Si Angela ay biglang natigilan, pinulot ang bagay na tumama sa mukha niya, at napatingin dito. Nang makita niya kung ano ito, biglang namutla ang kanyang mukha at nagsimulang manginig ang mga kamay niya.Isang larawan iyon—malabo at halatang kinuhanan nang palihim, pero sapat na para makilala ang nasa litrato. Siya iyon.Nakahiga siya sa kama, magulo ang itsura, at may kakaibang pamumula sa kanyang mukha.Bagama’t hindi malinaw ang buong detalye ng larawan, sapat na ito para isipin ng sinuman kung ano ang nangyayari roon.Parang huminto ang buong mundo ni Angela. Alam niya kung kailan ito kinuhanan—dalawang taon na ang nakalilipas."Saan mo nakuha ‘to?" galit niyang tanong habang mahigpit na hawak ang mga larawan, tinapunan si George ng matalim na tingin.Ang pangyayaring iyon ay isang bangungot na pilit niyang kinalimutan. Akala niya tapos na ang lahat, pero eto’t bumalik na naman ito sa paraang hindi niya inaasahan."Anong problema, Angela? Natatakot ka na ba ngayon?" sarcastic na s
Sa loob ng tahimik na coffee shop, si Mateo Alacoste ay nakaupo nang maayos sa kanyang wheelchair, kalmado ang pustura ngunit taglay ang likas na awtoridad. "Tungkol saan?" tanong niya, malamig ang tono, habang binibigyan ng tamang pasensya si George ngunit halatang walang interes sa nilalaman ng envelope.Si George, tila hindi alam kung paano sisimulan ang usapan, ay pumilit na ngumiti. "Narinig ko kasi... na ikaw, Uncle, ay may asawa na ngayon?"Sinubukan niyang gawing magaan ang tono, ngunit halata ang kaba sa kanyang boses. Sa totoo lang, nang una niyang marinig ang balita, sobrang nabigla siya.Kilala niya si Mateo—ang lalaking tila hindi kailanman nagpakita ng interes sa mga babae. Maging ang kanyang ama, si Marcus Alacoste, ay minsang nagduda na ang aksidenteng sinapit ni Mateo sampung taon na ang nakalilipas ay hindi lang nagresulta sa pagkaparalisa ng kanyang mga binti, kundi pati na rin sa pagkawala ng kakayahang magmahal.Ngunit kamakailan lamang, napag-alaman niyang si Ma
Nanginginig si George, tila ba hindi na niya alam ang gagawin o sasabihin sa taong nasa harap niya.Hindi niya inasahan na ganito ang magiging reaksyon ni Mateo nang makita nito ang mga litrato. Akala niya, dahil sa ugali ni Mateo, siguradong magagalit ito at tuluyang lalayo kay Angela.Pero parang wala lang ito sa kanya? O baka naman hindi niya kailanman pinag-alinlanganan ang pagkatao ni Angela?Sumagi sa isip ni George ang ideyang ito, at bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Bakit?Bakit ganoon na lang ang tiwala ni Mateo kay Angela? Hindi ba’t dapat panandalian lang ang relasyon nila?Alam niya, kahit siya na malapit kay Angela, nang makita niya ang mga litrato dalawang taon na ang nakalipas, mabilis niyang naisip na si Angela ay walang kwentang babae.Hindi ba sapat ang tiwala niya noon?Sa paglitaw ng tanong na ito, pilit niya itong inilibing sa isipan. Hindi.May litrato, kaya walang puwang ang maling akala. Iisa lang ang paliwanag: hindi mahalaga kay Mateo si Angela, kaya
Napatigil saglit si Rex bago sumagot, "Ang tinutukoy mo ba ay yung nangyari kay Angela dalawang taon na ang nakalipas?""Oo," sagot ni Mateo."Matagal na kasi 'yon, kaya medyo magtatagal ang pag-check sa mga informations.""Simulan mo kay George. Ang sabi niya kamakailan lang, nakatanggap siya ng email na may kinalaman sa nangyaring 'yon.""Sige, naiintindihan ko."Pinindot ni Mateo ang armrest ng wheelchair gamit ang kanyang mahahabang daliri, at ang kanyang mga mata ay bahagyang nalungkot at halatang pagod. Hindi niya hahayaan ang sinuman na magplano laban kay Angela.At...Napatingin si Mateo kay George na lumabas mula sa kapehan, a
Kahit na nagsimula nang medyo magulo ang kasal nila ni Mateo, nirerespeto ni Angela ang kasal at hindi niya kailanman sasaktan si Mateo. Ngunit ang mga salitang binitiwan ni Mateo sa oras na iyon ay tila puno ng pagdududa, at labis itong nakasakit kay Angela."Mateo, anong ibig mong sabihin?" ang tono ni Angela ay malamig, "Nag-aalala ka ba na may something sa amin ni George?"Inamin ni Angela na marahil ay masyado na siyang sensitibo ngayon.Pero talagang hindi na niya kayang tiisin pa. Ang pang-iinsulto at pang-aasar ni George araw-araw, at ang mga litrato ngayon, ay nagtulak sa kanya sa bingit ng pagkabaliw.Akala niya, kahit papaano, si Mateo ay nagtitiwala sa kanya, ngunit ngayon, itinuturing na ba siyang isang babaeng pabago-bago ng isip?Hindi inaasahan ni Mateo ang ganitong reaksyon ni Angela, kaya nagkunwaring hindi siya nagkagusto sa tono ng babae at bahagyang nagkunwaring alalahanin ang sitwasyon. "Hindi ko naman iyon ibig sabihin. Kumain na tayo."Nais sanang tapusin ni Mat
Hindi nakasagot si Angela, ngunit ramdam niyang sobrang pagod siya. She pushed away the hands of Mateo, stood up, and left the dining area.Tiningnan ni Mateo ang likod ni Angela, ngunit hindi siya tumayo para habulin siya.Noong gabing iyon, hindi bumalik si Mateo sa master bedroom. Si Angela ay mag-isa, hindi mapakali sa kama.Kinabukasan, maaga umalis si Mateo, at nang magising si Angela, wala na siya.Pagkatapos mag-isa ng almusal, dumaan siya sa kumpanya. Ngunit bago pa siya makaupo, nakita niya si George na mabilis na lumabas mula sa kanyang opisina.Kumunot ang noo ni Angela, at balak niyang magtago sa banyo upang maiwasan ang direktang pakikisalamuha sa kanya, ngunit tinuro siya ni George at nagsalita."Angela, Are you free later? Samahan mo ako sa Alacoste Group para sa isang interview."Alacoste Group?Tila ba nanigas si Angela sakanyang kinatatayuan at paglingon niya, nakita niyang nakatingin si George sa kanya ng walang emosyon."Editor-in-Chief." Sinubukan niyang magpangg
Ang ekspresyon ni Mateo ay kalmado, at kahit na nakita niya si Angela, hindi man lang nagbago ang mukha niya. Para bang wala lamg ito sakanya."Okay, magsimula na tayo," sabi ni George, sabay turo kay Angela na umupo sa sofa. Inilipat ni Mateo ang wheelchair sa kabila nila, at hindi man lang tumingin kay Angela."Salamat po for the last interview, Uncle," magaan na sabi ni George, at ipinakita kay Angela na parang normal lang ang lahat. "Dahil sa interview na iyon, tumaas nang malaki ang benta ng aming magazine.""Walang anuman.""Ang interview na ito ay tungkol sa Outstanding Youth Award na napanalunan mo kamakailan, Tito," patuloy ni George, "Maaari ko po bang malaman kung anong pakiramdam mo nang matanggap mo ang award na iyon?""Isang pagkilala," maikling sagot ni Mateo, tila ba hindi interesado.Magaan lang ang tanungan nilang magtito, ngunit si Angela na nakatayo sa gilid ay nahirapang magpigil ng kaba.Kilalang-kilala ni Angela si George. Siya ang editor-in-chief, at kung siya
Tila ba nahulog sa kahihiyan si Angela sa mga sinabi ni Mateo, ngunit nang marinig niya ang mga salitang binitiwan ni George, hindi niya naiwasang magtaka at magkunot ng noo, magsisimula na kaya ito?Sobrang diretso ni George sa kanyang mga salita.Bagamat matagal nang ganito ang pakikitungo ni George kay Angela simula nang magtagpo sila muli, may kakaibang pakiramdam si Angela nang marinig niyang tinanong ni George si Mateo sa ganung paraan."George, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Angela, medyo galit at hindi na kayang magpigil."Ano, Angela, hindi mo na kayang magpigil?" Natatwang tanong ni George sakanya.Sa totoo lang, hindi rin alam ni Angela kung bakit siya nagalit.Siguro, ayaw niya lang na magkamali si Mateo sa pagkakaintindi sa kanya. Hindi niya gustong isipin ni Mateo na isa siyang gold digger, isang babaeng madali lang makuha ng sinuman."Sa tingin ko, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo," malamig na sagot ni Angela dito."Responsable? Ha!" Tumawa nang malak
Her voice became softer and softer hanggang halos wala nang marinig.Alam ni Angela kung gaano kalabo ang naging palusot niya. Para siyang magnanakaw na nahuli sa akto. Hindi siya makapaniwala na magagawa niya ang ganoong bagay—pakialaman ang pagmamay-ari ng iba.Si Mateo, na kanina’y nanonood lang sa kanya habang namumutla siya, ay napansin ang biglang sakit sa kanyang dibdib.Ano ba naman ‘to? tanong niya sa sarili. Masyado bang matalas ang tono niya kanina kaya natakot si Angela?Ayaw niya sanang maging masungit sa kanya, pero ang eksena kanina—kung saan muntik nang mabasag ang kwintas—ay hindi maalis sa isip niya.Napakahalaga ng kwintas na iyon. Kung nasira nga iyon kanina…Ayaw na niyang isipin pa.Napansin niyang masama na ang pakikitungo niya kay Angela mula pa noong umpisa. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kaya tumayo siya at naglakad patungo sa closet. Kinuha niya ang polo na isusuot niya para sa trabaho. “May aasikasuhin lang ako sa kumpanya. Maaga ka nang matulog,” mal
Ang bawat bahagi ng kuwintas ay perpekto, maliban sa isang bahagi na tila inukit ng iba. Medyo magaspang ang pagkakagawa, ngunit malinaw pa rin ang pagkakaukit ng isang salita—“Jade.”Jade…Biglang pumasok sa isipan ni Angela ang sinabi noon ni Don Alacoste—“Ilang taon na ang lumipas. Simula nang mamatay si Jade, inakala kong hindi na ulit magmamahal si Mateo.”Puwede bang sa babaeng ito galing ang kuwintas?Sino ba siya? Ex-girlfriend ni Mateo? At nasaan na siya ngayon?Sa ilalim ng anino ng kuryosidad, hindi naiwasan ni Angela na kuhanin ang mga litrato sa loob ng drawer.Sa sandaling makita niya ang mga ito, tila huminto ang mundo niya.Sa larawan, may isang lalaki at babae na parehong bata pa, mukhang nasa edad disiotso.Madaling nakilala ni Angela ang lalaki—si Mateo.Pero hindi ito ang Mateo na seryoso at misteryoso ngayon. Ang Mateo sa litrato ay mas bata, mas palaban ang itsura, ngunit nandoon pa rin ang nakakabighaning mga mata.Kung ang kasalukuyang Mateo ay parang isang ta
Habang namumula ang pisngi ni Angela, napansin ni Mateo na tila mas lalong gumanda ito sa kanyang paningin. Napangisi siya at bahagyang tinaas ang kilay, “Alin kaya doon ang gusto mong pag-usapan?”Hindi makatingin nang diretso si Angela, at halos mabulol sa pagsagot, “Yung… yung sinabi mong ikaw ang… gumagalaw.” Habang nagiging mas mahina ang boses niya, tila gusto na niyang magtago sa ilalim ng lupa.Natawa si Mateo at gamit ang daliri, marahan niyang itinulak pataas ang baba ni Angela upang magtama ang kanilang mga mata. “Hindi ako nagsisinungaling. Dapat nga naman akong gumalaw… O baka gusto mong subukan ngayon?”“Hindi! Hindi na kailangan!” Tulad ng isang nahuling daga, bigla na lamang tumalon si Angela, umiwas ng tingin, at nagmamadaling tumakbo papunta sa kabinet. “A-ano… Maliligo muna ako!”Hindi na siya naghintay ng sagot at sinunggaban ang tuwalya gamit ang kaliwang kamay bago tuluyang tumakbo papasok ng banyo, tila tumatakas.Sa loob ng banyo, nakatingin si Angela sa kanyan
Habang pinapakain ni Mateo si Angela, hindi na siya gaanong naiilang. Napakaingay ng isip niya, pero ang lumabas sa bibig niya’y, “Gusto ko ng broccoli at talong.”Walang imik si Mateo at agad na kinuha ang hinihiling nito. Matyaga niyang idinulot ang pagkain sa bibig ni Angela, na tahimik namang kumakain.Si Uncle Jed at si Aunt Selene, na tahimik na nakamasid sa gilid, halos manlaki ang mga mata sa nakita.Ang kanilang young master, na kilala nilang malamig at tila walang pakialam sa iba, ngayon ay nagpapakain ng asawa gamit ang sariling kamay? Para bang biglang naging milagro ang kanilang mundo!Matagal-tagal din bago naubos ni Angela ang pagkain. Si Mateo naman, abalang-abala sa pagsilbi sa kanya. Nahihiya si Angela kaya’t nagpilit, “Mateo, kaya ko namang kumain gamit ang kaliwang kamay. Kumain ka na rin.”Hindi siya pinansin ni Mateo. Sinigurado muna nitong naubos ni Angela ang laman ng plato bago siya nagsimula kumain.Habang nagliligpit si Aunt Selene ng mga plato, biglang napa
Si Angela ay nagtaka at tinitigan si Mateo. “Ito ba… ang kaso ng pagkidnap sampung taon na ang nakalipas?”Si Mateo ay isang paboritong anak ng mayaman, at hindi maiisip ni Angela kung paano siya nasaktan ng ganoon kalubha maliban na lamang kung may kinalaman ito sa kaso ng pagkidnap na nangyari sampung taon na ang nakaraan.“Oo,” sagot ni Mateo na nakayuko habang ina-aplay ang gamot kay Angela kaya hindi ito makita ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Tatlong kutsilyo, tatlong tama sa hita. Kung hindi agad nakuha ang tamang medikal na atensyon, malamang ay magiging inutil ang mga paa ko.”Nanginginig ang braso ni Angela at bigla niyang naisip kung gaano siya kalakas magbitaw ng salita kanina. Lumuha siya, bahagyang pumikit, at mahina siyang nag-sorry, “Pasensya na…”“Anong pinagsisihan mo?” tanong ni Mateo.“Nasabi ko ang tungkol sa iyong masalimuot na kwento.” Naramdaman ni Angela na kung ikukumpara sa lahat ng dinaanan ni Mateo, parang napakaliit lang ng pinagdadaanan niyang sugat.“W
Kung totoong isa siyang makasariling babae na gagawin ang lahat para sa pera, bakit nga ba iniligtas niya si George sa ganoong delikadong sitwasyon?Habang iniisip ito, napabuntong-hininga si George. Dalawang taon na ang nakalipas, at tila ngayon lang siya naguguluhan sa lahat ng kanyang akala. Maaari kayang mali ang iniisip niya tungkol kay Angela?Habang mas pinipilit niyang tanggapin ang posibilidad na nagkamali siya, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-aalinlangan. Pero… hindi, imposible. Saanman niya tingnan, hindi ito pasok sa lohika niya.Pagkalipas ng tatlong minuto ng pag-iisip, hindi na siya mapakali. Kinuha niya ang kanyang telepono at nag-dial.“Hello, ako ito,” malamig niyang sabi sa kabilang linya. “May ipapahanap akong impormasyon. Siguraduhin mong kumpleto at totoo ang lahat ng detalye.”Pagkauwi mula sa ospital, mabilis na nag-shower si Angela. Sa wakas, nawala rin ang amoy ng disinfectant na tumatak sa kanyang ilong sa loob ng ospital.Pagkatapos ng shower, nahiga s
Mateo ay natigilan at tumingin kay Angela. “Bakit?”“Ahm… Ayoko talagang maospital,” sagot ni Angela na may paawang tingin. “Ayoko kasi talaga ng ospital mula noon. Tignan niyo naman, maliit na sugat lang ito. Hindi naman siguro kailangan ng ganito ka-seryoso. Pwede bang umuwi na lang ako?”Sumeryoso ang mukha ni Mateo. “Mas ligtas kung manatili ka rito. Paano kung maimpeksiyon ang sugat mo? O kung sakaling may kung anong mikrobyo o virus ang nilagay ng taong iyon sa kutsilyo?”Napayuko si Angela, nahihiya sa sitwasyon.“Isa lang akong ordinaryong tao,” naisip niya. “Bakit naman nila ako gagawan ng ganitong klaseng plano?”Alam niyang si Mateo ay madaling maantig ang puso kaya nagpatuloy siya sa pagpapakita ng pagiging kawawa. “Mateo, maayos na ako, promise. At nandiyan ka naman, ‘di ba? Kahit maimpeksiyon pa ako, kaya mo namang tumawag ng doktor agad.”Napansin ni Angela na unti-unting lumuwag ang ekspresyon sa mukha ni Mateo kaya nagmadali siyang dagdagan ang kanyang argumento. “At
Hindi inasahan ni Angela na bigla siyang tanungin ni Mateo nang ganito. Sandali siyang natigilan bago sumagot, "Wala akong masyadong inisip noong oras na iyon. Gusto ko lang pigilan ang lalaking iyon. Hindi ko akalain na sobrang baliw niya para saktan ako."Nagmamatyag lamang si Mateo habang bahagyang kumitid ang mga mata, ngunit nanatiling tahimik."Pero, sa tingin ko, may mabuting naidulot din ito," ani Angela, tila may naisip na bigla. Kumislap ang kanyang mga mata. "At least, sa ganitong paraan, pakiramdam ko ay wala na akong utang na loob kay George."Doon na tumingin si Mateo kay Angela. "Utang?""Oo," tumango si Angela, "Noong nag-aaral pa ako, talagang gipit kami sa matrikula. Lagi akong nag-a-apply ng scholarship at nagpa-part-time job. Pero, hindi ko alam, palihim pala akong tinutulungan ni George."Pinalaki si Angela ng kanyang ina, si Shane, nang mag-isa. Ang kalusugan ni Shane ay laging mahina, lalo na noong nasa kolehiyo si Angela. Dahil dito, hindi niya magawang suporta
"Iniisip ko lang kung galit ka," tahasang sagot ni Angela habang iniwasang tumingin nang diretso kay Mateo."Bakit ako magagalit?" tanong nito, ang malamig na tinig ay tila hangin sa kalagitnaan ng gabi.Bahagyang nag-atubili si Angela bago nagsalita, "Galit ka kasi nasaktan ako... dahil kay George."Habang sinasabi niya iyon, ang boses niya'y naging mas mababa, parang malambot na balahibo na dumaan sa pandinig ni Mateo. Napatingin ito kay Angela, at ang madilim niyang mga mata'y tila unti-unting lumambot."Oo, galit ako," tahasang sagot ni Mateo.Nabigla si Angela sa diretsahang pag-amin ng asawa. Napatingala siya at nagtama ang kanilang mga mata.Habang pinagmamasdan ni Mateo ang nagtatakang anyo ni Angela, bahagya nitong itinaas ang kilay. "Ano, hindi mo ba tatanungin kung bakit ako galit?""Sa tingin ko... alam ko naman kung bakit," sagot ni Angela nang marahan, waring nagdadalawang-isip pa."Talaga? Kung ganoon, sabihin mo nga," hamon ni Mateo, ang tinig ay bahagyang nagiging ser