Gino POV"Sir baka po mapasukan ng bangaw ang bibig mo sa kakangiti mo dyan ehehe!"Pang-aasar ni Ryan,habang nagdadrive."Eh pano naman kasi,sa tinagal-tagal munang nagtatrabaho sakin,parang ngayon kalang nakagawa ng maayos,at ikinasiya ko ng husto!"Napatawa si Ryan sa sinabi ko.Niyaya ako kanina ni Cindy na makipagdate dahil wala na daw akong oras sa kaniya,at nahalata ko rin naman na halos wala na nga talaga kaming time sa relationship namin kaya pinagbigyan ko ito.Pero bigla akong tinawagan ni Ryan,at kasama nga daw niya si Yulie at si Yohan,sa di ko mapaliwanag na nararamdaman ko ng sabihin iyon saakin ni Ryan,ay agad akong nagpaalam kay Cindy at iniwan ito,alam kung nasaktan ko siya dahil sa inasal ko,pero magpapaliwanag nalang ako sa kaniya mamaya,at tatanggapin ko kung ano man ang ibato niyang galit saakin.At ng makita ko nga si Yohan,ay halos ayaw ko ng alisin ang mga mata ko sa kaniya,at hindi ko maipaliwanag ang saya sa loob ko,parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa k
Kabanata 58Sheena POVDito ko ngayon sa cofee shop na nabili ko kay Aling Selda,walang kaalam-alam si Yulie dito dahil hindi pa kami nag-uusap hanggang ngayon.Marami kung iniba na design kaya mas lalo pa itong gumada,meron din akong iba't ibang klase na kape na ako lang ang gumagawa para sa mga estudyante kung costumer's,at ang iba ay mga tricycle driver's at kung sino-sino pa.Nakakapagod pero ganito talaga ang buhay,kailangan mong paghirapan ang kakailanganin mo sa araw-araw lalo pa at hindi naman ako mayaman."Mommy!!"Agad akong napatigil sa ginagawa kung pag-aayos para sa paggawa ng kape ng yakapin ako ng anak ko sa likod.At kasama niya si Yulie,parang nakonsensya ko dahil nakita ko sa mga mata niya ang pagtatampo."Uwian na agad kayo nak? Teka,don muna kayo ng Tita mo at ipagtitimpla ko kayo ng masarap kung kape!"Turo ko sa bakanteng upuan at lamesa,na agad naman tinungo ng anak ko."Gaga ka,wala ka ba talagang balak sabihin sakin to!Atsaka,kailan ka pa natotong gumawa ng ka
Kabanata 59Gino POVDali-dali kong iniwan ang meeting kay Mr.Alvarez ng tumawag sakin si Dr.Rico Nagales,dahil meron naraw resulta sa pinapaasikaso kung DNA test.Importante ang meeting ko naiyon kay Mr.Alvarez pero mas importante sakin ang resulta ng DNA test na iyon,wala na kong pakialam kung ano man ang mangyari sa kompanya.At ng malaman ko ang resulta ay halos matunaw nako sa kinatatayuan ko,hindi ko akalain na tama ang hinala ko,kaya pala ganon-ganon nalang ang naramdaman ko ng una ko siyang makita."Tama na yan sir,napakarami mo ng nainom oh!"Awat sakin ni Ryan sa iinumin kung alak,pero agad kung nilagok iyon."Hayaan moko Ryan,hayaan moko!"Pilit ko siyang inilalayo pero panay naman ang awat niya saakin.Hanggang ngayon nakikita ko parin ang mga tingin sakin ni Sheena,nakita ko sa mga mata niya ang sobrang pagkagalit saakin,at ang pagkagusto niyang ilayo sakin si Yohan na anak namin."Napakasama kung ama Ryan,sobrang sama ko,wala akong kwentang ama!"Muli kong nilagok ang ba
Kabanata 60Gino POV"Ano bang ginagawa mo?"Napaupo ako ng pagmulat ng mata ko ay nakapaibabaw saakin si Cindy."Love naman,alam mo na kung ano ang gagawin ko no!"Nakangiti niyang sabi,at sinakop ang mga labi ko."Ano ba,masakit ang ulo ko at hindi pako naliligo!"Reklamo ko,masakit pa ang ulo ko,dahil sa dami ng nainom ko kagabi."Mabango ka naman eh,sige na Love please!"Inihiga niya ako at kung saan-saan na napupunta ang malilikot niyang mga kamay."Huwag ngayon Love,wala ako sa mood!"Muli akong tumayo at sinuot ang damit."Bakit ba ganyan ka,hindi ka naman ganyan sakin dati ah...Dati nga ikaw pa ang nagyayaya sakin nito?"Meron ng galit sa boses niya,pero wala akong pakilam."Masakit ang ulo ko,kaya pwede bang huwag mo kong sermunan dyan,lumabas ka muna,wala naman tong patutunguhang pag-uusap nating to!""Hindi.Ayaw kung lumabas,dito lang ako!""Bahala ka!"Kinuha ko ang susi ng kotse dahil pupunta ko sa anak ko at kakausapin ko ng maayos si Sheena,hindi ko pwedeng hayaan na po
Sheena POVHalos hindi ako makafocus sa Coffee Shop ko dahil inaalala ko ang huling sinabi saakin ni Gino na kukunin niya saakin ang anak ko,at magpapaka-ama raw siya sa anak ko.Isang buwan na siyang walang paramdam,kaya hindi ko na nakikita ang presensya nya rito sa coffee shop ko.Napapaisip ako na baka pinaplanohan na niya kung paano niya kukunin sakin si Yohan."Hoy,tulala ka na naman dyan!"Siniko ko ni Yulie."Bakit ba ganyan ka ha? Alam mo ba na halos ako na ang magtimpla ng mga orders nilang kape?!"Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya."Ganon ba,sorry!"Walang gana kung sabi."Marami lang talaga kasi kung iniisip ngayon Yulie,kaya pasensya na ha!""Hay naku! Ano na naman kasi yang mga iniisip mo,palagi ka nalang may iniisip dyan,gayahin mo kasi ko oh palagi lang akong chill! Stress lang ang mapapala mo dyan sa kakaisip mo eh""Si Gino kasi!"Hindi ko matuloy ang sinasabi ko,napapapikit ako,siguro ito na yong tamang oras para malaman ni Yulie na si Gino ang ama ni Yohan p
Papasok palang ako sa gate ng paaralan nila Yohan ng mapansin kung parang meron siyang mga kaaway.Kaya naman tinakbo ko agad ang kinaroroonan niya ng may limang batang mga lalaki ang nakapalibot sa kaniya,at nanlaki ang mga mata ko ng tinulak bigla ni Yohan ang isang batang lalaki."Anak! Yohan,ano bang nangyayari at itinulak mo siya!"Nalilito kung tanong habang hinawakan ko ang balikat ng anak ko,at nag-aalala kong hinaplos ang ulo niya."Mommy,sila po kasi eh,kanina pa po nila ko binubully na wala daw po akong Daddy!"Naiiyak na sumbong sakin ni Yohan,niyakap ko siya at hinalikan sa gilid ng tenga niya."Bakit nyo yon sinabi sa anak ko ha? Bakit nyo siya binubully,wala naman siyang ginagawa sa inyo ah!"Gusto kung sumigaw sa galit pero mga bata palang sila at kailangan lang na pagsabihan sila ng maayos."Sinungaling yan si Yohan,siya nga ang tumulak kay Harold eh kaya dumudugo ang kamay niya ngayon oh!"Pagkasabi non nong matabang batang lalaki ay umiyak na ang batang Harold daw,a
Kabanata 63Gino POVHindi parin ako umaalis dito sa labas ng bahay nila Sheena,pinagtulakan niya ko palabas at biglang isinara ang pintuan.Kasama ko ngayon ang mga nagkalat na laruan at damit na binili ko sa Paris na mga itinapon niya.Ilang beses kung kinatok ang pintuan at halos mapaos nako sa kakasabi na papasukin niya ko ulit pero walang Sheenang bumubukas man lang ng pinto,talaga ngang napakatigas ng pusos niya.Pumunta kami sa Paris dahil biglang iniba ni Cindy ang venue ng kasal namin,hindi ako pumayag nong una dahil ayaw ko ngang iwan si Yohan pero si Papa na naman ang nagdisisyon,hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya nong oras ng malaman kung sa Paris na ang kasal namin.Halos lahat na nakahanda,at halos na nagsasaya sa oras ng kasal namin pero hindi namin inasahan na biglang aatakihin si Papa sa sakit niya sa puso kaya halos lahat ay nabigla at nataranta,panay ang iyak habang sumisigaw si mama,agad namang binuhat ni Ethan si papa sa loob ng kotse at halos paliparin ni
Kabanata 64Sheena POVNanlalambot ang mga tuhod ko sa tuwing nakikita ko si Gino,at pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nasa ulo ko na naiipon.Abala ako sa pagpupunas kay Yohan dahil kakagising palang niya,ganito ang ginagawa ko bago ko siya paghahandaan ng pagkain."Buti po at nandito pa si Tito Gino,ano po yung mga nangyari nakatulog po kasi ko agad eh?"Napatigil ako sa pagpupunas sa kaniya ng bigla siyang magsalita."Wala namang nangyari nak eh,huwag mo nalang yun pansinin!""Teka lang po mommy,nasaan na po pala yung mga bigay na regalo saakin ni Tito?"Bigla akong nanlamig sa tanong na iyon,akala ko pa naman ay hindi niya na iyon saakin hahanapin."Nasa sala,huwag mo ng tanungin ang mommy mo an-- ahmm Yohan,inayos ko na iyon kaya mamili ka nalang doon kung ano ang gusto mong laruin!"Napapikit ang mata ko ng mariin dahil nakapasok na ito sa kwarto ng anak ko,lalo pa kung kinabahan ng muntik na naman niyang matawag na anak si Yohan."Tito Gino,talaga po! salamat po ah! Ang bait mo