"Subukan mong tumukas at gumawa ng mali sisiguraduhin kong 'di ka na sisikatan ng araw," turan ni Leonardo pero inirapan ko lang s'ya. Masyadong mapagbintang dahil sa kanya may nagalit sa'kin ng wala naman akong ginagawang masama. Nakita ko naman na pinuntahan ni Monica si Prinsipe Lucas at umupo sa tabi nito habang si Leonardo naman ay nasa isang sulok lang at maigi akong binabantayan ng mga mapanuri niyang mata.
Argh! Nakakainis! Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang buhay ko ng isang iglap. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo dahil sa hindi makatarungan nitong pagtrato sa akin. Wala akong magawa kun'di sumunod sa utos nila dahil kung hindi ay baka isa na akong malamig na bangkay. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mata. Siguro ay sa pagod at sobrang pag-aalala, maya-maya pa ay hindi ko na namalayan na binalot na pala ako ng kadiliman. ~*~Napuno ng tawanan ang buong sasakyan."Honey, lagi mo na lang akong binibiro," nagtatampong saad ni mommy habang lalong napahalukipkip sa kanyang inuupuan sa tabi ni daddy."Just kidding honey, gusto ko lang mapatawa ang mga anak mo." Sumilay lalo ang mapuputing ngipin ni daddy sa kanyang sinabi."Daddy is right, mommy." Napatingin naman ako kay Kuya Devdan habang hawak-hawak ang kanyang robot na laruan."Daddy will not hurt you mommy," saad ni Kuya Devrash habang masayang nakangiti."Because daddy loves mommy!" Napatingin ang lahat sa akin kung nasaan nasa gitna nila Kuya Devrash at Kuya Devdan sa backseat. Muli, napuno ng tawanan ang buong sasakyan. "Si bunso oh! Ang galing galing na magsalita." Habang pinanggigilan ako ni Kuya Devdan."Devdan naman, anong tingin mo sa bunso natin? Sanggol na hindi marunong magsalita?" bara ni Kuya Devrash."Oo nga, I'm already 8 years old!" saad ko naman. Nakita ko naman na nakasimangot si Kuya Devdan. "Ayt, lagi na lang akong pinagkakaisahan," sabi n'ya sa robot na hawak."Ikaw nga d'yan ang parang sanggol e. Robot, at the age of 11?" ukit ni Kuya Devrash. Lalong napasimangot si Kuya Devdan. "Ikaw nga d'yan, e! Binasted ng crush!" Saka ito humagalpak ng tawa. Pati ako ay napatawa na rin. Kahit bata pa ako ay naiintindihan ko na ang bagay na iyon. "At the age of 14? Ang aga mong na broken hearted!" Patuloy pa rin ito sa pagtawa. Nakita ko naman si Kuya Devrash na sobrang sama na ng tingin kay Kuya Devdan. "Oops! Stop na, daddy and mommy will get mad at the both of you," awat ko sa kanila. "Buti pa si Cenn." Napatingin naman ako kay mommy na nakangiting nakatingin sa akin. "Stop fighting boys, dapat maging good example kayo para kay Cenn," turan ni daddy habang nagmamaneho."Yes dad," sabay na saad ng dalawa kong kuya. "Tama ang mga anak mo Honey, mahal na mahal kita at pinapangako ko na mamahalin kita kahit sa kabilang buhay pa," narinig kong sabi ni daddy. Napangiti ako, they really love each other. "Honey, don't say that. Tatagal pa tayo at makikita pa natin ang mga apo natin." Hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy. "Hindi natin hawak ang buhay natin mommy," singit ni Kuya Devrash habang taimtim na nakatingin sa labas ng kotse."Basta kung nasaan kayo andon din ako," seryosong sangat ni Kuya Devdan. "Dahil kayo ang pamilya ko."Sasabihin ko na sana na 'ako rin' ngunit bigla na lang huminto ng marahas ang sinasakyan namin. "What's wrong honey?" tanong ni mommy.Madilim ang paligid at tanging kami na lang ang nasa kalsada sa mga oras na ito. Gamit ang ilaw ng kotse ay kitang kita namin ang biglang paglabas ng kung sino galing sa mga punong nakatirik sa tabi ng daan. Puro itim ang suot at hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa mga pantakip na suot nila sa mukha."Dito lang kayo," seryosong saad ni daddy at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Honey!" sigaw ni mommy pero hindi nakinig si daddy na dire-diretso lang sa mga taong ngayon ay nakakatakot na nakatingin sa gawi ni daddy. Hinawakan ako ni Kuya Devrash sa kamay. "Huwag kang lalayo sa amin." Nangunot lang ang noo ko sa sinabi n'ya at muli ng tumingin kay daddy sa labas ng kotse. Hindi ko naririnig ang pag-uusap nila pero nabigla na lang ako ng mabilis na sinaksak nung lalaki si daddy. Narinig ko ang sigaw ni mommy at nina Kuya halos hindi ako makapagsalita sa nakita hanggang sa naramdaman ko ang luha kong nilalandas ang aking pisngi. Pagkatapos no'n ay tumakbo ang mga lalaking 'yon sa amin. Marahas nilang sinira ang salamin ng kotse. Napayapos ako kay Kuya Devrash dahil sa takot."Mga anak!" sigaw ni mommy, inabot ko ang kamay ko kay mommy pero tinabig lang ako nu'ng lalaking pilit kinukuha si mommy. Lalo akong napasigaw dahil sa sakit nu'ng pagkakatabig n'ya sa akin."Mommy!" "Kuya!" sigaw ko dahil kitang kita ko ang pagkuha kay Kuya Devdan habang hawak ang kanyang laruan. Mas napahigpit ang yapos ko kay Kuya Devrash. "Kuya!" sigaw at iyak ko habang nakasubsob sa kanyang katawan. Sobrang natatakot na ako."Argh! Bitawan n'yo ako!" Ramdam ko ang pagpupumiglas ni Kuya Devrash.Kitang-kita ang mga pulang mata ng isang lalaking pilit iniaalis sa tabi ko si Kuya Devrash. "¡Te mataré si no vienes conmigo!"Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nung lalaki. "Bitawan mo ako!" Pilit na nagpupumiglas si Kuya at pilit ko rin s'yang niyayapos para hindi s'ya makuha nung mga lalaki."ARHG!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan nu’ng lalaki at sa isang iglap lang ay nawala na silang lahat kasama ang katawan ni Kuya Devrash. Namalayan ko na lang na nag-iisa na lang ako sa loob ng kotse. Napalingon ako sa paligid, sobrang dilim at nakakatakot. Mas lalo akong napaiyak at napahawak sa kamay kong ngayon ay may tumutulo ng dugo. "Mommy! Daddy! Kuya!"Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan. Pawisan at habol ang hininga. Isang masamang panaginip mula sa nakaraan. Napabalikwas at napahawak ako sa aking dibdib at napapikit. "Ganyan ba talaga ang mga tao? Sobra-sobra kung matulog?""Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa siyang tao."May narinig akong nagsasalita, isang babae at isang lalaki. Napatingin naman ako sa paligid. Malaki ang kwarto at napakaluma ng disenyo ang iyong makikita. Mga antik na gamit at kahoy na sahig. Napatingin ako sa aking kinauupuan. Isang papag at isang manipis na kumot. "Delikado ang bawat segundo ng buhay n'ya habang nanatili siya rito. Sana sa lalong madaling panahon ay madala na ni Mathias ang Rainepha." Ako ba ang pinag-uusapan nila? Teka, kung ako nga, ibig sabihin alam na nila na isa akong tao? Hah! Buti naman ng hindi na ako mahirapan pang magpaliwanag sa kanila. Bumaba ako sa papag na kanina’y kinahihigan ko. Nang isusuot ko na ang aking tsinelas ay hindi ko ito makita. Tiningnan ko naman sa kabilang parte nitong papag ngunit wala rin, tiningnan ko ang ilalim ng papag pero wala rin. Nasaan naman 'yun? Maglalakad na ako palabas nitong silid nang may mapansin ako. Paano ako nalipat sa silid na ito e, sa aking naaalala ay nasa isa akong upuan sa sala. Tsk, hindi na malaking bagay pa, ang importante ay mahanap ko ang tsinelas ko dahil hindi ako sanay na nakatapak.Pinihit ko ang doorknob nitong pinto at bumungad sa akin sina Leonardo, Monica at Prinsipe Lucas na nakaupo sa sala. Napatingin naman sila sa'kin."Salamat at nagising kana rin. Ikaw lang ang nakilala kong gan'yan kaswapang matulog," saad ni Leonardo at binitiwan ang hawak n'yang baso na gawa sa kahoy. Malayo ako sa kanila ng bahagya ngunit kita ko pa rin ang kanilang ginagawa."Sayang, ang buong akala ko ay mapapatay kita. May pagkakataon na sana akong makatikim ng sanguis ng tao," dismayadong saad ni Monica habang dinidilaan ang gilid ng kanyang labi. Nakakaakit ang ginawa niya, isa akong babae at tila nakuha n'ya ako sa paraan n'ya ng pagdila. Paano pa kaya ang isang lalaki? Isang pulang likido ang nasa gilid ng labi n'ya, hindi ko alam kung anong inumin 'yun. "Nakakasawa na rin naman ito." Turo n'ya sa baso na gawa sa kahoy. Naningkit ang mata ko dahil hindi ko makuha ang ibig n’yang sabihin."Mon," suway ni Prinsipe Lucas.Napahinga ng malalim ito. "Paumanhin Prinsipe Lucas. Hindi n'yo ako masisisi," nakayukong saad ni Monica."Ipinaliwanag ko na sa inyo ang lahat, hindi ba? Kaya naman igalang n'yo s'ya." Napaiwas na lamang ng tingin si Monica at Leonardo sa sinabi ni Prinsipe Lucas.Hinarap ako ng Prinsipe. "Ipagpaumanhin mo—""Prinsipe Lucas, ano ba ang lumalabas sa iyong bibig? Isa kang maharlika! Kaya hindi ka dapat humihingi ng tawad sa isang mababang nilalang na iyan!" sigaw ni Leonardo.Habang si Monica ay napatayo. "At sa katunayan n'yan ay isa kang Prinsipe at siya dapat ang humihingi ng tawad sa inyo. Isang kalapastanganan!" Kitang-kita ko ang pagtutol sa mga mata ni Monica.Sanguis - dugoNapatingin naman ako sa isang gawi kung saan ang mga antigong pinggan ay bigla lumutang at mabilis na bumulusok sa gawi nina Leonardo at Monica. Napaigtad ako at bahagyang napaatras. Halos himatayin ako sa nakita.Pinggan na lumulutang?Ang buong akala ko ay tatama na ito sa kanila ngunit may tila isang enerhiya ang pumipigil dito. Napatingin naman ako kay Monica na nakataas ang isang kamay at nakatapat ito sa mga lumulutang na pinggan na tila pinipigilan nito ang pagtama sa kanila ni Leonardo."Hindi rin ba isang kalapastanganan ang sigawan n'yo ang inyong Prinsipe?" Nalipat ang tingin ko sa Prinsipe na ngayon ay nakatayo na rin. Hindi siya sumisigaw ngunit ramdam mo ang galit at inis doon."Hindi siya nabibilang sa atin at hindi kailanman. Kaya hi
"Mahal na Prinsipe." Saka ito tumungo na parang nagbibigay galang."Bakit ang tagal mo? Halos abutin ka na ng tanghali!"Sa halip na pakinggan ang sinabi ni Monica ay napatingin ito sa akin. Mabilis naman akong napatayo sa aking pagkakaupo sa sahig."Siya ba ang tinutukoy n'yo mahal na prinsipe?" tanong nito sa mababang boses habang ang kanyang mga tingin ay hindi maalis sa akin."Siya nga." Imbes na ang prinsipe ang sumagot ay si Leonardo ang nagsalita na ngayon ay nakatingin na rin sa akin."Nahanap mo ba ang pinapahanap ko sa'yo?" tanong ni Prinsipe Lucas. Mabilis na tumango ang kausap ng prinsipe."Pau
Halos maputol ang hininga ko sa aking narinig mula kay Mathias, hindi maaari!"Ngunit hindi ko kayo kauri at hindi ako pwedeng mamuhay kung segu-segundo ay nasa kapahamakan ang buhay ko!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kaya na napapaligiran ako ng mga bampirang ito."Huminahon ka, Cenn." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Prinsipe Lucas."Gumawa kayo ng paraan! Hindi ako nabibilang dito at hindi ko kayang isipin na pwedeng ni isa sa inyo ay pwedeng pumaslang sa akin!" Gusto kong umiyak sa pag-aalala, hindi ito pwede!"Naiintindihan ka namin ngunit ito ang sinisigurado ko, hindi ka nila sasaktan. Mga kaibigan ko sila at mabubuti silang bampira."Mabubuti? Walang mabuti kapag natukso kana!"Kaya may Rainepha ka, 'yan ang magiging proteksyon mo laban sa mga bampira. Hindi nila maaamoy ang dugo mo hanggat suot mo 'yan." Turo ni Monica sa singsi
Tumatama ang preskong hangin sa aking balat na nagmumula sa buong kagubatan. Tinatahak namin ang labasan nitong gubat habang nakasakay sa karwahe ng sa gano'n ay makapunta kami sa pamilihang sinasabi ni Prinsipe Lucas. Suot ko ang isang makapal na balabal na pagmamay-ari ni Monica. Dapat ko raw isuot iyon para matakpan ang suot ko, para hindi magtaka ang ibang bampira, baka raw isipin nila na isa ako sa maharlika. Kahit na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya na maharlika ay sinunod ko na lang dahil alam ko namang ito ang mas makakabuti sa akin. Habang naririnig ko ang mga tadyak ng kabayo ay napahawak naman ako sa bulsa ng panjama ko. Nakapa ko ro'n ang wallet ko, nakita ko 'yon kanina habang isinusuot ko ang balabal ni Monica. Napangiti ako dahil hindi nila nakita 'yun. Kun'di ay paghahatian pa nila ang pera ko. Akala ko ay wala ng natira sa akin ngunit hindi pala. Itatago ko na lang iyon baka kase magamit ko pa. Mula sa bulsa ay napadako ang aking kamay
Bakit may uod? Napatingin ako sa lamesa at nagulat ako sa nakita. Isang mangkok ng uod, piniritong langgam? Yuck! Salagubang ba ang isang 'yun? Hito na parang inesteam? At palaka? Jusmeyo!Napatingin na lang ako sa itaas, ano ba 'yun? Parang umurong ata ang aking gutom dahil sa nakita. Ang gaganda at kaguguwapo nila pero ito pala ang kinakain nila. Anong bituka ang meron sila?Napatingin naman ako sa katabi ko ng biglang may narinig akong malutong na pagnguya. Tangay-tangay n'ya ang isang ipis. Sunod-sunod s'yang kumuha sa mangkok at mabilis na sinubo iyon, sarap na sarap si Monica. Napahawak ako sa aking sintido dahil pakiramdam ko ay naliliyo ako sa aking nakikita. Napatingin naman ako kay Leonardo habang hinihimay yung hito. Seryoso ba s'ya d'yan? Luto na ba 'yun?Napalunok na lamang ako. Ang buong akala ko naman ay makakakain na ako ng ayos ngunit hindi pala. Alam kong sa mundo ng tao ay meron ding nakain ng mga 'yun
"Hindi, sa katunayan ay maaari nila tayong marinig mula rito ngunit sa salamangkang ginawa ni Monica ay hindi nila tayo maririnig." Napatango naman ako, napatingin naman ako sa paligid ko. Nasaan naman kaya 'yung salamangkang sinasabi ni Leonardo?"Wala ka talagang makikita dahil parang isang hangin ang ginawa kong salamangka." Napayuko ako sa sinabi ni Monica. Kailan kaya s'ya magiging malumanay?Tumayo si Prinsipe Lucas. "Sa daan natin itutuloy ang pag-uusap. Mon, panatiliin mo ang ginawa mong salamangka habang tayo ay namimili.""Masusunod, Mahal na Prinsipe."Tumayo na si Leonardo at Monica kaya naman tumayo na rin ako. Nakita ko naman si Mathias na masaganang nakain ng tira namin. Napasapo ako sa aking noo, jusko.Maalikabok ang paligid at puno ng mga tindahan ang kanan at kaliwang parte ng daan. Madungis ang mga batang nagtatakbuhan na titigil at yuyuko kapag nakikita kaming parating na. Nakakahiya ang bawat tingin na ipinupukol nila sa amin lalo na sa akin. Alam kong bago laman
Naramdaman ko ang maliliit na yabag na papalapit sa amin. "Heto na ang mga kasuotan." Napalingon ako kay Livia na daladala ang isang katutak na damit na nakalagay sa isang basket.Pansin ko na kakaiba 'yon sa mga naka-display dito sa labas. "Iyan na ba lahat?" tanong ng prinsipe."Oo mahal na Prinsipe," sagot ni Livia at ibinaba ng walang kahirap-hirap ang dalang basket sa sahig.May dinukot na kung ano si Leonardo sa kanyang bulsa, ginto?"Ito ang aming bayad," wika ni Leonardo sabay abot ng mga ginto sa maruming kamay ni Livia.Nanlaki ang mata ni Livia sa inabot ni Leonardo. "Sobra sobra ito Leonardo," hindi makapaniwalang saad ni Livia."Oo at 'yong sobra ay kabayaran para kalimutan mong nangyari ito sa buhay mo."Nagulat ako sa biglang pag-iba ng tono ng boses ni Leonardo."Wala kang pagsasabihan na nakita mo ang binibining kasama namin ngayon o kahit pumunta kami dito. Ibabaon mo sa hukay ang pangyayaring ito, tandaan mo. Buhay ng iyong ina ang nakasalalay dito." Nanigas ako sa
"Hiling ko na sana ay mahuli na ang may sala sa pagnakaw ng portal. Hayaan n'yong samahan at alalayan kayo ng ilang Guerrero para marating n'yo ang inyong patutunguhan." Lihim akong napasipol dahil hindi ko kinakaya ang lalim ng boses no'ng malaking bampirang kaharap ng prinsipe.Boses n'ya palang ay nakakatakot na, ano pa kaya kung umbagan ako nito, talagang hihimatayin ako."Salamat pinuno ng mga Guerrero ng Rialacande, ang iyong hukbo ay kakailanganin ko para sa pagtugis sa magnanakaw. Pag-usapan natin ang bagay na ito pagkatapos ng kasiyahan sa loob ng Regno," wika ni Prinsipe Lucas."Walang pag-aalinlangang ibibigay namin ang serbisyo sa 'yo mahal na Prinsipe," sagot nito. "Sino ba kami para tanggihan ang pinaka-sikat at nangungunang bampira sa kahiraan ng Faber.""Nagagalak ako na marinig 'yan, Oswald." Tumungo ang bampirang tinawag ng Prinsipe na Oswald."Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo sa kasiyahan.""Nauunawaan ko, salamat Mahal na Prinsipe." Walang ano-ano
Nasa tapat kami ng isang matayog na pinto kung saan may mga nakabantay na dalawang Guerrero at seryosong-seryoso. Dito namin nakitang pumasok si Monica na pinagbuksan ng mga Guerrero na ito. Biglang dumapo ang mata sa akin nung isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Felip, kumusta ka? Pumapayat ka ata," bati ni Mathias do'n sa isang Guerrero. Napaalis naman ang tingin sa akin nito at napunta kay Mathias na ngayon ay hinihimas ang naglalakihan nitong braso.Hindi pinansin ni Guerrerong Felip si Mathias at binuksan n'ya ang pinto sa aming harap. "Maari na kayong pumasok," tugon ni Felip, napasimangot naman si Mathias."Kaya ka hindi nabibigyan ng pagkakataon na umibig dahil d'yan sa kasungitan mo," singhal na saad nito at nauna ng pumasok sa loob. Wala namang reaksyon si Felip at tila ba sanay na sanay na sa mga ganoong linyahan ni Mathias.Hindi nagsalita si Thana kun'di niyakag n'ya lamang ako papasok. Bumungad sa akin ang isang napakalaking kwarto nama'y mataas na kisame. Nasa
Maaga akong nagising kahit pa inda ko ang pagod dahil sa nangyari sa pagitan sa amin ng Prinsipe. Bigla ko namang kinurot ang aking pisngi dahil napaka-ashumera ko. E, ano naman kung ginawa 'yon ng Prinsipe? Paniguradong mas malala pa do'n ang nagawa n'ya sa hanay n'ya. Maalaga lang talaga s'ya kaya isang kasalanan kung magfe-feeling ako ng ganito-"CENN!"Napaigtad ako sa aking kinatatayuan noong bigla kong narinig ang boses ni Mathias sa likod ng pinto ng banyo."Mathias? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod kong tanong at mabilis nang isinuot ang isang lantern sleeves na kulay puti na tinernuhan ko ng isang wide pants. Narinig ko ang pagkalabog nito sa pinto ng banyo. "Cenn, bilisan mo!" Atat na atat n'yang saad habang patuloy pa rin ang pagkalampag n'ya sa pinto. Nagtaka naman ako dahil may nangyari bang hindi ko na namalayan sa paglipas ng magdamag? At bakit ba todo kalampag s'ya d'yan? E, pag nasira 'yan s'ya talaga sisisihin ko."Teka lang!" palakat ko rin
Napasandal ako sa pinto sa aking likod, sa narinig ko mula kay Leonardo ay mas napagtanto kong hindi ko pa talaga lubusang kilala ang Uno. Ang sakit no'n para kay Guiden kaya ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang s'ya kaapektado.Napayapos naman ako sa aking braso no'ng umihip ang malamig na hangin. Napatingin ako sa aking paligid. Hindi masyadong madilim sa hallway na ito dahil sa sinag ng buwan at mga lampara sa tabi ng dingding. Walang bampira ang naririto ngunit halatang may mga katabi ako, baka nasa kasiyahan pa sila. Huminga ako nang malalim at humarap nasa pinto. Makakapagpahinga na rin sa haba ng aking pinagdaanan.Pinihit ko ang doorknob at sumalubong sa akin ang malinis na kwarto. Katamtaman lamang ang laki nito, nandito na rin ang mga pangangailangan ko. Mabilis kong pinuntahan ang isang tukador katabi ng isang pinto sa kaliwang bahagi na palagay ko ay pinto para sa banyo. Bumungad sa akin ang mga damit na pinamili namin sa Rialacande. Kinuha ko ang isan
Literal na napamulaga si Guiden sa pagmumukha ni Prinsipe Lucas. "Prinsipe?" mahinang bulong nito.Wala akong nakitang awa sa tingin ng ibang miyembro ng Uno tila mga masaya pa sa naging hatol kay Guiden. "Hindi kami nagkulang sa pagpapaalala," wika ng Prinsipe at ipinahinga ang kanyang batok sa sandalan ng kanyang inuupuan at payapang ipinikit ang kanyag mga mata."Ngunit-""Huwag ka nang kumontra dahil kahit anong reklamo mo ay walang nilalang sa lugar na ito ang magtatanggol sa'yo," putol na sabat ni Monica. Wala pa ring mintis ang pagiging matabil ng bibig n'ya.Nakita ko naman kung paano napailing sina Thana at Mathias at dismayadong nakatingin sa aping-aping mukha ni Guiden. Napatungo ang aking tingin dahil kung alam ko lang sana na bawal na s'yang kumain doon gamit ang pera ng Uno ay napigilan ko sana s'ya. Bigla namang nabuo ang tanong sa aking ulo. Bakit hindi na lang s'ya bumunot ng sarili n'yang pera? Tsh.Alam kong isip bata s'ya pero alam kong hindi s'ya sobrang ganoong k
Nakita ko ang mga mata ng Prinsipe na napapikit at ramdam ko ang paghinga nito ng malalim. Isang kaginhawaan ang nakabalot sa kanyang mukha. Pinag-isa ko ang aking kamay na kanina pa naliligo sa pawis."Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa rin ako binibigo, natatangi kayo. Ang Uno ay mananatiling Uno," wika ng Prinsipe na kinatango ng karamihan."Ngunit..."Napalingon ako kay Cleeve nang magsalita ito. Napaltan ng pagkabahala ang kanina'y masaya n'yang mukha. Tumingin ito sa Prinsipe. "Alam ko ang kaya nating gawin, Uno ay Uno ngunit hindi natin nasisigurong isang daang porsyento ay magtatagumpay tayo sa balak natin."Doon napabagsak ang aking balikat, alam ko na 'yon una pa lang ngunit hindi maalis sa akin ang kaba. "May punto ka ngunit sa tingin mo ba hahayaan nating mangyari 'yon?" sambit ni Mathias."Sa rami na nating napagdaan at misyong natagumpayan ay sa tingin ko ay magagawa natin ng matagumpay ito," dugtong nito.Napalingon si Atlas kay Mathias. "Oo tama ka, Mathias. Ngunit hindi
Nawala ang usapan na namamayani sa amin at tila nag-aantay sa mangyayari. Napatingin ako kay Monica nang itoy maglakad pauna sa harap. Hinawakan ng kanan n'yang kamay ang pader at itinulak ito ng bahagya. Bumukas ang pader sa isang katamtamang laki ng pinto ng dahan-dahan.Gumuhit naman ang mangha sa aking mukha, hindi ko man lang napansin namin pinto pala do'n. Talagang walang maghihinalang ito ang himpilan ng Uno at iisipin lamang ng iba na isa itong dead end.Walang imik na isa-isa kaming pumasok doon. Sumalubong sa akin ang makipot at madilim na daan. Mga lampra lamang sa tagilirang ng daan ang nagsisilbing liwanag sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at mayamaya pa ay bumungad sa akin ang maluwang na espasyo ng lugar. Marami ang upuang maganda ang pagkakalagay na nagbibigay ganda sa kabuuan ng lugar. Kapansin-pansin ang napakalaki at napakahabang lamesang kahoy sa bandang gitna.May sampong lamesa at upuan na nakapalibot sa lugar na halatang pagmamay-ari ng miymebro ng Uno na t
Mas naliwanagan ako sa mga nangyayari sa aking paligid habang ang aking mata ay pinagmamasdan ang apat na miyembro ng Tres na nag-uusap. Hindi ko pa man tuluyang kilala ang Tres ay malinaw na sa akin na hindi nila katulad ang Uno. Madaling pakisamahan ang Tres habang ang Uno ay hindi. Hindi ko pa man tuluyang nalalaman ang ganap o tungkulin nila sa Faber ay masaya ako dahil nakilala ko na sila. Napaisip naman ako kung ano ang ugaling meron pa ang iba pang taga-Tres.Narinig ko ang katok sa malaking pinto. Mabilis ang pagkakakatok ngunit ramdam na walang galit sa mga katok na 'yon."Ang amoy na 'yon," rinig kong nagsalita si Zale. Napatayo naman ako dahil ramdam kong kilala ko ang bampirang nasa likod ng pinto na 'yon."Tila sinusundo ka na Cenn ng tagapangalaga ng Prinsipe," wika ni Yuka. Bahagya akong napatango."Pasok ka Leonardo," sigaw ni Fox.Walang ano-ano ay biglang pumasok ang katawan ni Leonardo. Napadapo ang tingin nito sa akin. "Hindi nga nagkakamali ang Prinsipe Lucas at n
Napadighal ako sa sarap ng pagkain. Napapunas ako sa aking noo na may iilang pawis. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil makaraan ang ilang araw ay nakakain na ako ng matino. Naramdaman ko naman ang tingin ni Aine sa aming tabi ni Guide. Nakatingin ito sa akin na mahahalata ang mangha sa kanyang biluging mata. Kahit na mata lamang ang makikita sa kanyang mukha ay hindi natatabunan ang kanyang emosyon.Dinaan ng hinlalaki ko ang gilid ng aking labi sa duming naandon. Kahit ako ay mangha pa rin sa pisikal na anyo ni Aine. Hindi ko alam na may nabubuhay pa lang ganoon. Narinig ko naman ang mahinang pagbagsak ng mangkok sa kahoy na lamesa sa aking harapan.Nakita ko si Guiden na busog na busog na. Tulad ko ay kumain lamang ito nang kumain, wala kaming imikan habang si Aine ay labas masok sa tila kusina para magbigay pa ng pagkain."Ang bayad ng mga ito ay sabihin mo kay Cleeve. S'ya ang bahala dito," saad ni Guiden habang ang kanyang ulo ay nakatingala sa mataas na kisame at nakahawak sa
Humarap sa akin ang lalaking aking sinusundan at nagpalinga-linga sa paligid na tila ba may bampira bang nakakakita sa amin."Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Malinis at malaki ang espasyo dito."Sumunod ka lang," saad nito at lumapit na ng tuluyan sa harap ng malaking pinto. Ano bang trip n'ya? Baka madali kami ng Prinsipe kapag nalaman n'yang wala kami sa kasiyahan. Talagang itong lalaki ang aking sisihin."Aine? Aine..."Lumapit ako sa tabi n'ya nang magsalita ito sa tapat ng kahoy na pinto. Tila may tinatawag sa loob."Aine, ako 'to."Napakamot naman ako sa aking ulo. "Hindi ka n'ya maririnig kung gan'yan kahina ang boses mo," sabat ko. Sa laki at kapal ba naman ng nasa harap n'ya ay imposibleng may makarinig no'n sa loob.Naptingin ito sa akin, walang ekspresyon pero ramdam ko ang inis sa mga titig n'ya.Napabuntong-hininga ito at kinatok ng malakas ang pinto. "Aine! Lumabas ka d'yan!"Napatakip naman ako sa aking tenga nang bigla s'y