IPINAGMANEHO ni Zhan si Caio patungo sa trabaho. He was alert as usual. Malikot ang mga mata niya kaya muli niyang nahalata na kagaya noong pumunta sila sa mall ay may sasakyan ulit na nakabuntot sa kanila. This time, it was a black SUV. “Sir, hindi naman sa tinatakot ko kayo. Pero may sasakyan na naman na nakasunod sa atin,” ani Zhan na deretso ang tingin sa daan. Sandali siyang sumilip sa rear-view mirror para makita ang reaksyon ni Caio. But the was surprisingly chill like he was unbothered at all. “Oh, that. I forgot to tell you, Sean. They are my bodyguard, and I asked them to follow us at a safe distance,” ani Caio na hindi nag-abalang tapunan ng tingin ang sasakyang sumusunod sa kanila. “Ah, kaya naman po pala,” napakamot si Zhan. Hindi na siya nagtaka tungkol sa pagkakaroon nito ng maraming bodyguards. Gusto lang niyang makasiguro na ligtas sila pareho lalo na at kilalang tao si Caio at malamang ay maraming naghahangad ng masama rito. “Kapag po ba bodyguard n’yo sir
NAGKUMAHOG si Alessia patungo sa hospital nang mabalitaan niya ang nangyaring ambush kina Caio at Zhan. Kasama niya si Yaya Glo na hindi rin maitago ang matinding pag-aalala sa amo. Alessia wanted to look for Zhan first, but he couldn't go right at him without checking on Caio beforehand. Magkatabi lang ang hospital room ng dalawa. Mabuti na lang at nakita niyang abala si Caio na nakikipag-usap sa mga bodyguard nito at kay Giovanni nang sumilip siya kaya agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ni Zhan sa kabilang silid. “Anong nangyari?” Hindi naitago ni Alessia ang pag-aalala. “Na-ambush kami,” atubiling saad ng binata. Hindi ito makapag-kuwento nang maayos dahil nasa likuran ni Ali si Yaya Glo. “How’s your injuries?” Mahinang tanong ng dalaga. Zhan just shrugged. “Malayo sa bituka.” Pinaikot ni Alessia ang mata. “Titingnan ko muna ang lagay ni Sir Caio. Mabuti na lang at ligtas ka, Sean,” wika ni Yaya Glo nang makita nitong maayos ang lagay ng binata. “Oo nga po e,” tipid
ALESSIA pretended to be awaken. Kahit nagkukunwari lang siyang tulog kanina nang mapansin niyang nagising na si Caio. She was curious about Giovanni’s sudden intrusion. Masyado pa kasing maaga. Ano kayang impormasyon ang dala nito na tila hindi ito mapakali?She tried to eavesdrop, but she couldn’t hear a thing. Malamang tungkol sa negosyo. Kaso saktong pagmulat niya ng mata, bumulaga sa kanya ang galit na mukha ni Caio. Kuyom nito ang mga kamao habang nanlilisik ang mga mata.Ano kaya ang sinabi ni Giovanni para mag-react ito nang ganoon?“Sir Caio…” Alessia said awkwardly.Tila naman biglang nahimasmasan si Caio. “Oh, you’re awake.”Bahagyang yumuko si Alessia para magbigay galang kay Giovanni.“Bumalik na pala kayo, Sir Giovanni. Pasensya na, kinulit ko ang dalawang bodyguard sa labas para papasukin ako rito.”“That’s all right, Ali.” Tumango si Giovanni. “You’re part of the household.”“I will see you tonight, Gio.” Caio dismissed him afterward.Saka lang lumapit si Alessia at wal
HALOS magkasabay na lumapag sa airport ang private jet na sinasakyan nina Wei at Xiaoyu. Although Xiaoyu could come with Wei, she didn’t want to compromise his safety. Lalo na at maraming matang nakamatyag. Mahirap na at baka malaman pa ang koneksyon nila sa Triad.Xiaoyu called Wei. “I will see you at your concert, Wei. I hope Zhan and Ali can make it.”“I appreciate the effort, Meimei. Be careful, you are on the top of their bounty list,” sagot ni Wei sa kabilang linya.Xaioyu chuckled the way Wei called her. It was a Chinese term for a younger sister. “I know what I’m doing, Wei Gege.”Napailing na lang si Wei nang putulin ng dalaga ang tawag nito.Paul Chan sent his daughter to the Philippines on an important mission. At may kinalaman dito ang gaganapin niyang concert sa Manila. Paul was getting impatient.Wei took a deep breath and painted his most charming smile as
ALESSIA and Zhan sat on the VIP seat near the stage. Tuwang-tuwa naman si Nena sa lokasyon ng kanilang upuan.“Grabe! Ang lapit!” kinikilig na wika ni Nena habang naghihintay na magsimula ang concert.Nang lumabas si Wei sa stage, nakakabingi ang sigawan sa loob ng malaking stadium. Maging si Nena ay nakisigaw rin. Kapwa naman nakahalukipkip sina Ali at Zhan habang pinapanood ang kanilang kaibigan na abalang sumasayaw at kumakanta sa stage.Nang malapit nang matapos ang concert, halos magkasabay na umalis sina Ali at Zhan sa upuan.“Teka, saan ka pupuntahan Sean?” pasigaw na tanong ni Nena.“Sa CR.”“Hala, pati si Ali?!”Hindi pinansin ng binata ang sinabi nito. “Umuwi ka na muna mag-isa, Nena. Magde-date pa kami ni Ali pagkatapos.”“Paano naman ako? Ano ba ‘yan. Kainis talaga!” Himutok ni Nena.Zhan exited the c
ALESSIA smirked as her calculation was right. Agad niyang pinatago si Xiaoyu nang masiguro niyang ligtas ito dahil Alam niyang may mangangahas na pumasok sa loob ng suite nito. As of the moment, Xiaoyu was hiding inside Wei’s s suite.And since the assailant was so bold to get in despite the tight security outside, Alessia could tell the man was not a small fry.Malamang nagkalat ang back-up nito sa labas kaya kailangan niyang mas maging maingat.Nagpambuno silang dalawa. They fought with their hand-to-hand combat, her opponent was preventing her to use her gun. Naging nagtagumpay ang lalaki na mabitawan niya ang hawak na baril.“Shit!” Alessia cursed. The man was not holding back. Mabuti na lang at eksperto rin siya sa pakikipaglaban.Bawat suntok at sipa niya ay nasasalag nito. Well, he had a height advantage. Malaking tao ito. However, it did not intimidate her. Ilang malaking tao na ba ang naitumba niya
HINAYAAN na lang ni Alessia na nakayapos sa kanya si Caio. Ramdam niya ang matinding pagod nito. Kahit naman siya ay ganoon din.“Where did you and Sean go? Hm.” Caio playfully kissed her shoulder.“Ah, nagpunta kami sa tabing dagat.” Lihim na nag-alis ng bara sa lalamunan si Ali. Kaswal siyang uminom ng gatas.“Did you enjoy it?” Dahan-dahan siya nitong pinihit paharap.“‘Yong concert? Oo naman. Ang pogi ni Wei Chan! Salamat sa VIP seat.” She pretended her eyes to blink dreamily.“I want to see you happy. I hope you’re not doing the deed with my driver, Ali. It will be a breach of our contract.”“The deed?” Umastang lutang si Alessia na kunwari ay hindi niya naintindihan ang sinabi nito.“I mean, sleeping with him.”Nag-angat siya ng tingin at sinalubong niya ang malamlam nitong mata. “Gra
NAGISING si Alessia kinabukasan na nag-iisa sa higaan. When she checked the digital clock on the bedside table, it was past nine in the morning.Napangiti si Alessia nang maalala ang mainit na pinagsaluhan nila ni Caio. She couldn’t hide her excitement as they agreed to do it frequently. Ibig sabihin ay madadalas itong pumirmi sa bahay.Kababangon niya pa lang nang biglang iniluwa si Caio sa pinto. He looked fresh. Suot nito ang isang itim na t-shirt at khaki na shorts. Hawak nito ang isang baso.“I knew you’d be awake this time. Here I prepared a glass of milk. I spilled everything last night.” Caio grinned mischievously.Nag-init naman ang mukha ng dalaga. Pero hindi niya pinatulan ang panunudyo nito.“Salamat. Nakakahiya naman ikaw pa talaga ang nagdala,” aniya matapos kunin ang basong dala ng binata.Alessia sipped the milk. Normally, she’d drink tea first thing in the morning. Pero
MULI na namang dinalaw ng kanyang mga bangungot si Matt. Nitong mga nakalipas na araw ay napapadalas ang kanyang mga masasamang panginip. “Matt, gising!” Tinapik ni Willa nang marahan ang pisngi nito. Pero mukhang nasa kailaliman ito ng tulog. Sa isip ni Matt, nakita niya ang mukha ng lalaking nakilala niya kanina. Hawak nito ang kanyang leeg habang nakagapos ang kanyang mga kamay… “Where is Medusa? Did she send you here?” Tanong ng lalaki habang nangangalit ang mga mata nitong puno ng galit at poot. Kitang-kita ni Matt ang duguan niyang katawan na tadtad ng pasa at sugat. He must have endured a lethal torture. Nakagapos ang kanyang mga kamay at paa kaya hindi siya makagalaw kahit anong pagpalag ang gawin niya. “I will never forgive you, Sean. I trusted you!” The man’s voice thundered. Ngumisi lang siya. “Medusa has nothing to do with this. Do you really think she can kill you? By now, you must already know who she is.” “You two made me a fool!” Binitawan ng lalaki ang leeg niya
AKMANG muling lalapitan ni Alessia si Zhan pero naabutan na siya ni Caio at hinawakan siya sa braso.“What have you done to him?!” Tiningnan ni Alessia si Caio na puno ng pag-aakusa.Bago pa man nakasagot si Caio ay may biglang babaeng dumating. Natataranta itong lumapit kay Zhan.“Matt, halika na!” tawag ng babae.Pinasadahan ng tingin ng Alessia ang babae. At first glance, Alessia could tell that the woman was not a native of this island. At gayun na rin ang pagkagulat niya nang mapansin ang maubok nitong tiyan. She looked pregnant!Bakas ang takot sa mukha ng babae at nagmamadaling umalis. Pero agad din itong napatigil sa paghakbang nang tawagin ito ni Caio.“It’s good to see you well, Willa…”Dahan-dahang lumingon ang babae. Hindi nito itinago ang pangingilid ng luha sa mata. She looked at Caio with disdain.“Love, sino sila?” Naguguluhang tanong ni
TATLONG araw na hindi nakabalik si Caio mula nang umalis ito sa bahay ni Alessia. Nagsimula nang maghanap si Wushi sa ama. Nasagot ang isang katanungan sa isip ni Alessia kung ano ang posibleng mangyari kung ilalayo niya nang tuluyan si Wushi sa ama. The child would be devastated and might resent her forever.“Nanay, where is daddy? I miss him already,” tanong ni Wushi habang nakatingin sa bintana.“He is calling you every day. He needs to work, sweetheart. So, he could provide you everything you need,” mahinahong paliwanag ni Alessia.“But Nanay, I want to play with him. Uncle Yun does not let me win.” Napalabi si Wushi.Tiningnan ng masama ni Alessia si Rouyun sa hindi kalayuan. “I will tell your Uncle Yun to let you win every time.”Umiling si Wushi. “Not that, Nanay. He will always win because he’s old. Why don’t you give me a little brother? Or a sister?”“What?” Nagulat si Alessia sa sinabi ng anak. Nanghihingi ito ng kapatid!“Is it hard, Nanay? Uncle Yun said it’s easy. I’ll o
BUMAGSAK ang panga ni Nena nang makarating siya sa bahay na kinaroroonan ng alaga. Paano ba naman kasi nakita niya si Alessia na sumalubong sa kanya habang hawak sa kamay si Wushi.“M-Multo…” Halos hindi kumukurap si Nena at nanginginig ang kamay na itinuro si Alessia sa hindi kalayuan. Habang nasa likod nito si Carlito na kanina pa nakasalubong ang kilay dahil sa ginagawi ni Nena.“Carlito, nakikita mo ba ang nakikita ko?” Tinapik ni Nena ang braso ng lalaki.Hindi naman kumibo si Carlito.“Yaya Nena!” sigaw ni Wushi at patakbong lumapit kay Nena.“Dios ko, Wushi! Akala ko kung napano ka na!” Mangiyak-ngiyak si Nena nang salubungin ng yakap ang bata. Pansamantala nitong nakalimutan ang presensya ni Alessia. Kaya nang muli itong tumingin ay gayun pa rin ang pagkagulat nito.“Wushi, are you seeing what I’m seeing?” Turo ni Nena.Nagtatanong ang mga mata ng inosenteng mukha ni Wushi. “Who, Nanay?”“Nanay? You’re seeing your Nanay?” Lalong namutla si Nena. Nakakakita ng multo si Wushi?K
TUMIKHIM si Rouyun dahil kanina pa papalit-palit ang kanyang tingin kina Caio at Alessia. Agad siyang nagpunas ng table napkin pagkatapos kumain.“I need to go somewhere.” Tumayo si Rouyun. He had fun third wheeling between the two. But he didn’t want to overdo it since Alessia might have thought he was betraying her.“Saan ka pupunta?” Takang tanong ni Alessia.“I’ll go shopping for my godson.” Tumingin si Rouyon kay Wushi.“Wushi has everything. No need to trouble yourself,” biglang wika ni Caio.Rouyun just shrugged. “I’ll do whatever I want. See you later.”Umalis ang binata nang hindi lumilingon kaya naiwan ang dalawa na walang kibo.Maya-maya pa ay si Alessia rin ang nagbasag ng katahimikan. “You might think I have something to do with the incident in the park. At sa tingin ko hindi ka rin naman maniniwala kapag sinabi kong wala akong kinalaman.”“I know you had nothing to do with it,” sagot ni Caio na hindi nag-abalang tapunan siya ng tingin. Uminom lang ito ng tsaa.“Oh?” Her
“FINE, I will reconsider. Just give me time to think about it. I’ll come with you once I’ve come up with a decision.” Huminga nang malalim si Alessia. Hindi na siya kasing immature mag-isip kumpara sa nakaraan. Dahil kahit anong tanggi niya sa sarili, may parte ng puso niya ang natutuwa sa suhestiyon ni Caio na magpakasal. Higit sa lahat, para sa ikabubuti ng anak nila. “Good. Now, I will have to put one of my trusted men to look for my son if you don’t want him to come with me. Hindi ko hahayaang ilayo mo sa akin si Wushi nang hindi ko nalalaman,” ani Caio. He’d put Carl on duty. His skills were on par with Alessia’s commander. Gusto lang niyang makasiguro. “Fair enough. Yun will also look for Wushi, but I guess it’s best if you’d bring along Wushi’s babysitter.” Kalmadong suhestiyon ni Alessia habang gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha ni Nena. Tumango si Caio. “No problem. But I will spend the rest of the day here for now.”“Only for a day,” Alessia compromised. Wala din nam
“ARE you fucking kidding me?” Natatawang bulalas ni Alessia. “That’s the funniest shit I heard in my life.”Hindi natinag si Caio at nanatiling seryoso ang mukha nito. “This is a small sacrifice for the welfare of my son. Lahat gagawin ko para sa kanya. Even if you make my life a living hell, I will endure it.”Alessia scoffed. “Look who’s talking. At ako pa talaga ang mang-aagrabyado sa ‘yo? You speak as if you’re so righteous. You can’t convince me.”“I know you wouldn’t agree. I won’t be surprised knowing how selfish you can be.” Caio clicked his tongue. “Do you think I want to marry you for myself?”“Selfish? Me?” Itinuro ni Alessia ang sarili. “Look who’s talking. I won’t fall into your marriage trap. I don’t trust you as much as you don’t trust me. Sa tingin mo ba hindi maapektuhan si Wushi? He’s intelligent. He’ll know we’re faking it. Worse, he could see us one day trying to strangle each other’s neck.”“Won’t you really compromise for Wushi? God, Ali. This shit is not just ab
“WUSHI!” Magkasabay na saad nina Caio at AlessiaPupungas-pungas pa ang bata na halatang galing sa pagtulog. Habang si Rouyun ay nanatiling nasa may pinto ng kuwartong pinanggalingan ng bata at nakahalukipkip. The man was just observing. Tila nakikiramdam lang sa mga susunod na mangyayari.“Daddy, it’s really you! Did you come to pick me up?” Lumapit ang bata sa dalawa.Biglang napaayos ng upo ang dalawa na parang walang nangyari. Niyakap ni Caio nang mahigpit ang bata.Habang si Alessia ay hindi maiwasan na tingnan nang masama si Rouyun sa hindi kalayuan dahil mukhang ito ang may pakana kung bakit biglang sumulpot si Wushi. Pero umastang inosente ang lalake at kusang nag-iwas ng tingin sabay ng kunwaring pagsipol. Rouyun didn’t want to get in trouble.“God, you made me worried! Why did you roam alone in the park?” Mahinahong sambit ni Caio na hindi naitago ang matinding pag-aalala.“Aunt Chiara lets me buy cotton candy. But I couldn’t find her after,” inosenteng sagot ni Wushi.“Chiar
GIOVANNI gaped at Caio upon recognizing Alessia. Pero hindi ito nagkumento nang kahit ano. Naghintay lang ito ng magiging desisyon ng binata lalo pa at kita sa video na tila aksidenteng nakita ito ng bata.“Recall our men. I will handle this alone.” Caio’s jaw tightened. Masyado siyang nagpatangay sa emosyon, ngayon ay hindi na niya mababawi na marami nang nakakaalam ng tungkol kay Wushi. Indeed, he couldn’t hide his son forever.“Yes, Boss!” Si Carlito ang sumagot. Dali-dali itong lumabas ng technical room para tumalima sa utos.It took a while before Giovanni found the right words to say. “I never believe in fate until this shit happens. Perhaps she won’t hurt your son.” Sinikap ni Giovanni na maging magaan ang kanilang pag-uusap. Caio looked utterly disturbed.“You don’t know how merciless she is. She could kill children, remember?” ani Caio na halata ang pagkabalisa.“You’re right. But it won’t be long until she learns that Wushi is her son. Are you ready to defend once she waged