng bahagya sa akin, dahilan upang mapaatras ako hanggang sa makadikit na ang likod ko sa pader.

Hinalikan niya lamang ako sa noo pero sobrang nagulat pa rin sa ginawa niyang ‘yon.

“Ahmm, mi cielo papasok na ako….” Naiilang kong tugon sa kanya at napansin kong napangiti ito. Biglang napakunot ang aking noo sa kanyang reaksyon. Kailangan kong magpakita na interesado ako sa kanya dahil nagpapanggap akong si Athena saka ganito siya ka-sweet sa boyfriend niya.

“Salamat, muli akong tinawag sa endearment natin. How I miss it, mi cielo!” Nakangiti pa ring saad niya. “Ito muli iyong hinihintay ko para lambingin mo ako ulit.” Mas lalong naging maaliwas ang kanyang mukha na ikinapagtaka ko naman. “Ok na ba?”

Tanging tango lang ang naging sagot ko at pinisil ko lang siya sa matangos niyang ilong kaya namula ito.

“I’m glad that you already forgiven me. Thank you so much for being understanding.” Saad niya at napangiti lang din ako. Hindi ko ikinala na may tinatagong ka-sweetan ang isang ‘to.

“Thank you dahil naging maunawain ka na ngayon di gaya dati kaya parati na lang tayo nag-aaway dahil parati ka rin kasi nagseselos.” Medyo nagulat nga ako sa huling sinabi niya. I can’t deny that Athena is usually a demanding and jealous woman.

Pagkatapos ng usapan namin, hinayaan na rin niya ako makapsok sa aking silid kasabay ng aking mga gamit. Pumunta kaagad ako ng kwarto at nahiga, sinubukan muling tignan ang mga pictures nina Greige at Athena sa gallery hanggang sa dinalaw na rin ng antok at nakatulog.

Nagulat na lamang ako nang may marinig akong paulit-ulit na pagkatok ng pinto. Dali-dali ko itong buksan at bumungad sa akin si Greige.

"Bakit ang tagal mo buksan ang pinto!" Naiinis na bungad nito sa akin. Hindi ko rin talaga ma-gets ang ugali ng isang ito pabago-bago. Kanina lang ang sweet ngayon balik na nanaman sa pagiging sungit mode niya.

"Kakagising ko lang po kasi." Paliwanag ko sa kanya habang napapakamot na lang din sa sentido.

Nabigla na lamang ako nang hilahin niya ang mga braso ko palabas ng silid at mabuti na lang automatic itong nagsasara. Hanggang mapunta kami na kung saan maraming pagkaing nakahain na.

"You may now take a seat mi cielo." Umupo na rin ako pagkasabi niya sa akin.

"Do you like it?" Agaran niyang tanong habang nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata kaya kaagad akong umiwas. Pero muli ko siyang nilingon at napaestatwa ako dahil sa kakaiba niyang tingin sa akin. From his attractive eyes, hindi ko maiwasan usisain ang mga ito. May time napapakurap ako sa pagtitig dahil sobrang nakakaakit ang pagtitig niya na parang hihilahin o hihigupin niya ako palapit sa kanya. Napakalakas talaga ng charisma ng isang ‘to eh kaso napapatungan ng pagiging masungit.

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking iniisip at iwasan na ang pagtitig sa kanya. Hindi ako mai-inlove sa isang lalaking niya dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko kundi si Zen.

"Ganyan ka na ba talaga ka-inlove sa akin noh?" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Hayan nanaman siya, hindi ko alam kung may bipolar disorder ang isang ‘to.

"Feeling mo naman. Hindi ahhh." Pagde-deny ko na lang. Ang lakas din pala makapang-asar ang isang ito.

"Huwag ka na magdeny diyan dahil patay na patay ka naman sa akin eh! Sa gwapo at yaman kong ito, talagang lalo ka pang mahuhulog sa'kin." Pagbibida pa niya kaya mas lalo naman ako na-intimidate sa kolokoy na ‘to.

"Grabe ang hangin naman, Greige.” Sarkastikong tugon ko. “Lakas rin naman talaga ng tama mo noh?”

"Hahaha hay nako mi cielo, Athena." Natatawa pang tugon niya.

"Yabang!" Saad ko sa kanya saka muling nag-focus sa aking kinakain.

"Hindi mo lang kasi magawang aminin." Natatawa pa ring saan niya. Whatever!

"Masyadong mataas talaga ang confidence sa sarili mo noh?" Muli kong saad habang patuloy lang siya sa pagngisi.

"Bakit hindi ba totoo na head over heels ka sa akin?" Dagdag pa niya. Ibang klase talaga ang lalaking ‘to, ang taas ng tingin sa sarili.

"Hindi." Biglaan at hindi mapigilan na sagot ko dahilan para mawala ang mga ngiti niya sa labi. Naka-offend ba ako? Nako dapat hindi iyon ang sinagot ko, hays.

"Bakit? May iba na ba?" Seryoso niyang tanong kaya hindi na rin ako mapakali sa aking inuupuan.

"I have noticed that you are so cold to me now unlike before that you are so sweet." Muli niyang saad at umiwas na rin siyang tumititig sa akin.

"Hindi naman sa ganun….Nabigla lang ako, ok? I am….” Magso-sorry na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone niya kaya naiwan muna niya ako rito. Sampung minuto pa bago siya nakabalik ulit pero naging iba na ang timpla ng kanyang mood.

"Who called you?” Tanong ko kaagad pero hindi na siya tumitingin sa akin. Halatang nasaktan ko siya sa naging sagot ko. Akala ko rin kasi hindi niya seseryosin ang sinabi ko.

"My secretary." Maikli niyang sagot saka lang niya tinuloy ang pagkain.

"Mi cielo?" Paglalambing kong saad hindi pa niya rin ako nililingon. "Sorry sa nasabi ko kanina ah. It is not my intention to hurt you.” Dugtong ko.

"Magpahinga na tayo bukas na lang." Walang gana niyang sagot saka siya naglakad palayo sa kinaroroonan namin. Seriously, iniwan niya talaga ako ah. Malamang kapag ganito masasaktan nito si Athena.

Pagkarating ko ng kwarto, biglang naging palaisipan sa akin ang naging sanhi ng pagkaaksidente ng kakambal ko. Di kaya may malaking kinalaman nga talaga sa relasyon nila ang nangyari? Iyan ang nais kong malaman kaya hindi ako titigila hangga’t di ko nalalaman ang totoo.

Related chapters

  • Unanticipated Love   Chapter 3: Beach Resort

    Katatapos ko lamang uminom ng kape at nagtungo muna sa labas ng hotel upang masilayan ang dagat. Habang ako'y naglalakad may nakita ako isang teenager na babae. Mukhang kumakanta ito kaya naglakad ako palapit sa kanya."Pwede bang umupo?" Pagtukoy ko sa tabi niya. Tumango lamang ang dalaga saka muling pinagpatuloy ang kanyang pagkanta. Nakikita ko ang sarili sa kanya ngayon habang umaawit.Maya't maya hindi ko namalayan, tapos na pala siya. Nagulat na lang din ako nang iabot niya sa akin ang gitara."Hiramin mo na siya ate. Pupuntahan ko lang muna mga kaibigan ko doon." Turo niya sa mga mga teenagers din na naglalaro sa tabing dagat. Nag-aalinlangan akong tanggapin ang bagay na 'yon pero nakiusap siya na hiramin ko raw itong gitara."Babalikan ko na ulit 'yan dito, ate." Saad nito saka siya naglakad palayo sa akin patungo sa kanyang mga kaibigan.Nagsimula na akong patugtugin ang g

    Last Updated : 2021-10-13
  • Unanticipated Love   Chapter 4: In His House

    Nagising ako mula sa pagkakayugyog sa akin at pagtawag ng aking pangalan habang nakasandig sa malambot na upuan ng kotse. "Mi cielo, gising na! Nandito na tayo." napamulat na ng aking mga mata matapos marinig ang boses na iyon na nagmula sa boyfriend ng kakambal ko. Napalinga sandali sa aking paligid at napagtanto kong hindi ito sa amin ang lugar at malamang sa bahay nila Greige ito. Huminto na rin ang sasakyan pagkatapos bumababa na rin ang driver upang kunin yung mga dala namin at kaming dalawa naman ang naiwan sa loob. "Bakit tayo nandito? Di ba dapat sa bahay ko na ako uuwi?" pinakitaan ko siya ng nakakalitong tingin subalit nginisian niya lang ako. Kainis! "Nagpaalam na rin ako sa parents mo na dito ka muna sa bahay ko within three days." agad niyang sagot. Hindi ako makagalaw sa pwesto dahil sa aking narinig. "Don't worry, mi cielo pumayag nam

    Last Updated : 2021-12-07
  • Unanticipated Love   Chapter 5: Chef

    Katatapos lang namin magluto at maghanda ng pagkain ni Yaya Celeste kaya medyo masakit itong likod ko dahil sa pangangalay kaya naupo muna ako saglit. Pinanood ko muna siya habang abala sa pagtitimpla ng inumin. Lumipas ang limang minuto, napag-isipan ko na ring puntahan si Greige sa mini office niya upang yayain na rin kumain. Napahinto na lang ako sa paglalakad nang mapansin kong may kausap siya sa cellphone. Lumapit ako ng kaunti upang marinig ang pinag-uusapan nila. Narinig ko ring kausap niya ang mga taga-opisina at tungkol iyon sa trabaho kaya umatras na lang ako at hindi ko na siya nilapitan pa. Tutal hindi rin niya napansin ang presensya ko dahil occupied siya sa kanyang ginagawa at maging sa kanyang kausap. Bumalik na ulit ako sa kusina at nagtaka si Yaya Celestina kung bakit hindi ko kasama si kolokoy. "Busy pa po kasi siya at kausap pa yung mga katrabaho niya kaya di ko na la

    Last Updated : 2021-12-07
  • Unanticipated Love   Chapter 6: The Stranger Guy

    Napamulat ako ng aking mga mata dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto ng kwarto. Bumangon ako kaagad upang pagbuksan ito.Naalis ang nararamdamang antok dahil sa isang pamilyar na bulto, wala ng iba kundi si kolokoy.Padabog ko siyang sinagot kasabay ng pagkamot sa aking ulo, "Bakit ba? Ang aga-aga eh nang-iistorbo ka!""Take a bath and prepare yourself. We are going somewhere." seryosong saad niya at napakurap-kurap naman ako ng aking mga mata."Saan?" Tanong ko subalit hindi niya sinagot at tinalikuran na lang ako.Lumingon siya saglit na tila may pahabol pa siyang sasabihin, "Just do what I've said. You have several minutes to prepare. I will wait for you in the living room. Do you understand?"Wow! Sobrang bossy naman ng isang ito. Hindi naman niya ako alila o utusan para sumunod sa kanya kaagad.May sasabihin pa sana ako pero kaagad na

    Last Updated : 2021-12-16
  • Unanticipated Love   Chapter 7: He is Mad

    Dalawang linggong nang lumipas mula noong magdate kami ni Greige at nakabalik dito sa bahay. Nabigyan muli ako ng time para makausap si Zen at Gin sa skype. Naipagpatuloy ko na rin ang naiwang trabaho ni Athena dito sa kanyang mini-office bago maaksidente.Nakilala ko rin ang kanyang secretary na si Tery. Medyo may pagkamadaldal ang isang ito pero masipag naman siya sa trabaho at masarap din namang kasama."Alam niyo po Ma'am kahit two weeks pa lang tayo nagkakilala, magaan na ang loob ko sa inyo." sabi nito habang nakatitig pa rin siya sa monitor. "Mas gusto kita maging lady boss kaysa sa kanya."Hanggang ngayon nahihirapan at nalilito pa rin siya sa pagbanggit ng tamang pangalan. Sinabihan siya nila Mom and Dad na maging maingat sa salitang bibitawan niya. Kaya heto, hirap na hirap siya."Why?" Habang nagta-type din sa computer."Madali po kasi kayo pakisamahan, understanding saka

    Last Updated : 2021-12-16
  • Unanticipated Love   Chapter 8: His Apology

    Bumungad kaagad sa akin ang isang katutak na text messages mula sa kanya. Binuksan ko ito at binasa.Mi cielo:I am sorry for what I did yesterday. Can we talk? Pag-usapan natin please mamayang lunch at don't forget na dalhan mo ako ng masarap na ulam.Napangiti ako sa aking nabasa pero may parte pa rin sa puso ko nasaktan sa ginawa niya kahapon. Ngayon napalitan naman ng saya. Akala ko habang buhay na galit siya sa akin na di malamang dahilan.Binasa ko lang message at di ko muna ni-replyan. Bumangon na rin ako sa kama saka nag-unat unat ng mga braso saka lumabas ng silid upang kumain muna ng almusal.Pagsapit ng 11AM pumunta muna ako sa kusina at hinanda na ang mga pagkain na dadalhin ko."May pagtatalo o hindi pagkakaunawaan ba kayo ni Greige kahapon?" Nag-usisang pahayag ni Yaya Helena sa akin habang tinutulungan akong ayusin ang mga

    Last Updated : 2021-12-29
  • Unanticipated Love   Chapter 9: Late

    *Wexford Greige's POV**Abala ako ngayon sa pagsasaayos ng mga files dito sa table pati sa computer. Tinitignan ko ang bawat detalye kung may mga mali sa mga ito. Maya-maya napatingin ako sa relos na suot ko na niregalo sa akin ni Mama noong 25th birthday ko. Apat na taon ang tanda ko sa kanya pero minahal pa rin ang lahat sa girlfriend ko.It's already twelve in quarter but she still not coming. I tried to get my phone and look if she texted me but it doesn't have any text messages coming from her. So, I called and there is no answering. I struggle to call her again and it's nothing.*Why she is not answering my call? What happened to her?*I have really feel worried for not responding. It keeps me thinking negatively.Later, my thought suddenly changed. She would probably buy order some foods for us. Yeah, that's it. Afterwards, I stand up when there's someone knocking in the door. I thi

    Last Updated : 2021-12-29
  • Unanticipated Love   Chapter 10: The Arguments

    Kasalukuyan akong naglalakad patungong kusina nang makita ko sina Mom and Dad na kumakain na rin ng dinner. Kaagad nilang napansin ang aking presensya."Oh our dear princess." Paglalambing nila sa akin pero alam kong napipilitan lang sila gawin 'yon dahil may kailangan pa sila sa akin. "Akala namin ng Dad mo na di ka na kakain ng dinner. Padadalhan ka na lang sana namin sa kwarto mo.""Kamusta na pala kayo ni Greige? Is there something wrong happened?" Sunod na sunod na tanong ni Mom sa akin pero walang akong balak ikuwento sa kanila ang nangyari.Magiging komplikado lang ang lahat. Kung may nakakaalam man niyon ay si Yaya Helena. Alam kong di naman niya sasabihin 'yon ng walang pahintulot mula sa akin."Everything is ok. Don't worry about it, Mom and Dad." As I trying to clear things out para hindi na humantong pa sa problema ang lahat.Napakasimpleng bagay lang naman 'yon. Madali lang lu

    Last Updated : 2021-12-29

Latest chapter

  • Unanticipated Love   Chapter 21: Doubt

    "Hi, Greige!" Her beautiful voice melts my heart like an ice. "I'm here now in our house. Have just arrived in one hour ago. Are you busy?""Not really. Gusto na nga kita makita ngayon eh." Hindi ko mapigilang ma-excite habang nagsasalita.I missed her so much kahit ilang linggo lang kami di nagkita at nagkausap."You can go here if you want because I missed you so much already." It makes me more happy to hear those words from her.I thought she didn't want to see me after she left Philippines without talking to me."I wanna go right now." I said fixing my things in the table."Are you sure?" She asked in a surprised."Yes just for you. Saka wala naman na akong ibang gagawin ngayon." I clarified the things I havs here in office para di niyang isipin na binabalewala ko siya.I know that my job is important but I need to skip for awhile just to meet my girlfriend. I really missed her.Pagkarating ko

  • Unanticipated Love   Chapter 20: Missing Her

    Wexford Greige's POVKasalukuyang nagmamaneho ako papunta sa bahay nila Athena. Di mawala ang ngiti ko sa labi habang inaalala ang mga araw naming nagdaan. A few minutes, I finally arrived to their home. I brought the beef stake, our favorite dish. As I entering inside, Terylene startled when he saw me."Sir Greige! You are here." She tried to fake her smile that seems there's something wrong. She leaned on my food I carried."Where is she?" I asked but she still bitting her lip that make me frowned.She roaming her eyes around and trying to think something that she will say to me."Ma'am Athena is not here, Sir." My smile faded."Saan siya nagpunta?" I asked her in curious but in a calm tone."Mrs. Muestra, her mother told me earlier that Ma'am Athena was in Korea." I stunned.Hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. May bahid ng lungkot at pagkadismaya ang aking nararamdaman. Napapikit ako ng mga mata at pagkatapo

  • Unanticipated Love   Chapter 19: The Real Athena

    Nilingon ako nina Mom and Dad nang marinig nila ang aking boses. Nagtingin muna silang dalawa bago sinimulan ni Dad magsalita. Naupo na rin ako at kumain na ng dinner."We just wanted to make sure that no one will know about this." Panimula ni Dad na ikinakunot ko ng noo dahil di ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin.Tinignan ko sila ng seryoso at saka muli siya nagsalita."You will promise to us that keep this a secret." pahabol pa nito habang napapaisip pa rin ako sa sinasabi ng aking ama."I will not say that to anyone. Ano ba kasi 'yon, Dad?""Your sister is finally awakened." Bigla kong nabitawan ang kutsara sa aking narinig.Gising na ang aking kapatid. Kung gayon, ito na ata ang huling araw ng aking pagpapanggap. However, there is a part of me that I'm hurting. The thing is I will never see him anymore."Kailan pa?" Kaagad kong tanong at nagpapalitan ang tingin ko kina Mom and Dad."Actually, it's b

  • Unanticipated Love   Chapter 18: Lunchtime

    Althaea Cassidy POV KINABUKASAN. Nakabalik na rin ako sa work. Sariwa pa rin sa akin ang mga naganap nitong nakaraang araw. Ang pagiging malambing at maalalahanin ni Greige at sa nararamdaman na selos ni Zen. Kaya't di ko namalayan nagsasalita pala si Terylene. "Ma'am!" Nabalik ako sa ulirat nang tawagin muli niya ako. "Are you listening po?" "Ano nga ulit 'yon?" Nalilito ko tuloy na tanong. "Hay nako, Ma'am. Ok na po ba talaga kayo? Kasi kundi pa, hindi muna kita papayagan pang magtrabaho dito. "Ayos na ako Tery." paliwanag ko. "Sigurado?" "Oo..." muli kong sagot. "Baka malalim nanaman ang iniisip mo? Kung si Sir Greige man 'yan nako...." dagdag pa niya. "Hindi siya." Pagsisiungaling ko na lang dahil ayaw kong ipaalam kahit kanino ang tungkol sa feelings ko para sa kanya maliban lang kay Ginger. "Eh kung gan'on, sino?" May pagkatsismosa talaga ang isang 'to. "Nevermi

  • Unanticipated Love   Chapter 17: Worry

    Wexford Greige POVKasalukuyan ko siyang hinihintay sa aking opisina nang mahigit bente minutos na. Hindi pa rin dumarating si Athena. Inaasahan ko siyang pupunta siya rito para sabay na kami kumain ng lunch.Naghintay pa muli ako sa kanya baka busy lang talaga siya ngayon. It's five minutes have passed she still not coming. I tried to calm myself instead of worrying. Hindi na ako nakapaghintay at tinawagan ko na siya.She is not answering my call so I started to worry about her. I tried twice but she's not responding. A few seconds, it pop my mind about Athena's secretary, Terylene. I called her number registered to my phone until it rang and finally answered."Hi, Terylene." As I said. "Where is Athena? I called her but she didn't respond. It's a few seconds before Terylene have spoken.She cleared her voice, "Ahm, Ma'am Athena is....."I heard her stuttering so it made me worry. "Terylene, what happened?"I directly said to h

  • Unanticipated Love   Chapter 16: Surprised

    Nilapitan ko ang driver ni Greige. Napansin niya kaagad ang aking presenya kaya laking gulat na lang ng makita niya ako. Tinago niya kaagad ang cellphone na kanina pa niya kinakalikot."Ma'am Athena, bakit di pa kayo nagbibihis?" Kaagad niyang tanong sa akin. "Pinasusundo po kayo sa akin ni Sir Greige eh.""Bakit raw?" Nag-uusisa kong tanong."Di ko po alam basta pinapasundo niya kayo sa akin." sagot nito.Magtatanong pa sana ako pero napag-isipan kong huwag na lang."Sige. Maliligo lang ako." sabi ko na lang."You can take your time, Ma'am." Nakangiting saad nito saka ako naglakad na palayo sa kanyang kinaroroonan.Habang naglalakad hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano nanaman bang pakana ni Kolokoy?Pagkatapos ng mahigit trenta-minuto na paghahanda, kaagad na akong lumabas ng mansion.Nakasuot ako ng colored peach dress na hanggang tuhod ang haba nito. Naglagay lang ako ng simpleng make-up sa mukha. Kulay pink

  • Unanticipated Love   Chapter 15: Goodnight Kiss

    Nakita ko kasalukuyan na bitbit nila Mom and Dad ang isang napakamalaking maleta. Mayroon nanaman silang business trip na pupuntahan at maaaring mag-iisang buwan o mahigit pa sila doon.Ganito ang buhay mayaman. Puro trabaho ang inaatupag na halos wala ng time para makasama ang pamilya.Hindi na ako nakakaramdam ng lungkot dahil sanay na rin mula pagkabata hanggang sa nagtapos sa college naging independent na ako, tumira sa Manila na mag-isa."Ikaw na muna ang bahala mamahala dito sa bahay habang wala kami." bungad kaagad sa akin ni Mom nang makita nila akong naglakad pababa ng hagdan."Huwag kang gagawa ng anumang hindi maganda dito sa bahay."Sa sinabi nilang 'yon bigla napakunot ang aking noo. Ganito na talaga ang tingin nila sa akin? Wala na ako nagawang tama sa kanila sa likod ng lahat pinagagawa ko. I am very dissapointed to them."What do you think of me?" Naiinis kong pahayag sa kanila dahilan upang mabilis akong la

  • Unanticipated Love   Chapter 14: Love Hurts

    Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga tao. Pinag-uusapan rin silang dalawa ng mga tao."Bagay na bagay nga sila. Nakakakilig." saad ng isang babae na malapit sa aking kinaroroonan. "Gwapo saka maganda." kasabay ng pagtili ng limang magkakasamang mga babae na dahilan para mag-iba ang aking pakiramdam.Maya-maya nagsimula na silang kumanta. Isang pamilyar na awitin ang aking naririnig. Buwan by Jk Labaho.Ako sayo'y, ikaw ay akin.Ganda mo sa paningin.Ako ngayo'y nag-iisa.Sana ay tabihan na.Inaawit niya iyon habang nakatitig kay Athena kaya't di ko maiwasan ang mainis pero kailangan pigilan ang sarili. Di pwede ako gumawa ng gulo dito. Masisira ang aking reputasyon at mawawala ang tiwala sa akin ni Papa.Kaunti na lang babagsak na rin ang aking luha sa nakikita ko. Ang sakit lang na nakikita ko siyang nakangiti pero hindi ako ang dahilan. Huminga ako nang malalim at sinubukang panoorin sila baka sakali

  • Unanticipated Love   Chapter 13: Frustrated

    Wexford Greige's POVKasalukuyan akong naglalakad sa mall nang makita ko si Athena na may kasamang ibang lalaki. Biglang uminit ang ulo ko sa aking nakita.Hindi pa kami break, cool-off lang kami pero parang pinatunayan na niya sa akin na totoo ang mga sinasabi ko sa kanya. Kaya pala simula nang umuwi ako rito mula U.S iba na ang treatment niya sa akin dahil may iba na pala nagpapangiti sa kanya.Hindi ako nagdalawang isip lapitan silang dalawa at nanlaki ang mga niya sa gulat nang makita ako."Siya na ba iyong ipinagpalit mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang siya halos di makapagsalita.Sa halip ang lalaking kasama niya ang sumagot, "What are you talking about?" Nakangising tanong niya. "We are just friends, right?" Nilingon niya si Athena para sumang-ayon ito."Mabuti pa umalis na lang tayo." Iyon na lang ang narinig kong sagot mula sa kanya kasabay ng pagtalikod nila sa akin.Kaagad kong pinigilan siya dahilan muling napati

DMCA.com Protection Status