"Uuwi na ko! Please lang huwag mo na akong pipigilan!" may kalakasang sigaw ko nang marinig ang mga yabag niyang papalapit sa walk-in closet.
Ilang araw ko ng binabalak ito ngunit lagi siyang nandiyan at nagagawa akong pigilan.
"Hm, yeah, Savvy-"
"Will you stop calling me Savvy? And please, let me go home!" putol ko sa panunuyo niya.
"Am I stopping you from going home? I don't, Savvy." Kiniling nito ang ulo at sumandal sa hamba ng pintuan.
Tumigil ako sa paglalagay ng damit at underwear sa maleta para lang maharap siya nang maayos. Ang kaso ay bagsak ang tingin nito sa mga damit kong nakakalat sa sahig.
"You're not stopping me, but what the fuck with those guards on the gate, Delton? Display mo lang?!"
Tumutok sa akin ang tingin niya at tila nag-isip pa kung sino ang tinutukoy ko.
"Nakalimutan muna yata si Manong June at Manong Baldo," dagdag ko pa.
Doon lang siya napatango, "Yeah. They are the subdivision guards. Do you want me to give them a day-off? Sure, I'll call them now, Savvy." Umakma pa siyang kukunin sa bulsa niya ang kanyang cellphone.
"Wait, I forgot to buy load, Savvy," wala sa loob na bigkas niya bago binalik ang cellphone sa bulsa.
"You are pissing me off, Delton. And please, stop with your lame endearment." Umirap ako at tinupi na lamang ang mga damit ko.
Tumikhim siya at kita ko pa ang pag-ayos ng tayo ng mga paa niya.
"Okay. So Savannah-"
"Don't call me that!"
"Fine. George-"
"And not that one!"
"Alright. Sage," malambing nitong bigkas sa pangalan ko.
Mabilis kong sinara ang maleta at tumayo.
"Better, Attorney. But that doesn't mean you can tame me. I still hate you." Ngumisi ako at pinaningkitan siya ng tingin.
Ngunit imbis na kabahan ito at maalerto ay binalik nito ang ngisi sa akin.
"The feeling is mutual, Baby-"
"Then let's end this marriage, Delton!"
Nawala ang ngisi niya at napirmi ang mga labi. Napaatras pa ako sa malalim nitong titig. Ngunit kalaunan ay napanguso ito, tila nagpapa-cute pa imbis na matakot sa hinihingi ko.
"Sure, Baby. But you have to pay me back for those expensive seamless underwear you bought using my card. Earning money is not easy, and oh, pay for the processing of annulment too. Don't worry, I'll be your attorney," maangas niyang sabi, ngumisi muli bago ako tinalikuran.
Umakyat yata ang inis sa ulo ko at hindi maiwasang ibato sa likod niya ang cycling short na napulot ko.
"How dare you, Delton!"
Tumigil siya at humarap. Sinulyapan pa ang cycling short bago ako nginisihan.
"Dare me, Baby," hirit pa niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.
|Y_S|
"Sage," mahinang bigkas ko matapos tuldukan ang pangalan ko sa natapos na pinta.Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa bungkos ng puting bulaklak na nakapinta sa canvas.Someday, on my wedding day, I'm going to hold this bouquet of white roses with an attached peach color.Mas lumawak ang ngiti ko sa naisip. Nilingon ko pa ang naipinta ko ring off-shoulder wedding gown, maging ang puting sandalyas na may ginto."Good job, Sage," mayabang kong papuri sa sarili bago tinakbo ang bintana at sinilip doon si Andres na nagbubunot ng damo.Napanguso ako at pinagmasdan kung paano siya mabilad sa araw. At kahit malayo, kabisado ko kung paano tumulo ang pawis niya sa noo papunta sa kanyang leeg.Sumilay ang ngisi sa labi ko sa imaheng nabubuo sa isipan ngunit kusa ring umawang ang aking mga labi nang makita ang abuhing montero sport na pumasok sa puti at matayog naming gate.
Ilang araw na nga akong sabog at hindi makatulog kakaisip kung tama ba ang desisyon ko. Mas maganda yatang sumama na lang ako sa kulungan kaysa pakasalan si Attorney. Para ka no'ng sasakalin kung tumingin.Marahan kong nilapag ang paintbrush sa highstand table at tinitigan ang dalawang wedding ring band na katatapos ko lang kulayan. Kumikinang pa ang pagkaginto ng mga ito at sinisilaw ang mga mata ko. Nalagyan ko na nga ng pangalan ko ang isa. Tapos iyong isa undecided pa ako. Balak ko sana pangalan ni Andres pero alam kong hindi na pwede.Napasimangot ako bago lumapit sa bintana. Nandoon na naman si Andres at nagbubunot ng damo. Kahit likod niya lang ang kita ko, alam kong mukha siyang maskulado sa suot niyang muscle tee. Ewan ko ba kung bakit nagtitiis siyang maging hardinero gayong pwede naman siyang maghanap ng ibang trabaho.Hays, Andres. Bakit hindi na lang ikaw si Attorney?Sinandal ko ang
I feel like I just ruined my life by tying the knot with this Attorney. As if naman na sasama nga ako sa bahay niya bukas. Ngayon pa nga lang tatakas na ako.Pasimple kong sinilip ang main door ng café at balak na takbuhin iyon agad. Humakbang na ako ng isang beses, natigilan nga lang nang may humawak sa palapulsuhan ko."Where do you think you're going, Savvy?"Hinila ako nito palapit sa kanya at agad na inikot ang matipuno niyang braso sa bewang ko."Bakit ba?! Uuwi na ako! Tapos na ang kasal!""Not yet, Savvy. What else is the purpose of your red lips if we don't take pictures? As I told you, this will only happen once in my life, and I want remembrance."I laughed sarcastically as I looked at him. He gazes at me as if he really does love me."Sana pala nag-artista ka. Ang galing mong umarte." Ngumisi ako at bahagyang tumingkayad upang mas lumapi
"Bye, huwag kang mag-ingat," labas sa ilong na bigkas ko bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya."Bye-"Hindi ko na hinintay na matapos pa ang sasabihin niya at sinara na agad ang pinto. Batos na kung bastos pero masama ang loob ko. Ang dami niyang nilabag at tapos ano? Gusto niya talaga akong tumira sa bahay niya? Baka mamaya sa barong-barong lang pala siya nakatira.Barong-barong pero may sasakyan? Na-huh.Walang lingon-likod akong humakbang at hindi na kumaway pa sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang sumigaw matapos niyang bumisina nang malakas. Salubong ang kilay na nilingon ko ang sasakyan niya. Nakasungaw na sa bintana ang ulo niya at madilim sa akin ang tingin."Ano na naman? Pwede ba umuwi ka na!"Instead of getting irritated or annoyed, he flashed his smirk at me."I'll go home after you enter your room." Tinanaw pa nito ang kwarto kong madilim.Mahina akong natawa at naipagkrus ang mga kamay sa harap ng aking dibdib,
Hindi ako makalma sa kaisipang magtatabi kami sa kama. Kung siya si Andres, gora agad. Pero kung si Delton? Delikado. Halik nga ninanakaw niya, puri pa kaya? I stayed on the sofa the whole day, waiting for his secretary to go home. They spend the whole day together. I guess they are newlyweds. That's why when she's about to go home, I breathe satisfyingly. I even stared boredly at how she finger combed her bouncy, curly hair. Hindi ko nga maiwasang ikumpara iyon sa buhok kong tuwid at blonde. Tingin ko mas may buhay ang sa kanya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hindi ko pinansin si Delton kahit pa nasa akin na ang atensyon niya. Humihikab lang akong umakyat, dumiretso sa master's bedroom pero hindi tuluyang pumasok. Bakit ba ako susunod sa kanya? May tatlo pang extra na kwarto, pwede naman siguro sa guestroom. Sa naisip ay mabilis akong pumihit paharap para sana kausapin ito ngunit dibdib na niya ang naharap ko. Nasa tapat ko na ito, nak
Ilang beses kong tinabon ang mukha sa unan nang parang sirang plaka na umuulit sa isipan ko ang halikan. Ang lambot ng mga labi niya ay kaibahan sa matigas niyang awra. Pakiramdam ko nga ay nararamdaman ko pa ang tamis ng kanyang dila."Sage, matulog!" impit kong sigaw ngunit paglundo ng kama ang naramdaman ko."If you can't sleep on the bed peacefully beside me, then just hug me. You slept so well when you hugged me the last time," he mocked as I felt him moved closer.Napaangat ako ng ulo at nahihiyang umiwas ng tingin matapos mahagip ang mga labi niya."L-umayo ka nga, Delton! Kalmahan mo lang-""What, Savvy? Hindi ba dapat ikaw ang kumalma?" nalilitong tanong niya.Muntik ko nang masampal ang sarili dahil doon. Kasalanan ng mga labi niya kung kaya't hindi na matino ang isip ko. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa siya tatarayan."Uhm. Basta! Kumalma ka. Matulog ka tapos huwag ka ng magising, I mean tulog lang." Ngumiwi ako na
"Nag-asawa, magba-bahay din naman pala ng ibang babae," bulong ko habang inaayos ang canvas sa sala.Kinuha ko ang palette at umupo sa high-stand chair saka nilingon ang hagdan.Gabi na pero hindi pa sila lumalabas ng opisina. Ganito rin ba sila kahit noon pa? Secretary with benefits nga siguro.I pouted my lips and dipped my paint brush in the black paint.Gutom na ako pero nandoon pa rin sila sa opisina. Hindi ba sila kakain?I sighed as I started to let my brush touch the canvas and paint small dark circles in the middle.Nakagat ko ang labi sa pagpigil sa sariling katukin sila sa loob ng opisina. Pero hindi ko mapigilan ang sariling tumayo, binitiwan ang palette at brush bago umilang hakbang patungo sa hagdan.But I was taken aback when I saw him going downstairs, looking at me intently but with a little concern.Natigilan pa ako sa ki
Kinaumagahan kahit na duda ako sa ngisi ni Delton ay hindi pa rin maialis ang ngiti sa labi ko. Kahit nang kumakain ng almusal."What's with your smile?" he asked as he put some garlic rice on my plate."Huh?" Nilingon ko siya at tanging aburido niyang itsura ang nasilayan ko."Bawal bang ngumiti, Attorney?" Tinaas ko ang kilay ko na mas lalong kinakunot ng noo niya."I won't meddle with your happiness, just make sure I am part of it." Binaba niya ang hawak na kubyertos at mahinahong tumayo.My lips parted and I looked at him with disbelief, "Attorney, maybe you forgot that you asked for this mess. The fact that I agree with this without my heart, only means that I will never be happy with you—""Then, I'll make you happy. Who's your request again? Andres? Fine, I'll hire that Andres here. Check the garden at ten am."Iyon lang ang sinabi niya bago hinila ang coat niya sa sandalan ng upuan at tumalikod. Tuloy-tuloy pa ang lakad
Delton Carancho"Are you sure about this, Son?" Iyon ang tanong na naaalala ko mula kay Attorney Santiago.I nodded my head as I looked at the picture of the only Princess of the Valencia family. I pursed my lips after remembering what her parents had done to mine, and so I wanted revenge."Pwede naman nating pekehin ang kasal, Hijo," mungkahi pa nito."No, Dad. Make it real. Isang beses lang ako ikakasal at hayaan ninyong siya ang mapangasawa ko," desidong bigkas ko habang tinititigan ang babae.She captivates me. And that I can visibly see that she needs saving. Her lips were curved into a smile, but her eyes told otherwise. Mukha siyang malungkot kahit pa ngiting-ngiti siya sa camera."If that wants you want. Babalaan na kita, she's a spoiled brat, doesn't know any household chores. Maging sa negosyo ay wala siyang alam at tanging pagpipinta lang ang ginagawa niya," paliwanag nito na tinanguan ko lang.Whatever it is, I can endure everything. Pero hindi ko alam na higit na mapapala
Namalisbis ang mga luha ko matapos dumapo ng kanyang mga labi sa aking noo. Ilang beses niya akong hinalikan doon at maging ang mga luha ko ay hinalikan niya."I am already happy to have you, but I am now the happiest man alive, Savvy," buong pusong bulong niya na muling kinatuwa ng puso ko.Pinatakan niya ng halik ang aking mga labi bago ako mahigpit na niyakap."A-kala ko galit ka," mahinang pag-amin ko."What? Hindi, Savvy. Gustong-gusto kong magkapamilya kasama ka," aniyang lumayo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.Ngumiti ako nang maliit lalo na noong ipagsalikop niya ang aming mga kamay at igiya ako palabas ng banyo.Pagkalabas na pagkalabas ay inalalayan ako nitong makaupo sa swivel chair bago agad na kinuha ang cellphone niya at tawagan ang kung sino."Dad, I'm going to be a father," aniyang hindi maalis ang ngiti sa labi."Congratulations, Son. You deserve every happiness in the world. Send my congratulations to Sage," ani Attorney Santiago mula sa kabilang linya kaya't
"Won't you ask about Ashley's performance?" biro sa kanya.Ilang linggo na ring nagta-trabaho sa akin si Ashley at okay naman siya. Inaasar ko lang si Delton dahil alam kong hindi siya pabor sa ginawa ko.Mula sa kanyang laptop ay lumipad sa akin ang kanyang tingin. Seryoso pa ang mga mata niya."Your performance is much better than anyone else," aniyang maliit na ngumiti.Awtomatikong namula ang mga pisngi ko at napasandal sa kanyang mesa. Noong mahina siyang tumawa matapos makita ang pamumula ng mga pisngi ko ay napairap ako. Agad akong dumukwang at tinapat ang aking bibig sa kanyang tainga."In bed or in the office?" I teased.Napatigil siya at agad na napatitig sa akin. Nakagat niya nang maliit ang kanyang labi at noong akmang hihilahin niya ang batok ko ay agad akong umayos ng tayo."Focus, Mr. CEO." Ngumisi ako at lumayo sa kanyang mesa at lumipat sa mesa ko.Nagpresinta kasi akong maging sekretarya niya habang wala pa siyang sekretarya pero siya naman din lahat ang gumagawa ng
"Miss Sage, I'm—"Tinaas ko ang kamay upang mapatigil ito."Please leave, Miss Ashley. I'm done with you," malamig kong tugon bago akmang tatalikod na ngunit nahawakan agad nito ang siko ko.May kabang dumapo sa aking dibdib at halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong balak niya kung kaya't kinakabahan ako. Kung kanina ay naisip kong baka buntis siya, ngayon naman ay baka saktan niya ako."Miss Sage," muling tawag nito na may pag-iyak.Pumikit ako nang mariin. Sa kabila ng kaba ko ay nakaramdam ako ng awa. Gusto ko naman makinig ngunit natatakot ako."Shut up, Miss Ashley. Huwag ngayon," mahinahon kong pakiusap ngunit humigpit ang hawak nito sa siko ko at hinatak pa ako nang bahagya kung kaya't napamulat ang aking mga mata.Gusto kong sumigaw ngunit ayokong gumawa ng eksena. Sinuyod ko na lamang ang tingin ko sa paligid. Abala silang lahat at tila hindi ako napapansin."Miss Sage, kaunting minuto lang po," muling bigkas nito.Awtomatikong lumipad ang tingin ko kay Delto
Daig ko pa ang nanalo sa loto sa sobrang saya. Pangarap ko lang noon na magkaroon ng art exhibit pero heto at pati art gallery ay binigay ni Delton. Sobrang tuwa ng puso ko at halos hindi ko na tigilan ang pagpinta muli upang madagdagan ang mga paintings ko sa mismong exhibit. Mariin na tutol sila Daddy sa hilig kong ito pero tingin ko magiging masaya naman sila ngayong masaya ako.My excitement is overflowing. I can't believe that I am living my dream. Iba pala kapag natupad iyong pangarap mo para kang nasa alapaap. At kung hindi nga lang ako buntis ay araw-araw akong magpupuyat makatapos lang ng maraming paintings."Done, Baby," mahinang bulong ko matapos lagyan ng signature ang uling painting.Hinimas ko ang impis kong tiyan at nakangiting pinagmasdan ang natapos kong painting ng bahay ni Delton—bahay pala namin ni Delton."Soon you'll grow up here, Baby," muling ko."It's look alive, Savvy."Bahagya akong natigilan doon at mabilis na napalingon kay Delton. Nasa likod na ito at nak
"P-inaiyak mo ko, Delton," akusa ko sa kanya lalo pa't ayaw na yatang tumigil ng mga luha ko habang nasa biyahe.Hindi ko nga alam kung ilang beses ko na ba siyang nahampas sa tuwing tatawa siya. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko habang siya ay tuwang-tuwa naman."Savvy, I didn't mean to make you cry. Nasaan na ba ang tigressa kong asawa?—Aw! Savvy, masakit," reklami niya matapos tumama muli ng palad ko sa kanyang braso."Magbiro ka pa! Wala kang tutulugan mamayang gabi!"Agad niyang tinigil ang sasakyan sa gilid at bumuntong hininga. Inabutan niya ako ng bottled water habang siya mismo ang nagpunas ng liha ko gamit ang tisyu."Shh, Savvy. Please calm down. Huwag kang masyadong umiyak. Baka mamaya dehydrated ka na pagdating sa mansyon," aniyang nangungunot ang noo.Umirap ako at uminom sa tubig. Hindi ko rin maintindihan sarili ko sa sobrang pagiging emosyanal. Ganito ba talaga kapag buntis?Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa kumalma. Nang makita niyang kalmado na ako ay a
Siguro tama ang desisyon kong bawasan ang galit at makinig. Gumaan ang pakiramdam kahit paano. Pero hindi ko pa rin magawang buong tanggapin si Delton lalo pa't naaalala ko ang pagkawala nila Mommy.Bumuntong hininga ako at agad na kinalas ang seatbelt matapos niyang iparada sa parking lot ang sasakyan."Are you alright, Savvy?" agad niyang tanong na kinalingon ko."I'm good, Delton. Basta huwag ka lang ulit mang-asar," simpleng sagot ko.Mahina siyang tumawa bago bumaba at agad akong pagbuksan ng pinto. Akmang bababa na ako ngunit hindi umali sa pintuan si Delton."Why? Is there something wrong?" naguguluhang tanong ko matapos makita ang kaba sa mga mata niya."Nothing, Savvy," aniyang hinawakan ang kamay ko, "Sana ay hindi ka magalit na ako na ang may hawak sa kumpanya," maingat nitong bigkas.Tumaas ang kilay ko at pinakiramdaman ang sarili kung galit ba ako ngunit wala naman akong makapang galit."Bakit naman? Akala ko ba sa'yo na 'to una pa lang?""Yes, Baby. But I don't want to
"So I am the exception?" muling tanong ko kinabukasan.Nilapag nito sa mesa ang ham at bacon bago dumukwang at hinawak ang dalawang kamay sa mesa. Maliit siyang ngumuso at tila tinatago ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya."You are the victim—"Tinaas ko ang kilay dahilan upang mapatigil siya, "Biktima mo, Delton. Binihag mo—""Savvy, I told you, you are not part of the plan." Mahina siyang umungol na tila ba sawa na sa aming usapin na ganito.Mahina akong napatawa at maliit na kinagat ang labi ko, "Plano niyo ni Ashley 'to no? Kasabwat ba ang sekretarya mo?" pagpapatuloy ko."Damn, Baby," mahinang mura at muling umungol, "Ashley was out of it—""So pinagtatanggol mo?" Taas kilay na tanong ko bago humalukipkip sa harap niya.Muli siyang nagmura at pumikit nang mariin. Tumayo nang maayos at hinarap ako. Marahan niya pang hinawakan ang magkabilaang balikat ko."Parang kapatid ko lang si Ashley at hindi ko alam ang lahat ng ginawa niya. I have no idea that she likes me, if I ju
Napasinghap ako matapos nitong bumitaw sa halik. Tila ako kinuhanan ng hininga at halos manghina sa ginawa niya."Please, Savvy. You can hate me, you can curse me, but please, do not unlove me," mahihinang pagsusumo nito habang binabaon ang kanyang mukha sa aking leeg."There's no need for that because I never loved you, Delton—"Ngunit hindi ko rin natapos ang kasinungalingan ko noong pumulupot ang dalawang braso niya sa katawan ko at bigyan ng sensual na halik ang aking leeg."Delton, ano ba!" Pilit ko siyang nilalayo ngunit lalo lamang siyang nagiging mapusok."Will you please stop?!" gigil ng bigkas ko na kanyang tinigil."Am I hurting you?" mahinang tanong nito na ang halos hininga ay humaplos sa sensitibong leeg ko.Naipirmi ko ang mga labi at hindi alam ang isasagot. Hindi naman kasi ako nasaktan sa mga halik niya."Savvy, I feel so low right now. Pakiramdam ko iiwanan mo na lang ako basta. Na ikaw mismo ang makikipaghiwalay—""Shh, Delton. I am not that stupid." Umirap ako kah