Nang marinig ito ni Jonas, hindi siya nagsalita. Sa halip, tahimik lamang siyang nakatingin sa pilak na karayom na nakabaon sa likod ng anak niya—malalim ang iniisip.Samantala, tila naantig si Maricar sa mga salitang binitiwan ni Valerie at mukhang may sasabihin na sana siya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig na agad ang tinig ng kanyang munting apo."Manahimik ka nga!"Galit na si Hiro. Para sa kanya, napakasama ng babaeng ito. Hindi pa nga humihingi ng tawad matapos saktan si Valerie heto’t tinatanong pa kung tama ba ang ginagawa ng doktora. Gusto na niyang magsalita para ipagtanggol ang paborito niyang doktora.Pero sa pagkakataong ito, si Valerie na mismo ang nagsalita.Malamig at matalim ang tono ng boses nito, tila nagyeyelong hangin sa gitna ng taglamig. May halong panunuya ang kanyang sinabi, "Kung wala kang alam, manahimik ka na lang. Wala akong interes makipagtalo sa mga mangmang. Ang ingay mo."Dahil sa walang pasintabing pananalita ng doktora, kapansin-pansin
Nasa tabi ni Valerie si Hiro at nang makita niyang galit pa rinito, kinabahan siya. Natakot siyang baka hindi na ito bumalik upang ipagpatuloy ang gamutan sa mata ng kanyang ama. Natakot din siyang baka hindi na niya muli itong makita. Kaya dali-dali siyang lumapit, hinawakan ang laylayan ng damit nito, at maamong nagsalita.“Tita, huwag ka na pong magalit sa nangyari kanina, pwede po ba? Huwag mo na po silang gayahin… Ang ganda-ganda mo po, para kang diwata! At ang mga diwata, hindi sila nagtatanim ng galit. Sabi rin po nila, pag laging galit, magkakaroon ng kulubot!”Narinig ni Valerie ang malambing na pananalita ng bata at unti-unting nabawasan ang init ng kanyang ulo. Lalo pa niyang naalala kung paano siya ipinagtanggol ng bata mula umpisa hanggang dulo.Hindi niya magawang patigasin ang puso niya sa bata, kaya kahit pilit, napangiti siya at malumanay na sabi, “Ikaw talagang bata ka, ang tamis naman ng dila mo.”Tuloy-tuloy ang pambobola ni Hiro. “Totoo po ‘yon, Tita! Kayo po tala
Nagtanong ang bata, "Eh, pagkatapos po no’n?"Walang pag-aalinlangang sumagot si Harvey, "Hindi na ako mag-aasawa kailanman."Pagkasabi nito, tumingin siya sa direksyon nina Jasmine, malamig ang mga mata, at mariing sinabi, "Simula ngayon, huwag na huwag kang pupunta rito nang walang pahintulot ko."Namutla si Jasmine at hindi siya nakapagsalita. Hindi na rin nakatiis si Maricar sa nakita, kaya’t pinagsabihan niya ang anak. "Harvey, hindi ba't sobra ka naman? Anuman ang nangyari, si Jasmine ay nag-aalala lang naman sa’yo. Bakit mo siya tratuhin nang ganito? At isa pa, may kasunduan na kayo sa kasal. Bakit mo ginagawa ito para lang sa isang tagalabas? Sulit ba?"Malamig ang tugon ni Harvey, "Yung kasunduang sinasabi n'yo, matagal ko nang tinupad. Ngayon, wala nang dahilan para sundin ko pa ulit iyon."Hindi pumayag si Maricar at agad siyang sumagot, "Paano mo naman nasabing pareho lang iyon? Si Jasmine ang tunay na anak ng Lozano, samantalang ang pinakasalan mo dati ay impostora—""‘Ta
Nag-aalala si Hiro, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip at agad iniabot ang kuting kay Joshua.“Kuya Joshua, paki-alaga muna nito!”Pagkasabi niyon, dali-dali siyang tumakbo palabas upang puntahan si Vanessa.Narinig din ni Harvey ang mga ingay sa labas. Nang sumigaw ang bata, bigla siyang kinabahan, pakiramdam niya’y parang si Hiro mismo ang nasaktan. Agad siyang nag-utos kay Joshua.“Tingnan mo kung anong nangyari.”Tumango si Joshua. “Opo, sir!”Mabilis siyang sumunod kay Hiro.Pagdating nila sa labas, nakita nila ang sugat sa braso ni Vanessa—kumuha ito ng gasgas mula sa mga sanga ng halaman. Hindi naman malalim ang sugat, pero sa makinis na balat ng bata, halatang masakit ito.Agad na nag-alala si Joshua at sinabi, “Kailangang linisin agad ang sugat na 'yan!”Lalo namang nag-panic si Hiro kaya agad niyang hinawakan ang kamay ng kapatid.“Tara na, pumasok na tayo! Lalagyan ko ng gamot para di na dumugo!”Takot si Vanessa sa sakit, kaya’t hindi na siya tumutol at tahimik na sumam
Pagkauwi ni Valerie mula sa trabaho nang gabing iyon, dumaan muna siya sa bahay upang kumain bago ihanda ang sarili para gamutin si Harvey. Ngunit pagkakatapos lamang ng hapunan, agad niyang napansin ang benda sa kamay ng kanyang anak.Agad siyang kinabahan at lumapit. “Vanessa, bakit may sugat ang kamay mo?” tanong niya, puno ng pag-aalala.Nang makita ni Vanessa ang pag-aalala ng ina, agad niyang sinubukang pakalmahin ito. “Mommy, huwag kang mag-alala. Gasgas lang po ito ng sanga.”Ikinuwento niya kung paano siya tumakbo habang hinahabol ang kuting at aksidenteng napasok sa bahagi ng hardin kung saan siya nasugatan.Matapos marinig iyon, napabuntong-hininga si Valerie at napailing. “Ikaw talaga… Huwag mo na ulitin ‘yan, ha? Lagi mong iisipin ang kaligtasan mo. Baka may maiwang peklat, sayang naman at baka maging pangit pa, tapos iiyak ka na lang sa huli.”Ngunit agad namang sumagot si Vanessa, puno ng tiwala sa kanyang mommy. “Ayos lang po ‘yun! Kasi may napakagaling na doctor si Va
Matigas ang tono ng sagot ni Valerie. “Hindi ko sila kilala…”Bahagyang sumimangot si Harvey at bahagyang umikot ang mga mata. “Kung hindi mo sila kilala, bakit ka parang hindi pa rin maka-move on sa nangyari kagabi? At isa pa, ipinagtanggol ka pa nga ni Hiro, at ako mismo ang nagsabing humingi sila ng tawad sa ‘yo.”Kahit gaano pa kasama ang ugali ng isang tao, kung ipinakita na ang sinseridad at paggalang, hindi na ito dapat maging dahilan para magalit pa. Pero tila iba ang dating ng lahat kay Valerie.Nagpatuloy si Harvey, tila may naisip. “Isa pa… Pakiramdam ko, parang may pamilyar sa ‘yo.”Hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag, pero may kakaiba talaga—na parang may kilala siyang taong kapareho ni Valerie.Hindi alam ni Valerie kung ano ang iniisip nito, pero nang marinig niya ito, bigla siyang kinabahan. Nagduda na ba ito? Imposible, ‘di ba?Mula pa lang sa simula ng pakikisalamuha niya kay Harvey, maingat na siyang nagkukubli. Pati si Joshua, hindi nahalata ang totoo niyan
Matapos tulungan ni Valerie si Harvey paakyat sa master bedroom, hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid ng silid.Kapareho ito ng istilo ng nasa ibaba—modernong kulay abo, simple, at malinis. Isang malamig na disenyo na bagay na bagay sa personalidad ni Harvey.Pagkapasok ng maliit na bata sa kwarto, agad itong nagsalita at masunuring nagboluntaryo. “Maghahanda na po ako ng mainit na tubig para kay Daddy!”“Samahan na kita,” sagot ni Valerie, na hindi kampante na hayaan ang bata nang mag-isa.Ngunit bago pa sila makalapit, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa silid. Napuno ng dilim ang buong paligid kaya napaigtad si Valerie sa gulat.“Ano’ng nangyari? Bakit nawala ang ilaw?” tanong niya, medyo kinakabahan.Sa kabilang banda, mukhang ayon ito sa plano ng bata. Halos hindi niya maitago ang tuwa sa nangyaring brownout.Pero nagkunwari siyang nagtataka, at sinabing, “Hindi ko po alam... parang nawalan ng kuryente?”Napakunot-noo si Valerie. Parang may mali.Nakatira sila sa isang hig
Hindi napansin ni Valerie ang ekspresyon ng bata, tumango na lamang siya at mahinahong sinabi, “Oo, salamat sa pag-aalala mo. Dahil nakatawag ka na rin, aalis na muna si Tita.”Pagkasabi nito, hinaplos niya ang ulo ng bata bilang paalam, saka siya lumakad pabalik.Pagkaalis ng babae, napabuntong-hininga si Hiro.Ang mas masaklap pa, ni hindi man lang nagalit si Daddy, parang wala siyang interes o balak na kumilos man lang... baka nga gusto na lang nitong manatiling single habambuhay!Sa inis, tiningnan ni Hiro ang kanyang ama na may halong pagkainis sa mukha.Hindi naman alam ni Harvey na tinititigan na siya ng anak niya na may pagdududa.Maya-maya, dumating din si Joshua.Pagkarinig ng mga yabag, agad na nagtanong si Harvey, “May nangyari ba sa trabaho? Bakit parang ang tagal ng tawag mo?”May bahid ng pagtataka ang mukha ni Joshua nang sumagot, “Si Riley ang tumawag. Akala ko may emergency, pero kung anu-ano lang ang pinagsasabi. Pakiramdam ko, sinadya niya akong abalahin.”Napatiti
Sa tono ng sinabi ni Jasmine, para bang sinasabi nitong si Valerie ang walang modo at walang utang na loob noon pa man.Siyempre, malinaw kay Valerie ang ibig iparating ni Jasmine. Napangisi siya, mapait at puno ng panlilibak. “Nag-aalala ka raw sa’kin? Jasmine, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo? Or are you just being disgusting, as usual?”Hindi na siya nag-abala pang magkunwaring mabait.Para sa pamilya Lozano, hindi na niya kailangang maging magalang. Lalo na kay Jasmine—na kahit kailan ay hindi niya kinilalang kapatid.Biglang sumingit si Jonah, ang ina ni Jasmine, at hindi na napigilan ang galit nang makita niyang kinontra si Jasmine. “Valerie! Anong klaseng asal 'yan? Si Jaja, nag-aalala lang sa’yo, tapos ganyan pa ang isinukli mo? Don’t forget, kung ano-ano ang ginawa mo sa kanya noon! Pinakain ka na nga ng pamilya namin ng maraming taon, pero ni kaunting pasasalamat, wala kaming narinig sa’yo! Para kang asong inalagaan pero ang ganti, kagat!”Sa puntong iyon, lumamig ang
Humarap si Harvey sa anak at mahinahong tinanong, “Bakit ka biglang tumakbo? That was rude, you know.”Hindi sumagot agad ang bata. Pinagdikit niya ang mga labi at suminghal na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama. “Eh polite ba sila? Ang hilig nilang pag-usapan ’yung ibang tao na parang wala lang. ’Yung magandang tita na nakita ko sa kindergarten dati—siya ’yung dati mong asawa, ’di ba? Ang ganda-ganda niya, parang diwata! Pero ang sama ng sinasabi nila tungkol sa kanya...”Kung siya ang tatanungin, si Jasmine ang tunay na masama!Hindi agad nakapagsalita si Harvey. Tahimik siyang napaisip dahil hindi niya inasahang ganito kaapektado ang anak niya sa mga narinig.“Galit ka ba dahil do’n?” tanong ni Harvey matapos ang ilang sandali.“Syempre naman!” sagot ng bata na parang natural lang iyon.Ngunit agad ding nagdagdag si Hiro, na tila natatakot na baka mapansin ng ama na sobra ang kanyang reaksyon. “Pero hindi lang naman ’yon! Pinipilit ka pa nilang pakasalan si Jasmine. Ayoko siya
Napangiti si Jasmine, ngunit halatang pilit. Lutang ang lungkot sa mukha niya habang sinabi, “Okay lang, Harvey. Kahit anong mangyari, hindi ako magrereklamo. Basta makasama lang kita, sapat na ’yon sa akin. Kung sakali man na hindi ka gumaling, I can be your eyes…”Habang binibigkas niya ito, dama ang pagkukunwaring taos-puso. Naging emosyonal ang tono niya at halos maantig ang damdamin ng ilang matatanda sa mesa.Si Maricar, na matagal nang may pabor kay Jasmine, ay agad sumalo sa usapan at sinubukang kumbinsihin si Harvey. “Anak, si Jasmine ‘yan—isang mabuting babae na hanggang ngayon, nandyan pa rin. Hindi ka na makakahanap ng kasing bait niya.”Kung ibang lalaki lang si Harvey, siguradong natunaw na sa panliligaw ni Jasmine. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey—matigas at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Ang kasal ko, ako ang magpapasya,” malamig niyang tugon. “At kailan pa naging normal na pinag-uusapan ‘yan sa harap ng pagkain?”Napakunot-noo si Jonah at hindi napigilan
Napatigil si Jasmine nang mapansing naupo na si Hiro sa kanan ni Harvey. Doon dapat siya uupo—iyon ang napagkasunduan nila ni Maricar. Ang kaliwang bahagi ni Harvey ay nakalaan kay Maricar, kaya’t sigurado siyang sa kanan siya mauupo. Plano pa naman niyang gamitin ang gabing ito para makapuntos sa pamilya ni Harvey.Ang simpleng birthday dinner para kay Don Johan ay hindi basta salo-salo lang. Ginawa itong mas intimate na pagtitipon para makausap nang masinsinan ang pamilya Alcantara tungkol sa matagal nang planong kasal ng dalawang pamilya. Ayon sa kanila, sa ganitong set-up, mahihirapan si Harvey tumanggi.Hindi inasahan ni Jasmine na may biglang papagitna—at isang bata pa ang nagharang sa plano niya. Lalong sumama ang loob niya, ngunit pinilit niyang ngumiti at nagpanggap na kalmado.“Hi Hiro, ang upuan mo ay katabi ng lola mo. Pinagawan pa kita ng special child seat,” alok niya na may pilit na lambing sa boses.Pero hindi man lang siya nilingon ng bata. “I don’t need it,” sagot ni
Hindi na nagtagal pa si Valerie sa bahay, at agad din siyang umalis bitbit ang mga cookies na ibinigay ni Hiro.Pagkaalis ng ginang, dali-daling bumalik sa kanyang kwarto si Hiro. Maingat niyang isinilid at binalot ang hibla ng buhok na nakuha niya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, at sa isip niya, ito na ang pagkakataon para tuluyang makumpirma kung mag-ina nga sila ni Valerie.Matagal na niyang gustong magpa-DNA test, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon makakuha ng sample mula kay Valerie. Sa wakas, nakuha na rin niya ang buhok ng "Tita" niya.May bahid ng pananabik sa puso ng bata. Tahimik siyang nagdasal at umaasa na sana—sana nga—ang "Tita" niya ay siya ring ina niya.Kinabukasan, habang ihinatid siya ng driver papuntang paaralan, bigla siyang
Wala pang ideya si Valerie na nagsimula nang mag-imbistiga si Harvey tungkol sa kanya. Pero kahit malaman pa niya ito, wala rin siyang pakialam.Ang totoo, ang nalaman ni Harvey ay surface-level lang—tuldok lang sa napakalawak na iceberg ng kanyang tunay na pagkatao. Sa research institute kung saan siya nagtatrabaho, iilan lang ang may alam sa kanyang tunay na identity—at lalong hindi kabilang doon si Dr. Sevilla, na, ironically, ay may parehong pagkatao rin tulad niya...Kinagabihan, matapos ang trabaho, dumiretso si Valerie sa kindergarten para sunduin si Vanessa. Agad namang sumakay ang masiglang bata sa kotse ng ina nang makita itong dumating.Hindi na nakapagpigil si Valerie, agad siyang nagtanong, "Vanessa, baby, can you tell Mommy—paano mo nakilala sina Hiro?"Kanina pa niya iniisip ito buong hapon. Curious talaga siya.Handa naman si Vanessa. Alam na niyang itatanong ito ni Mommy. Kaya maayos siyang sumagot."Nakilala ko po sila sa community. Hinanap ko si Cotton, ‘yung pusa n
"Ayoko niyan!" matigas na sabi ni Valerie.Napatigil ang sales clerk sa kinatatayuan niya, litong-lito. Sa dami ng customer na dumaan sa boutique na iyon, ngayon lang siya nakakita ng taong ayaw ng mamahaling damit at mas gusto pa ang mas mura—lalo na kung galing ito kay Mr. Alcantara!Para sa mga tulad ni Harvey, kahit milyon o sampung milyon pa ang halaga, parang barya lang 'yon. Wala lang sa kanya.Pero si Valerie, ramdam na ramdam ang pagkainis habang tinitigan si Harvey. Para bang sinadya nitong kontrahin lahat ng desisyon niya. Naiinis na talaga siya.Galit niyang sabi, "Harvey, sobra ka na ha! Ang dami mo sigurong pera kaya sinusunog mo na lang, ‘no? Kung gusto mong gumastos, mag-donate ka na lang! Hindi mo kailangang gamitin ‘yan para lang maramdaman ko presensya mo!"Huminga siya nang malalim at muling binalingan ang sales clerk. Matalim ang tono niya pero malinaw, "Yung worth around 2 thousand lang, 'yun lang ang gusto ko. Okay?"Ngunit malamig na tumugon si Harvey, "Alcanta
Narinig din ni Harvey ang sigaw ni Valerie kanina, pero hindi niya inasahan na gano'n pala ang eksenang aabutan niya paglapit.Napakunot ang noo niya. “Nasira ba ang damit mo? Anong nangyari? May na—”Hindi na siya pinatapos ni Valerie. Galit na galit itong sumagot.“Saan pa ba? Napaka-ginoo mo raw pero hinihila-hila mo ko? Paano ako makakalabas nang maayos niyan, ha? Hayop ka!”Hindi agad nakasagot si Harvey. Saglit siyang natahimik, pero maya-maya’y nagsalita siya na para bang wala siyang ginawang masama.“Eh sino ba’ng nagsabing tumakbo ka?”Bagaman matigas ang tono niya, tumalikod ito sandali, hinubad ang suot na coat, at iniabot iyon kay Valerie.“Here, isuot mo muna. Sasamahan kitang bumili ng bago. Babayaran ko.”Hindi na nagpasalamat si Valerie. Galit niyang inagaw ang coat at walang pag-aalinlangang ibinalot iyon sa baywang niya.Malaki ang coat ni Harvey kaya't sakto nitong natakpan ang punit sa palda niya. Kahit hindi bagay sa suot niyang blouse, ayos na rin kaysa mas lalon
Nang makita ni Vanessa na seryoso na ang ekspresyon ng mommy niya, hindi na siya naglakas-loob na maglihim pa. Agad niyang ipinaliwanag ang buong nangyari—mula umpisa hanggang dulo—sa mabilis pero malinaw na paraan.Habang nakikinig si Valerie, ramdam niyang halo-halo na agad ang emosyon niya.Hindi ako makapaniwala! Paano nangyari ‘to? Paano ko naipasok si Vanessa sa paaralan kung saan nag-aaral si Hiro?Para sa kanya, isa itong napakalaking coincidence—o malas.Ni hindi ko siya matakasan kahit nasa bahay, tapos ngayon pati sa eskwelahan nandito pa rin siya?!Bagama’t panic na siya sa loob, pinilit niyang manatiling kalmado sa panlabas. Hindi siya puwedeng bumigay. Lalo na at mukhang naitawid na ni Vanessa ang sitwasyon, kaya hindi na siya puwedeng pumalpak pa.Huminga siya nang malalim, saka tumingin kay Harvey at nagsalita sa pinakakalmado niyang tono, “Thank you, Mr. Alcantara, for protecting Vanessa kanina. Nandito ako para magpasalamat.”Hindi inakala ni Harvey na makikita niya