Share

TWO

Author: abrilicious
last update Huling Na-update: 2022-08-25 15:55:02

Faith

"Mama, may pupuntahan po ako mamaya," paalam ko habang nasa hapag kami at kumakain, naalala ko kasing birthday na nga pala ni Ven ngayon at aalis kami mamaya.

"Saan? May trabaho ka na ba?" pang-uusisa n'ya habang nagsasalin ng maiinom.

Pagod na lang akong umiling at sumubo ng pagkain. "Birthday po ni Ven. May gaganaping p-party mamaya"

Natigilan s'ya at lumingon sa'kin. "Party? Uunahin mo pa 'yan kaysa sa paghahanap ng trabaho?"

Napainom ako ng tubig at tumungo. Bawal ba 'kong mag saya kahit minsan?

"N-Ngayong araw lang naman po. Bukas susubukan ko na ulit maghanap ng trabaho"

"Siguraduhin mong makakahanap ka na agad dahil ang dami pang kailangang bayaran, ang magaling mong ama, 'di na talaga nagpadala ng pera," inis na reklamo n'ya. Napatango na lang ako at nagpigil ng luha. Kasalanan ko pa rin ba lahat kahit ang hindi pagpapadala ni Papa?

Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagtapik ni Lara sa kamay ko na kahit paano ay nakakagaan ng loob, bago s'ya nagsalita. "Ma, 'wag naman nating i-pressure si Ate. Kailangan n'ya rin mag saya, palagi n'ya na lang tayong inuuna kaysa sa sarili n'ya"

Napangiti ako kay Lara at pinilit na pigilan ang nagbabadya kong luha.

"Ewan ko ba sa inyong mag kapatid. Kaya hindi tayo umaasenso dahil puro kayo gan'yan, ginagawa n'yong babasahin ang buhay natin. Magising kayo sa katotohanan! Hindi puro sarap ang buhay!" mahabang sermon ni Mama at hinayaan na lang namin na sermonan n'ya kami buong agahan.

After namin kumain ay tumaas na lang ako sa kwarto at nag baka sakaling makahanap ng trabaho online pero bigo ako. Puro kailangan ng may specific na experiences depende sa trabahong available tsaka degree, na parehong wala ako. Iilang experience na nga lang, 'di naman tugma sa mga nakikita ko. Sa huli ay nagsawa na 'kong maghanap. I was about to log out my account nang biglang nag pop-up ang pangalan ni Ven sa notification panel ko.

Ven Arellano invited you to join the private group Mga Taga Punas ng Abs ni Wayne Walton • just now

Napailing na lang ako napakamot ng ulo. Talagang sineryoso n'ya ang pag invite sa'kin. 'Di pa s'ya nakatiis at talagang nag message pa.

Venice Arellano

I-accept mo naman. Matutuwa ka sa mga makikita mo ^o^

Lauren Arevalo

Oo na. Ito na 'yong birthday gift ko ha.

Venice Arellano

Sure! See u later! xoxo

Agad kong sinarado ang conversation namin at pumunta 'ko ulit sa notification. Tinitigan ko lang ito hanggang sa wala na akong magawa kundi sundin si Venice.

Ven Arellano invited you to join the private group Mga Taga Punas ng Abs ni Wayne Walton • 10 minutes ago

I clicked it at napunta ako sa mismong group. In-accept ko at akmang papatayin na ang laptop nang akala ko tapos na pero may mga tanong pang bumungad sa'kin. This is insane.

Mga Taga Punas ng Abs ni Wayne Walton

156,996,345 members • Private group

Please answer these questions and read the rules to help the admins review your membership request. Only the admins and moderators can see your answers.

Legit ka bang alagad ni Wayne my loves? Yes or Yes?

Write an answer ...

Spy ka ba ni Wayne Walton?

□ Oo

□ Hindi

What the hell are these questions? Masyadong childish 'di ko tuloy alam kong matatawa ba 'ko o ano. But, fine! I have no choice. Naka-oo na ako kay Ven at 'di ko na mababawi 'yon.

Legit ka bang alagad ni Wayne my loves? Yes or Yes?

- Yes

Kahit na medyo labag sa loob ko. Paano naman ako magiging legit na alagad kuno? Hindi ko nga kilala 'yang Wayne Walton na 'yan.

Spy ka ba ni Wayne Walton?

□ Oo

■ Hindi

At last, I clicked the submit button at ilang minuto pa ay na-approve na 'ko. Bumungad kaagad sa news feed ko ang mga larawan ni Wayne. Ang daming pictures pero kahit isa doon wala akong nakitang nakangiti.

"Ganito ba talaga s'ya? Parang ang mahal naman ng bayad ng mga ngiti n'ya"

I scrolled once more and I saw a picture of him, facing at his right side kaya naman lalong nakita ang perpekto n'yang ilong at malalim na mata na may mahahabang pilik. Extensions or not? Wow. And his thick eyebrows that shaped perfectly, talagang mas nag de-define sa pagkalalaki n'ya.

I nodded slowly while still looking at his picture. "Pwede na"

Dahil naaliw ako sa mga nakita ko ay hindi ko na namalayan ang oras. I admit, he's handsome. No, he's almost perfect. I immediately closed my laptop at nahiga sa kama ko. Ano kayang feeling ng gano'n ka-yaman? Parang kayang-kaya n'yang bilhin lahat ng maituro ng daliri n'ya samantalang kami, kailangan pang kumayod nang kumayod para lang makakain.

***

"Ate! Gising na"

I yawned at nakapikit pa rin habang nakayakap sa unan ko. Inaantok pa 'ko!

"Akala ko aalis ka pa? 8:28pm na!"

Agad akong napabalikwas at marahang hinilot ang noo ko. Ang haba naman ng tulog ko. Teka— late na ako sa party ni Ven!

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?"

"'Di ko naman alam kung anong oras ka aalis. Tsaka nag chat lang si Kuya Stan sa'kin, papunta na raw sila," sagot ni Lara habang kumakamot sa ulo.

Napakilos ako kaagad ng wala sa oras. I have to be fast kundi ay nakakahiya!

"Ay Ate! Sa bar daw kayo pupunta kaya mag sexy dress ka!" she laughed at naupo sa kama ko. Bar? Bahala na!

Ilang minuto pa akong naligo ay may kumatok na sa pinto ng banyo.

"Ate, sila Kuya Stan nasa baba na"

Ang bilis naman. Pa-VIP ako masyado! Sana pala hindi na muna ako natulog. "Pababa na"

Okay na siguro 'tong suot ko, kahit naman mahirap lang kami ay marunong naman ako manamit. I wore my simple yet elegant black fitted dress. Regalo 'to sa'kin ni Dale noon, noong naghiwalay kami ay hindi ko na ibinalik pa. Binigay n'ya na 'to kaya nakakainsulto para sa part n'ya kung ibabalik ko pa. Isa pa, pang bayad manlang 'to sa mga nailuha ko dahil sa pangbababae n'ya.

I took a glance on my mirror bago bumaba. Malayo pa lang ay dinig ko na ang tawanan nila Stan kasama si Mama.

"Nandito na pala ang prinsesa. Kanina ka pa hinihintay nila Ven. Ang prinsipe mo, naiinip na," pagbibiro ni Mama.

"Hindi naman po, Tita. Kahit gaano ka-tagal hihintayin ko pa rin po si Lauy," nakangiting sambit ni Stan.

Napailing na lang ako at nahihiyang nag iwas ng tingin. Ano kayang nakain ni Mama at bigla n'yang in-entertain si Stan. Noon kasing nagpaalam s'ya na liligawan ako ay umayaw si Mama, hanggang kaibigan lang daw dapat kami. Knowing Mama? Ayaw n'ya sa hindi mayaman, period. Sila Stan naman kasi noon, 'di rin ganoon ka-asensado kumpara ngayon na stable na sila financially. Si Ven maganda na ang trabaho sa isang marketing company at si Stan naman going steady sa kan'yang café. Ako kaya, baka ito na talaga ang kapalaran ko? Kailan ako aasenso? Baka may pamilya na lang lahat pati si Lara, ako naghahanap pa rin ng stable job.

Kaugnay na kabanata

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   THREE

    Mr. Walton in Person"Para sa panibagong taon ng buhay ni Venice! Cheers!""Cheers!" ininom ko ang wine na nasa baso ko at bahagyang sumandal kay Ven. Medyo nahihilo na 'ko dahil kanina pa kaming umiinom, bukod pa ang ingay ng paligid at ang mga nagsasayawang neon lights."Lauy! Let's dance!" sigaw ni Venice habang bahagyang sumasabay sa beat ng music."I can't! Nahihilo na 'ko!" I yelled and shook my head. Right, we need to shout at each other kahit pa magkadikit lang kami dahil sa lakas ng ingay."Halika na! Maraming bachelors ngayon, baka makabingwit tayo!" she said and dragged me to the dance floor kaya hinayaan ko na lang s'ya. Palibhasa ay sa high-end bar kami pumunta, sagot daw ito ni Stan bilang s'ya naman ang mas nakakaluwag. Speaking if him, Stan is busy talking with our colleagues kaya hindi na n'ya kami nakitaNakarating kami sa gitna ng puro taong nagsasayawan. This is freedom!"Let's party!" I screamed and closed my eyes habang sumasabay sa beat ng tugtog. Hindi pa ako n

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   FOUR

    Small World"Ate, gising na," marahan akong tinapik ni Lara. As usual, my alarm clock. Mas effective kasi 'yong panggigising pag may kasamang tapik kaya bakit pa 'ko bibili kung nand'yan naman ang early bird ng pamilya?"Bat ang aga naman ata ng pasok mo?" I asked habang kinukusot ang mga mata ko. "May exam kami, Ate. Bumangon ka na, sabi mo maghahanap ka ngayon ng trabaho? Gusto mo bang mapagalitan na naman ni Mama?" she questioned. Tumango ako at tumayo na. I'll make sure na pag-uwi ko ay may maayos na 'kong trabaho.Nag-ayos ako ng sarili para naman mag mukhang presentable. Hinanda ko na lahat ng kailangan ko at nagpaalam na kay Mama bago umalis."Baka naman sayangin mo lang ang araw sa kakahanap tapos uuwi ka na namang wala pa ring napapasukan," she asked speculatively.Umiling ako at ngumiti nang may paninigurado. "Sigurado na 'to, Ma"Wala s'yang naging tugon, the usual. I sighed and left bago pa ako i-interrogate. Pumara ako ng taxi hanggang makarating ako sa opisinang ni-recom

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   FIVE

    ChosenHindi ko alam kung tutuloy pa ba 'ko o hindi na. Paano kung nakilala n'ya 'ko? Kung bakit ba naman kasi kailangan ko pa s'yang titigan sa bar, nakakahiya. Huminga ako ng malalim at naglakad bago pumara muli ng sasakyan. Bahala na, mas mahalaga ang trabaho.'Di nagtagal ay nakarating na rin ako sa mismong building nila. Napa-awang ang bibig ko sa laki at taas nito. Ang ganda ng pagkakagawa, kakaiba. THE WALTON REAL ESTATE INC.Hindi ko mapigilang humanga sa ganda nito. Kung maganda na ang Jacobs ay higit na mas maganda ang nasa harapan ko ngayon. Naglakad na 'ko papalapit at kinausap ang security guard sa mismong entrance. "G-Good morning," I stuttered and swallowed hard. "Good morning. Your name, please?" he asked while browsing his log book. He's so formal, nahiya tuloy ako lalo.I stated my name at tiningnan nila iyon sa lists. Magsasalita na sana 'ko na hindi naman ako rito nag ta-trabaho nang magsalita ang isa pang guard."The one who recommended by Ms. Zaldriaga,"'Yon H

    Huling Na-update : 2022-08-25
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   SIX

    Contract"Mabuti naman kung gano'n. Sobrang dami natin kailangang bayaran. Tuition fee pa ni Lara," sambit ni Mama habang magkakasabay kaming nag-aagahan.Nabanggit ko na kailangan kong umalis ngayon, ngayon ko lang din nasabi na meron na 'kong trabaho pero hindi ko na binanggit na hindi naman iyon permanent job. Nakadepende pa kay Mr. Walton kung hanggang three months lang ba talaga o kung hihigit pa."Pwede naman po kasi akong tumigil na lang din at mag trabaho na muna," nakasimangot na reklamo ni Lara. Kahit paano ay gumagaan ang loob ko sa kan'ya. She's willing to help, hindi gaya ng iba kong mga kapatid. Pero kahit na, tama na 'yong ako na lang ang nahihirapan."Gagaya ka pa sa Ate mo na 'di nakapagtapos ng pag-aaral. Mag aral ka para hindi ka mahirapan sa hinaharap," bulyaw ni Mama. Ewan pero iba 'yong dating sa'kin, para bang sa pamilya namin ay ako 'yong hindi kasali. 'Yong palaging magsasakripisyo para sa lahat. 'Yong hindi na bale kung mahirapan ako dahil at the end of the d

    Huling Na-update : 2022-09-23
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   SEVEN

    Phone CallHawak ko na ang schedule ni Mr. Walton sa buong isang linggo, pero alam kong hindi ito fixed dahil nakadepende pa rin sa iilan n'yang mga ka-meeting o maging sa kan'ya."Mr. Walton, meron po kayong meeting mamayang twelve with the board of directors," sambit ko habang binabasa ang schedule n'ya.Tumango s'ya at inayos ang necktie pati sleeve ng kan'yang polo. "Anong kasunod?""Meeting po with Mr. Lewis Adams mamayang six pm sa Clark Hotel. Tapos bukas na po ang next, seven in the morning kay Mr. Yang sa La Resto""Sige. You can go back to your office. I'll call you once I'm done with the meeting. May pupuntahan tayo," he declared before he sat and begun to browse his papers. Tumango ako lumabas na ng opisina. Saan naman kami pupunta? May meeting pa naman s'ya mamaya with Mr. Adams. Tinapos ko muna ang ilang mga pinapagawa ni Mr. Walton at tumanggap din ng ilang phone calls. Grabe, sobrang busy na tao ng boss ko, paano n'ya nagagawang mag party? Kung titingnan, para lang s'

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   EIGHT

    JealousIt's been a long tiring week for me. Expected ko na naman na talagang mahirap mag trabaho kay Mr. Walton pero kailangan kong kayanin. Swerte na nga dahil of all people ay ako pa ang na-hire."Balita ko may trabaho ka na raw? Finally!" she giggled. Magkausap kami ngayon ni Ven sa phone. I'm having my lunch break at naglalakad na 'ko papunta sa canteen ng building."Oo, one week na actually," I answered as a matter-of-fact."That's nice! Saan naman?" she asked, should I tell her? Pero privacy na rin 'to ni Mr. Walton kung sakali. Knowing Ven, patay na patay 'yon sa boss ko kaya siguradong idadamay n'ya 'ko sa kabaliwan n'ya."Sa isang kompanya lang""Saan? Don't tell me illegal 'yan ha!" she accused, I chuckled and shook my head kahit na hindi naman n'ya nakikita."Of course not. I'll tell you some other time, but for now ibababa ko na muna," I smiled and ended the call.Sumakay na 'ko ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang canteen. Magsasara na sana ang elevator nang m

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   NINE

    WeirdAgad akong naupo nang makarating na ako ng office. Muling nag flashback sa isip ko lahat ng mga nangyari kanina. Drix and I were peacefully eating our lunch just a while ago nang biglang dumating si Mr. Walton with his friends at sumabay sa table namin. "Someone's jealous""As you can see, Wayne is jealous to the guy you're with"Pagkatapos ay umalis na 'ko kaagad. Alam ko namang bastos ang naging action ko kanina, sana pala inisip ko muna. Baka mawalan na naman ako ng trabaho nito. Pero teka, 'di na naman sakop ng trabaho ko ang pagsabay sa kan'ya tuwing lunch. Sila rin talaga itong medyo bastos, pag-usapan daw ba ako habang nasa harapan ko lang? May nalalaman pang selos-selos na 'yan, akala mo naman ay totoo.Binalewala ko na lang ang mga nangyari kanina at tinapos ang mga ginagawa ko. Bahala na, kung ipatawag ako sa opisina ay siguro kailangan ko nang kabahan. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat ng schedule ni Mr. Walton para sa isang linggo nang biglang tumunog ang intercom n

    Huling Na-update : 2022-09-28
  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   TEN

    PastNandito kami sa isang café malapit sa building ni Mr. Walton. Saktong-sakto ang bungad ni Dale dahil kakatapos lang ng trabaho ko at pauwi na rin sana. "Ano ba ang kailangan mong sabihin? Sana kahit i-text mo na lang"He sighed and looked away. "I don't think I can say this through text o kahit sa tawag"Ano pa nga ba, nandito na rin naman edi might as well pakinggan ko na lang ang mga gusto n'yang sabihin. "Lauy, I'm sorry, I was a jerk. Hindi ko sinasadyang saktan ka," he apologized. Tumango-tango lang ako at pilit na ngumiti.We've been together for four years, sa loob ng apat na taon wala akong ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin s'ya. In just a snap, nawala lahat. It took me four years para ma-build 'yong trust ko sa kan'ya at nasira lang lahat ng isang gabi. "Hindi ko sinasadya 'yong nangyari. I was drunk. I know your sick and tired of my explanations pero gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko lahat. Believe me, I l-loved you," he explained, for the nth times

    Huling Na-update : 2022-09-28

Pinakabagong kabanata

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   NINETEEN

    Getting CloserAfter almost thirty minutes ay nakarating na rin kami sa penthouse n'ya. Napag-alaman ko rin na ang mismong building na 'to ay pagmamay-ari ni Lewis Plowden, ang kaibigan n'ya na madalas rin pumapasyal sa The Walton kasama si Sage Johnson. Pagpasok namin ay agad bumungad ang napakagandang architectural design na halatang pinasadya n'ya mula sa malalaki hanggang sa maliliit na detalye. Napako rin ang tingin ko sa magandang view mula rito. Kitang-kita ang mga naglalakihang building."I'll cook first, feel at home," sambit n'ya bago naglakad papunta sa kusina. Ang lawak ng penthouse na 'to, 'di malabong maligaw ako.Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay dahan-dahan akong lumapit sa glass window sa living room n'ya at tinanaw ang buong syudad. Maagap pa lang at siguradong may mas igaganda pa 'to mamayang gabi dahil sa city lights. Inubos ko lang ang oras ko sa pagmamasid sa labas at 'di ko namalayang tapos na pala magluto si Mr. Walton."I thought you're upstairs," tanong

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   EIGHTEEN

    Reasons behindI woke up with the breakfast on my side table kaya agad kong kinusot ang mga mata ko at nakitang nakaupo si Mr. Walton sa maliit na couch habang busy sa pagbabasa ng kung ano. T-Teka, bakit s'ya nandito mismo sa kwarto ko? "It's good that you woke up early. Have your breakfast, we'll be landing after an hour," tipid na sambit n'ya habang nakatalikod pa rin sa'kin at patuloy na nagbabasa.Natulala pa 'ko ng ilang minuto at iniisip ang mga nangyari kagabi. "Damn it, Lauren. How long do I have to cage this fucking feelings? This might explode and I'm afraid. I'm not good at taking risk. All I know is that, I like you"What the hell? Nakalimutan kong he just confessed last night. How come? I think, I need to ask him about that. Baka mamaya ay may kung anong plano na naman s'ya. I'm still thinking about the contract that I signed, and I still remember his golden rule. Binalewala ko na lang pansamantala ang mga isipin ko at nagpaalam na maliligo muna. I took a bath really

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   SEVENTEEN

    Leaving on a Jet Plane"Ma, paalis na 'ko. 'Di ko po sigurado kung kailan ako makakabalik," paalam ko habang nag-aayos ng sarili. "Talaga bang tutuloy ka? Ang sabi ng Papa mo ay umalis ka na d'yan sa trabaho mong 'yan" Natigil ako sa pag-aayos at lumingon kay Mama bago nagsalita. "Aalamin ko ang totoong nangyari, Ma""Aalamin mo? Hindi ba at sinabi na nga nang Papa mo? Ang mga Walton ang may kasalanan ng lahat," inis na sambit ni Mama. "Kung aalis ako, para ko na rin silang hinayaan na matalo tayo, Ma. Tsaka kailangan natin ng pera ng mga Walton para may pangbili tayo ng gamot si Papa, pagbabayaran nila ang mga ginawa nila sa'tin""Wala nang mas magandang gawin kundi ang iparamdam sa kanilang 'di tayo basta-basta. Babae ang kahinaan ng mga lalaki, Lauren," seryosong sambit ni Mama na para bang may nais iparating. Tama, Ma. Magagantihan ko s'ya, sa paraang ikagugulat n'ya. Be ready, Mr. Walton. I will surely make you suffer."Hahayaan kita, basta alam mo kung kailan ka titigil. Mag

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   SIXTEEN

    Lie"Are you really okay? You suddenly looked stressed," nang-uusisang tanong ni Drix habang kumakain kami. "Yes, medyo sumama lang bigla ang pakiramdam ko""Ayokong makialam pero kung kailangan mo ng kausap, you can talk to me," sincere na sabi n'ya pa at ngumiti sa'kin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Sa sobrang preoccupied ko ay hindi na kami halos nakapag-usap pa. Masyadong gumugulo sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko alam kung ayos ba na marinig ko 'yon o mas mabuti kung 'di na lang. "Drix, pasensya na talaga kung ganito ako ngayon. Babawi ako sa susunod," nahihiyang sambit ko habang nakaupo pa rin. "Wala 'yon, Lauren. Mukha talagang 'di maganda ang pakiramdam mo. Mabuti kung magpahinga ka na lang muna," ngiting sambit n'ya.Tumango na lang ako at nagpaalam na babalik na ng opisina at pumayag naman s'ya. Pagpasok 'ko ay agad akong naupo at napahilamos. Pinagmasdan ko ang hawak kong folder na dapat ay ipapasa ko kay Mr. Walton kanina. Sa m

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   FIFTEEN

    HateUmalis ako ng ospital matapos namin mag-usap dahil kung nag stay pa 'ko ng matagal doon ay baka magtalo lang kami ulit. Ayoko nang marinig na pinipilit nilang masama rin si Wayne kahit na wala naman silang proweba. Higit sa kanila, mas kilala ko na si Wayne at alam kong kahit gano'n s'ya ay hindi n'ya magagawa 'yon. Siguradong wala s'yang alam sa nangyari kay Papa. At isa pa, may trabaho pa rin ako kaya talagang kailangan ko nang umalis. "Ate, kumusta si Papa? 'Di na 'ko pinasama ni Mama sa ospital dahil may pasok pa 'ko mamaya," bungad ni Lara pag pasok ko ng bahay. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at pagod na ngumiti. "Maayos na, may konting bali lang," tipid ko sagot at naupo sa sala. "Siguradong malaking pera ang kakailanganin natin, Ate. Mukhang magtatagal pa sa ospital si Papa," malungkot na sabi n'ya bago naupo sa tabi ko."Malaki naman ang sweldo ko kay M-Mr. Walton. Siguro naman sobra pa 'yon sa ospital""Oo nga pala, ano bang eksaktong nangyari kay Papa?" pang-uusisa n'

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   FOURTEEN

    Confused"Ano pong eksaktong nangyari, Papa?" nag-aalalang tanong ko habang nasa tabi n'ya. Ngayon pa lang s'ya nagising mula sa pagkakatulog. Kanina ay tulog s'ya nang makarating ako at kinausap ko si Mama pero wala rin s'yang maisagot. "Naaksidente ako sa trabaho," tipid n'yang sabi habang walang emosyong nakatingin sa malayo. Nagtatrabaho si Papa sa isang malaking kompanya. Engineer s'ya at malaki rin ang nagiging sweldo n'ya, kaya kung minsan ay nagtataka na rin ako dahil noong una ay ayos pa naman at nakakapagpadala pa s'ya, ngayon ay halos hindi na."Ano ba kasing nangyari? Paano ka naaksidente? Hindi ba ay dapat pananagutan ka ng kompanya?" inis na tanong ni Mama habang nag-aayos ng pagkain."Tinanggal na nila 'ko matapos kong maasksidente. Hindi na raw nila kasalanan ang ganito, mga walang puso," may hinanakit na sambit ni Papa. Paanong hindi pananagutan? Sa laki ng kompanyang pinagtatrabrahuhan ni Papa ay siguradong meron silang maayos na kontrata. "Papa, hindi ba ay may m

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   THIRTEEN

    Hurt"Don't fucking move, kaya dumudugo ng gan'yan 'yan dahil sobrang likot mo," inis na sermon ni Mr. Walton habang masamang tumingin sa'kin. "Ang s-sakit kasi, paano ako hindi gagalaw?" pangangatuwiran ko habang pinagmamasdan s'ya sa ginagawa n'ya. "Sinabihan na kasi kita, but you keep on insisting. You deserved this, masyado kang makulit," naiiling sa sagot n'ya at tumayo bago naglakad paalis. Sinipat ko ng tingin ang dumudugong parte at halos manghina ako sa dami nang dugo. Kasalanan ko naman 'to, sana pala hindi na lang ako nagpumilit. Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa'king mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad akong napabangon sa gulat nang makita si Mr. Walton na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Agad kong kinapa ang suot ko, mabuti naman at nakadamit pa 'ko. Tiningnan kong mabuti ang pwesto n'ya, he's facing his left kung saan ako naka-pwesto. Ang boundary na ginawa namin kagabi ay nawala na. Sa lawak pati ng kama n'ya ay bakit kaila

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   TWELVE

    Condo-mNagpatuloy lang sa pag-aayos at pag pirma si Mr. Walton habang ako naman ay nakaupo pa rin sa tapat n'ya. It's eleven in the evening already at talagang inaantok na 'ko pero s'ya ay todo trabaho pa rin."Mr. Walton, pwede pa naman po siguro 'yan bukas. Kailangan n'yo rin magpahinga," tamad na sambit ko kaya naman natigilan s'ya at pagod akong tiningnan."Are you sleepy?" he asked and stood up while cleaning his table."H-Hindi pa naman po, nag-aalala lang ako b-baka k-kasi magkasakit ka," I hesitated. Kahit na ang totoo ay talagang hindi na kaya ng mga mata ko. Tumitig s'ya sa'kin habang nakatukod ang mga kamay n'ya sa mesa kaya pinilit kong ayusin ang upo ko at pilit na iminulat ng maayos ang mga mata."You can't fool me, Lauren," he taunted and smirked before continuing. "Fix yourself, we're leaving"Napakurap ako at napatayo sa sinabi n'ya. Sa wakas ay makakauwi na rin, sirang-sira na talaga ang sleeping routine ko. Sana naman ay ipahatid n'ya ulit ako, wala nang masasakyan

  • Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton   ELEVEN

    Late Night Talk"Sinong naghatid sa'yo, Lauy?" tanong ni Mama habang tinitingnan ako ng may pagdududa."Si Dale lang, Ma" sagot ko at naglakad na papuntang kwarto. Nakakapagod ang araw na 'to. Gustong-gusto ko na magpahinga. I took a bath at nahiga na sa'king kama, wala akong gana kumain at gusto ko na talagang matulog. Ilang minuto kong pinikit ang mga mata ko at umayos ng higa nang mapamulat ako sa biglaang pag vibrate ng phone ko. I rubbed my eyes and looked at the screen. Nanglaki ang mata ko nang makita ko doon ang pangalan ni Mr. Walton kaya dali-dali kong sinagot."H-Hello. Good evening po, Mr. Walton" magalang na bati ko at hinintay s'yang magsalita."Lauren, are you still in the office?" mahinang tanong n'ya at halatang pagod na base sa tono ng boses n'ya."Wala na po, k-kakauwi ko lang"Sana naman ay 'wag n'ya akong pagalitan. 'Di ko naman alam na may kailangan pa pala s'ya."May kailangan po ba kayo? Pwede ko pong i-send 'yong files—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko n

DMCA.com Protection Status