Napatigil saglit si Rex bago sumagot, "Ang tinutukoy mo ba ay yung nangyari kay Angela dalawang taon na ang nakalipas?""Oo," sagot ni Mateo."Matagal na kasi 'yon, kaya medyo magtatagal ang pag-check sa mga informations.""Simulan mo kay George. Ang sabi niya kamakailan lang, nakatanggap siya ng email na may kinalaman sa nangyaring 'yon.""Sige, naiintindihan ko."Pinindot ni Mateo ang armrest ng wheelchair gamit ang kanyang mahahabang daliri, at ang kanyang mga mata ay bahagyang nalungkot at halatang pagod. Hindi niya hahayaan ang sinuman na magplano laban kay Angela.At...Napatingin si Mateo kay George na lumabas mula sa kapehan, a
Kahit na nagsimula nang medyo magulo ang kasal nila ni Mateo, nirerespeto ni Angela ang kasal at hindi niya kailanman sasaktan si Mateo. Ngunit ang mga salitang binitiwan ni Mateo sa oras na iyon ay tila puno ng pagdududa, at labis itong nakasakit kay Angela."Mateo, anong ibig mong sabihin?" ang tono ni Angela ay malamig, "Nag-aalala ka ba na may something sa amin ni George?"Inamin ni Angela na marahil ay masyado na siyang sensitibo ngayon.Pero talagang hindi na niya kayang tiisin pa. Ang pang-iinsulto at pang-aasar ni George araw-araw, at ang mga litrato ngayon, ay nagtulak sa kanya sa bingit ng pagkabaliw.Akala niya, kahit papaano, si Mateo ay nagtitiwala sa kanya, ngunit ngayon, itinuturing na ba siyang isang babaeng pabago-bago ng isip?Hindi inaasahan ni Mateo ang ganitong reaksyon ni Angela, kaya nagkunwaring hindi siya nagkagusto sa tono ng babae at bahagyang nagkunwaring alalahanin ang sitwasyon. "Hindi ko naman iyon ibig sabihin. Kumain na tayo."Nais sanang tapusin ni Mat
Hindi nakasagot si Angela, ngunit ramdam niyang sobrang pagod siya. She pushed away the hands of Mateo, stood up, and left the dining area.Tiningnan ni Mateo ang likod ni Angela, ngunit hindi siya tumayo para habulin siya.Noong gabing iyon, hindi bumalik si Mateo sa master bedroom. Si Angela ay mag-isa, hindi mapakali sa kama.Kinabukasan, maaga umalis si Mateo, at nang magising si Angela, wala na siya.Pagkatapos mag-isa ng almusal, dumaan siya sa kumpanya. Ngunit bago pa siya makaupo, nakita niya si George na mabilis na lumabas mula sa kanyang opisina.Kumunot ang noo ni Angela, at balak niyang magtago sa banyo upang maiwasan ang direktang pakikisalamuha sa kanya, ngunit tinuro siya ni George at nagsalita."Angela, Are you free later? Samahan mo ako sa Alacoste Group para sa isang interview."Alacoste Group?Tila ba nanigas si Angela sakanyang kinatatayuan at paglingon niya, nakita niyang nakatingin si George sa kanya ng walang emosyon."Editor-in-Chief." Sinubukan niyang magpangg
Ang ekspresyon ni Mateo ay kalmado, at kahit na nakita niya si Angela, hindi man lang nagbago ang mukha niya. Para bang wala lamg ito sakanya."Okay, magsimula na tayo," sabi ni George, sabay turo kay Angela na umupo sa sofa. Inilipat ni Mateo ang wheelchair sa kabila nila, at hindi man lang tumingin kay Angela."Salamat po for the last interview, Uncle," magaan na sabi ni George, at ipinakita kay Angela na parang normal lang ang lahat. "Dahil sa interview na iyon, tumaas nang malaki ang benta ng aming magazine.""Walang anuman.""Ang interview na ito ay tungkol sa Outstanding Youth Award na napanalunan mo kamakailan, Tito," patuloy ni George, "Maaari ko po bang malaman kung anong pakiramdam mo nang matanggap mo ang award na iyon?""Isang pagkilala," maikling sagot ni Mateo, tila ba hindi interesado.Magaan lang ang tanungan nilang magtito, ngunit si Angela na nakatayo sa gilid ay nahirapang magpigil ng kaba.Kilalang-kilala ni Angela si George. Siya ang editor-in-chief, at kung siya
Tila ba nahulog sa kahihiyan si Angela sa mga sinabi ni Mateo, ngunit nang marinig niya ang mga salitang binitiwan ni George, hindi niya naiwasang magtaka at magkunot ng noo, magsisimula na kaya ito?Sobrang diretso ni George sa kanyang mga salita.Bagamat matagal nang ganito ang pakikitungo ni George kay Angela simula nang magtagpo sila muli, may kakaibang pakiramdam si Angela nang marinig niyang tinanong ni George si Mateo sa ganung paraan."George, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Angela, medyo galit at hindi na kayang magpigil."Ano, Angela, hindi mo na kayang magpigil?" Natatwang tanong ni George sakanya.Sa totoo lang, hindi rin alam ni Angela kung bakit siya nagalit.Siguro, ayaw niya lang na magkamali si Mateo sa pagkakaintindi sa kanya. Hindi niya gustong isipin ni Mateo na isa siyang gold digger, isang babaeng madali lang makuha ng sinuman."Sa tingin ko, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo," malamig na sagot ni Angela dito."Responsable? Ha!" Tumawa nang malak
Habang naiisip ang mga litrato, nakaramdam si Angela ng matinding kahihiyan at hindi kayang tumingin kay Mateo, kaya't tumanggi na lang siyang magmukhang mahina at iniwasan siya.Ngunit agad siyang hinawakan ni Mateo sa baba at pinilit siyang tumingin sa kanya."Angela," mababa ang boses ni Mateo, "Huwag mong iwasan ang mata ko."Matapos ang ilang sandali, nagpatuloy siya, "Oo, nakita ko yung mga litrato. Siguro mga dalawang taon na ang nakalipas, may naglagay ng pinhole camera sa kwarto ng hotel kung saan ka nagkaroon ng aksidente."Naalala ni Angela ang posibilidad na ito, kaya't tumango siya at tahimik na bumulong, "Pasensya na.""Ba't ka pa humihingi ng tawad?" tanong ni Mateo, medyo lumalim ang boses."Eh kasi, yung mga litrato na ‘yun, baka naman nakaka-abala at nakakahiya sa'yo," ang malumanay na sagot ni Angela habang unti-unting bumaba ang ulo.Sa pale niyang mukha at mga luha sa pilikmata, pakiramdam ni Mateo ay may humila sa puso niya at parang may sakit na naramdaman.Naku
Sinulyapan ni Angela si Mateo, pero hindi na nagtanong pa.Matapos ang pagtatalo nila ni Mateo, ang masamang pakiramdam na dulot ng malamig na trato ni George ay agad na nawala, at nakatulog si Angela habang nakasandal sa bintana ng kotse.Nang makita ni Rex na nakatulog si Angela, hindi na siya nakapagpigil at bumulong, "Sir Mateo, nahanap ko na po ang nangyari kay Angela dalawang taon na ang nakakaraan."Si Mateo, na kanina ay nakatingin kay Angela habang natutulog ito, ay agad na lumingon kay Rex. Nagbago ang ekspresyon nito at naging malamig. "Nahanap mo ba yung tao mula noon?""Nahanap na po.""Nasaan siya ngayon?""Ini-impake na po siya at ikinulong, gaya ng utos. Ano po ang
"How can I be sure na totoo yang sinasabi mo?" “Naku, syempre, totoo ‘yan! Huwag kang mag-alala, hindi ko nga siya tinulungan! Hindi ko nga siya kilala!”Tuluyan nang binitiwan ni Mateo ang matandang lalaki, batid niyang hindi nito kayang magsinungaling sa kanya."Kunin niyo siya." Malamig na sabi ni Mateo. "Tiyakin niyo kung totoo ang sinasabi niya, at alamin kung sino ang nagpakilala kay Angela sa kanya noong una.""Oo, Sir," agad na sagot ni Rex. Tinungo niya ang mga tauhan at inutusan silang kunin ang matanda, pagkatapos ay lumapit siya kay Mateo at bumulong, "Sir Mateo, a good thing, ibig sabihin hindi ang matandang 'to ang nang-abuso kay Angela noon."Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Mateo. Tumingin siya kay Rex nang malamig. "Good thing ba na ibang lalaki ang nang-abuso sa kanya?" "Sir Mateo, hindi ko po yun ibig sabihin." Nahihiyang sambit ni Rex, agad na namula ang mukha nito sa nasabi, hindi niya naisip na mali ngang sabihin 'yon.Hindi sumagot at tila walang pakiala
Pagkasabi ni Angela ng mga salitang iyon, isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Ano pa bang saysay ng pag-uusap na ’to? Tapos na ang lahat, wala na tayong dapat pag-usapan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at naglakad palayo. Ayaw na niyang patulan ang anumang argumento kay George.Ngunit hindi inaasahan ni Angela ang sumunod na nangyari. Agad siyang hinabol ni George at mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso.“Angela, bakit wala ka nang gustong sabihin?” Ang boses ni George ay puno ng damdamin. Ang titig niya ay nagmamatyag, tila nagbabakasakaling mabasa ang damdamin ni Angela. “Kung kaya mong harangin ang saksak na ’yon para sa akin, hindi ako naniniwala na nakalimutan mo na ako sa puso mo!”Bahagyang nanginig ang katawan ni Angela. Ngunit pilit niyang pinatatag ang kanyang sarili. Tumitig siya kay George, pilit na pinapakalma ang sariling damdamin.Ang mga mata ni George ay puno ng pangungulila at pagsisisi. Hindi niya maitago ang emosyon na parang
Dahil sa sobra-sobrang emotions na nararamdam ni George, hindi niya napansin na sugatan pa si Angela. Nasaktan niya ito nang medyo malakas ang tapik niya, kaya bigla na lang napangiwi ang mukha ni Angela at namutla sa sakit.Nang makita ni George ang maputlang mukha ni Angela, tila natauhan siya at dali-daling binitiwan ang kamay nito.“Pasensya na, nakalimutan kong sugatan ka pa,” ani George, halatang nag-aalala.Si Angela naman, unti-unting kumalma mula sa pagkabigla. Napansin niya ang mga usisero’t usiserang mata ng mga tao sa paligid, kaya mahina niyang sinabi kay George,“Kung may sasabihin ka, sa opisina na lang natin pag-usapan.”Napagtanto rin ni George na masyado siyang naging padalos-dalos. Tumango siya at inakay si Angela papunta sa kanyang opisina. Isa-isa silang pumasok, at pagkapasok nila, agad na nagkagulo ang buong opisina.“Grabe! Anong nangyari doon? Para akong nanood ng eksena sa isang teleserye!” bulalas ng isang empleyado. “So totoo pala yung chismis dati? Si Ange
Gusto sanang lapitan ni Aunt Selene si Angela upang gamutin ang kanyang sugat, ngunit tumanggi si Angela dahil natatakot siyang makita nito ang pamumugto ng kanyang mga mata. Sa halip, basta na lang niyang nilapatan ng gamot ang sugat niya kahit hindi maayos.Kinabukasan, nagising si Angela sa madaling araw. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama—walang tao. Ang kawalan ni Mateo sa tabi niya ay tila ba nag-iwan din ng puwang sa kanyang puso.“Nakakainis,” bulong niya sa sarili habang pinapalo ang pisngi niya upang gisingin ang sarili.Pakiramdam niya ay napakahina niya. Matapos ang paghihiwalay nila ni George dalawang taon na ang nakalipas, nangako siya sa sarili na hindi na niya hahayaang masaktan ulit ang puso niya. Sa halip, magpapakasal siya sa isang taong makapagbibigay ng seguridad at hindi na muling magmamahal nang ganito kalalim. Ngunit eto siya ngayon, muling naliligaw.“Hindi puwede,” mariin niyang sinabi sa sarili.“Hinding-hindi na.”Sa mabilis na desisyon, tumayo siya
Her voice became softer and softer hanggang halos wala nang marinig.Alam ni Angela kung gaano kalabo ang naging palusot niya. Para siyang magnanakaw na nahuli sa akto. Hindi siya makapaniwala na magagawa niya ang ganoong bagay—pakialaman ang pagmamay-ari ng iba.Si Mateo, na kanina’y nanonood lang sa kanya habang namumutla siya, ay napansin ang biglang sakit sa kanyang dibdib.Ano ba naman ‘to? tanong niya sa sarili. Masyado bang matalas ang tono niya kanina kaya natakot si Angela?Ayaw niya sanang maging masungit sa kanya, pero ang eksena kanina—kung saan muntik nang mabasag ang kwintas—ay hindi maalis sa isip niya.Napakahalaga ng kwintas na iyon. Kung nasira nga iyon kanina…Ayaw na niyang isipin pa.Napansin niyang masama na ang pakikitungo niya kay Angela mula pa noong umpisa. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kaya tumayo siya at naglakad patungo sa closet. Kinuha niya ang polo na isusuot niya para sa trabaho. “May aasikasuhin lang ako sa kumpanya. Maaga ka nang matulog,” mal
Ang bawat bahagi ng kuwintas ay perpekto, maliban sa isang bahagi na tila inukit ng iba. Medyo magaspang ang pagkakagawa, ngunit malinaw pa rin ang pagkakaukit ng isang salita—“Jade.”Jade…Biglang pumasok sa isipan ni Angela ang sinabi noon ni Don Alacoste—“Ilang taon na ang lumipas. Simula nang mamatay si Jade, inakala kong hindi na ulit magmamahal si Mateo.”Puwede bang sa babaeng ito galing ang kuwintas?Sino ba siya? Ex-girlfriend ni Mateo? At nasaan na siya ngayon?Sa ilalim ng anino ng kuryosidad, hindi naiwasan ni Angela na kuhanin ang mga litrato sa loob ng drawer.Sa sandaling makita niya ang mga ito, tila huminto ang mundo niya.Sa larawan, may isang lalaki at babae na parehong bata pa, mukhang nasa edad disiotso.Madaling nakilala ni Angela ang lalaki—si Mateo.Pero hindi ito ang Mateo na seryoso at misteryoso ngayon. Ang Mateo sa litrato ay mas bata, mas palaban ang itsura, ngunit nandoon pa rin ang nakakabighaning mga mata.Kung ang kasalukuyang Mateo ay parang isang ta
Habang namumula ang pisngi ni Angela, napansin ni Mateo na tila mas lalong gumanda ito sa kanyang paningin. Napangisi siya at bahagyang tinaas ang kilay, “Alin kaya doon ang gusto mong pag-usapan?”Hindi makatingin nang diretso si Angela, at halos mabulol sa pagsagot, “Yung… yung sinabi mong ikaw ang… gumagalaw.” Habang nagiging mas mahina ang boses niya, tila gusto na niyang magtago sa ilalim ng lupa.Natawa si Mateo at gamit ang daliri, marahan niyang itinulak pataas ang baba ni Angela upang magtama ang kanilang mga mata. “Hindi ako nagsisinungaling. Dapat nga naman akong gumalaw… O baka gusto mong subukan ngayon?”“Hindi! Hindi na kailangan!” Tulad ng isang nahuling daga, bigla na lamang tumalon si Angela, umiwas ng tingin, at nagmamadaling tumakbo papunta sa kabinet. “A-ano… Maliligo muna ako!”Hindi na siya naghintay ng sagot at sinunggaban ang tuwalya gamit ang kaliwang kamay bago tuluyang tumakbo papasok ng banyo, tila tumatakas.Sa loob ng banyo, nakatingin si Angela sa kanyan
Habang pinapakain ni Mateo si Angela, hindi na siya gaanong naiilang. Napakaingay ng isip niya, pero ang lumabas sa bibig niya’y, “Gusto ko ng broccoli at talong.”Walang imik si Mateo at agad na kinuha ang hinihiling nito. Matyaga niyang idinulot ang pagkain sa bibig ni Angela, na tahimik namang kumakain.Si Uncle Jed at si Aunt Selene, na tahimik na nakamasid sa gilid, halos manlaki ang mga mata sa nakita.Ang kanilang young master, na kilala nilang malamig at tila walang pakialam sa iba, ngayon ay nagpapakain ng asawa gamit ang sariling kamay? Para bang biglang naging milagro ang kanilang mundo!Matagal-tagal din bago naubos ni Angela ang pagkain. Si Mateo naman, abalang-abala sa pagsilbi sa kanya. Nahihiya si Angela kaya’t nagpilit, “Mateo, kaya ko namang kumain gamit ang kaliwang kamay. Kumain ka na rin.”Hindi siya pinansin ni Mateo. Sinigurado muna nitong naubos ni Angela ang laman ng plato bago siya nagsimula kumain.Habang nagliligpit si Aunt Selene ng mga plato, biglang napa
Si Angela ay nagtaka at tinitigan si Mateo. “Ito ba… ang kaso ng pagkidnap sampung taon na ang nakalipas?”Si Mateo ay isang paboritong anak ng mayaman, at hindi maiisip ni Angela kung paano siya nasaktan ng ganoon kalubha maliban na lamang kung may kinalaman ito sa kaso ng pagkidnap na nangyari sampung taon na ang nakaraan.“Oo,” sagot ni Mateo na nakayuko habang ina-aplay ang gamot kay Angela kaya hindi ito makita ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Tatlong kutsilyo, tatlong tama sa hita. Kung hindi agad nakuha ang tamang medikal na atensyon, malamang ay magiging inutil ang mga paa ko.”Nanginginig ang braso ni Angela at bigla niyang naisip kung gaano siya kalakas magbitaw ng salita kanina. Lumuha siya, bahagyang pumikit, at mahina siyang nag-sorry, “Pasensya na…”“Anong pinagsisihan mo?” tanong ni Mateo.“Nasabi ko ang tungkol sa iyong masalimuot na kwento.” Naramdaman ni Angela na kung ikukumpara sa lahat ng dinaanan ni Mateo, parang napakaliit lang ng pinagdadaanan niyang sugat.“W
Kung totoong isa siyang makasariling babae na gagawin ang lahat para sa pera, bakit nga ba iniligtas niya si George sa ganoong delikadong sitwasyon?Habang iniisip ito, napabuntong-hininga si George. Dalawang taon na ang nakalipas, at tila ngayon lang siya naguguluhan sa lahat ng kanyang akala. Maaari kayang mali ang iniisip niya tungkol kay Angela?Habang mas pinipilit niyang tanggapin ang posibilidad na nagkamali siya, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-aalinlangan. Pero… hindi, imposible. Saanman niya tingnan, hindi ito pasok sa lohika niya.Pagkalipas ng tatlong minuto ng pag-iisip, hindi na siya mapakali. Kinuha niya ang kanyang telepono at nag-dial.“Hello, ako ito,” malamig niyang sabi sa kabilang linya. “May ipapahanap akong impormasyon. Siguraduhin mong kumpleto at totoo ang lahat ng detalye.”Pagkauwi mula sa ospital, mabilis na nag-shower si Angela. Sa wakas, nawala rin ang amoy ng disinfectant na tumatak sa kanyang ilong sa loob ng ospital.Pagkatapos ng shower, nahiga s