Gusto ko ang pinapakita niyang katapangan. Sana gano'n na lang kadali ang magconfess sa taong gusto natin.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halo na actually, inis, galit, awa na para bang may gusto akong ipagkait at alam kong si Linden iyon.Titig na titig ako sa babae'ng nakayuko ngayon habang nakalahad sa akin ang hawak nitong love letter.Napaka ganda ng pagkaka-design no'n and it's seems like pinag-effortan talaga. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at gana sa lahat.Truly that if you like someone, pag-effort-an mo talaga.Alam ko na kaya siya nakikisuyo sa akin kasi alam niyang babasahin ni Linden. Tanda ko pa noon kung paano niya itinapon sa basurahan ang letter.She deserve him. Eh ako? Anong ginawa ko? Reject him?Kinuha ko ang sulat dahilan upang mag-angat siya ng tingin. I could see kung gano'n siya kasaya base pa lang sa nagniningning niyang mga mata."Makakarating." Tanging nasabi ko."I'm willing to wait." She said and just nodded at her, feeling a bit numb.
Belle's POVPare-pareho kaming napatayo nang lumabas na ang doctor mula sa silid ni Janjan.Sinugod siya sa ospital dahil inatake raw ito. Wala kaming kaalam-alam kung anong nangyari o anong sakit niya. Basta lang namin siya nakitang nakabulagta sa sahig habang nag-aagaw buhay habang hawak ang dibdib nito. Ang tanging naabutan lang namin doon ay si Vexana na nagsisigaw ng tulong.Tinanong namin siya kung anong nangyari pero nakita lang din daw niya ito na nahihirapang huminga habang nakahilata sa sahig.Balisa kaming lahat. Hindi makapaniwala sa nangyari. Si Linden ay hindi na makausap, tulala at problemado. Siya ang nag-asikaso ng lahat, mula sa private room, private doctor, nurse, lahat. Para lang manumbalik si Janjan sa dati nitong paghinga."She needs a heart transplant. Her conditon worsened unlike before. Medical treatment is no use. Sa ngayon stable na siya. Baka bukas o makalawa ay magising na siya. Walang nakakaalam kung kailan ulit siya aatakehin, just make sure na hindi siy
"Hindi pa rin makontak." Ani Claus. Nasa labas kami ngayon ng silid ni Janjan. Nasa loob kasi ang mga magulang niya at may mga bisita rin. Bibili na rin kami ng makakain kaya naisipan naming tawagan si Linden ulit para makabisita. Nagtataka na kasi talaga ako. For sure naman hindi na kailangan tawagan ang isang iyon para pumunta dito, kusa iyon bibista pero iba ang pakiramdam ko. Shit! Huwag naman sana.Aalis na sana kami nang bumukas ang pintuan."Please don't let her know." Bungad sa amin ni Tita na ipinagtaka namin. "Si Linden..."Natameme kaming dalawa ni Claus. Walang kaalam-alam sa pinagsasabi niya. Kinukutaban na ako sa susunod niyang sasabihin.Tumahip ang dibdib ko dahil sa itsura ni Tita na parang nagmamaka-awa na huwag ipaalam kay Jan kung anuman ang sasabihin niya.I have this hunce na parang tungkol ito sa pag-alis ng kaibigan namin, ni Linden. Mukhang magsisimula ng mawatak ang pagkakaibigan namin."Linden left the country an hour ago. Sa amin siya nagpaalam. Pinapabi
Janjan's POVAfter a few years...Everything is still unclear. I thought I was imagining things since the day we part our ways.Hindi ko alam na iyon na pala ang huling pagkikita naming dalawa. Iyon na rin pala ang kahuli-hulihang sleep over namin sa kanila, bonding sa new found falls but turns out to be the most tragic bonding. Mauulit pa kaya ang samahan na gano'n kung pare-pareho na kaming walang kumonikasyon sa isa't-isa?I've lost my phone during my operation. No'ng maka-recover na ako hinanap ko iyon kung saan-saan, pero wala. Iyak ako ng iyak no'n knowing that it was his first gift for me tapos naiwala ko pa.Walang cellphone si mama pati na rin si papa. Eh ako nga kung hindi pa nabigyan ay wala rin. Makaluma kasi ang mga magulang ko kaya gano'n, pati ako nahawaan ng pagiging makaluma nila to the point na wala na akong pakialam sa gadget.Iwas ako sa social media dahil feeling ko napaka-toxic doon. Gusto ko rin magfocus sa pag-aaral kaya kung magresearch man ako sa google ay k
In the end, I disregard the message. Baka wrong send. Sa tagal ba naman na hindi ma-contact, for sure titigilan na nilang itext o tawagan 'to. Gano'n naman talaga, kapag hindi na nagpaparamdam ang isang tao, titigilan na nila.Tinapos ko na lang ang paggawa ng account at sinearch ang pangalan ni Belle, kaso walang lumabas. Ano kaya ang pangalan ng babaing iyon sa fb?Kay Claus Villafuerte, finally, nakita ko rin. Minissage ko kaagad iyon at namawis ang kamay ko nang makitang typing iyon.Gano'n kabilis? Halo-halo na ngayon ang enosyong nararamdaman ko. Bakit parang ang tagal?"Sino 'to? Girlfriend 'to ni Claus. Isa kana naman ba sa fling niya? Jusmeyo, tigilan na niyo siya, buntis ako kaya stop na! Wala kayong mapapala sa baklang iyon!" Napamaang ang bibig ko.Nakabuntis si Claus?! What the hell? Totoo?Hindi ko na nireplyan at tinawagan iyon through video call. Hindi magagawa iyon ni Claus! He's not like that—"Belle?!" Gulat man ay natawa ako sa reaksyon niya nang makita ako. Paano
Busangot akong lumabas ng room. Napagalitan lang naman ako dahil panay ring ang phone ko during discussion. Parang gusto kong sakalin iyong tumawag.Naglakad na ako palabas ng hallway. May mga iilan-ilan akong kaklaseng foreigner na napapatingin sa akin, geez! Dahil siguro sa nangyari kanina.Napahiya ako at the same time napagtawanan! Parang gusto ko na lang magdrop pero charot lang! Baka hindi na ako pauwiin nila Mama sa Pilipinas.Iniisip ko pa lang iyong nangyari kanina ay parang gusto ko nang manlumo. Marami pa naman akong kaklaseng pilipino doon sa subject na iyon. Napaghahalataang probinsiyana, na ni minsan hindi nakahawak ng gadget.Well, provided naman ang gadgets and computer dito sa school kaya wala akong problema kung may mga activities, and assigments man na gagawin through social media, saka more on actual kapag nursing ang kurso mo dito. Minsan nga lang kaming gumamit ng computer o di kaya ipad.Sa sobrang taranta ko kanina sa mga oras na iyon ay napatayo ako sa loob kl
Dinaanan ko si Crane na halatang nagtataka. "Babalik din ako, may naiwan lang!" Nagpatuloy ako sa pagtakbo.Pinagtitinginan man ay nagpatuloy pa rin. Pakiramdam ko iyong nasa bintana ang tumatawag sa akin. Bahala na kung sino basta makita ko lang kung sino iyong nandoon."Stop running silly girl!" sambit niya sa kabilang linya.Alam kong pinapanood niya ako ngayon.Iisa lang kaya sila? Iyong sa telepono rin?Hinihingal akong nakarating sa third floor, hinahanap kung saang kuwarto siya. "Saan ka?" tanong ko habang inililibot ang tingin ko sa lugar."Umalis na ako." Bagsak ang balikat ko nang marinig iyon mula sa kanya.Wala na akong pakialam kung maka-istorbo man ako. Inisa-isa kong binuksan ang mga room."Alam kong hindi ka pa nakakaalis! Magpakilala ka! Hindi iyong nagpapaka misteryoso ka! Alam mo bang muntik na akong mapalabas dahil bigla kang tumawag lalaki!" singhal ko, nanlalaki ang butas ng ilong kakahanap.Parang gusto kong sakalin ang nasa kabilang linya."Sorry, hindi na ak
Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa mga kaklase ko na panay sipol nang makita akong papasok ng room. Nakahithit ba ang mga 'to? Pero no'ng makita kong may bouquet of flowers with matching chocolates sa may upuan ko ay napagtanto kong iyon ang dahilan.First time nilang makakita? Ako rin first time ko. Maka-sipol sila wagas!Napatingin ako sa deriksyon ni Crane. I could see a sadness on his eyes. Hindi na niya natagalan ang titig sa akin at nag-iwas na lang ito.After rejecting him, hindi ko na alam kung paano pa siya kakausapin. I told him that we can be friends naman although parang ang awkward. Pero tinatry ko pa rin naman na pakisamahan siya tuwing may activity kahit panay iwas siya."Good morning," I greeted him nang makalapit na ako sa kina-uupuan naming dalawa. "Crane? Uhm, 'di ba? Napag-usapan na natin 'to?""It's not me." Nakayuko niyang sabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pahiya ako doon ah!It's not that I'm expecting something. Siya lang naman iyong na
"We'll attend a party. In that mansion." Tinuro ni Linden ang malaking mansiyon na nasa unahan namin, ilang kilometro lang ang layo no'n sa amin dito at puwedeng lakarin."Don't ever let go of my hand when we get there. Do you understand Nips?" I nodded. "Sigurado akong kalat ang mga pinsan ko doon, even my brother and Crane." He whispered.Umigting ang panga niya pagkabanggit sa pangalan ni Crane, he really despise that name or the one who name itself."May kapatid ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko only one child siya?"I'll explain it to you later. For now, prepare yourself." Pahina ng pahina ang boses niya.What? Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano meron sa party na 'yon?Parang gusto ko na lang umurong at magpa-iwan na lang dito."Kung puwede lang sana kitang iwan dito, but I just can't. Just don't let go, okay?" I nodded again, feeling nervous. Pinagpapawisan ang kamay ko sa 'di malamang kadahilanan.Ayoko sa tono ng boses niya. Kinakabahan ako na ewan. Hi
"Yes mom, I'll go. Alam kong hindi kayo makakapunta ni dad." Sambit ni Linden habang nagmamaneho.He's talking to his mom on the phone. At mukhang papupuntahin siya sa isang party dahil hindi sila makakapunta."Crane Altamerano? Cousin huh?" Sumulyap siya sa gawi ko.Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela na ikinalunok ko."I'll try my best to talk to him mom." Halos bumakat na ang mga ugat sa kamay niya habang nakahawak doon.Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pag-s-scroll sa aking cellphone nang biglang may magpop-out na message.Narinig ni Linden ang tunog ng message sa messenger dahilan upang lingunin niya ang kinaroroonan ko.I disregard the message as I look at him, nervously.Tapos na silang mag-usap ng Mama niya. Now, he's eyes was fixated on me."Eyes on the road Lin—""Nips," he corrected. I sighed. "Who chatted you?"He's cheerful face a while ago turned into expressionless."Nips then... It's Crane. I think he knows that we're going there.""Block him. No,
"Winona huh? Who told you that- that motherfucker Ansel and his made in china story." He mumbled.Hahawakan na sana niya ako nang tabigin ko ang kamay niya."Look, I'm sorry..." He sincerely said. Lumuhod siya sa harap ko at pilit na kinulong sa kanyang bisig.Pinaghahampas ko siya sa braso hanggang sa mapagod ako ng kusa."You wicked asshole jerk!" I mumbled and he just chuckled."I'm no asshole and jerk Nips. Thanks to Ansel for his made in china story, it's happening right now.""I hate you Linden..." I whispered, still sobbing."You love me Jan, you wouldn't do this if not." Tila mayabang pa niyang sabi.Gustuhin ko mang singhalan siya ay wala na akong lakas para gawin 'yon."Sana pala-""O come on, stop mentioning Crane here, it will only ruin-" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at sinalubong ng mabilis na halik.He was stunned when I open my eyes to his reaction."I love you Linden, I will always do." Parehong namula ang pisngi naming dalawa. Hindi makapaniwala sa nangyar
Mabilis kong sinagot ang tawag kahit na walang naka-rehistrong pangalan doon.Three of us were waiting outside of my house. Still waiting for Linden to come back. Ngunit mukhang malabo na atang mangyari 'yon. We've been here for almost 2 hours pero ni anino niya ay wala.Walang Linden na bumalik.Kahit na nilalamig na kami dito sa labas dahil sa madaling araw na ay tiniis pa rin namin. Pinapapasok ko si Claus at Belle sa loob pero ayaw naman nila. Gusto nilang samahan ako, nagbabakasakaling bumalik si Linden."Hello?""This is Ansel, Linden's cousin. What happened? He was fuming mad when he got here." Nasa kanya pa rin pala ang number ko.Iyong nagpadala noon sa akin ng mga pagkain at kung anu-ano pa dahil sa utos ni Linden.If only I could turn back time."Nandiyan ba siya?" Nagbabadyang tumulo ang luha ko sa kabilang pisngi."Actually nagwawala siya ngayon. Hindi kami makalapit or else kami ang masasaktan. Even the girls can't go near him. You know his disorder right?" Tila kabadong
Inirapan ko si Belle. "Isa lang gaga, hindi ko naman kasi alam na hahalikan niya ako.""Good God! And Linden? Alam mo ba ang mararamdaman ng isang 'yon? Ngayon palang i-reject mo na si Crane. Kahit pa last, or kahit pa ikakasal na siya. He can turn the table anytime, I mean Crane. Makita ka lang no'n, for sure mag-iiba ang pag-iisip no'n, at ano? Iisipin niyang bibigyan mo siya ng chance..."He's not deeply in love with me. As far as I can remember, gusto lang niya ako."He only likes me Belle." Pinanliitan niya ako ng mata at pinag-cross ang mga braso."Likes could turn to love baby Jan. Baguhan ka palang sa larangan ng pag-ibig, you can't tell that he only likes you. He loves you Jan, kitang-kita ko iyon no'ng nag-uusap kayo. Just turn him down, and reject his offer.""Pero naka-oo na ako sa kanya Belle." Nakangusong sabi ko."White lies bra, tell him that uuwi kana ng pinas dahil-" Tinukod niya ang kamay sa baba na tila nag-iisip ng malalim. "Iyon ang gusto ng mga magulang mo, buka
"Popcorn oh? Ayaw mo?" Pag-aanyaya ko kay Linden na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.Sinulyapan lang ako ni Belle at nagkibit-balikat. Kinuha niya sa akin ang bowl bowl ng pop corn at umiling."Wala akong alam promise." Belle mouthed. Nilingon niya si Claus na takang napatingin sa kanya."Wala rin akong alam, kumakain lang ako ng popcorn dito at nanonood, 'yon lang." Depensang sambit ni Claus at panakaw na kumuha doon ng popcorn sa bowl. Tinampal tuloy 'yon ni Belle."Totoo? Eh bakit ganyan 'yan?" Nginuso ni Belle si Claus."Hindi ko nga po alam. Baka may iniisip. Hayaan niyo na lang." Tinutok na lang ni Claus ang tingin sa tv.Haharap na sana ako sa kanya para kausapin nang talikuran niya ako sa pagkakahiga.Tinapik ko siya sa kanyang braso pero dedma lang."Matutulog na ako." Mahina ngunit may bahid na pagtatampo ang boses niya."Okay, sleep then." Tumayo ako. Parehong umangat ang tingin sa akin ni Claus at Belle, nagtataka."Saan ka pupunta?" Belle asked, confused."Tatawaga
"1999 ang password niyan." Balik-sigaw ko pagkatapos ay hinila si Linden para sumunod sa kanila."It opened! Yes, wala sila Tita at Tito, let's go!" Parang batang sigaw ni Belle.Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at inayos ang mga pinamli sa sa ref."Mag-order tayo ng pizza uhm, coke... Oh, meron na pala lahat dito, hindi na kailangan." Belle murmured."Iinit na lang natin iyan pagkatapos— tingnan mo nga 'tong dalawang 'to, inunahan na tayo mag-dinner." Humarap sa akin si Belle habang nakasandal sa nakabukas na ref.Nginuso niya ang kinaroroon ng mesa kung saan nakaupo si Claus at Linden.Umangat ang tingin sa amin ng dalawang lalaking kumakain, parehong napapakamot ng buhok habang puno ang mga bibig."Gutom na kami, kain tayo." Pag-aanyaya ni Claus matapos lunukin ang nasa loob ng bibig.Sinara ni Belle ang ref at hinatak ako patungong mesa. Padabog niyang hinila ang dalawang upuan sa harap nila Linden at Claus, at busangot na umupo.Tumayo si Claus dala ang plato at umikot para
"Nakausap mo na si Papa at Mama?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Linden. Tinanguan lang niya ako at nginitian."Mahabang kuwento Jan, pero kung nakita mo lang sana iyong itsura ni Linden, amputek!" Hagalpak na tumawa si Belle na sinundan naman ni Claus.Kahit kailan talaga 'tong dalawa, kundi ako ang pinagkakaisahan, si Linden naman o 'di kaya kaming dalawa.Bumaling ang tingin ko kay Linden na ngayon ay nakayuko at nakatukod ang kamay sa may noo nito."Ayos ka lang? Hindi kaba pinahirapan ni Papa?"Nag-angat siya ng tingin at busangot na humarap sa akin. Pinag-papawisan siya at talagang pinalobo niya ang pisngi which is I find very adorable.Umiling siya at umusog payakap sa akin."Legal na tayo sa kanila Nips, huwag kang maniwala sa dalawang 'yan, they're just making up a story." Bulong pa niya sa'kin bago humalik sa pisngi ko."Sana all ni-legal, iyong isa diyan kasi—" Tinakpan ni Claus ang bibig ni Belle pero tinampal lang niya 'yon."Parang hindi kita ni-legal ah? Spank kita
"Lovebirds." Rinig naming bulong niya.Naiiling na lang si Belle at Claus na palihim na ngumingiti. Pagdating sa ganito, nakakalimutan nilang magjowa sila. Wala eh, focus na focus ang dalawa.Walang harutan na nagaganap sa pagitan nila, sa amin lang, Linden kasi eh."Scalpel..." Linden placed it on my hand. Pinunasan niya rin ang noo kong namamawis.Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, hindi talaga madali ang pag-didissect lalo't dalawa pang ang natitira."Continue the skin incision by using the scissors to cut all the way up the frog's body to the neck. Be very careful not to cut too deeply." He mention, and then gave me a scissor for cutting."Still using the scissors, make horizontal incisions just above the rear legs and between the front legs of the frog. Once you have finished the incisions between the front and rear legs of the frog you need to separate the skin flaps from the muscle below. To do this, pick up the flap of skin with the forceps, and use a scalpel to help separat