Private Group"Ate, kailan ka po makakahanap ng trabaho? Ang sabi ni Mama baka raw tumigil na muna ako sa pag-aaral," reklamo ni Lara habang nakangusong nakatingin sa'kin."Sinabi ni Mama 'yon?" tanong ko habang bahagyang nagulat. Mahal na mahal ni Mama si Lara at imposibleng pahintuin n'ya 'to at itulad sa'kin."Oo, Ate. Ayoko sanang mag-stop kasi konti na lang ga-graduate na 'ko ng senior highschool at pwede na 'kong mag trabaho"Ito ang isa sa disadvantage kapag may bunso kang kapatid na kailangan mong suportahan. Para kang magsisilbing pangalawang magulang. Wala kang panahon para sa mga pagliliwaliw. 'Yong tipong ipangha-hangout ko nga, ibabayad ko na lang sa tuition fee ni Lara."Hayaan mo, makakahanap din ako ng trabaho. Tsaka may pera pa naman akong itinabi, para sa tuition fee mo na 'yon," sagot ko kahit na alam kong hindi sapat ang naitabi ko para sa tuition fee n'ya.Niyakap n'ya 'ko kaya napangiti na lang ako at marahang hinaplos ang braso n'ya. She's so sweet at matalino ri
Faith"Mama, may pupuntahan po ako mamaya," paalam ko habang nasa hapag kami at kumakain, naalala ko kasing birthday na nga pala ni Ven ngayon at aalis kami mamaya."Saan? May trabaho ka na ba?" pang-uusisa n'ya habang nagsasalin ng maiinom.Pagod na lang akong umiling at sumubo ng pagkain. "Birthday po ni Ven. May gaganaping p-party mamaya"Natigilan s'ya at lumingon sa'kin. "Party? Uunahin mo pa 'yan kaysa sa paghahanap ng trabaho?"Napainom ako ng tubig at tumungo. Bawal ba 'kong mag saya kahit minsan?"N-Ngayong araw lang naman po. Bukas susubukan ko na ulit maghanap ng trabaho""Siguraduhin mong makakahanap ka na agad dahil ang dami pang kailangang bayaran, ang magaling mong ama, 'di na talaga nagpadala ng pera," inis na reklamo n'ya. Napatango na lang ako at nagpigil ng luha. Kasalanan ko pa rin ba lahat kahit ang hindi pagpapadala ni Papa?Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagtapik ni Lara sa kamay ko na kahit paano ay nakakagaan ng loob, bago s'ya nagsalita. "Ma, 'wag naman n
Mr. Walton in Person"Para sa panibagong taon ng buhay ni Venice! Cheers!""Cheers!" ininom ko ang wine na nasa baso ko at bahagyang sumandal kay Ven. Medyo nahihilo na 'ko dahil kanina pa kaming umiinom, bukod pa ang ingay ng paligid at ang mga nagsasayawang neon lights."Lauy! Let's dance!" sigaw ni Venice habang bahagyang sumasabay sa beat ng music."I can't! Nahihilo na 'ko!" I yelled and shook my head. Right, we need to shout at each other kahit pa magkadikit lang kami dahil sa lakas ng ingay."Halika na! Maraming bachelors ngayon, baka makabingwit tayo!" she said and dragged me to the dance floor kaya hinayaan ko na lang s'ya. Palibhasa ay sa high-end bar kami pumunta, sagot daw ito ni Stan bilang s'ya naman ang mas nakakaluwag. Speaking if him, Stan is busy talking with our colleagues kaya hindi na n'ya kami nakitaNakarating kami sa gitna ng puro taong nagsasayawan. This is freedom!"Let's party!" I screamed and closed my eyes habang sumasabay sa beat ng tugtog. Hindi pa ako n
Small World"Ate, gising na," marahan akong tinapik ni Lara. As usual, my alarm clock. Mas effective kasi 'yong panggigising pag may kasamang tapik kaya bakit pa 'ko bibili kung nand'yan naman ang early bird ng pamilya?"Bat ang aga naman ata ng pasok mo?" I asked habang kinukusot ang mga mata ko. "May exam kami, Ate. Bumangon ka na, sabi mo maghahanap ka ngayon ng trabaho? Gusto mo bang mapagalitan na naman ni Mama?" she questioned. Tumango ako at tumayo na. I'll make sure na pag-uwi ko ay may maayos na 'kong trabaho.Nag-ayos ako ng sarili para naman mag mukhang presentable. Hinanda ko na lahat ng kailangan ko at nagpaalam na kay Mama bago umalis."Baka naman sayangin mo lang ang araw sa kakahanap tapos uuwi ka na namang wala pa ring napapasukan," she asked speculatively.Umiling ako at ngumiti nang may paninigurado. "Sigurado na 'to, Ma"Wala s'yang naging tugon, the usual. I sighed and left bago pa ako i-interrogate. Pumara ako ng taxi hanggang makarating ako sa opisinang ni-recom
ChosenHindi ko alam kung tutuloy pa ba 'ko o hindi na. Paano kung nakilala n'ya 'ko? Kung bakit ba naman kasi kailangan ko pa s'yang titigan sa bar, nakakahiya. Huminga ako ng malalim at naglakad bago pumara muli ng sasakyan. Bahala na, mas mahalaga ang trabaho.'Di nagtagal ay nakarating na rin ako sa mismong building nila. Napa-awang ang bibig ko sa laki at taas nito. Ang ganda ng pagkakagawa, kakaiba. THE WALTON REAL ESTATE INC.Hindi ko mapigilang humanga sa ganda nito. Kung maganda na ang Jacobs ay higit na mas maganda ang nasa harapan ko ngayon. Naglakad na 'ko papalapit at kinausap ang security guard sa mismong entrance. "G-Good morning," I stuttered and swallowed hard. "Good morning. Your name, please?" he asked while browsing his log book. He's so formal, nahiya tuloy ako lalo.I stated my name at tiningnan nila iyon sa lists. Magsasalita na sana 'ko na hindi naman ako rito nag ta-trabaho nang magsalita ang isa pang guard."The one who recommended by Ms. Zaldriaga,"'Yon H
Contract"Mabuti naman kung gano'n. Sobrang dami natin kailangang bayaran. Tuition fee pa ni Lara," sambit ni Mama habang magkakasabay kaming nag-aagahan.Nabanggit ko na kailangan kong umalis ngayon, ngayon ko lang din nasabi na meron na 'kong trabaho pero hindi ko na binanggit na hindi naman iyon permanent job. Nakadepende pa kay Mr. Walton kung hanggang three months lang ba talaga o kung hihigit pa."Pwede naman po kasi akong tumigil na lang din at mag trabaho na muna," nakasimangot na reklamo ni Lara. Kahit paano ay gumagaan ang loob ko sa kan'ya. She's willing to help, hindi gaya ng iba kong mga kapatid. Pero kahit na, tama na 'yong ako na lang ang nahihirapan."Gagaya ka pa sa Ate mo na 'di nakapagtapos ng pag-aaral. Mag aral ka para hindi ka mahirapan sa hinaharap," bulyaw ni Mama. Ewan pero iba 'yong dating sa'kin, para bang sa pamilya namin ay ako 'yong hindi kasali. 'Yong palaging magsasakripisyo para sa lahat. 'Yong hindi na bale kung mahirapan ako dahil at the end of the d
Phone CallHawak ko na ang schedule ni Mr. Walton sa buong isang linggo, pero alam kong hindi ito fixed dahil nakadepende pa rin sa iilan n'yang mga ka-meeting o maging sa kan'ya."Mr. Walton, meron po kayong meeting mamayang twelve with the board of directors," sambit ko habang binabasa ang schedule n'ya.Tumango s'ya at inayos ang necktie pati sleeve ng kan'yang polo. "Anong kasunod?""Meeting po with Mr. Lewis Adams mamayang six pm sa Clark Hotel. Tapos bukas na po ang next, seven in the morning kay Mr. Yang sa La Resto""Sige. You can go back to your office. I'll call you once I'm done with the meeting. May pupuntahan tayo," he declared before he sat and begun to browse his papers. Tumango ako lumabas na ng opisina. Saan naman kami pupunta? May meeting pa naman s'ya mamaya with Mr. Adams. Tinapos ko muna ang ilang mga pinapagawa ni Mr. Walton at tumanggap din ng ilang phone calls. Grabe, sobrang busy na tao ng boss ko, paano n'ya nagagawang mag party? Kung titingnan, para lang s'
JealousIt's been a long tiring week for me. Expected ko na naman na talagang mahirap mag trabaho kay Mr. Walton pero kailangan kong kayanin. Swerte na nga dahil of all people ay ako pa ang na-hire."Balita ko may trabaho ka na raw? Finally!" she giggled. Magkausap kami ngayon ni Ven sa phone. I'm having my lunch break at naglalakad na 'ko papunta sa canteen ng building."Oo, one week na actually," I answered as a matter-of-fact."That's nice! Saan naman?" she asked, should I tell her? Pero privacy na rin 'to ni Mr. Walton kung sakali. Knowing Ven, patay na patay 'yon sa boss ko kaya siguradong idadamay n'ya 'ko sa kabaliwan n'ya."Sa isang kompanya lang""Saan? Don't tell me illegal 'yan ha!" she accused, I chuckled and shook my head kahit na hindi naman n'ya nakikita."Of course not. I'll tell you some other time, but for now ibababa ko na muna," I smiled and ended the call.Sumakay na 'ko ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang canteen. Magsasara na sana ang elevator nang m
Getting CloserAfter almost thirty minutes ay nakarating na rin kami sa penthouse n'ya. Napag-alaman ko rin na ang mismong building na 'to ay pagmamay-ari ni Lewis Plowden, ang kaibigan n'ya na madalas rin pumapasyal sa The Walton kasama si Sage Johnson. Pagpasok namin ay agad bumungad ang napakagandang architectural design na halatang pinasadya n'ya mula sa malalaki hanggang sa maliliit na detalye. Napako rin ang tingin ko sa magandang view mula rito. Kitang-kita ang mga naglalakihang building."I'll cook first, feel at home," sambit n'ya bago naglakad papunta sa kusina. Ang lawak ng penthouse na 'to, 'di malabong maligaw ako.Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay dahan-dahan akong lumapit sa glass window sa living room n'ya at tinanaw ang buong syudad. Maagap pa lang at siguradong may mas igaganda pa 'to mamayang gabi dahil sa city lights. Inubos ko lang ang oras ko sa pagmamasid sa labas at 'di ko namalayang tapos na pala magluto si Mr. Walton."I thought you're upstairs," tanong
Reasons behindI woke up with the breakfast on my side table kaya agad kong kinusot ang mga mata ko at nakitang nakaupo si Mr. Walton sa maliit na couch habang busy sa pagbabasa ng kung ano. T-Teka, bakit s'ya nandito mismo sa kwarto ko? "It's good that you woke up early. Have your breakfast, we'll be landing after an hour," tipid na sambit n'ya habang nakatalikod pa rin sa'kin at patuloy na nagbabasa.Natulala pa 'ko ng ilang minuto at iniisip ang mga nangyari kagabi. "Damn it, Lauren. How long do I have to cage this fucking feelings? This might explode and I'm afraid. I'm not good at taking risk. All I know is that, I like you"What the hell? Nakalimutan kong he just confessed last night. How come? I think, I need to ask him about that. Baka mamaya ay may kung anong plano na naman s'ya. I'm still thinking about the contract that I signed, and I still remember his golden rule. Binalewala ko na lang pansamantala ang mga isipin ko at nagpaalam na maliligo muna. I took a bath really
Leaving on a Jet Plane"Ma, paalis na 'ko. 'Di ko po sigurado kung kailan ako makakabalik," paalam ko habang nag-aayos ng sarili. "Talaga bang tutuloy ka? Ang sabi ng Papa mo ay umalis ka na d'yan sa trabaho mong 'yan" Natigil ako sa pag-aayos at lumingon kay Mama bago nagsalita. "Aalamin ko ang totoong nangyari, Ma""Aalamin mo? Hindi ba at sinabi na nga nang Papa mo? Ang mga Walton ang may kasalanan ng lahat," inis na sambit ni Mama. "Kung aalis ako, para ko na rin silang hinayaan na matalo tayo, Ma. Tsaka kailangan natin ng pera ng mga Walton para may pangbili tayo ng gamot si Papa, pagbabayaran nila ang mga ginawa nila sa'tin""Wala nang mas magandang gawin kundi ang iparamdam sa kanilang 'di tayo basta-basta. Babae ang kahinaan ng mga lalaki, Lauren," seryosong sambit ni Mama na para bang may nais iparating. Tama, Ma. Magagantihan ko s'ya, sa paraang ikagugulat n'ya. Be ready, Mr. Walton. I will surely make you suffer."Hahayaan kita, basta alam mo kung kailan ka titigil. Mag
Lie"Are you really okay? You suddenly looked stressed," nang-uusisang tanong ni Drix habang kumakain kami. "Yes, medyo sumama lang bigla ang pakiramdam ko""Ayokong makialam pero kung kailangan mo ng kausap, you can talk to me," sincere na sabi n'ya pa at ngumiti sa'kin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Sa sobrang preoccupied ko ay hindi na kami halos nakapag-usap pa. Masyadong gumugulo sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko alam kung ayos ba na marinig ko 'yon o mas mabuti kung 'di na lang. "Drix, pasensya na talaga kung ganito ako ngayon. Babawi ako sa susunod," nahihiyang sambit ko habang nakaupo pa rin. "Wala 'yon, Lauren. Mukha talagang 'di maganda ang pakiramdam mo. Mabuti kung magpahinga ka na lang muna," ngiting sambit n'ya.Tumango na lang ako at nagpaalam na babalik na ng opisina at pumayag naman s'ya. Pagpasok 'ko ay agad akong naupo at napahilamos. Pinagmasdan ko ang hawak kong folder na dapat ay ipapasa ko kay Mr. Walton kanina. Sa m
HateUmalis ako ng ospital matapos namin mag-usap dahil kung nag stay pa 'ko ng matagal doon ay baka magtalo lang kami ulit. Ayoko nang marinig na pinipilit nilang masama rin si Wayne kahit na wala naman silang proweba. Higit sa kanila, mas kilala ko na si Wayne at alam kong kahit gano'n s'ya ay hindi n'ya magagawa 'yon. Siguradong wala s'yang alam sa nangyari kay Papa. At isa pa, may trabaho pa rin ako kaya talagang kailangan ko nang umalis. "Ate, kumusta si Papa? 'Di na 'ko pinasama ni Mama sa ospital dahil may pasok pa 'ko mamaya," bungad ni Lara pag pasok ko ng bahay. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at pagod na ngumiti. "Maayos na, may konting bali lang," tipid ko sagot at naupo sa sala. "Siguradong malaking pera ang kakailanganin natin, Ate. Mukhang magtatagal pa sa ospital si Papa," malungkot na sabi n'ya bago naupo sa tabi ko."Malaki naman ang sweldo ko kay M-Mr. Walton. Siguro naman sobra pa 'yon sa ospital""Oo nga pala, ano bang eksaktong nangyari kay Papa?" pang-uusisa n'
Confused"Ano pong eksaktong nangyari, Papa?" nag-aalalang tanong ko habang nasa tabi n'ya. Ngayon pa lang s'ya nagising mula sa pagkakatulog. Kanina ay tulog s'ya nang makarating ako at kinausap ko si Mama pero wala rin s'yang maisagot. "Naaksidente ako sa trabaho," tipid n'yang sabi habang walang emosyong nakatingin sa malayo. Nagtatrabaho si Papa sa isang malaking kompanya. Engineer s'ya at malaki rin ang nagiging sweldo n'ya, kaya kung minsan ay nagtataka na rin ako dahil noong una ay ayos pa naman at nakakapagpadala pa s'ya, ngayon ay halos hindi na."Ano ba kasing nangyari? Paano ka naaksidente? Hindi ba ay dapat pananagutan ka ng kompanya?" inis na tanong ni Mama habang nag-aayos ng pagkain."Tinanggal na nila 'ko matapos kong maasksidente. Hindi na raw nila kasalanan ang ganito, mga walang puso," may hinanakit na sambit ni Papa. Paanong hindi pananagutan? Sa laki ng kompanyang pinagtatrabrahuhan ni Papa ay siguradong meron silang maayos na kontrata. "Papa, hindi ba ay may m
Hurt"Don't fucking move, kaya dumudugo ng gan'yan 'yan dahil sobrang likot mo," inis na sermon ni Mr. Walton habang masamang tumingin sa'kin. "Ang s-sakit kasi, paano ako hindi gagalaw?" pangangatuwiran ko habang pinagmamasdan s'ya sa ginagawa n'ya. "Sinabihan na kasi kita, but you keep on insisting. You deserved this, masyado kang makulit," naiiling sa sagot n'ya at tumayo bago naglakad paalis. Sinipat ko ng tingin ang dumudugong parte at halos manghina ako sa dami nang dugo. Kasalanan ko naman 'to, sana pala hindi na lang ako nagpumilit. Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa'king mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong napabangon sa gulat nang makita si Mr. Walton na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Agad kong kinapa ang suot ko, mabuti naman at nakadamit pa 'ko. Tiningnan kong mabuti ang pwesto n'ya, he's facing his left kung saan ako naka-pwesto. Ang boundary na ginawa namin kagabi ay nawala na. Sa lawak pati ng kama n'ya ay bakit kaila
Condo-mNagpatuloy lang sa pag-aayos at pag pirma si Mr. Walton habang ako naman ay nakaupo pa rin sa tapat n'ya. It's eleven in the evening already at talagang inaantok na 'ko pero s'ya ay todo trabaho pa rin."Mr. Walton, pwede pa naman po siguro 'yan bukas. Kailangan n'yo rin magpahinga," tamad na sambit ko kaya naman natigilan s'ya at pagod akong tiningnan."Are you sleepy?" he asked and stood up while cleaning his table."H-Hindi pa naman po, nag-aalala lang ako b-baka k-kasi magkasakit ka," I hesitated. Kahit na ang totoo ay talagang hindi na kaya ng mga mata ko. Tumitig s'ya sa'kin habang nakatukod ang mga kamay n'ya sa mesa kaya pinilit kong ayusin ang upo ko at pilit na iminulat ng maayos ang mga mata."You can't fool me, Lauren," he taunted and smirked before continuing. "Fix yourself, we're leaving"Napakurap ako at napatayo sa sinabi n'ya. Sa wakas ay makakauwi na rin, sirang-sira na talaga ang sleeping routine ko. Sana naman ay ipahatid n'ya ulit ako, wala nang masasakyan
Late Night Talk"Sinong naghatid sa'yo, Lauy?" tanong ni Mama habang tinitingnan ako ng may pagdududa."Si Dale lang, Ma" sagot ko at naglakad na papuntang kwarto. Nakakapagod ang araw na 'to. Gustong-gusto ko na magpahinga. I took a bath at nahiga na sa'king kama, wala akong gana kumain at gusto ko na talagang matulog. Ilang minuto kong pinikit ang mga mata ko at umayos ng higa nang mapamulat ako sa biglaang pag vibrate ng phone ko. I rubbed my eyes and looked at the screen. Nanglaki ang mata ko nang makita ko doon ang pangalan ni Mr. Walton kaya dali-dali kong sinagot."H-Hello. Good evening po, Mr. Walton" magalang na bati ko at hinintay s'yang magsalita."Lauren, are you still in the office?" mahinang tanong n'ya at halatang pagod na base sa tono ng boses n'ya."Wala na po, k-kakauwi ko lang"Sana naman ay 'wag n'ya akong pagalitan. 'Di ko naman alam na may kailangan pa pala s'ya."May kailangan po ba kayo? Pwede ko pong i-send 'yong files—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko n