Goodluck, Cupcake!
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matind
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero ki
DracoAgad ko siyang kinabig at niyakap nang mahigpit, para bang kung bibitawan ko siya ay tuluyan na siyang mawawala. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak, lalo na kung ako ang dahilan. Gusto kong iparamdam sa kanya na sigurado ako sa nararamdaman ko, pero sa kabila noon… may takot pa rin na bumalot sa puso ko.Paano kung ilantad ko ang relasyon namin at may mangyari ngang masama sa kanya? Paano kung dahil sa akin, mapahamak siya? Hindi ko kakayanin. Hindi ko matitiis na makita siyang nasasaktan."Nakakainis ka na! Lagi mo na lang binabalewala kung ano ang nararamdaman ko!" Parang napunit ang puso ko sa sinabi niya na may kaakibat na sakit sa kanyang tinig.Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil natatakot akong mas lumala ang sitwasyon. Alam kong kung pipilitin kong magpaliwanag, baka mas lalo lang siyang mainis dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko.Hindi ko man makita ang kanyang mukha dahil nakasandig ito sa balikat ko, ramdam ko ang pag-uga
Draco"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."Natigilan ako. No, hindi puwede! Hindi ko siya kayang hayaang umalis nang galit sa akin. May takot sa dibdib ko, takot na baka kapag binitiwan ko siya ngayon, mahirapan na akong makuha muli ang pagkakataon na kausapin siya. Or worse, baka hindi ko na siya muling makita."Sugar, ayaw kong umalis ka nang may galit sa akin," mahinahon kong sabi, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.Natawa siya ng mapakla na tila ba nang-uuyam bago nagsalita."Bakit? Inaasahan mo ba na kapag nakinig ako sa'yo ngayon, mawawala na rin ang galit ko? Na parang hindi ako nasaktan? Na mawawala ang selos ko sa isang iglap? Ano bang akala mo sa damdamin ko, Draco?"Napakagat-labi ako. "Hindi naman sa gano'n... gusto ko lang na magkasundo tayo. Gusto kong masiguro na okay pa tayo."Sana ay maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko naman inaalis na magalit siya sa akin dahil alam ko na kagalit-galit naman talaga ang ginawa ko."Fine. Magalit ka sa akin,
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pagk
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
Margaux“Ito, sa palagay mo, bagay sa akin?” tanong ko habang nakaharap kay Yvonne, hawak-hawak ang naka-hanger na isang pulang lace na lingerie, nakatapat sa aking katawan sa harap ng salamin.“So sexy, bruh!” halos pasigaw niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata, titig na titig sa akin na para bang ini-imagine na niyang suot ko na ito. Napakagat pa siya ng labi sa eksaheradang reaksyon.“Maka ‘so sexy’ ka d'yan, wagas. Tigilan mo nga ‘yang pagka-exaggerated at animated mo. Kaya ka tuloy napagkakamalang high school pa rin.”“Alam mo, okay lang ‘yon! At least nakakaiwas ako sa mga lalaking akala mo kung sino. Mas madali pang maglaro ng online game kesa sa pakisamahan sila.”“Bruh,” umiling ako, sabay buntong-hininga. “Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi porket iniwan kayo ng Dad mo ay ganun na lahat. Tingnan mo nga si Tita, kahit anong heartbreak ang pinagdaanan niya, she still believes in love. May mga crush parin ‘yon, ‘noh! Kaya mag-relax ka. Baka maunahan ka pang magka-lovelife ng
Margaux“Ang bruha, at masayang-masaya!” bulalas ni Yvonne habang papasok sa opisina ko, dala-dala ang malaking ngiti at tsismis sa mga mata. Hindi na siya nakatiis na kahit abala sa negosyo ng kanilang pamilya ay sinugod niya talaga ako rito.“Ano naman kung sobrang saya ako?” natatawa kong tugon habang ibinaba ko ang hawak kong ballpen. “Inggit ka lang kasi hanggang ngayon, wala ka pa ring lovelife!”Tinawanan lang niya ang sinabi ko tsaka nagpatuloy sa paglapit sa akin at tumayo sa harapan ko.“Tsaka, hindi ka talaga makapaghintay, no? Kung makapunta ka parang may sunog.”“Bakit pa ako maghihintay? Eh ang sabi ng gurang na kaibigan ni Uncle Cupcake, yes, yun pa rin ang tawag ko sa kanya ay nakaalis na raw ang mga biyenan mo!”Napataas ang kilay ko habang inaabot ang kape sa gilid ng mesa. “Kaya heto’t sinugod mo na ako agad-agad.”“Natural mente!” Umupo siya sa harap ko na parang batang sabik sa kwento. “Gusto kong marinig mula sa’yo kung ano’ng pakiramdam ng ipagsigawan ni Uncle C
Draco“Hindi ko akalain na magiging maayos din ang lahat sa pamilya ko,” sabi ko kay Kevin habang magkatapat na nakaupo sa loob ng aking opisina. Nakatanaw ako sa malawak na bintana kung saan tanaw ang kabilang building, pero ang isipan ko ay abala sa iba.Sina Mommy at Daddy ay nasa bahay ngayon at kasama si Margaux. Hindi ko na naawat ang mga magulang ko na manatili sa bahay namin, at wala na ring nagawa si Margaux kundi ang lumiban sa kanyang trabaho para masamahan ang dalawa na excited rin.“Masayang-masaya ka na niyan?” tanong ni Kevin. May halong pag-aalala ang boses niya, pero dama ko ang tunay na malasakit at suportang taglay ng kanyang mga mata.Tumango ako, pilit pinapangiti ang sarili. “Oo. Pero aminin ko, parang may kaakibat na kaba.”“Hindi mo na napigilan ang bugso ng damdamin mo,” aniya, habang nilalaro ang hawak na ballpen. “You stepped on the line, Draco. Inilagay mo sa panganib si Margaux. Handa ka na ba talaga sa posibleng kahinatnan nito?”Napabuntong-hininga ako, m
Third PersonNaging maayos na ang pagtitipon at sinikap ng lahat na maging masaya kahit na ang daming tanong ng mga kuya ni Draco.Kasunod na araw, nagbalik ang magkakapatid kasama ang kanilang mga pamilya sa hotel kung saan naroon sina Drake at Daniella. Ganon din sina Rex at Morgana na nang-aalala para sa anak kahit na nga nandoon din si Draco at ang mga magulang nito.“You really married her?” bulalas ni Dennis.“Bakit ba hindi ka makapaniwala na mag-asawa na kami?” tanong naman ni Draco sa nakatatandang kapatid.“Sinabi ko na sayo na dati siyang girlfriend ni Sam.”“So? Ano naman ngayon?”“Pinagsawaan na siya—” Hindi na naituloy ni Dennis ang kanyang sasabihin dahil agad na sumabat si Draco na kung hindi niya ginawa ay malamang na si Rex ang gumawa.“Ako ang mas higit na nakakaalam kung pinagsawaan ba ng anak mo ang asawa ko o hindi kaya tigilan mo ang kakasabi ng ganyang salita.” Naninigas ang panga ni Draco sa pagtitimpi ng galit. Tumingin siya kay Sam bago nagpatuloy.“Samuel, m
MargauxNakangiting nakatingin sa amin sina Mommy Daniella at Daddy Drake nang tuluyan kaming makalapit ni Draco sa kanila. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa pinaghalong hiya at kaba, pero pinilit ko pa ring gumanti ng pino at sinserong ngiti.Paglingon ko sa iba pang mga kapatid ni Draco, kapansin-pansin ang mga bakas ng pagtataka sa kanilang mga mukha. Lalo na kay Sam, na sa totoo lang ay dapat hindi na nagugulat, dahil alam naman niya ang tungkol sa relasyon namin ng kanyang tiyuhin.Si Chiara?Halos butasin niya ng tingin ang magkahawak naming kamay ni Draco. Hindi ito basta hawak lamang dahil mahigpit, puno ng init, at malinaw na nagpapahayag ng aming ugnayan. Tanga na lang talaga ang hindi makakaintindi sa nakikita nila.“What’s the meaning of this?” tanong ni Chiara, na may halong pagtaas ng kilay. Hindi ako nakatiis, gusto kong matawa. Sa lahat ay siya pa ang may ganang magtanong, siya pa talaga? Ang kapal!“Eherm,” Draco cleared his throat, pinipilit buwagin ang tensyo
MargauxHindi ko mapigilang pagmasdan si Draco. Mula pa kanina, ramdam ko ang madalas niyang pagsulyap sa akin kahit abala sila sa unahan. Hindi ko man marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malayo kami ni Dad sa kanila ay hindi ko naman kailangang marinig para maintindihan ang nangyayari.Isang sulyap ko pa lang sa asawa ko, alam ko na agad.Naiinis siya. Nagtitimpi ng galit.Kita ko ang paninigas ng kanyang panga, ang malamig niyang tingin kay Chiara na paulit-ulit niyang iniiwasan. Hindi ko maintindihan kung manhid ba talaga ang babaeng ‘yon o nagbubulag-bulagan lang.Ano sa tingin niya ang ibig sabihin ng paglayo ni Draco sa kanya? Kahit sinong may matinong pag-iisip ay alam na ayaw ng asawa ko na madikit siya rito.Kaya nga sigurado ako na may pagtingin siya sa asawa ko, contrary sa sinabi ni Draco na wala at si Chiara pa ang nagsabi non sa kanya.Sorry na lang siya dahil hinding-hindi hahayaan ng asawa ko na magkaroon siya ng anumang kaugnayan sa buhay nito.At alam ko kung bak
Draco“What are you doing here, Sugar?” mahina kong tanong habang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Hindi ko nilakasan ang boses ko, pero alam kong rinig niya iyon lalo na’t halatang iniiwasan niya akong tingnan. Naupo na rin ako sa tabi niya, ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.“Ayaw ko ng gulo kaya hinayaan ko na si Tito Darius...” mahina niyang sagot, sabay buntong-hininga na parang pinipigilan ang sarili niyang magalit.“Tito?” salubong ang kilay kong tanong. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay sa narinig ko, at lalo akong naguluhan nang makita ko siyang biglang ngumiti. Napatingin din ako sa aking mga biyenan, na halatang nagpipigil din ng tawa.“Sorry, nasanay na kasi ako. Kuya Darius pala,” pagtatama ni Margaux, pero hindi pa rin nawala ang mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha at sa mga mata niyang kumikislap sa tuwa.Napatikhim ako, pilit na hindi magpahalata na kinikilig ako sa simpleng asar niya. Hindi naman na ako napipikon sa ganong klase ng biro
Draco“What the–” bulalas ko bago mabilis kong iniwas ang mukha ko sa gulat. “Chiara! You’re here!” dagdag ko, pilit na pinapakalma ang kabog ng aking dibdib.“Why do you look so surprised?” tanong niya, may bahid ng alinlangan ang ngiti sa kanyang mga labi, tila nagdadalawang-isip kung dapat ba siyang natuwa sa aking reaksyon.“I just didn’t expect to see you here. When did you arrive?” tanong ko, bahagyang umatras ang katawan ko palayo sa kanya. Hindi ko kayang itago ang lamig sa boses ko.“Yesterday,” sagot niya, naglalaro pa rin ang ngiti sa labi. “I found out from your nephew, Sam, that Auntie Daniella will be celebrating her birthday here in the Philippines.”“Sam?” kunot-noo kong ulit, sabay sulyap kay Samuel na ngayo'y nakatingin lamang sa akin, halatang may gustong sabihin pero pinipigil ang sarili.“Yes,” tugon ni Chiara, sabay tango.Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita, pinipigilang mawalan ng pasensya. “Okay, you can get yourself a seat, or wait—” Sandali akong tu
MargauxUmalis kami nila Mommy at Daddy sa hotel room ng mga biyenan ko matapos naming makapag-usap nang masinsinan. Sa wakas, na-clarify na ang ilang mga bagay tungkol sa amin ni Draco. Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ng aking biyenan, lalo na nang marinig nila na hindi muna namin ipapaalam sa publiko ang tungkol sa pagpapakasal namin dahil na rin sa kapakanan ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso. Sa isang perpektong mundo, dapat ay malaya naming maipagsisigawan ang pagmamahalan namin ni Draco... pero hindi ito ang tamang panahon.Sabi ni Draco, may naka-reserve na daw na mesa para sa amin sa harapan, katabi lang ng sa pamilya nila. Agad kong hinanap iyon ng aking mga mata, at nang makita ko ang "Reserved" na card na nakapatong sa mesa, kusa akong napangiti.“Doon tayo, Mom, Dad,” sabi ko habang itinuro ang mesa. Tumango naman ang aking mga magulang at sinundan ako. Ngunit sakto rin ang dating ng isang hindi inaasahan, si Tito Darius, kapatid ni Tito Dennis.“A