Nang sumunod na araw, ay naging abala silang lahat dahil sa darating na prelim-fashion show nagaganapin sa susunod na linggo. Hindi na rin halos nagkikita si Lance at Erries dahil sa pagiging abala nito. Lalo na sa mga damit na siyang nagdidisenyo nito. Marami ang kanyang damit na dinidisenyo kaya halos abala siya ng araw na iyon. Kaya naman, kinabukasan ay nagpasiya siyang magpahinga muna at ang kanyang mga kasama na lang muna ang tumapos sa ilang damit, na nasimulan na niyang dinisenyohan. "Hi besty!" bungad ng kaibigan niyang si Julliana ng pumasok ito sa kanyang kwarto.Naabutan siya nitong nakahiga sa couch, habang may tinitingnan na papelis."Oh! Akala ko ba magpapahinga ka muna? Bakit nakaharap ka sa mga papelis na iyan?" puna nito at umupo sa kaharap ng mesa."I just want to review my designs. Iniwan ko na muna ang ilan sa mga staff ko.." sabi niya.Lumapit si Julliana sa kanya at tiningnan ang hawak nito. Napatango-tango pa ito dahil sa mga kuha ng litrato nang damit na din
Tahimik na nakaupo si Erries sa kanyang upuan at pasimpleng tumingin sa labas, kung saan nakikita niyang napapatingin naman sa office niya ang kanyang mga kasamahan. Hindi rin niya inaasahan na malalaman agad ng mga ito, na nawawala ang kanyang mga designs. Napapailing na lang siya dahil siguradong may kasabwat ang taong kumuha ng kanyang mga designs sa kanyang department.Habang seryoso siyang nag iisip ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, kaya tiningnan niya kung sino iyon at nakita niya ang pangalan ni Julliana. Napabuntong-hininga siya bago iyon sinagot."What?" bungad niya dito.Narinig niyang napatawa ito sa paraan ng kanyang pagsagot."My god, besh! You look so awful! What happened? Did someone offended you? Or did someone took something to you?" Napakuno't noo siya dahil sa sinabi nito, na para bang alam nito ang nangyayari ngayon sa kanyang opisina. Pasimple niyang inilibot ang kanyang tingin at doon, may napansin siyang kuminang sa isang tagong bahagi."Oh! Ang Bilis n
Pabagsak na umupo si Erries sa couch at bahagyang napapikit. Maraming nangyari sa araw na iyon. Mabuti na lamang at may copy siya sa kanyang file tungkol sa nawala niyang mga designs. Nagawa nilang trabahuin ang mga iyon, kaya naman halos gabi na silang natapos. Pumikit siya at napabuga ng malalim. Nasa ganoong sitwasyon siya nang marinig niyang may nag doorbell sa kanyang gate.Napakuno't noo siya. Wala naman siyang inaasahang bisita at lalong hindi na ugali ng kanyang kaibigan na mag doorbel pa, lalo na at nagpaalam ito sa kanya na mawawala ito ng ilang araw dahil may aasikasuhin muna.Muli niyang narinig ang pagdoorbell nito, kaya tumayo siya at lumabas ng pinto. Tinanaw niya kung sino ito at bahagyang natigilan ng makita si Lance.Saglit siyang napatitig dito, dahil nakangiti itong nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya at naglakad papunta sa gate upang pagbuksan ito."Hi, good evening," bati nito sa kanya at bahagyang inabot ang hawak nitong bouquet.Napatingin siya di
Naging abala ang lahat sa pag aayos ng kanilang mga gagamitin na damit at model sa likod ng stage. Ganoon rin si Erries na siyang nag aasikaso rin sa kaniyang mga staff upang walang maging problema. Ngayon na kasi ang araw ng kanilang Prelim-fashion show. Matapos masiayos ni Erries ang kanilang mga damit ay hinayaan niya ito sa kanyang assistant at sumabay na siya kina Cassy na abala rin sa pag aasikaso sa ilang investors na naroon. Ang mga ito ang pipili sa darating na fashion show, kung saan kasabay na nila ang mga kalaban nila sa fashion industry. "Everything's ready," sabi niya kay Cassy nang lumapit siya dito. Napatango ito at sumenyas upang simulan na ang preliminary show.Umayos na rin ng upo ang lahat upang masaksihan ang magaganao na event. Nakita ni Erries na kompleto ang pamilyang Acosta, naroon din ang pamilya ng mga kaibigan nito, lalo ang pamilya ni Cassy. Ngunit, naagaw ang atensyon nila nang mapatingin sila sa bagong pumasok sa event at bahagya siyang natigilan ng mak
Matapos ubusin ni Erries ang iniinom niyang alak ay lumabas na rin siya sa silid. Pagkalabas niya ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Ace. Bahagya siyang napairap at nilampasan ito. Ngunit, napatigil siya nang hawakan nito ang kanyang braso. Kaya bumaling siya dito."What?" Nabigla na lang siya sa sunod nitong ginawa nang bahagya siya nitong tinulak sa may pader at hinarang ang dalawang kamay sa gilid ng kanyang mukha. Napakuno't noo siya sa ginawa nito."What the hell are you doing?" tanong niya dito.Sanay na siya noon na malapit ito sa kanya at nararamdam rin niya ang damdamin nito para sa kanya. Ngunit, alam nito na wala siyang interes dito.Ngumisi lang ito sa kanya at bahagyang inilapit ang mukha, na tila ba hahalikan siya nito."Making a scene, my lady. I saw him hiding in the corner, it seems like, he's waiting for you," pabulong nitong sabi sa kanya.Akmang titingin siya sa tinutukoy nito, pero pinigilan siya nitong lumingon kung nasaan si Lance. Hinaplos nito ang kan
Hindi pa tapos ang event ay nagpaalam na si Erries, upang umuwi at makapagpahinga. Hinayaan naman siya ni Cassy at hindi na siya nito nagawang ihatid dahil nga nakainom na rin ito. Hindi naman nakalapit si Lance kay Erries dahil sa mga taong nasa paligid. Tiningnan lang niya itong makaalis ng event. Nais niya pa sana itong kausapin pero mukhang pagod nga ito dahil sa event.Samantala, nang makarating si Erries sa kanyang bahay ay nakita niya ang kotse ni Julliana at nasisiguro niyang nasa loob ang kanyang kaibigan. Pagpasok niya sa pinto ay nagulat siya nang may sumabog na confetti."Congratulations bessy!" masayang sigaw nito.Natawa na lang si Erries dahil sa ginawa nito at talagang naghanda ito ng pagkain, saka tarpulin kung saan naroon ang kanyang mukha."Tsss, tapos na akong naka-graduate. Hindi mo na kailangang gumawa ng ganyan," tukoy niya sa tarpulin na nakita niya.Natawa si Juliana matapos niyang ituro ito. Lumapit ito sa kanya at yumakap sa braso nito."C'mon, I'm just happ
Napatingin si Erries kay Juliana nang makita kung paano ito nakasimangot na nakatingin sa kanya. Habang bitbit niya ang isang maleta papunta sa kanyang kotse."Are you sure you're going alone in that trip?" tanong nito.Bahagya siyang natawa dahil sa tanong nitong iyon. Ilan beses na niya itong narinig mula rito habang nag iimpake siya."I'm not alone, okay? I'm with my team and other co-workers in the company. It's just 3 days vacation, for celebration of my team. Well, I didn't expect that anyway. But, Cassy wants us to have a vacation. So, I'm not alone," paliwanag niya dito.Kanina ay maagang tumawag si Cassy sa kanya upang sabihin na magbabakasyon sila ng tatlong araw kasama ang ilang ka-trabaho at kaibigan para e- celebrate ang katatapos lang nilang event. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sumang ayon sa gusto nito."Yeah, I know that, but just let come with you," pangugulit nito."No, you need to do something. I want you to send those pictures to Cassy, secretly. Let's
ERRIES POVPabagsak akong humiga sa kama, matapos kong makapasok sa hotel room. Mas pinili kong mag isa sa kwarto kaysa magkaroon ng kasama, dahil sagabal lang iyon sa akin. Napapikit ako at hindi pa rin mawala sa aking isipan ang tungkol kay Truce. Hindi ko alam kung ano ba ang dala niya sa akin. Tsk! He did approached me, and I'm sure, he have a reason to it. He's worried about Lance, because of me. Hmmm..Tumayo ako at kinuha ang bag, saka kinuha ang phone. Kinontak ko si Juliana para alamin ang tungkol kay Truce. Nakakailang ring pa lang ay sinagod na agad niya."Hello, bessy? What can I do too you?"Naipaikot ko na lang ang aking mata dahil sa landi ng boses niya. Sanay na naman ako sa ganoong ugali niya, pero kapag narinig siya ng iba ay talagang iisipin ng mga ito na malandi nga siya. Tsk! "I need some information about, Truce Avreza," sabi ko sa kanya.Naramdaman ko kung paano siya natahimik sa kabilang linya, na tila maging ang kanyang paghinga ay tila huminto