Kabanata 52Shammel POVNaging masaya ang pagbabakasyon ko sa america dahil sa pagsama ko kay Cindy,at di ko inasahan na sasakit ang ulo ko sa pag-uwi ko sa bansang kinalakihan ko dahil lang kay Sheena.Tinuring ko na kasing totoong kaibigan si Cindy at ayaw kung nakikita itong nasasaktan dahil sa naging kaibigan ko noon na si Sheena,inaagaw na kasi niya si Gino ngayon kay Cindy kaya ayaw na nitong umalis sa kompanya,siguro nga iyon ang natutunan niya sa loob ng kulungan at baka naghihiganti lang siya sa ganoong paraan at hindi ko hahayaan na sirain niya ang pagsasama ni Cindy at Gino."Nasaan na kayo?"Tanong ko sa kabilang linya na si Miguel,ang lalaking mahal na mahal ako at hindi ko iyon masuklian dahil ang pagmamahal ko sa kaniya bilang kaibigan lang at hanggang don lang ang kaya kung ibigay sa kaniya."Nakaabang na kami ngayon rito sa labas ng kompanya!"Seryosong sagot niya."Ganon ba,siguraduhin nyo lang na hindi kayo papalpak sa gagawin ninyo kundi lagot tayong lahat kay Cind
Kabanata 53Bweset,nakakainis,bakit ganon na naman ang tagpo naming dalawa ni Gino,siguro nga talaga wala ng pag-asang magakasundo kami.Nagfocus nalang ako sa pag-aasikaso sa susunod na meeting ni Gino kay Mr.Alvarez.Mr.Alfonso Alvarez is one of the top businessmen not just in the Philippines but in the whole Asia.He owns resort and food manufacturing companies and chain of hotels.Katulad rin ng ama ni Gino si Mr.Alvarez marami ng napatunayan sa industriya at sa na research ko ay strikto rin pala ang ama niya katulad rin kay Mr.Alvarez,hindi na ko magtataka kung saan nagmana si Gino.At ngayon ay gusto ring mag-invest ni Gino kay Mr.Alvarez kaya ipinapaasikaso sakin ni Gino ito sa lalong madaling panahon,nagresearch pa ko tungkol kay Mr.Alvarez at nagtanong tanong kung kailan ito free.Halos mamanhid narin ang mga kamay ko sa kakatype sa keyboard ng laptop,pero gusto ko ng tapusin to dahil baka masermunan na naman ako,ayaw ko ng marining ang palagi nalang pasigaw ang bhoss ko,minsa
Shammel POV"Anong nangyari sa mukha mo at ganyan ang hitsura mo?"Pagkalabas ko palang sa kompanya ay sinalubong nako ni Miguel na labis na nag-aalala."Meron bang ginawa ang babaeng yon sa'yo ha?"Tanong niya ulit ng tulala lang ako,totoo nga pala ang sinabi sakin ni Ethan na iba magalit si Gino,pero kasalanan itong lahat ni Sheena,palagi nalang niyang ipinamumukha sakin ang di ko naman sinasadyang mangyari,tinanggol ko lang naman siya kaya ko yon nagawa!"Sinampal lang naman ako nong Gino na iyon,dahil kay Sheena!"Parang bata kung sumbong,gusto kung magalit ng husto si Miguel kay Sheena para mapatay na niya agad ito."Saan ka pupunta Miguel,hoy!"Nahawakan ko ang itim niyang suot na jacket dahil parang susugurin niya ang dalawa sa loob."Babasagin ko ang bungo ng lalaking yon,kahit kaibigan ko pa si Ethan at bhoss natin si Cindy ay wala akong pakialam,wala siyang karapatang saktan ka!""Baliw ka ba,si Sheena ang target natin dito,kaya umayos ka nga dyan!"Paalala ko ulit sa kaniya
Yulie POV"Hindi ka pa ba aalis?"Tanong ko kay Ryan na wala na ata siyang balak na umalis,kanina ko pa siya pinapaalis dahil lagot ako nito kay Sheena,pero sobrang kulit niya."Tita,naglalaro pa po kami,mamaya ka na po umuwi kuya Ryan ha!"Ako tuloy ang namomroblema ngayon."Wala naman akong gagawin na masama sa inyo,wala na kasi kung gagawin kaya tumatambay lang ako rito!"Kung hindi lang siya pogi ngayon baka kanina ko pa siya binuhusan ng mainit na tubig,iba kasi ang aura ni Ryan,hindi tulad nong sa moa kami."Ang ganda pala talaga ng tita Yulie mo no,Yohan,kahit wala siyang make-up!"Ito namang si Ryan eh,alam naman niyang marupok ako."Aray!"Napahawak siya sa ulo ng tamaan siya ng laruan ni Yohang tinapon k sa kaniya."Huwag ka ngang ganyan!"Nagtataray kung sabi,pero ang totoo ay kinikilig naman ako."Asusss! Alam mo po kuya,gustong gusto po ni tita na sinasabihan siyang maganda,buti naman po at napansin mo na maganada ang tita ko!""Hay nako,tama na nga kayo dyan,thank you na
Kabanata 56Sheena POVSumasakit ang sintido ko dahil wala pa ang dalawa,jusko baka kung ano ang mangyari sa kanila.Nakailang baso narin ako ng tubig dahil sa nangyari kanina sa daan,may tatlong lalaki kasing umabang sakin,mga nakahelmet sila at kulay itim ang lahat nilang suot mga masasamng loob ang tatlong iyon at balak nila kung kunin,buti nalang talaga at malakas ako,kung hindi ko lang sila natakbuhan baka namatay nako,at salamat sa Diyos dahil mga galos lang ang natamo ko,meron akong galos sa braso at sa baba ng tuhod ko,at meron akong pasa sa tagiliran,kung saan saan kasi ko nabunggo dahil sa sobrang taranta at takot ko.Tapos pag-uwi ko pa,wala man lang katao-tao rito sa bahay,kaya naman parang matutuluyan na talaga kung mamatay.Agad akong nakatayo ng may mga katok sa pintuan,hindi rin maayos ang paglalakad ko,napatapilok rin kasi ko kanina,kung sino man ang mga lalaking iyon sana huwag na nilang ulitin iyon."Mommy!!"Sinalubong ako ng mahigpit ng yakap ng anak ko,napaluha a
Gino POV"Sir baka po mapasukan ng bangaw ang bibig mo sa kakangiti mo dyan ehehe!"Pang-aasar ni Ryan,habang nagdadrive."Eh pano naman kasi,sa tinagal-tagal munang nagtatrabaho sakin,parang ngayon kalang nakagawa ng maayos,at ikinasiya ko ng husto!"Napatawa si Ryan sa sinabi ko.Niyaya ako kanina ni Cindy na makipagdate dahil wala na daw akong oras sa kaniya,at nahalata ko rin naman na halos wala na nga talaga kaming time sa relationship namin kaya pinagbigyan ko ito.Pero bigla akong tinawagan ni Ryan,at kasama nga daw niya si Yulie at si Yohan,sa di ko mapaliwanag na nararamdaman ko ng sabihin iyon saakin ni Ryan,ay agad akong nagpaalam kay Cindy at iniwan ito,alam kung nasaktan ko siya dahil sa inasal ko,pero magpapaliwanag nalang ako sa kaniya mamaya,at tatanggapin ko kung ano man ang ibato niyang galit saakin.At ng makita ko nga si Yohan,ay halos ayaw ko ng alisin ang mga mata ko sa kaniya,at hindi ko maipaliwanag ang saya sa loob ko,parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa k
Kabanata 58Sheena POVDito ko ngayon sa cofee shop na nabili ko kay Aling Selda,walang kaalam-alam si Yulie dito dahil hindi pa kami nag-uusap hanggang ngayon.Marami kung iniba na design kaya mas lalo pa itong gumada,meron din akong iba't ibang klase na kape na ako lang ang gumagawa para sa mga estudyante kung costumer's,at ang iba ay mga tricycle driver's at kung sino-sino pa.Nakakapagod pero ganito talaga ang buhay,kailangan mong paghirapan ang kakailanganin mo sa araw-araw lalo pa at hindi naman ako mayaman."Mommy!!"Agad akong napatigil sa ginagawa kung pag-aayos para sa paggawa ng kape ng yakapin ako ng anak ko sa likod.At kasama niya si Yulie,parang nakonsensya ko dahil nakita ko sa mga mata niya ang pagtatampo."Uwian na agad kayo nak? Teka,don muna kayo ng Tita mo at ipagtitimpla ko kayo ng masarap kung kape!"Turo ko sa bakanteng upuan at lamesa,na agad naman tinungo ng anak ko."Gaga ka,wala ka ba talagang balak sabihin sakin to!Atsaka,kailan ka pa natotong gumawa ng ka
Kabanata 59Gino POVDali-dali kong iniwan ang meeting kay Mr.Alvarez ng tumawag sakin si Dr.Rico Nagales,dahil meron naraw resulta sa pinapaasikaso kung DNA test.Importante ang meeting ko naiyon kay Mr.Alvarez pero mas importante sakin ang resulta ng DNA test na iyon,wala na kong pakialam kung ano man ang mangyari sa kompanya.At ng malaman ko ang resulta ay halos matunaw nako sa kinatatayuan ko,hindi ko akalain na tama ang hinala ko,kaya pala ganon-ganon nalang ang naramdaman ko ng una ko siyang makita."Tama na yan sir,napakarami mo ng nainom oh!"Awat sakin ni Ryan sa iinumin kung alak,pero agad kung nilagok iyon."Hayaan moko Ryan,hayaan moko!"Pilit ko siyang inilalayo pero panay naman ang awat niya saakin.Hanggang ngayon nakikita ko parin ang mga tingin sakin ni Sheena,nakita ko sa mga mata niya ang sobrang pagkagalit saakin,at ang pagkagusto niyang ilayo sakin si Yohan na anak namin."Napakasama kung ama Ryan,sobrang sama ko,wala akong kwentang ama!"Muli kong nilagok ang ba
Sheena POVKanina pa kami nagbabyahe pero hindi ko pa alam kung saan kami dadalhin ni Gino,tinatanong ko siya pero seryoso lang siyang nagdadrive ng kotse.Nong tinawagan siya ni Ryan ay bigla nalang siyang nataranta at agad kaming pina-impake, buti nalang at tinulungan ako nila Marie. Kaunti lang nga mga naimpake namin dahil nagmamadali na talaga si Gino na makaalis kami. Nagulat ako sa mga ikinilos niya lalo pa ng bayaran niya ang dalawang kasambahay at hindi na daw ito dapat na bumalik sa bahay namin dahil hindi naraw kami babalik pa,kaya naguluhan man sila Marie ay wala silang nagawa kundi ang tanggapin ang sahod nila at umalis na."Saan ba talaga tayo pupunta? Kinakabahan ako sa padalos-dalos mong disisyon sa buhay!?"Inis kung tanong sa kaniya habang hinahaplos ko ang ulo ni Yohan na nakapatong sa hita ko,nakatulog na kasi ito dahil sa kadaldalan at mahabang biyahe,gusto ko na nga ring matulog kaya lang baka kung saan kami dalhin ni Gino."Pupunta tayo sa lugar na walang pwedeng
Kabanata 100Ethan POVNagkakagulo na silang lahat sa baba dahil hindi nila ma-contact si kuya, dito ko sa kwarto ko at sinusubukan ko ring kontakin si kuya pero katulad din sa kanila di ko rin ma-contact. Nakadungaw ako sa bintana at kita ko mula dito ang mga nagkalat na tauhan ni Papa."Ethan, subukan mo ngang tawagan ang kuya mo baka sakaling sagutin niya ang tawag mo." Nalipat ang mga mata ko sa boses ni Mama at merong bahid ng lungkot, merong ding pag-aalala sa mga mata niya."Kanina ko pa sinusubukan pero di rin niya sinasagot, Ma!" Sabay pakita ko sa kaniya ang cellphone na nakadial sa number ni Kuya.Huminga ng maluwag si Mama at umupo sa sofa."Sa tingin mo, Anak. Sisipot kaya ang Kuya mo sa kasal nila ni Cindy bukas?"Kitang-kita ko ang pangamba ni Mama sa kaniyang mga mata."Siguro hindi, kasi kung sisipot iyon si Kuya dapat nandito siya sinasamahan niya ang mapapangasawa niya at kahit nga sa photo shoot ay hindi siya sumisipot eh. Ma, sinasabi ko ito dahil ito ang totoo ka
Kabanata 99Sheena POVHindi ako maka-focus sa pag-aalalay Kay Yohan sa pagbabike dahil sa nalaman ko sa Ina ni Gino na bukas na pala ang kasal nila ni Cindy. Pumunta kasi sila ni Ethan dito at kinausap ako at gaya ng dati ay masasakit na salita ang ibinato niya saakin, hindi naman ako nag-eexpect na magiging maayos ang pakikitungo niya saakin kaya hindi ko nalang pinansin ang masaskit niyang sinabi saakin maliban nalang sa sinabi niya na bukas na nga ang kasal ni Gino. Inawat naman ni Ethan ang mama niya at humingi siya ng paumanhin sa inasal ng kaniyang ina, at nagpaalam na agad siyang umuwi kasama ang mama niya kahit gusto niya pang-mag-stay dito para turuan ang pamangkin niyang mag-bike kaya ngayon ay ako ang umaalalay sa anak ko dahil nag-eenjoy siyang matutong mag-bike."Mommy, kunti nalang pong practice at magiging isang magaling na po akong biker!"Napakurap ako ng marinig ko ang napakasayang boses ng anak ko, pero nanlaki naman agad ang mata ko ng biglang na out balance ang
Kabanata 98Gino POVMagkasalubong ang dalawa kung kilay habang nagdadrive ng kotse ko,minsan na nga lang akong magprepare ng simpleng dinner para saamin ni Sheena ay meron pang ng istorbo.Ayaw ko sanang iwan si Sheena sa bahay kaya lang ramdam ko sa boses ni Papa na meron na namang problema at pinagbantaan niya pa ako tungkol sa anak ko.Pinarada ko ang sasakyan sa garahe at lumabas agad ako,nakita ko agad si Cindy na malaki ang ngiti sa mga labi niya habang papalapit saakin,mapula ang labi niya at naka tube dress hanggang sa kalahati ng hita niya na kulay pink, ito ang mga paborito niyang mga suot."Good morning Love,sobrang namiss kita!Kanina pa ako naghihintay sa'yo"Inilayo ko ang mukha ko ng susubukan niya kung halikan,nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa inasal ko."Bakit?"Taka niyang tanong saakin."Ayaw mo na ba saakin? Hindi mo man lang ba ako yayakapin o hahalikan man lang? Love ...? Hindi mo ba ako namiss?"May lungkot na sa boses niya.Siguro ito na ang tamang panahon
Kabanata 97Sheena POVNaramdaman kung may maliliit na halik sa leeg ko at sa pisngi ko,kaya naman pinilit kung imulat ang mga mata ko,ulo lang ang kaya kung galawin dahil parang naistroke ang bou kung katawan,sobrang kirot na naman ng pagkababae ko,gawa na naman ito ni Gino."Good morning..."Malambing na bati saakin ni Gino,siya pala ang humahalik saakin,nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang hinahaplos-haplos niya."Ang sakit ng katawan ko!" Pag-amin ko sa kaniya,narinig ko ang maliit niyang tawa.Hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko,pagod at walang gana ang buo kung katawan."Sorry!" Hinalikan niya ako ng maingat sa labi pagkatapos niyang sabihin iyon na nakokonsensya.Ewan ko pero gusto ko iyong halik na ginawa niya saakin,tinanggap ko ang halik niya."Si Yohan pala?" Tanong ko ng maisip ko ang anak namin."Nasa school na siya hinatid nila Ryan." Sumalampak siya sa kama katabi ko.Nailayo ko ang sarili ko dahil hindi pa ako naliligo at naamoy ko na ang lansa."Baki
Kabanata 96Gino POVGabi na akong nakauwi dito sa bahay nadatnan kung naghaharutan si Yulie at Ryan,napatigil sila sa kanilang landian ng makita nila kung dumaan sa harapan nila.Hindi ko sila binigyan ng pansin diretso lang ako sa kwarto ng anak ko at nakita kong mahimbing na ang tulog niya,napaisip ako kung bakit wala siyang katabi,iyon pa naman ang inaasahan ko na katabi niya ang Mommy niya.Kaya naman pagkatapos kung ayusin ang pagkakakumot niya ay dumiretso na ako sa kwarto ni Sheena,malayo palang ako ay napansin ko ng bukas ang kwarto niya.At hindi ko nagustuhan ang nakita kung pagkakaibabaw niya sa kapatid ko,at mas kumulo ang dugo ko ng masaya pa sila sa ganoong posisyon.Susugurin ko na sana ng suntok ang kapatid ko buti nalang at tumayo agad si Sheena,at parang nakakita siya ng multo ng makita akong nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.Nagagalit lang akong pinapakinggan ang mga paliwanag nila.Humupa lang iyon ng makita ko ang pagguhit sa mukha niya ang pag-aalala ng makita
Kabanata 95Cindy POVPapasok na kami sa gate ng bahay ng parents ni Gino,malakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko malaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.Ng tuluyan na kaming makapasok ay nakita ko si Gino na merong kargang bata,at merong nakasunod sa kaniyang babae na sigurado kung si Sheena iyon.Nasagot ko na ngayon kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba.Naramdaman ko ang pagtunog ng ngipin ko,nagagalit ako sa babaeng kasama niya ngayon,kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama na naman niya ang mga hayop na'to.Gusto kong patigilin si Daddy sa pagdadrive dahil sigurado kung gulo na naman ang mangyayari oras na makilala niya ang babaeng kasama ni Gino at ang bata."Bakit may batang karga si Gino?"Takang tanong ni Mommy.Bumaba na si Daddy,at binuksan kami ni Mommy ng pinto,inalalayan kami.Hindi pa kami nakikita ni Gino dahil busy siyang alalayan ang dalawang hayop."Gino?"Tawag ni Daddy ng makita niya si Gino,at parang akong binuhusan ng malam
Kabanata 94Sheena POV"Si Yohan matatanggap ko pang parte siya ng pamilya namin,pero ikaw?...HINDI!"Simula ng kausapin ako ng Mama ni Gino ay hindi na mawala sa isipan ko ang huli niyang sinabi saakin.Paulit-ulit iyang narerecall sa isipan ko.Masaya kung sinusubuan ang anak ko ng lapitan ako ng Mama ni Gino at iyon na nga ang simula ng pang-iinsulto niya saakin.Kaya naman ng makita ko silang masayang nagyayakapan ay umalis ako,dito ko ngayon sa labas ng bahay nila,nagpapahangin gusto ko ng sariwang hangin,gusto kung kalimutan ang mga masasakit na sinabi saakin ng Mama ni Gino.Pero ngayong nandito ko sa labas ng bahay nila mas maraming gumugulo sa isipan ko,lalo pa na dito kami ngayon titira sa bahay ng mga magulang niya.Kaya naman ako pumayag ay dahil gusto kung gumaling ang Papa niya,gaya nga ng sabi ng Papa niya ay gusto niyang magpagaling habang kasama si Yohan.Kaya kung magsakripisyo makita ko lang silang masaya,masaya ang anak ko na makilala ang Lolo at Lola niya at masaya
Kabanata 93Gino POVHindi ko sinabi kay Sheena na dadalhin ko sila dito sa bahay ng parents ko dahil alam kung kokontrahin na naman niya ko sa gusto kung mangyari.Buo na ang disisyon kung ipakilala sila kay Papa at Mama kahit alam kung galit saakin si Papa ngayon,at inasahan ko narin na maraming bantay ngayon dito sa bahay para hindi ako makapasok,at kahit sa kompanya ay pansamantala muna akong hindi nakakapagtrabaho.Masaya ang anak ko dahil makikita at makikilala na niya ang Lolo at Lola niya,kaya naman nagagalit ako dahil nawala ang saya niyang iyon ng hindi siya pinakitaan ng magandang loob nila Papa,pati si Sheena ay nadismaya sa inasal ni Papa,alam kung hindi gusto ni Sheena na dalhin ko sila dito sa bahay,pero kahit ganon ay nagbigay galang parin siya sa mga magulang ko."Tatlong araw nalang at ikakasal na kayo ni Cindy,kaya kung ayaw mong tuluyang itakwil kita bilang anak ko,huwag na huwag mo ng dadalhin ang mga basurang iyon dito sa pamamahay ko!"Parang piniga ang puso ko