Sa loob ng tahimik na coffee shop, si Mateo Alacoste ay nakaupo nang maayos sa kanyang wheelchair, kalmado ang pustura ngunit taglay ang likas na awtoridad. "Tungkol saan?" tanong niya, malamig ang tono, habang binibigyan ng tamang pasensya si George ngunit halatang walang interes sa nilalaman ng envelope.Si George, tila hindi alam kung paano sisimulan ang usapan, ay pumilit na ngumiti. "Narinig ko kasi... na ikaw, Uncle, ay may asawa na ngayon?"Sinubukan niyang gawing magaan ang tono, ngunit halata ang kaba sa kanyang boses. Sa totoo lang, nang una niyang marinig ang balita, sobrang nabigla siya.Kilala niya si Mateo—ang lalaking tila hindi kailanman nagpakita ng interes sa mga babae. Maging ang kanyang ama, si Marcus Alacoste, ay minsang nagduda na ang aksidenteng sinapit ni Mateo sampung taon na ang nakalilipas ay hindi lang nagresulta sa pagkaparalisa ng kanyang mga binti, kundi pati na rin sa pagkawala ng kakayahang magmahal.Ngunit kamakailan lamang, napag-alaman niyang si Ma
Nanginginig si George, tila ba hindi na niya alam ang gagawin o sasabihin sa taong nasa harap niya.Hindi niya inasahan na ganito ang magiging reaksyon ni Mateo nang makita nito ang mga litrato. Akala niya, dahil sa ugali ni Mateo, siguradong magagalit ito at tuluyang lalayo kay Angela.Pero parang wala lang ito sa kanya? O baka naman hindi niya kailanman pinag-alinlanganan ang pagkatao ni Angela?Sumagi sa isip ni George ang ideyang ito, at bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Bakit?Bakit ganoon na lang ang tiwala ni Mateo kay Angela? Hindi ba’t dapat panandalian lang ang relasyon nila?Alam niya, kahit siya na malapit kay Angela, nang makita niya ang mga litrato dalawang taon na ang nakalipas, mabilis niyang naisip na si Angela ay walang kwentang babae.Hindi ba sapat ang tiwala niya noon?Sa paglitaw ng tanong na ito, pilit niya itong inilibing sa isipan. Hindi.May litrato, kaya walang puwang ang maling akala. Iisa lang ang paliwanag: hindi mahalaga kay Mateo si Angela, kaya
Napatigil saglit si Rex bago sumagot, "Ang tinutukoy mo ba ay yung nangyari kay Angela dalawang taon na ang nakalipas?""Oo," sagot ni Mateo."Matagal na kasi 'yon, kaya medyo magtatagal ang pag-check sa mga informations.""Simulan mo kay George. Ang sabi niya kamakailan lang, nakatanggap siya ng email na may kinalaman sa nangyaring 'yon.""Sige, naiintindihan ko."Pinindot ni Mateo ang armrest ng wheelchair gamit ang kanyang mahahabang daliri, at ang kanyang mga mata ay bahagyang nalungkot at halatang pagod. Hindi niya hahayaan ang sinuman na magplano laban kay Angela.At...Napatingin si Mateo kay George na lumabas mula sa kapehan, a
Kahit na nagsimula nang medyo magulo ang kasal nila ni Mateo, nirerespeto ni Angela ang kasal at hindi niya kailanman sasaktan si Mateo. Ngunit ang mga salitang binitiwan ni Mateo sa oras na iyon ay tila puno ng pagdududa, at labis itong nakasakit kay Angela."Mateo, anong ibig mong sabihin?" ang tono ni Angela ay malamig, "Nag-aalala ka ba na may something sa amin ni George?"Inamin ni Angela na marahil ay masyado na siyang sensitibo ngayon.Pero talagang hindi na niya kayang tiisin pa. Ang pang-iinsulto at pang-aasar ni George araw-araw, at ang mga litrato ngayon, ay nagtulak sa kanya sa bingit ng pagkabaliw.Akala niya, kahit papaano, si Mateo ay nagtitiwala sa kanya, ngunit ngayon, itinuturing na ba siyang isang babaeng pabago-bago ng isip?Hindi inaasahan ni Mateo ang ganitong reaksyon ni Angela, kaya nagkunwaring hindi siya nagkagusto sa tono ng babae at bahagyang nagkunwaring alalahanin ang sitwasyon. "Hindi ko naman iyon ibig sabihin. Kumain na tayo."Nais sanang tapusin ni Mat
Hindi nakasagot si Angela, ngunit ramdam niyang sobrang pagod siya. She pushed away the hands of Mateo, stood up, and left the dining area.Tiningnan ni Mateo ang likod ni Angela, ngunit hindi siya tumayo para habulin siya.Noong gabing iyon, hindi bumalik si Mateo sa master bedroom. Si Angela ay mag-isa, hindi mapakali sa kama.Kinabukasan, maaga umalis si Mateo, at nang magising si Angela, wala na siya.Pagkatapos mag-isa ng almusal, dumaan siya sa kumpanya. Ngunit bago pa siya makaupo, nakita niya si George na mabilis na lumabas mula sa kanyang opisina.Kumunot ang noo ni Angela, at balak niyang magtago sa banyo upang maiwasan ang direktang pakikisalamuha sa kanya, ngunit tinuro siya ni George at nagsalita."Angela, Are you free later? Samahan mo ako sa Alacoste Group para sa isang interview."Alacoste Group?Tila ba nanigas si Angela sakanyang kinatatayuan at paglingon niya, nakita niyang nakatingin si George sa kanya ng walang emosyon."Editor-in-Chief." Sinubukan niyang magpangg
Ang ekspresyon ni Mateo ay kalmado, at kahit na nakita niya si Angela, hindi man lang nagbago ang mukha niya. Para bang wala lamg ito sakanya."Okay, magsimula na tayo," sabi ni George, sabay turo kay Angela na umupo sa sofa. Inilipat ni Mateo ang wheelchair sa kabila nila, at hindi man lang tumingin kay Angela."Salamat po for the last interview, Uncle," magaan na sabi ni George, at ipinakita kay Angela na parang normal lang ang lahat. "Dahil sa interview na iyon, tumaas nang malaki ang benta ng aming magazine.""Walang anuman.""Ang interview na ito ay tungkol sa Outstanding Youth Award na napanalunan mo kamakailan, Tito," patuloy ni George, "Maaari ko po bang malaman kung anong pakiramdam mo nang matanggap mo ang award na iyon?""Isang pagkilala," maikling sagot ni Mateo, tila ba hindi interesado.Magaan lang ang tanungan nilang magtito, ngunit si Angela na nakatayo sa gilid ay nahirapang magpigil ng kaba.Kilalang-kilala ni Angela si George. Siya ang editor-in-chief, at kung siya
Tila ba nahulog sa kahihiyan si Angela sa mga sinabi ni Mateo, ngunit nang marinig niya ang mga salitang binitiwan ni George, hindi niya naiwasang magtaka at magkunot ng noo, magsisimula na kaya ito?Sobrang diretso ni George sa kanyang mga salita.Bagamat matagal nang ganito ang pakikitungo ni George kay Angela simula nang magtagpo sila muli, may kakaibang pakiramdam si Angela nang marinig niyang tinanong ni George si Mateo sa ganung paraan."George, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Angela, medyo galit at hindi na kayang magpigil."Ano, Angela, hindi mo na kayang magpigil?" Natatwang tanong ni George sakanya.Sa totoo lang, hindi rin alam ni Angela kung bakit siya nagalit.Siguro, ayaw niya lang na magkamali si Mateo sa pagkakaintindi sa kanya. Hindi niya gustong isipin ni Mateo na isa siyang gold digger, isang babaeng madali lang makuha ng sinuman."Sa tingin ko, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo," malamig na sagot ni Angela dito."Responsable? Ha!" Tumawa nang malak
Habang naiisip ang mga litrato, nakaramdam si Angela ng matinding kahihiyan at hindi kayang tumingin kay Mateo, kaya't tumanggi na lang siyang magmukhang mahina at iniwasan siya.Ngunit agad siyang hinawakan ni Mateo sa baba at pinilit siyang tumingin sa kanya."Angela," mababa ang boses ni Mateo, "Huwag mong iwasan ang mata ko."Matapos ang ilang sandali, nagpatuloy siya, "Oo, nakita ko yung mga litrato. Siguro mga dalawang taon na ang nakalipas, may naglagay ng pinhole camera sa kwarto ng hotel kung saan ka nagkaroon ng aksidente."Naalala ni Angela ang posibilidad na ito, kaya't tumango siya at tahimik na bumulong, "Pasensya na.""Ba't ka pa humihingi ng tawad?" tanong ni Mateo, medyo lumalim ang boses."Eh kasi, yung mga litrato na ‘yun, baka naman nakaka-abala at nakakahiya sa'yo," ang malumanay na sagot ni Angela habang unti-unting bumaba ang ulo.Sa pale niyang mukha at mga luha sa pilikmata, pakiramdam ni Mateo ay may humila sa puso niya at parang may sakit na naramdaman.Naku
Kahit noon pa, alam na ni Lindsay na gwapo at may kakayahan ang tiyuhin ni George. Pero dahil nga sa pagiging baldado nito, palagi niya itong minamaliit. Ngayon, matapos makita si Mateo nang personal, naintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng "dragon sa gitna ng mga lalaki."Sa isip ni Lindsay, si George na siguro ang pinakaperpektong lalaki na nakita niya. Pero ngayong kaharap si Mateo, tila isa lang siyang baguhan kumpara rito—masyadong hilaw, masyadong karaniwan.Si Mateo ay naka-suot ng simpleng itim na suit, ngunit sa kanya, ibang klase itong tingnan. May halo ng katahimikan at kapangyarihan sa kanyang tindig. Mababanaag ang pagiging low-key ngunit elegante, at may bahid ng misteryosong alindog na nagbigay ng kakaibang dating sa kanya.Napako si Lindsay sa kinatatayuan niya. Kung hindi lang dahil sa wheelchair ni Mateo, siguradong iisipin niyang si George, na minsan niyang pinagtuunan ng lahat ng paraan para makuha, ay isa lamang hamak.Matapos ipakilala ang mga miyembro ng
Habang unti-unting nawawala ang distansya sa pagitan nila, ilang hibla ng buhok ni Angela ang dumampi sa leeg ni Mateo. Ang simpleng haplos na iyon ay tila nagpainit sa pagitan nilang dalawa. Ibinaba ni Mateo ang kanyang kamay at mahigpit na iniyakap sa baywang ni Angela, saka bumulong, "Ang ganda mo… parang ayokong dalhin ka sa labas."Nagulat si Angela. Hindi niya inasahan na si Mateo, na kilalang seryoso at tahimik, ay makakapagsabi ng ganoong ka-flattering na mga salita. Bigla siyang namula at hindi makapagsalita.Ngumisi si Mateo, saka mahinang tumawa. Inikot niya ang gulong ng wheelchair at inalalayan si Angela palabas ng villa para sumakay sa kotse.Pagpasok nila sa sasakyan, agad na pinaandar ng driver ang kotse patungo sa mansyon ng pamilya Alacoste.Tahimik si Angela habang nasa biyahe, pero sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang kabahan.Iniisip pa lang niya ang pagkikita nila ni Lindsay at George, parang gusto na niyang umatras. Idagdag pa ang ideya na maraming tao ang n
Nanlamig ang mukha ni Angela habang marahan niyang binibigkas ang masakit na alaala ng nakaraan."Magkaklase sa kolehiyo sina Mama at Pierre Gonzales. Matagal na siyang may gusto kay Mama, pero kahit kailan, hindi siya nagustuhan ni Mama. Kahit nagpakasal na siya, hindi pa rin siya tumigil. Dumating sa puntong ipinadrug niya si Mama para gahasain, at doon ako nabuo. Bagama’t galit na galit si Mama kay Pierre, pinili niyang tiisin ang lahat at iluwal ako. Alam niyang wala akong kasalanan."Tahimik na nakinig si Mateo. Naka-focus ang tingin nito kay Angela, pero ang madilim na emosyon sa kanyang mga mata’y hindi maikubli.Hindi niya alam ang ganitong detalye."Si Tita Keanna naman, asawa ni papa, Pierre, kinamuhian ang nararamdaman ng asawa niya para kay Mama. Nagpakalat siya ng tsismis, sinasabing si Mama ang kabit ni Pierre, na siya raw ang nag-agaw. Wala namang kakilala si Mama sa mga tao sa alta sociedad para ipagtanggol ang sarili. Napilitan siyang manahimik at tanggapin ang pangit
Ang mabangong amoy ng pabango ay sumalubong sa ilong ni George, dahilan upang bahagya siyang mapakunot-noo.Si Lindsay—walang duda—ay laging agaw-pansin sa mga lalaki. Kaya nga sa dinami-rami ng pagpipilian, siya ang pinili ni George. Pero nitong mga nakaraang araw, simula nang bumalik sila sa Manila, parang bigla itong nag-iba. Mas naging makulit, masyadong demanding, at kahit ang dati niyang gustong pabango nito, tila nagiging masyadong matapang na sa pandama niya.Hindi tulad ni Angela. Noon pa man—maging noong estudyante pa ito o kahit ngayong nagtatrabaho na—lagi itong may simpleng halimuyak ng sabon sa katawan. Hindi matapang, hindi mapagpanggap, pero laging nakakabighani.Tangina.Bakit ba niya iniisip na naman si Angela?Tinitigan niya si Lindsay na nasa harapan niya. Habang tumatagal, lalo lang siyang nayayamot. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya tinulak niya ito palayo."May meeting pa ako," malamig niyang sabi habang tumayo. "Kung pagod ka, magpahinga ka na lang dito. A
Sa opisina ng editor-in-chief, bumalot ang nakakapasong tensyon sa paligid.Nakapaluhod sa harap ng mesa si Lindsay, ang kanyang mga mata'y nanlilisik sa galit habang pinapalo ang lamesa ng buong lakas."George! Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Angela ang babaeng pinakasalan ng tito mo?!" sigaw niya, ang boses ay tagos hanggang labas ng pinto.Hindi inaasahan ni George ang biglaang pagsabog ni Lindsay. Sa simula'y natigilan siya, ngunit nang makita niya ang labis na pagwawala nito, nagdilim ang kanyang paningin. Tumagilid siya sa upuan, bahagyang iniling ang ulo, at may pagod na sumagot."Hindi ko naman sinadyang itago," aniya, malamig ang boses. "Hindi ko lang binanggit. Tsaka malalaman mo rin naman sa party ngayong weekend, hindi ba?"Parang mas binuhusan pa ng gasolina ang apoy sa galit ni Lindsay."Party? Party ang iniisip mo ngayon?!" Napasigaw siya nang lalo, ang boses ay may halong panginginig. "Alam mo bang halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong kailangan kong makita s
Nagulat si Angela nang marinig ang mga yabag ng sapatos na tumama sa matigas na sahig, at paglingon niya, nakita niyang si Lindsay, ang babae na nagpasakit ng kanyang puso, ay tumataas mula sa hagdang-pag-akyat, at nakatingin sa kanya ng may pagkabigla sa mga mata.Tila ba bumagsak ang puso ni Angela.Ngayon pa talaga! Kung mayroon mang ibang pagkakataon na magkrus ang landas nila, ito na nga iyon.Ang boutique na ito, isa sa mga pinakasikat at pinakamahal na custom shops sa buong Manila, ay dinarayo ng mga kilalang tao. Si Lindsay, isang regular na customer, ay nandito rin upang magpama-customize ng damit para sa darating na weekend party. Hindi niya inakalang makakasalubong niya si Angela, na ang tanging halaga ay ang pagiging isang ordinaryong babae—ang babae na walang karapatan sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan!"Angela."Matapos ang ilang hakbang, tinanaw siya ni Lindsay, nakasuot ng mahahabang orange-pink na high heels na umaabot sa sahig, at naglakad papalapit sa kan
Nagngiti si Angela, ngunit ang ngiti'y may kasunod na kalungkutan."Ang paldang ito, limited edition. Ilang libong yuan, Mateo. Paano ko naman kayang bilhin ito?"Tumango si Mateo at ibinalik ang litrato sa sobre. Tumingin siya kay Rex na nakatayo sa tabi."Kung ito ay talagang limited edition, mas madali nating mahahanap kung totoo."Tumango si Rex, walang imik, at agad na lumabas ng kwarto.Nagpatuloy si Mateo at Angela sa pagkain ng pizza, ngunit ang katahimikan sa pagitan nila ay tila mas mabigat kaysa sa mga oras na nagdaan.Habang kinakain nila ang pizza, hindi maiwasan ni Angela na magtaka. Nagmamasid siya kay Mateo—bawat galaw nito, bawat ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ba't parang may kung anong hindi siya maintindihan sa mga mata ni Mateo, mga titig na tila malayo at puno ng alaala ng nakaraan.Si Mateo... iniisip kaya niya ang mga nangyari noon? Ang pagkawala ng kanyang binti... ang pagkidnap sa kanya?Nagpumiglas ang mga alaala sa isipan ni Angela. Isang kaso ng kidnapp
Nakakunot ang noo ni Mateo habang iniikot ang laptop paharap kay Angela."Ang pangalan ng restaurant na ito ay Italian Mood. Akala ko, buong set ng Italian dishes ang in-order ko."Napalunok ng hiya si Angela.Sa isip niya, Ganito pala ang mga anak ng mayayaman, pati pangalan ng restaurant at pagkaing in-order, pinag-iisipan ng mabuti."Kapag delivery, pizza lang naman kadalasan ang Italian dish," paliwanag niya habang inilalapag ang kahon ng pizza sa mesa. "Nakakain ka na ba ng pizza?"Ibinaling ni Mateo ang tingin sa pizza at ibinaba ang mga mata. "Noong nasa Europa ako, oo, pero charcoal-grilled ang mga iyon. Hindi ko pa natikman ang pizza na nakalagay sa papel na kahon."Napangiti si Angela. "O, ‘di sige, gawin mo na lang itong experience sa buhay mo." Pinilas niya ang isang hiwa ng pizza at iniabot kay Mateo.Tahimik na tinanggap ito ni Mateo, kinagat, at bahagyang napakunot ang noo. "Iba ang lasa nito kaysa sa mga natikman ko noon."Natawa si Angela. "Minsan, masarap din naman a
Hindi pinansin ni Mateo ang sinabi ni Angela at mabilis niyang isinubo ang daliri nito sa kanyang bibig.Ang mainit at basang pakiramdam ay parang kuryenteng biglang dumaloy mula sa dulo ng kanyang daliri, papunta sa bawat sulok ng katawan niya. Hindi maipaliwanag ni Angela ang nararamdaman—para bang bigla siyang naging maselan sa bawat galaw ni Mateo.Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya, kaya mabilis niyang iniwas ang tingin mula sa gwapong mukha ni Mateo. Nauutal niyang sabi, “Ma-Mateo, hi-hindi na kailangan… talaga…”Sa sobrang kaba, halos hindi niya maayos ang mga salita niya. Nang maramdaman ni Mateo ang panginginig ng kamay ni Angela, dahan-dahan niyang binitiwan ito. Tinitigan niya ang namumula nitong mukha na tila ba may gusto siyang basahin doon.“Sandali lang,” ani Mateo na may malambing na ngiti. “Kukunin ko ang band-aid.”Walang ibang nasabi si Angela kundi ang sundan ito ng tingin habang lumalabas ng kusina. Nang makalabas si Mateo, napabuntong-hininga siya nang ma