Kalalabas ko lang galing trabaho bilang isang waitress sa sikat na coffee shop. Naglalakad ako papuntang terminal ng jeep habang ang pagod ay iniinda. Nakakapagod ang isang pagiging waitress, lahat ng lakas na inipon mo no'ng umaga ay awtomatikong mawawala pagsapit ng mga oras na magdadaan. Kahit sabihin na wala naman akong binubuhay na pamilya ay mahirap pa rin. Pambayad ng tubig, ilaw, gastusin sa araw-araw, pamasahe at marami pang iba. May tumigil na jeep kaya agad naman akong sumakay, marami ang pasahero at halos magsiksikan na kami. Kahit gabi na at malamig na sa labas ay ang init pa rin ng pakiramdam sa loob ng jeep. Para kaming sardinas na nagsisiksikan. Maya-maya pa ay may bumabang anim na pasahero kaya naman nakahinga-hinga na rin ako kahit papaano. Napabuntong hininga nalang ako, ang hirap talaga ng buhay kapag mag-isa ka lang. "Bayad po!" Sabay abot ng pera sa may katabi ko at agad naman n'ya itong tinanggap at ipinasa. Ganito na lang palagi ang
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako no'ng makita ko na naman ang isang liwanag sa bandang dulo ng building na 'to. Napalunok ako at walang pagdadalawang-isip na patakbok pinuntahan kung saan nanggagaling ang liwanag. Napamulagat ako at bahagyang napaatras. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nakikita ko ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at kinusot 'yon at muling iminulat na nagbabakasakali na guni-guni ulit ang aking nakita. Ngunit ngayon ay nananatili itong nandoon. Naglakad ako ng bahagya para lalo pang tingnan ang kakaibang bagay na ito. “Portal?” Ang pagkamangha ay hindi maalis sa buong sistema ko dahil para itong napapalibutan ng kuryente sa paligid nito at sa gitna nito ang itim at parang walang hangganang lagusan. Hindi ko maramdaman na pumipikit ang mata ko, siguro dahil ito sa sobrang pagkamangha at gulat kaya bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ay tumalikod na ako at akmang aalis na. Siguro ay pakana lamang ito ng mg
"Inuulit ko, bakit ka naririto at saan mo nakuha ang suot mo?!" Galit na galit s'ya. Pikon! sigaw ko sa isip ko. Kahit abot-abot ang kaba ay nagawa kong sumagot sa aking isip. "H-hindi ko alam, nagising na lamang ako na naririto na ako. At itong suot ko, paborito ko 'tong pang araw-araw dahil masarap sa pakiramdam at presko," sagot ko dahil 'yun ang totoo. Tiningnan ko naman s'ya at nakita ko na bumalik na sa normal ang ekspresyon ng kanyang mukha. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nakita. "Ginagaya mo ba ako?" Napataas naman ang aking kilay sa narinig, anong ginagaya? "'Yung padalawa mong sagot, ganu'n na ganu'n din ang aking sagot kanina." "E, 'yun din ang nararamdaman ko kapag suot ko 'to," depensa ko. Kasalanan ko bang pareho kami ng nararamdaman. "May hinahanap ako kasama ang grupo ko. Isang kriminal na ninakaw ang portal sa palasyo." Ang pagtataka ay bumalik sa akin, lalo akong
Taimtim lamang akong nagmamasid sa buong paligid. Habang 'yung Leonardo ay inaasikaso si Prinsipe Lucas. Puno ng mga antigong kagamitan ang buong bahay. Simple lamang at maaliwalas at parang hindi lalaki ang nakatira rito. Halatang napaglipasan na ng panahon ang bahay ngunit mukhang matibay at tatagal pa. Habang nililibot ko ang paningin ay hindi pa rin ako makapaniwala, bago lahat sa paningin ko ang nakikita. Ang mga ikinikilos ng nasa paligid ko at ang mga lumalabas sa mga bibig nila. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Ano ba 'tong napasok ko? "Ehem." Isang pekeng tikhim ang narinig ko kaya naman dali dali kong hinanap ang nagmamay-ari no'n. Nakita ko naman si Leonardo na nanlilisik na nakatingin sa akin malapit kay Prinsipe Lucas. "Sino ka at paano mo nakilala ang Prinsipe?!" sigaw nito, ang garalgal na boses nito ay nagbibigay ng takot sa buo kong kalamnan. Agad kong nadala ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga dahil sa takot at gulat.
"Subukan mong tumukas at gumawa ng mali sisiguraduhin kong 'di ka na sisikatan ng araw," turan ni Leonardo pero inirapan ko lang s'ya. Masyadong mapagbintang dahil sa kanya may nagalit sa'kin ng wala naman akong ginagawang masama. Nakita ko naman na pinuntahan ni Monica si Prinsipe Lucas at umupo sa tabi nito habang si Leonardo naman ay nasa isang sulok lang at maigi akong binabantayan ng mga mapanuri niyang mata.Argh! Nakakainis! Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang buhay ko ng isang iglap. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo dahil sa hindi makatarungan nitong pagtrato sa akin. Wala akong magawa kun'di sumunod sa utos nila dahil kung hindi ay baka isa na akong malamig na bangkay. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mata. Siguro ay sa pagod at sobrang pag-aalala, maya-maya pa ay hindi ko na namalayan na binalot na pala ako ng kadiliman.~*~Napuno ng tawanan ang buong sasakyan.
Napatingin naman ako sa isang gawi kung saan ang mga antigong pinggan ay bigla lumutang at mabilis na bumulusok sa gawi nina Leonardo at Monica. Napaigtad ako at bahagyang napaatras. Halos himatayin ako sa nakita.Pinggan na lumulutang?Ang buong akala ko ay tatama na ito sa kanila ngunit may tila isang enerhiya ang pumipigil dito. Napatingin naman ako kay Monica na nakataas ang isang kamay at nakatapat ito sa mga lumulutang na pinggan na tila pinipigilan nito ang pagtama sa kanila ni Leonardo."Hindi rin ba isang kalapastanganan ang sigawan n'yo ang inyong Prinsipe?" Nalipat ang tingin ko sa Prinsipe na ngayon ay nakatayo na rin. Hindi siya sumisigaw ngunit ramdam mo ang galit at inis doon."Hindi siya nabibilang sa atin at hindi kailanman. Kaya hi
"Mahal na Prinsipe." Saka ito tumungo na parang nagbibigay galang."Bakit ang tagal mo? Halos abutin ka na ng tanghali!"Sa halip na pakinggan ang sinabi ni Monica ay napatingin ito sa akin. Mabilis naman akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sahig."Siya ba ang tinutukoy n'yo mahal na prinsipe?" tanong nito sa mababang boses habang ang kanyang mga tingin ay hindi maalis sa akin."Siya nga." Imbes na ang prinsipe ang sumagot ay si Leonardo ang nagsalita na ngayon ay nakatingin na rin sa akin."Nahanap mo ba ang pinapahanap ko sa'yo?" tanong ni Prinsipe Lucas. Mabilis na tumango ang kausap ng prinsipe."Pau
Halos maputol ang hininga ko sa aking narinig mula kay Mathias, hindi maaari!"Ngunit hindi ko kayo kauri at hindi ako pwedeng mamuhay kung segu-segundo ay nasa kapahamakan ang buhay ko!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kaya na napapaligiran ako ng mga bampirang ito."Huminahon ka, Cenn." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Prinsipe Lucas."Gumawa kayo ng paraan! Hindi ako nabibilang dito at hindi ko kayang isipin na pwedeng ni isa sa inyo ay pwedeng pumaslang sa akin!" Gusto kong umiyak sa pag-aalala, hindi ito pwede!"Naiintindihan ka namin ngunit ito ang sinisigurado ko, hindi ka nila sasaktan. Mga kaibigan ko sila at mabubuti silang bampira."Mabubuti? Walang mabuti kapag natukso kana!"Kaya may Rainepha ka, 'yan ang magiging proteksyon mo laban sa mga bampira. Hindi nila maaamoy ang dugo mo hanggat suot mo 'yan." Turo ni Monica sa singsi
Nasa tapat kami ng isang matayog na pinto kung saan may mga nakabantay na dalawang Guerrero at seryosong-seryoso. Dito namin nakitang pumasok si Monica na pinagbuksan ng mga Guerrero na ito. Biglang dumapo ang mata sa akin nung isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Felip, kumusta ka? Pumapayat ka ata," bati ni Mathias do'n sa isang Guerrero. Napaalis naman ang tingin sa akin nito at napunta kay Mathias na ngayon ay hinihimas ang naglalakihan nitong braso.Hindi pinansin ni Guerrerong Felip si Mathias at binuksan n'ya ang pinto sa aming harap. "Maari na kayong pumasok," tugon ni Felip, napasimangot naman si Mathias."Kaya ka hindi nabibigyan ng pagkakataon na umibig dahil d'yan sa kasungitan mo," singhal na saad nito at nauna ng pumasok sa loob. Wala namang reaksyon si Felip at tila ba sanay na sanay na sa mga ganoong linyahan ni Mathias.Hindi nagsalita si Thana kun'di niyakag n'ya lamang ako papasok. Bumungad sa akin ang isang napakalaking kwarto nama'y mataas na kisame. Nasa
Maaga akong nagising kahit pa inda ko ang pagod dahil sa nangyari sa pagitan sa amin ng Prinsipe. Bigla ko namang kinurot ang aking pisngi dahil napaka-ashumera ko. E, ano naman kung ginawa 'yon ng Prinsipe? Paniguradong mas malala pa do'n ang nagawa n'ya sa hanay n'ya. Maalaga lang talaga s'ya kaya isang kasalanan kung magfe-feeling ako ng ganito-"CENN!"Napaigtad ako sa aking kinatatayuan noong bigla kong narinig ang boses ni Mathias sa likod ng pinto ng banyo."Mathias? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod kong tanong at mabilis nang isinuot ang isang lantern sleeves na kulay puti na tinernuhan ko ng isang wide pants. Narinig ko ang pagkalabog nito sa pinto ng banyo. "Cenn, bilisan mo!" Atat na atat n'yang saad habang patuloy pa rin ang pagkalampag n'ya sa pinto. Nagtaka naman ako dahil may nangyari bang hindi ko na namalayan sa paglipas ng magdamag? At bakit ba todo kalampag s'ya d'yan? E, pag nasira 'yan s'ya talaga sisisihin ko."Teka lang!" palakat ko rin
Napasandal ako sa pinto sa aking likod, sa narinig ko mula kay Leonardo ay mas napagtanto kong hindi ko pa talaga lubusang kilala ang Uno. Ang sakit no'n para kay Guiden kaya ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang s'ya kaapektado.Napayapos naman ako sa aking braso no'ng umihip ang malamig na hangin. Napatingin ako sa aking paligid. Hindi masyadong madilim sa hallway na ito dahil sa sinag ng buwan at mga lampara sa tabi ng dingding. Walang bampira ang naririto ngunit halatang may mga katabi ako, baka nasa kasiyahan pa sila. Huminga ako nang malalim at humarap nasa pinto. Makakapagpahinga na rin sa haba ng aking pinagdaanan.Pinihit ko ang doorknob at sumalubong sa akin ang malinis na kwarto. Katamtaman lamang ang laki nito, nandito na rin ang mga pangangailangan ko. Mabilis kong pinuntahan ang isang tukador katabi ng isang pinto sa kaliwang bahagi na palagay ko ay pinto para sa banyo. Bumungad sa akin ang mga damit na pinamili namin sa Rialacande. Kinuha ko ang isan
Literal na napamulaga si Guiden sa pagmumukha ni Prinsipe Lucas. "Prinsipe?" mahinang bulong nito.Wala akong nakitang awa sa tingin ng ibang miyembro ng Uno tila mga masaya pa sa naging hatol kay Guiden. "Hindi kami nagkulang sa pagpapaalala," wika ng Prinsipe at ipinahinga ang kanyang batok sa sandalan ng kanyang inuupuan at payapang ipinikit ang kanyag mga mata."Ngunit-""Huwag ka nang kumontra dahil kahit anong reklamo mo ay walang nilalang sa lugar na ito ang magtatanggol sa'yo," putol na sabat ni Monica. Wala pa ring mintis ang pagiging matabil ng bibig n'ya.Nakita ko naman kung paano napailing sina Thana at Mathias at dismayadong nakatingin sa aping-aping mukha ni Guiden. Napatungo ang aking tingin dahil kung alam ko lang sana na bawal na s'yang kumain doon gamit ang pera ng Uno ay napigilan ko sana s'ya. Bigla namang nabuo ang tanong sa aking ulo. Bakit hindi na lang s'ya bumunot ng sarili n'yang pera? Tsh.Alam kong isip bata s'ya pero alam kong hindi s'ya sobrang ganoong k
Nakita ko ang mga mata ng Prinsipe na napapikit at ramdam ko ang paghinga nito ng malalim. Isang kaginhawaan ang nakabalot sa kanyang mukha. Pinag-isa ko ang aking kamay na kanina pa naliligo sa pawis."Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa rin ako binibigo, natatangi kayo. Ang Uno ay mananatiling Uno," wika ng Prinsipe na kinatango ng karamihan."Ngunit..."Napalingon ako kay Cleeve nang magsalita ito. Napaltan ng pagkabahala ang kanina'y masaya n'yang mukha. Tumingin ito sa Prinsipe. "Alam ko ang kaya nating gawin, Uno ay Uno ngunit hindi natin nasisigurong isang daang porsyento ay magtatagumpay tayo sa balak natin."Doon napabagsak ang aking balikat, alam ko na 'yon una pa lang ngunit hindi maalis sa akin ang kaba. "May punto ka ngunit sa tingin mo ba hahayaan nating mangyari 'yon?" sambit ni Mathias."Sa rami na nating napagdaan at misyong natagumpayan ay sa tingin ko ay magagawa natin ng matagumpay ito," dugtong nito.Napalingon si Atlas kay Mathias. "Oo tama ka, Mathias. Ngunit hindi
Nawala ang usapan na namamayani sa amin at tila nag-aantay sa mangyayari. Napatingin ako kay Monica nang itoy maglakad pauna sa harap. Hinawakan ng kanan n'yang kamay ang pader at itinulak ito ng bahagya. Bumukas ang pader sa isang katamtamang laki ng pinto ng dahan-dahan.Gumuhit naman ang mangha sa aking mukha, hindi ko man lang napansin namin pinto pala do'n. Talagang walang maghihinalang ito ang himpilan ng Uno at iisipin lamang ng iba na isa itong dead end.Walang imik na isa-isa kaming pumasok doon. Sumalubong sa akin ang makipot at madilim na daan. Mga lampra lamang sa tagilirang ng daan ang nagsisilbing liwanag sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at mayamaya pa ay bumungad sa akin ang maluwang na espasyo ng lugar. Marami ang upuang maganda ang pagkakalagay na nagbibigay ganda sa kabuuan ng lugar. Kapansin-pansin ang napakalaki at napakahabang lamesang kahoy sa bandang gitna.May sampong lamesa at upuan na nakapalibot sa lugar na halatang pagmamay-ari ng miymebro ng Uno na t
Mas naliwanagan ako sa mga nangyayari sa aking paligid habang ang aking mata ay pinagmamasdan ang apat na miyembro ng Tres na nag-uusap. Hindi ko pa man tuluyang kilala ang Tres ay malinaw na sa akin na hindi nila katulad ang Uno. Madaling pakisamahan ang Tres habang ang Uno ay hindi. Hindi ko pa man tuluyang nalalaman ang ganap o tungkulin nila sa Faber ay masaya ako dahil nakilala ko na sila. Napaisip naman ako kung ano ang ugaling meron pa ang iba pang taga-Tres.Narinig ko ang katok sa malaking pinto. Mabilis ang pagkakakatok ngunit ramdam na walang galit sa mga katok na 'yon."Ang amoy na 'yon," rinig kong nagsalita si Zale. Napatayo naman ako dahil ramdam kong kilala ko ang bampirang nasa likod ng pinto na 'yon."Tila sinusundo ka na Cenn ng tagapangalaga ng Prinsipe," wika ni Yuka. Bahagya akong napatango."Pasok ka Leonardo," sigaw ni Fox.Walang ano-ano ay biglang pumasok ang katawan ni Leonardo. Napadapo ang tingin nito sa akin. "Hindi nga nagkakamali ang Prinsipe Lucas at n
Napadighal ako sa sarap ng pagkain. Napapunas ako sa aking noo na may iilang pawis. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil makaraan ang ilang araw ay nakakain na ako ng matino. Naramdaman ko naman ang tingin ni Aine sa aming tabi ni Guide. Nakatingin ito sa akin na mahahalata ang mangha sa kanyang biluging mata. Kahit na mata lamang ang makikita sa kanyang mukha ay hindi natatabunan ang kanyang emosyon.Dinaan ng hinlalaki ko ang gilid ng aking labi sa duming naandon. Kahit ako ay mangha pa rin sa pisikal na anyo ni Aine. Hindi ko alam na may nabubuhay pa lang ganoon. Narinig ko naman ang mahinang pagbagsak ng mangkok sa kahoy na lamesa sa aking harapan.Nakita ko si Guiden na busog na busog na. Tulad ko ay kumain lamang ito nang kumain, wala kaming imikan habang si Aine ay labas masok sa tila kusina para magbigay pa ng pagkain."Ang bayad ng mga ito ay sabihin mo kay Cleeve. S'ya ang bahala dito," saad ni Guiden habang ang kanyang ulo ay nakatingala sa mataas na kisame at nakahawak sa
Humarap sa akin ang lalaking aking sinusundan at nagpalinga-linga sa paligid na tila ba may bampira bang nakakakita sa amin."Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Malinis at malaki ang espasyo dito."Sumunod ka lang," saad nito at lumapit na ng tuluyan sa harap ng malaking pinto. Ano bang trip n'ya? Baka madali kami ng Prinsipe kapag nalaman n'yang wala kami sa kasiyahan. Talagang itong lalaki ang aking sisihin."Aine? Aine..."Lumapit ako sa tabi n'ya nang magsalita ito sa tapat ng kahoy na pinto. Tila may tinatawag sa loob."Aine, ako 'to."Napakamot naman ako sa aking ulo. "Hindi ka n'ya maririnig kung gan'yan kahina ang boses mo," sabat ko. Sa laki at kapal ba naman ng nasa harap n'ya ay imposibleng may makarinig no'n sa loob.Naptingin ito sa akin, walang ekspresyon pero ramdam ko ang inis sa mga titig n'ya.Napabuntong-hininga ito at kinatok ng malakas ang pinto. "Aine! Lumabas ka d'yan!"Napatakip naman ako sa aking tenga nang bigla s'y