Kabanata 63Gino POVHindi parin ako umaalis dito sa labas ng bahay nila Sheena,pinagtulakan niya ko palabas at biglang isinara ang pintuan.Kasama ko ngayon ang mga nagkalat na laruan at damit na binili ko sa Paris na mga itinapon niya.Ilang beses kung kinatok ang pintuan at halos mapaos nako sa kakasabi na papasukin niya ko ulit pero walang Sheenang bumubukas man lang ng pinto,talaga ngang napakatigas ng pusos niya.Pumunta kami sa Paris dahil biglang iniba ni Cindy ang venue ng kasal namin,hindi ako pumayag nong una dahil ayaw ko ngang iwan si Yohan pero si Papa na naman ang nagdisisyon,hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya nong oras ng malaman kung sa Paris na ang kasal namin.Halos lahat na nakahanda,at halos na nagsasaya sa oras ng kasal namin pero hindi namin inasahan na biglang aatakihin si Papa sa sakit niya sa puso kaya halos lahat ay nabigla at nataranta,panay ang iyak habang sumisigaw si mama,agad namang binuhat ni Ethan si papa sa loob ng kotse at halos paliparin ni
Kabanata 64Sheena POVNanlalambot ang mga tuhod ko sa tuwing nakikita ko si Gino,at pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nasa ulo ko na naiipon.Abala ako sa pagpupunas kay Yohan dahil kakagising palang niya,ganito ang ginagawa ko bago ko siya paghahandaan ng pagkain."Buti po at nandito pa si Tito Gino,ano po yung mga nangyari nakatulog po kasi ko agad eh?"Napatigil ako sa pagpupunas sa kaniya ng bigla siyang magsalita."Wala namang nangyari nak eh,huwag mo nalang yun pansinin!""Teka lang po mommy,nasaan na po pala yung mga bigay na regalo saakin ni Tito?"Bigla akong nanlamig sa tanong na iyon,akala ko pa naman ay hindi niya na iyon saakin hahanapin."Nasa sala,huwag mo ng tanungin ang mommy mo an-- ahmm Yohan,inayos ko na iyon kaya mamili ka nalang doon kung ano ang gusto mong laruin!"Napapikit ang mata ko ng mariin dahil nakapasok na ito sa kwarto ng anak ko,lalo pa kung kinabahan ng muntik na naman niyang matawag na anak si Yohan."Tito Gino,talaga po! salamat po ah! Ang bait mo
Kabanata 65Cindy POVGusto kung magalit araw-araw kay Gino dahil sa hindi niya itinuloy ang kasal namin,malaking pera ang ginastos namin sa pagpeprepare sa kasal na iyon at halos mabaliw baliw nako sa kaka-asikaso non halos wala na kung oras sa sarili ko tapos ganon lang ang mangyayari.Naiintindihan ko naman iyon dahil sa nangyari sa papa niya siguro mahal na mahal ko talaga siya dahil kung hindi baka ibinaon ko na siya sa lupa.At ang pinagtataka ko pa ay marami siyang biniling mga laruan at mga damit na mga pangbata,gusto ko sana siyang tanungin kung saan niya iyon ibibigay pero baka sa foundation na naman niya iyon ipamimigay kaya minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko.Naiwan ang magulang ni Gino sa Paris dahil doon nagpaparecover ang Papa niya,namomroblema na naman ako kung paano na naman namin sisimulan ang pag-asikaso sa kasal namin pero gagawin ko ang lahat para matuloy na ang kasal namin dahil matagal ko na itong gustong mangyri at sana gumaling narin agad ang papa niya
Gino POVKapag nakikita ko si Sheena doble-doble ang guilt na nararamdaman ko,sinira ko ang masaya niyang buhay kasama ang ina niya at sinisi namin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa.Gusto ko ng sabihin sa kaniya kung saan ngayon ang mama niya at matagal ko ng tinatago sa kaniya pero hindi ko alam kung paano iyon sasabihin dahil baka kapag nalaman niya ay pagbabawalan na naman niya kung makalapit sa anak ko.Sa tuwing nasisilayan ko siya,napapahanga ako dahil sa kabila ng pinagdaanan niya at pagpapahirap ko sa kaniya ay nalampasan niya lahat iyon,at mas nakakakonsensya na pinalaki niyang mag-isa ang anak namin na wala ako.Marami kung gustong malaman mismo sa bibig niya kung bakit niya iyon ginawa lahat,bakit hindi niya sinabi na si Shammel ang totoong may gawa non,bakit niya pinagtatakpan ang hayop na babaeng iyon."Gino,bakit nandito ka?"Takang tanong agad saakin ni Yulie na may hawak na sandok,siguro ay naistorbo ko ang pagluluto niya ng kumatok ako sa pintuan nila."Ibib
Kabanata 67Sheena POV Pagkatapos naming kumain si Gino ang naghugas ng mga pinggan,masyado syang mapilit kaya pinaubaya ko na sa kanya,napapangiti ako dahil sa kilos nya sigurado kong di sya marunong at ngayon lang sya nakapaghugas ng mga plato.Nagpapabibo siya kaya pinagbigyan ko,kesa naman sa makipagtalo pa ko sa kaniya."First time mo ba?"Tanong ko ng makita kung nahihirapan siya."Ang alin? Ito bang paghuhugas,Oo..pero aamin nako,first time ko talaga tsaka,nakakaenjoy nga palang maghugas eh"Mukha syang plato sa sagot nya,kung hindi ko lang siya nilakihan ng mata ay di siya aamin na first time niya ang maghugas ng pinggan."Pagkatapos mo niyan umalis ka na,aalis rin kami mamaya,wala kang kasama rito!"Sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang mesa."Saan naman kayo pupunta?"Inasahan ko na na iyon ang itatanong niya."Wala ka na don,basta umuwi ka na mamaya pagkatapos mo niyan!""Sasamahan ko kayo,gusto ko lang masiguro na ligtas kayo!"Inirapan ko siya dahil hindi na naman
Kabanata 68Gino POVKung wala lang akong meeting ay hindi sana ko aalis sa bahay nila Sheena,baka bumalik na naman ang lalaking iyon,nakikita ko sa mga kilos ng Edwin na iyon na gusto niyang maging ama sa anak ko,hidi iyon pwedeng mangyari.Hindi ko gusto ang mga kinilos ni Sheena para sa lalaking iyon,masaya siya kapag sinisilbihan niya si Edwin at palagi pa siyang nakangiti rito,at napakasweet pang magsalita,samantalang kapag saakin ay palagi nalang siyang galit,mataray at nakakaimbyerna ang palaging pasigaw siyang magsalita saakin.Alam kung wala akong karapatang magalit dahil buhay niya naman iyon,ang gusto ko lang naman ay maging mabait rin sana siya saakin kahit wala sa harap namin ang anak naming dalawa,gusto kong maging magkaibigan kami dahil ayaw ko ng nakikipagtalo sa kaniya."Sir nandyan napo sila Mr.Harold Cruz!"Tiningnan ko ang relo ko at mag-aalas otso na nga.Napakunot ang noo ko dahil secretary ko dapat ang nag-iinform saakin,at parang ngayon ko lang nakita itong ka
Kabanata 69Sheena POVDito kami ngayon sa Starbucks dito kasi kami dinala ni Edwin pagkatapos niyang bumili ng kotse,nagulat nalang ako ng ipakita niya ang susi at kotse niya na bagong bago,siguro malaki ang ipon niya kaya nabibili na niya ang mga gusto niya.Maraming biniling pagkain si Edwin kaya busog kaming lahat,ako sana ang magbabayad ng kinain namin nila Yulie dahil nakakahiya naman sa kaniya kaya lang mapilit siya na siya naraw ang magbabayad at dahil sobrang mahal ng babayaran ay pinaubaya ko na sa kaniya."Woahh Edwin napakaswete naman namin kami ang una mong pasahero ah,napakabongga muna ngayon ah!"Kinurot ko sa tagiliran si Yulie dahil sa kadaldalan niya,naikwento ko kasi kay Yulie na simpleng lalaki lang noon si Edwin."Ano ka ba Yulie hindi ko kayo pasahero,especial kayo saakin lahat at ako ang swerte dahil ipagdadrive ko kayo!"Masayang sabi ni Edwin at nakisaya narin kami ng anak ko."Masaya ko para sa'yo Ed,nabibili muna lahat ng gusto mo,yayamanin ka na ah!"Masaya
Kabanata 70Gino POV"Love..."Tawag saakin ni Cindy ng makita niya ko,at agad niya kung nilapitan."Ano bang pinag-usapan nyo ni Sheena at ganyan ang mukha mo?"At yan agad ang seryosong tanong niya ng makalapit saakin."Wala naman kaming pinag-usapan!"Walang kwenta kung sabi.Hindi sana kami pupunta sa mall na ito dahil sa bahay kami magdidinner dahil maraming niluto itong si Cindy,kaya lang biglang nagbago ang isip niya at dito niya naisipang pumunta.Pagpasok palang namin nakita ko na agad si Yulie kaya naman naisip ko na agad na nandito din ang anak ko,dahil baka gumala nga talaga sila gaya ng sinabi saakin ng anak ko na gagala sila.Maraming pinili si Cindy at pati ako ay binilhan niya rin ng mga damit,pero wala sa kaniya ang atensyon ko kundi sa paligid dahil baka sakaling makita ko ang anak ko.Habang may nakitang magandang dress si Cindy doon ko naman nakita ang anak ko na sinusukatan rin siya ni Sheena ng damit.At alam ko na ang magiging reksyon niya kapag nilapitan ko sil