"ANDAMI nito!" sabi ko nang dumating na ang pina-deliver ni France na pagkain. Akala mo isang buong pamilya kakain niyon eh kami lang namang dalawa."Kaya mong ubusin 'yan," nakatawang sabi niya habang pinupupog ako ng maliliit na halik sa pisngi. Napaka-clingy namin ngayon sa isa't isa. Nakakandong ako sa kaniya. His left hand wrapped around my waste habang ang isa ay gamit niya pang-abot sa pagkain."Ako lang talaga? Aba! Ikaw ang --- ano ba?!" kunwari pang saway ko sa kaniya nang simulan din niyang halik-halikan ang leeg ko. "A-Alam mo namang malakas ang kiliti ko diyan!" Napahalgak pa nga ako ng tawa.Pero tila wala siyang pakialam. Bumaba pa ang halik niya sa balikat ko. "Huy! Ano ba? Kumain muna tayo."Gutom na gutom na kasi ako. Ikaw ba naman makipag-ano hanggang hapon non-stop. Ni wala pa kaming tulog. Walang kain, walang pahinga. Bagsak na nga halos ang katawan ko pero siya ang lakas-lakas pa rin."Opo, sorry," tugon naman niya pero napaigtad ako nang bahagyang gumalaw ang ka
"READY, baby?" Nakasandal si France sa may pintuan nang malingunan ko. Sakto namang kasasara ko lang ng maletang pinahiram niya kung saan ko inimpake ang mga susuotin ko para sa two-day trip namin. Basta lang ako pumayag nang hindi ko man lang naitanong kung saang bansa ang punta namin."Okay na," sabi ko saka muling sinilip ang sarili sa harap ng salamin. Dress ang suot ko ngayon na lagpas tuhod ang haba. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok na hindi ako sanay talian. Mula sa repleksyon ng salamin ay nakita kong unti-unting lumalapit sa akin si France. As expected, niyakap niya ako mula sa aking likuran."Please stop seducing me, baby, baka hindi na naman ako makapagpigil," masuyo niyang bulong sa akin habang tila sinasamyo pa ang halimuyak ng aking buhok. Para na namang lasing ang mga mata niyang mapupungay. "Hindi ko na kasalanan 'yon, kung adik ka," pabiro kong tugon. Napaigtad pa ako nang bigla niyang angkinin ang mga labi ko. "Ayan ka na naman, akala ko ba nagmamadali tayo?" Ga
IT was 3pm nang lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa India. Bago sumakay ng taxi ay dumaan at kumain muna kami sa unang restaurant na nakita namin. Hindi ako pamilyar sa mga pagkain doon, but somehow, nairaos ko naman ang gutom ko. Sumakay agad kami ng taxi. Kaming dalawa ang nasa backseat habang si Carlo ang nasa unahan at nakikipag-usap sa driver. Tahimik lang kaming dalawa dahil papikit-pikit ang mga mata ni France. Halatang pagod sa biyahe. Nakaidlip naman ako kanina kahit papa'no kaya masigla pa rin ako hanggang ngayon. Hinayaan ko siyang ipatong ang ulo niya sa balikat ko. Matapos ang almost thirty minutes na biyahe ay tumigil din kami sa tapat ng isang building. Kakaiba ang structure niyon dahil sa crystals gawa ang disenyo sa labas. At ang taas, lamang pa yata sa kompanyang pag-aari ni Francisco sa Pilipinas. Nangawit pa ako kakatingala. At panay rin ang lingon sa paligid. Andami kong nakikitang bumbay. "Let's go," sabi ni Francisco sa akin. Hindi kami magkadikit dah
PAGPASOK namin sa kuwarto ko, ine-expect ko nang pagagalitan at sesermunan ako ni France. Ngunit pagpinid ko pa lang ng pinto ay agad niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig."I missed you," bulong niya habang pinupupog ng halik ang aking noo at bumbunan. "How were you noong wala ako, hmmm?" Pero hindi ko siya maintindihan. Kanina lang kitang-kita ko ang pigil niyang emosyon. Bakit ngayon parang ang sweet-sweet na niya sa akin? At kunwari pa siya sa tanong niyang kinukumusta ako. Alam kong batid niya kung ano'ng ginawa ko."Magalit ka sa akin," sabi ko. Dahil gusto kong pag-usapan namin si Sara. Ewan ko ba, pero alalang-alala ako sa kaniya. Kumusta na kaya siya? Hindi ko ma-imagine na sinasaktan siya ng asawa niya. She's too beautiful to deserve that. Isa pa, wala naman siyang ginawang masama."And why should I get mad, baby?" malambing niyang tanong sa akin. Sinubukan pa niya akong halikan pero itinulak ko siya."I-Iyong kanina..." simula ko. "Bakit--""No. Hayaan mo na 'yon. Lab
PUMARA ako ng jeep at sumakay kami pabalik sa Carmona. Hindi niya pa nasasagot ang tanong ko kung paano niya ako natunton pero naisipan kong mamaya na lang mag-usisa. "Parang mas gumanda ka ngayon, 'nak. Naging blooming, siguro masaya ka na ngayon sa kinalalagyan mo," sabi pa ni mama habang nasa biyahe na kami. Medyo naipit pa kami sa traffic nang nasa San Pedro na kami. 'Pag alas-singko ng hapon talaga, rush hour pa rin. Asiwa lang akong ngumiti. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing masaya na kasi ako sa buhay ko dahil stress-free na ako ngayon. Plus may partner akong mayaman. Ayokong maging mayabang sa harap niya."Kumusta ka naman ngayon? Saan ka tumutuloy?" tanong niya pa. Parang hindi ako sanay na ginaganito niya ako. Dati naman kasi wala siyang pakialam sa akin, ang mahalaga lang sa kaniya ay magbibigay ako ng pera kapag sahuran na. "Okay naman ho. Nagbo-boarding house ako sa malapit sa pinagtuturuan kasama ang isa pang co-teacher ko." Sorry kung kailangan kong magsinungali
"DITO ka na lang matulog. Walang ibang available na kuwarto," nahihiya pang sabi ko matapos papasukin si France sa loob ng aking silid. Ito lang kasi talaga ang pinakamaayos sa lahat. Inilibot pa niya ang kaniyang mga mata. Ang ipinagtataka ko, bakit wala man lang akong napansing pagkadisgusto sa mga nakikita niya. Parang normal lang sa kaniya ang lahat. Tumango at ngumiti pa. "Okay," malumanay niya pang tugon habang nakatingin sa akin. "So ito pala ang kuwarto mo rito, not bad." Naupo pa siya sa gilid ng kama at hinila ako patabi sa kaniya. "Sometimes, I'm curious about having a simple life. Nakakasawa ring puro magaganda at mamahaling bagay ang nakikita sa paligid."Nagulat pa ako sa tinuran niya. Magkahinang pa rin ang aming mga mata. Pilit kong binabasa ang isipan niya. At wala akong kaplastikang nakikita maliban sa malamlam niyang titig sa akin."B-Baligtad naman tayo," utal na tugon ko. Nagpapakatotoo lang. Marahil gano'n ang nararamdaman namin dahil sa magkaibang estado ng bu
"ANDAMI-DAMI mo namang pinamili," asik ko habang padabog na ikinakabit ang seatbelt."Bakit ba kasi pinoproblema mo 'yon?" kalmado at natatawa namang sagot ni France. Dumukwang pa siya sa 'kin para i-check kung tama ba ang pagkakakabit ng seatbelt ko bago niya ikinabit ang sa kaniya. Nakasimangot pa rin ako dahil naiinis talaga ako sa kaniya. Kung saan-saan pa kami pumunta para mamili ng kung anu-anong ipamimigay sa bahay. Hindi raw nagpapa-impress pero daig pa ang nagbibigay ng dote. Ipinangangalandakan talagang marami siyang pera."Tapos ano? Nakakahiya sa mga makakakita. Iisipin ng mga kapitbahay naka-jackpot kami. Lalo tuloy parang ayaw ko na bumalik sa bahay," reklamo ko pa. Kulang na lang magdikit na ang aking mga kilay."Bakit kasi iniisip mo ang sasabihin ng iba? Hindi ka naman ganiyan dati. Ang tapang-tapang mo nga. Kung ayaw mo nang umuwi sa inyo, eh 'di huwag. Idadaan ko na lang 'to kung gusto mo? Sa libing na lang tayo babalik?" May pilyong ngiti sa mga mata niya. Siyempre
DAHIL sem-break na sa school, marami-rami ang binaon ko. Halos lahat yata ng damit na nandoon dinala ko na. Wala naman siyang comment nang makita ang maletang bitbit ko kaya umalis na rin kami. Walang dala miski na isa si France maliban sa wallet at susi ng kotse niya.Excited pa ako habang nasa biyahe na kami. Panay lingon ko sa paligid sa pag-iisip na baka nandoon na kami. Ngunit dahil sa traffic, inabot kami ng halos dalawang oras bago nakarating. Pumasok kami sa isang pamosong subdivision na halos ikaluwa ng mga mata ko sa gaganda ng bahay na aking nakikita. Daig ko pa yata ang nasa Beverly Hills.Tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. Hindi kita ang loob sa sobrang taas ng bakod. Tatlong beses siyang bumusina at pinagbuksan din kami. Lalo akong hindi makapaniwala. Napakalaking bahay ang bumulaga sa akin. Este mansion na nasa gitna ng malawak na garden. Parang mall sa laki at unique architectural design. Napatingin pa ako kay France na pa-smirk na ngumiti sa akin nang magk