Matapos makitang hubarin ni Lance ang natitirang suot nito ay tumingin si Erries sa isang nakatagong camera at kumindat dito. Alam niya na nasa likod nito ang kaibigan niya, nanunood sa posibleng mangyari sa kanila ni Lance. Nang mapansing malapit na si Lance sa kanya ay sinalubong niya ito at doon sa ilalim ay nagtagpo silang dalawa. Ngumiti siya dito at hinawakan ang mukha nito. Ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Saglit silang nagkatitigan at kalaunan ay nagtagpo ang kanilang mga labi. Marahan, na tila ba ninanamnam nila ang halik ng isa't isa. Pinaramdam ni Erries kay Lance ang kanyang pananabik, aminin niya man o hindi ay talagang naapektuhan siya sa tuwing ganoon ang tagpo nilang dalawa. Subalit, nasa isip pa rin niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya dito.Mayamaya ay kusa silang humiwalay sa halik ay umahon mula sa tubig. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang mukha, habang nakatitig sa kanya. Nakikita niya ang pananabik at mainit na titig nito sa kanya.
Habang nagmamaneho pauwi si Lance ay tila may hindi siya maintindihan sa nangyari. Pakiramdam niya ay may kulang o sadyang tila ay may bagay siyang hindi maalala."May nangyari nga ba sa amin?" Aniya.Hindi mawala sa isip niya ang bagay na iyon. Naaalala niya ang sandaling namagitan sa kanila, mula sa pag imbita ni Erries sa kanya sa pool, hanggang sa napunta sila sa kama. Ngunit, tila iyon lang ang naaalala niya."Masyado bang marami ang nainom ko kaya hindi ko maalala ang sandaling iyon?" Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang posibleng nangyari. Hindi naman pweding tanungin niya pa si Erries tungkol sa sandaling iyon at baka masamain pa nito. Muli siyang napabuntong-hininga at inalis pansamanta ang kanyang iniisip. Nang makarating siya sa kanilang mansion ay nabungaran niya si Cassie na nakaupo at naghihintay sa kanya. "Cassie.." tawag niya dito."Lance!" Tumayo ito at lumapit sa kanya."You know, I was worried," sabi nito at yumakap sa kanya.Hindi na
Bumaba si Lance mula sa kanyang sasakyan at bahagyang napatingin sa itaas ng kanilang building. Iniisip niya kung dumating na ba si Erries. Bigla siyang nanabik na makita ito, kaya naman naglakad na siya papasok ng kanilang kompanya. 20 minutes pa bago magsimula ang kanilang meeting, kaya naman hindi siya masyadong nagmamadali na pumunta agad dahil si Erries lang naman ang nais niyang makita ng sandaling iyon.Pagkapasok niya ay bumabati sa kanya at tanging tango lang ang naging tugon niya. Nang papasok na siya sa elevator ay nakita niya si Erries. Nakangiti ito at tila may kausap. Hindi niya pinansin ang kausap nito, dahil sa magandang babaeng nasa harapan niya ngayon. Bigla itong napalingon sa kanya at hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito, na nakangiti.Pakiramdam niya ay isa itong anghel, na bumaba upang makita siya."Mr. Acosta, good afternoon.."Doon lang siya natauhan at napatingin sa kasama ni Erries. Bahagya siyang napakuno't noo dahil sa lalaking kasama nito."Oh, hell
Nang sumunod na araw, ay naging abala silang lahat dahil sa darating na prelim-fashion show nagaganapin sa susunod na linggo. Hindi na rin halos nagkikita si Lance at Erries dahil sa pagiging abala nito. Lalo na sa mga damit na siyang nagdidisenyo nito. Marami ang kanyang damit na dinidisenyo kaya halos abala siya ng araw na iyon. Kaya naman, kinabukasan ay nagpasiya siyang magpahinga muna at ang kanyang mga kasama na lang muna ang tumapos sa ilang damit, na nasimulan na niyang dinisenyohan. "Hi besty!" bungad ng kaibigan niyang si Julliana ng pumasok ito sa kanyang kwarto.Naabutan siya nitong nakahiga sa couch, habang may tinitingnan na papelis."Oh! Akala ko ba magpapahinga ka muna? Bakit nakaharap ka sa mga papelis na iyan?" puna nito at umupo sa kaharap ng mesa."I just want to review my designs. Iniwan ko na muna ang ilan sa mga staff ko.." sabi niya.Lumapit si Julliana sa kanya at tiningnan ang hawak nito. Napatango-tango pa ito dahil sa mga kuha ng litrato nang damit na din
Tahimik na nakaupo si Erries sa kanyang upuan at pasimpleng tumingin sa labas, kung saan nakikita niyang napapatingin naman sa office niya ang kanyang mga kasamahan. Hindi rin niya inaasahan na malalaman agad ng mga ito, na nawawala ang kanyang mga designs. Napapailing na lang siya dahil siguradong may kasabwat ang taong kumuha ng kanyang mga designs sa kanyang department.Habang seryoso siyang nag iisip ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, kaya tiningnan niya kung sino iyon at nakita niya ang pangalan ni Julliana. Napabuntong-hininga siya bago iyon sinagot."What?" bungad niya dito.Narinig niyang napatawa ito sa paraan ng kanyang pagsagot."My god, besh! You look so awful! What happened? Did someone offended you? Or did someone took something to you?" Napakuno't noo siya dahil sa sinabi nito, na para bang alam nito ang nangyayari ngayon sa kanyang opisina. Pasimple niyang inilibot ang kanyang tingin at doon, may napansin siyang kuminang sa isang tagong bahagi."Oh! Ang Bilis n
Pabagsak na umupo si Erries sa couch at bahagyang napapikit. Maraming nangyari sa araw na iyon. Mabuti na lamang at may copy siya sa kanyang file tungkol sa nawala niyang mga designs. Nagawa nilang trabahuin ang mga iyon, kaya naman halos gabi na silang natapos. Pumikit siya at napabuga ng malalim. Nasa ganoong sitwasyon siya nang marinig niyang may nag doorbell sa kanyang gate.Napakuno't noo siya. Wala naman siyang inaasahang bisita at lalong hindi na ugali ng kanyang kaibigan na mag doorbel pa, lalo na at nagpaalam ito sa kanya na mawawala ito ng ilang araw dahil may aasikasuhin muna.Muli niyang narinig ang pagdoorbell nito, kaya tumayo siya at lumabas ng pinto. Tinanaw niya kung sino ito at bahagyang natigilan ng makita si Lance.Saglit siyang napatitig dito, dahil nakangiti itong nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya at naglakad papunta sa gate upang pagbuksan ito."Hi, good evening," bati nito sa kanya at bahagyang inabot ang hawak nitong bouquet.Napatingin siya di
Naging abala ang lahat sa pag aayos ng kanilang mga gagamitin na damit at model sa likod ng stage. Ganoon rin si Erries na siyang nag aasikaso rin sa kaniyang mga staff upang walang maging problema. Ngayon na kasi ang araw ng kanilang Prelim-fashion show. Matapos masiayos ni Erries ang kanilang mga damit ay hinayaan niya ito sa kanyang assistant at sumabay na siya kina Cassy na abala rin sa pag aasikaso sa ilang investors na naroon. Ang mga ito ang pipili sa darating na fashion show, kung saan kasabay na nila ang mga kalaban nila sa fashion industry. "Everything's ready," sabi niya kay Cassy nang lumapit siya dito. Napatango ito at sumenyas upang simulan na ang preliminary show.Umayos na rin ng upo ang lahat upang masaksihan ang magaganao na event. Nakita ni Erries na kompleto ang pamilyang Acosta, naroon din ang pamilya ng mga kaibigan nito, lalo ang pamilya ni Cassy. Ngunit, naagaw ang atensyon nila nang mapatingin sila sa bagong pumasok sa event at bahagya siyang natigilan ng mak
Matapos ubusin ni Erries ang iniinom niyang alak ay lumabas na rin siya sa silid. Pagkalabas niya ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Ace. Bahagya siyang napairap at nilampasan ito. Ngunit, napatigil siya nang hawakan nito ang kanyang braso. Kaya bumaling siya dito."What?" Nabigla na lang siya sa sunod nitong ginawa nang bahagya siya nitong tinulak sa may pader at hinarang ang dalawang kamay sa gilid ng kanyang mukha. Napakuno't noo siya sa ginawa nito."What the hell are you doing?" tanong niya dito.Sanay na siya noon na malapit ito sa kanya at nararamdam rin niya ang damdamin nito para sa kanya. Ngunit, alam nito na wala siyang interes dito.Ngumisi lang ito sa kanya at bahagyang inilapit ang mukha, na tila ba hahalikan siya nito."Making a scene, my lady. I saw him hiding in the corner, it seems like, he's waiting for you," pabulong nitong sabi sa kanya.Akmang titingin siya sa tinutukoy nito, pero pinigilan siya nitong lumingon kung nasaan si Lance. Hinaplos nito ang kan
ERRIES POVUnti-unti kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Hindi ko maalala kong hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi, dahil lasing na ata ako kagabi. Nanatili muna akong nakahiga at inalalala ang nangyari kagabi. Hays, paano nga ba ako napunta dito sa kwarto, sino ang naghatid sa akin? Baka naman hinatid ako dito ng mga staff ni Lucas? Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing kagabi. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang phone, para makita kung anong Oras na at nakita kong 9am na pala. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong kakaiba sa sikmura ko, kaya napatakbo ako sa banyo, deretso sa lababo at doon napasuka ako bigla. Tila ba nais lumabas lahat ng alak at mga kinain ko kagabi. Napamumug ako at hingal na hingal. "Here..." Napatingin ako sa towel na inabot sa akin at kinuha ko naman iyon. Pinunas ko iyon sa aking noo, at leeg dahil pinagpawisan ako. Ilang segundo rin, nang matigilan ako. Dahan-dahan akon
LANCE'S POVMatapos akong tawagan ni Lucas kanina at sabihing nakita niya si Erries sa pagmamay Ari niyang Resort ay walang alinlangan akong bumiyahe papunta sa Batanggas. Ang Lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. I still remember, she's still teenager that time. Magkadikit lang ang bahay nila sa bahay nina Lucas, kaya nakilala ko siya. Dahil narin sa pinsan niya noon na si Erica. Naalala ko noon, na may nangyari sa amin ni Erica, hindi lang isang beses na may nangyari sa amin noon, siguro tatlo? O dalawa, hays. So, Ayun nga bumiyahe ako, at halos mag g-gabi na ng makarating ako sa Batanggas at si Lucas agad ang pinuntahan ko. Sakto rin na nasa bahay siya nito, kaya nagulat ito ng makita ako."Ang bilis mo naman, haha," may halong pang aasar na sabi niya sa akin. Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay."Tsk, tell me where is she," sabi ko sa kanya. Marami kasi silang resort na pag aari at hindi ko alam kung saan ba sa mga ito, naroon si Erries."Hahah
Tulad ng sabi ni Erica ay pumunta ako kinabukasan sa resort na sinasabi niya. Nakilala ko rin ang asawa niya at mabait naman ito, nakikita ko rin kung gaano nito kamahal ang pinsan ko.Hinatid nila ako dito sa resort na sinasabi niya at nakausap na rin niya ang kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya binigyan pa nila ako ng discount, at sa isang executive room ang binigay nito sa akin. Nasa labas pa lang ako ng hotel ay talagang makikitang maganda nga ito. Malawak at napaka-refresheng ang simoy ng hangin...maging ang magandang dagat nito, na tila ba hindi mo aakalaing nasa pilipinas ka lang pala.Sinabi din sa akin ng kaibigan ni Erica, na may swimming sa rooftop ng hotel at nais nitong makapunta rin ako doon. Hinanap ko ang hotel room na binigay sa akin at nang makarating ako ay pumasok agad ako para naman makapagpahinga saglit. Nakita ko kung gaano ka kaganda ang silid. Naglakad ako patungo sa veranda ng kwarto at bumungad sa akin ang lawak ng dagat sa aking harapan. Napapikit
ERRIES POVHawak-kamay kami ni Erica na pumasok sa loob ng bahay, at talagang tuwang-tuwa siya dahil muli kaming nagkita. Sa lumipas na mga taon, ay marami siyang binago dito sa loob. Mas naging maaliwalas ang pagpasok namin dahil bumungad ang garden na may iba't ibang kulay ng Rosas at ilang mga bulaklak, na dati ang simpleng path walk lang. Nang makapasok kami sa mansion ay sabay kaming umupo sa isang couch."My god, Erries, bakit hindi ka nagsabi na darating ka..para naman nakapaghanda ako," nakangiting sabi nito sa kanya.Bahagya akong natawa sa kanya."I just want to surprise you, and it's looks like you really did," nakangiting sabi ko sa kanya."Oo naman no, grabe ang laki na ng pinagbago mo...mas Lalo kang gumanda!" papuri niya pa at bahagyang sinuyod ang kabuuan ko."Ano ka ba, Ikaw rin naman ah.. Ano? Kumusta ka na?" tanong ko pa."Ayos lang naman, ikinasal na ako last year at may dalawa na kaming anak ng asawa ko. Ang tagal mong nawala kaya hindi mo na alam k
THIRD PERSON'S POVBumaba si Lance sa hagdan mula sa kanyang kwarto, upang sumalo sa kanilang hapunan. Habang pababa siya ay napakunot-noo siya, nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanilang sala. Nakikilala niya ang mga boses na iyon at nang tuluyan na nga siyang bumaba ay nakita niya ang kanilang bisita.Lumingo sa kanya ang babaeng hindi naman niya nais na makita ng sandaling iyon."Babe!" tawag ni Cassy sa kanya at tumayo ito upang lumapit sa kanya.Agad itong yumukap sa kanya nang makalapit ito. Wala siyang naging tugon sa yakap nito at nanatiling blanko ang kanyang tingin, bago inilipat sa kanyang magulang ang kanyang mga mata. Doon niya nakitang nandito rin pala ang magulang ni Cassy."Ijo," tawag sa kanya ng ama ni Cassy.Tumango lang siya dito at muling tiningnan si Cassy. Napabuntong-hininga siya at pilit na kumalas sa yakap nito, saka naunang naglakad upang lumapit sa kanilang mga magulang."Good evening," bati niya sa mga ito at tumango."Mabuti naman at bumab
ERRIES POVIlang araw ang lumipas, noong huli naming pagkikita ni Lance. Talagang iniwasan ko siya para naman makapag isip ako ng mabuti. Bago ako magpasya na umalis ay nakipagkita muna ako sa isang kaibigan. Isa iyong pagkikita na talagang, kami lang dalawa ang dapat na makaalam.Nandito ako sa isang private resorts, malayo sa Lugar kung saan kami maaring makita ng mga taong ayaw ko rin namang makita. Minsan na akong nakapunta sa resort na ito, kaya alam ko kung gaano ito kaganda. Habang nakatanaw ako sa paglubog ng araw, isang pares ng paa ang huminto sa gilid, kung saan ako nakaupo.Napatingala ako at bahagyang napangisi. Dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating."What now, Erries?" seryosong tanong niya sa akin."Pwedi bang umupo ka muna?" sabi ko sa kanya.It's s Raymond.Yeah, he's the one I'm meeting right now. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, bago naglakad at umupo sa harap ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang sumenyas sa isang waiter na nas
THIRD PERSON'S POV Agad na hinawakan ni Juliana si Truce, matapos nitong suntukin ang lalaking kahalikan niya. Nakita niya kung paano dumugo ang labi nito at nakahandusay sa sahig. Seryoso niyang tiningnan si Truce dahil sa ginawa nito."What the h*ll, Truce?" sambit niya."What? Do you think, I can watch you while kissing that asshole?" inis na sabi ni Truce."Pwedi ba, huwag kang mananakit bigla dahil ginusto ko rin naman 'yon. Sino ka ba para manakit na lang bigla?" inis rin na sabi ni Juliana.Napasinghal si Truce at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon kay Juliana. Hindi niya alam kung ano nga ba ang tamang sagot sa sinabi nito. Naikuyom niya ang parehong kamay, habang nakatingin dito. Nang talikuran siya nito upang lapitan ang lalaking nakahandusay ay bigla na lamang niyang hinawakan si Juliana sa braso at mabilis na umalis sa Lugar na iyon. Nagawa pa siyang harangan ng mga bouncer ng club, pero, dahil nakilala siya ng mga ito ay hinayaan na lamang siyang makalabas. Na
LANCE POVNapabuntong-hininga ako, nang mai-park ko ang kotse sa parking lot ng isang bar. Matapos kong pinatay ang makina nito ay lumabas na rin ako, at ini-lock ito. Sakto rin ang pagdating ng pamilyar na sasakyan sa katabi ng kotse ko, at nakita ko kung paano daling-dali lumabas si Truce doon."Mabuti naman at nandito ka na rin," sabi niya matapos akong makita."Tsk! Alam mo namang wala pa akong Oras para sa ganitong yayaan eh, bakit nga ba bigla kang nagyaya ngayon?" kuno't noo'ng tanong ko sa kanya.Nais ko sanang balikan muli si Erries sa bahay, kung saan siya nakatira pero hindi ko malaman kung naroon pa rin ba siya dahil medyo tahimik iyon kahapon pa."Tumawag sa akin sina Luther, nakita nila si Juliana dito sa bar at alam kong narito pa rin siya. Gusto ko siyang makita at makausap, dahil bigla na lang niya akong iniwasan eh masaya pa naman kami kahapon eh," sabi niya at batid kong nag aalala siya sa kung anong mayroon sa kanila ni Juliana."At nakita rin nila dito
Hindi mawala sa isip ni Cassy ang huling binitiwang salita ni Raymond sa kanya, tungkol sa nararamdaman ni Lance kay Erries. Alam niya sa sariling dehado ang nararamdaman niya para sa binata, dahil may ibang babae itong mahal. Subalit, nasa isip pa rin niya ang huwag sumuko agad, lalo na at mahalaga sa kanya ang binata. Panghahawakan niya ang karapatan niya bilang fiancee nito at hindi niya iyon bibitawan para lang sa nararamdaman ng dalawa.Matapos nilang magkausap ni Raymond ay humingi siya ng tawad dito sa mga nangyari, Lalo na sa nagawa niya Kay Chandrie. Ngunit, hindi niya pa mahaharap ang kaibigan dahil sigurado siyang galit pa rin ito. Hinayaan naman niyang maunang umalis si Raymond at nang makaalis ito ay nagpasiya na rin siyang umalis doon.Nagpasiya siyang sa mall na lang kakain, kaya naman dumiretso na lang siya doon at nilibang ang kanyang sarili.May tumatawag sa kanyang cellphone at nakikita niyang ang kanyang magulang iyon, kaya hindi niya iyon sinagot.Masyado si