Share

KABANATA 4

Author: Eyah
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CELESTINE'S P. O. V

Hindi ko maiwasang makaramdam ng magkahalong lungkot at galit habang tinitingnan ang mga files na laman ng envelope na matatanggap ko kani-kanina lang.

Naglalaman iyon ng isang flash drive, mga larawan ng magulong Crime scene, at iba pang mga larawan na nagpapakita ng isang babaeng tadtad ng mga pasa at galos sa katawan— isang literal na patunay at simbulo ng kung anumang brutal na pagpapahirap ang dinanas nito.

Ang flash drive na kasama sa envelope ay naglalaman ng ilang mga video ng pagpapahirap sa babaeng biktima. Hindi ko na nga natapos iyon dahil hindi ko na talaga kayang sikmurain pa iyon.

Lumaki akong mahilig sa mga horror movies at true-to-life crime documentaries. Pero ang tulad ng laman ng flash drive na literal at lantarang brutal na pagpapahirap ay hindi ko na kaya pang tunghayan.

Kamakailan lang ay umugong ang usap-usapan ukol sa babae umano na natagpuang nakasilid ang kalahati ng katawan sa drum na puno ng semento. Nakita raw iyon sa isang bakanteng lote ilang metro lang ang layo sa mismong bahay ng biktima.

Ilang linggo bago iyon ay napaulat na rin ang misteryoso at biglaang pagkawala ng isang babae na nagngangalang 'Madel'.

Kaya nang ma balita na naman ang tungkol sa bangkay ng babaeng nakasilid sa drum ay hindi na nagpatumpik-tumpik ang ilan na sabihing si Madel at ang babaeng iyon ay iisa.

Hindi naging madali sa mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima, kung si Madel ba iyon o hindi, dahil nga sa ang itaas na kalahating parte ng katawan nito ay nakasilid sa drum na puno ng sementong solido at matigas na.

Pero nang dahil sa mga kapamilya ni Madel na may alam tungkol sa birthmark sa kanang binti ng dalaga ay napadali na rin ang pagkumpirma na ito na nga ang kaawa-awang babae na halatang pinahirapan at isinilid pa sa drum na naglalaman ng semento.

At ang masaklap pa para sa mga ito ay isang araw lang matapos marecover ang bangkay ng dalaga, sunud-sunod naman agad ang naging pagkalat ng mga Video file na nagpapakita ng pagpapahirap sa dalaga. Naging viral pa nga ito at umabot pa sa punto na kahit ipina-delete na ang mismong source ng video ay tuluy-tuloy pa rin iyon sa pagsirkula lalo na sa social media.

Siguro bukod sa talagang brutal ang sinapit ng dalaga ay naging malaking factor din sa kuryosidad ng mga tao ang katotohanang isang sikat at beteranong aktor ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen na iyon.

Yes, you heard it right. Malinaw na ang sikat na aktor at kilalang anak ng pulitiko ang gumawa ng malahayop na pagpapahirap na iyon sa biktimang si Madel. He's a man named 'Gerard Montagle'.

Sa tantsa ko ay nasa mid-thirties na ang edad nito. At base sa mga research na ginawa ko ay nagsimula talaga itong sumikat bilang isang child star. Bukod sa pamamayagpag nito sa industriya ng showbiz ay ganoon din ang pagkakakilala dito bilang nag-iisang anak ng senador na si Henry Montagle.

Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kitang-kita na nga at nakahain na ang ebidensiya ay hindi pa rin magawan-gawan ng aksiyon ang tungkol sa kasong iyon.

Even the law firm I am working for is obsessed in getting to know everything about the case.

Sa pribadong law firm ako nagtatrabaho. Karamihan sa mga nagiging kliyente namin ay mga kilala at prominenteng tao hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa. We barely represent for those who are classified by the society as 'low class ones'. Maliban sa akin dahil bukod sa mismo at eksklusibo kong trabaho sa firm ay nagvo-volunteer din ako sa Public Attorney's Office.

"Oh, gosh. Tao pa ba talaga ang gumawa nito?” hindi makapaniwala kong saad sa sarili.

Nabitawan ko rin ng biglaan ang larawan na aksidente ko lang nakita. Pero sa saglit na pagtingin ko doon ay nakabisa ko na agad ang kaawa-awang itsura ni Maadel doon.

Nakahandusay sa isang marumi at gula-gulanit na kama, walang saplot sa katawan, puno ng pasa at galos ang buong katawan, putok ang pisngi at maga ang buong mukha. Magulo rin ang buhok nito at bakas na bakas sa mukha ang matinding pagkapagod at sobrang hirap. At ang mas lalong nakapagpahindik ng balahibo ko ay ang bagay na nakita kong nakapasok sa pribado at pang-ibabang parte ng katawan ng kaawa-awang dalaga. Isang basag na bote ng alak.

Bahagya nang nalukot ang hawak kong larawan na iyon bunga ng mas mahigpit ko nang pagkakahawak doon. Dala na rin ng pinaghalong inis at galit.

Alam kong iba na ang takbo ng mundo ngayon. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may mga tao na talaga na kaya at tila nadadalian lang sa paggawa ng mga ganoong karumal-dumal na bagay.

"Attorney Chavez, Mr. Toledo wants to talk to you. He's outside.”

Agad kong nilingon ang nagsalita na iyon— si Bianca na nagtatrabaho bilang all around secretary sa department namin.

At ang sinasabi niya naman na si 'Mr. Toledo' ay si Ruel na isa ring abogado na gaya ko. Naging kaibigan ko na rin siya, siguro ay dahil sa magkatrabaho nga kami.

"Sige. Pakisabi na lang na susunod na ako.” saad ko sa sekretarya at saka ako Nagpakawala ng isang tipid na ngiti.

Dali-dali ko na ngang iniligpit ang mga litrato maging ang flash drive. Binalik ko muna iyon sa envelope na lalagyan tsaka ko ipinasok sa drawer na naka-attach lang din sa table ko.

Pagkatapos ay lumabas na rin ako para kitain si Ruel.

"I am sorry to keep you waiting. Gusto mo raw akong makausap?” sabi ko agad sa kanya nang pagkalabas ko ay mamataan ko siya sa tabi lang mismo ng pintuan ng office ko, nakaupo sa isa sa mga upuan doon.

Tumayo naman siya pagkakita sa akin at ngumiti na rin.

"No, it's fine. Parang ako pa nga yata ang dapat magsabi niyan sa iyo. I am sorry for causing such disturbance.”

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang bilang paraan ng pagsasabi na ayos lang at wala naman siyang nagawa na hindi maganda.

"Gusto mo ba na dito na lang tayo mag-usap? Or you wanna go somewhere else first?” tanong niya mayamaya.

"Depende.” tugon ko naman. "Kung kaunti lang naman ang sasabihin mo, mas prefer ko nga kung dito na lang. But if it would take such time, the cafeteria is more than fine with me.”

Pumayag naman siya sa huli kong isinuhestiyon at agad na rin kaming nagtungo sa cafeteria.

Pagdating namin doon ay halos wala nang gaanong tao. Bukod kasi sa hapon na at oras na rin ng uwian ay Sabado pa ngayon. Wala talagang pasok kung tutuusin.

Sa pinakabungad na lang kami pumuwesto. Malayo pa rin sa ilang tao na nandoon.

"Would you like to have something to eat? Or…?”

"Huwag na. Pauwi na rin naman ako pagkatapos nito.”

Tumangu-tango lang siya tsaka tahimik akong pinagmasdan.

Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng bahagyang pagkailang. This is the first time again after several years that a man stared at me this close. Ang una at huli ay si… Oh, gosh. What was I thinking?

"I'm sure you already heard the case about the brutal killing of Madel Duran.”

Hindi ako agad na nakaimik pagkarinig sa mga sinabi niya.

"At sigurado rin ako na alam mo na kung paano nito napukaw ang interes ng firm natin. Even though we're a private law firm, our head atests that we must help the victim's family even if it is for free. At first time ever na nangyari ito sa buong kasaysayan ng firm.”

Nanatili akong tahimik habang naghihintay sa mga susunod na salitang binitawan niya.

I don't know why he's telling me all these. Sa dinami-dami ng mga abogado na kaedaran niya at ka-batch niya ay hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang napili niyang daldalin ukol sa issue na iyon.

"Ang hindi ko lang alam ay kung aware ka ba na nasa proseso ang firm ngayon sa paghanap ng iisa at natatanging abogado na magre-represent sa kampo ng biktima sa mga trials at sa pagdinig sa kaso nito.”

Awtomatikong natuon sa kanya ang paningin at buong atensiyon ko dahil sa ibinalita niya.

"I… am not aware na may nangyayari nang ganiyan sa firm. S-Since when did it took place?” may bahid ng gulat na tanong ko sa kanya.

"Kahapon lang, actually. Pero good to say, mukhang may napili na ang firm na magrepresent sa kampo ni Miss Madel Duran.” sagot niya.

Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon sa kanya ay may kung anong bagay ang bigla na lang nagpakaba sa akin. It feels like there's a drum inside my chest, and it is pounding millions of beats in every single second!

Itatanong ko pa lang sana kung sino ang tinutukoy niya na posibleng abogado na napili para sa kasong iyon; pero hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon dahil muli na siyang nagsalita at naunahan niya na ako.

"And it's my pleasure na ipaabot sa iyo na mukhang ikaw ang napupusuan ng top management, Attorney Celestine.”

Related chapters

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 5

    CELESTINE'S P. O. VIsang oras na halos o mahigit ang lumipas mula nang matapos ang pag-uusap namin ni Attorney Toledo sa cafeteria pero lahat ng pinag-usapan namin ay parang sirang plaka pa rin na paulit-ulit sa pagtakbo sa utak ko."Bakit ako?”Tanging iyon lang ang mga salita na nasambit ko matapos niyang sabihin na may posblibilidad ngang ako ang gawing representative ng kasong iyon ni Madel Duran.I want to take a part to that case's success. Pero hindi sa ganitong paraan. I mean, yes, pero kasi… ang hirap ipaliwanag."At bakit hindi pwedeng ikaw?” imbis na sagutin ako ay balik-tanong niya lang.Hindi ako agad na nakasagot. Bakit nga ba hindi pwedeng ako?Ginawa kong dahilan sa kanya ang sinabi niya na beterano at batikang abogado raw ang malamang na kukuhanin."And I am not veteran enough. Kung tutuusin nga ay baguhan pa lang din ako dahil isang taon pa lang ako sa propesiyon ko—”"But that's what the management wants. May tiwala kami sa iyo dahil alam naming kaya mo. And we're

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 6

    CELESTINE'S P. O. VBalak ko na lang sanang ipagwalang bahagi ang mga paghikbi ng driver, pero may kung ano ang nagsasabi sa akin na mag-usisa.Siguro ay inaalala ko lang ang kaligtasan ko. Riding a vehicle with a distracted and crying driver is a clear sign and might be a reason for a fatal accident."M-Manong, ayos lang po ba kayo? Pwede po kayong huminto muna kung hindi niyo na kaya—”"A-Ayos lang ho ako, Ma'am. Pasensiya na.”Muli ay nanatili akong tahimik.Ramdam na ramdam ko ang pagkaumid ng dila ko na halos parang nalunok ko ito at bumara pa sa lalamunan ko.At sa mga pagkakataon na ito ay hindi ko na pinagtutuunan pa ng masyadong pansin ang posibleng kalagyan ko. Ang mas inaalala ko ngayon ay ang dinadala ng driver at ang rason sa likod ng mga paghikbi niyang iyon.Pero gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko magawa. Alam kong wala ako sa lugar para mag-usisa."Ma'am, kung hindi ho makakaistorbo sa iyo, pwede ho ba kitang makakwentuhan lang saglit?” sa gulat ko ay sambit ng dri

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 7

    CELESTINE’S P.O.VHatinggabi na nang makauwi ako sa tinitirahan ko mula sa bahay ni Tita Carmen. Kahit papaano ay masasabi ko na rin naman na magaan na ang pakiramdam ko matapos ang mahaba-haba naming pag-uusap. She have me several pieces of advice, too. Na kahit papaano ay malaki ang naitulong para mapayapa ang kalooban ko.Unang bumungad sa akin pag-uwi ay ang nakabukas nang pinto ng bahay ko. Well, not totally nakabukas. What I mean is hindi iyon naka-lock.Kinabahan pa ako, naghanda pa nga ako sa posibleng bumungad sa akin na kung ano o kung sino na hindi ko nakikilala. But then, after seeing my sister peacefully sleeping in my bed, I breath a sigh of relief.Ginising ko na lang siya at binungangaan sa kung bakit hinahayaan niya na hindi naka-lock ang pintuan ng bahay gayong mag isa lang ito roon.“Paano kung biglang may magtangka na pasukin itong bahay, ha? Magnanakaw, o ‘di kaya ay rapist! Mag isa ka lang dito, Jela. Walang tutulong sa iyo at walang makakarinig sa iyo kahit na

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 8

    CELESTINE’S P.O.VSa kabila ng ginawang pagsalungat at pagsigaw sa akin ng kapatid ko ay hindi ko magawang magalit sa kanya. I know, kapakanan ko lang din ang iniisip niya. Na nagawa at nasabi niya lang ang mga bagay na iyon dahil nag aalala siya sa akin.But I have to show her and assure her na walang hindi magandang mangyayari sa akin.Kaya imbis na sabayan pa ang emosyon niya ay dahan-dahan na lang akong umupo sa tabi niya. Kinuha ko rin at hinawakan ang dalawang kamay niya tsaka ako huminga ng malalim bago ko sinimulang kausapin siya sa mababa at mahinahong tinig.“Jela, you have to understand that it is my job now. Parte na ito ng buhay ko. Tsaka hindi naman ibig sabihin na tinanggap kong hawakan ang kasong iyon ay hahayaan ko na lang ang sarili ko na mapahamak, eh. Tsaka hindi naman ako mag isa na lalaban doon. I have my workmates and the whole firm guiding me. Alam ko na sisiguruhin nila ang kaligtasan ko. They won’t let me down and they won’t let anything bad happen to me. Oka

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 9

    DAMIEN’S P.O.V“She really hates you, Kuya. I don’t know if I could do something to make her feel better towards you.”Hindi na ako nagtaka pa nang sabihin sa akin ni Jela ang mga katagang iyon.I am already expecting my Celestine to hate me to hell and back. Noong araw na magpasiya siyang umalis nang walang paalam, alam ko na agad na may mali. Alam ko na agad na may akala siyang may ginawa akong mali. Kahit wala naman talaga. And sadly, she did not give me a chance to explain my side. Kasi nga, umalis na siya. And up until now, hindi pa ulit ako nagkakaroon ng pagkakataon na harapin siya. Maliban sa mga ginagawa kong lihim na pagsunod sa kanya.“I already knew that, Jela. And I am not expecting you to do anything to make us better. Sapat na sa akin na nag-uupdate ka ng tungkol sa kanya. I’m fine as much as I know that she’s fine.” sinserong sabi ko.“Does that mean na sinusukuan mo na siya, Kuya? Ayaw mo na ba’ng maayos ‘yung relasyon niyo?”I let out a deep sigh, not sure what to sa

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 10

    CELESTINE'S P.O.VIn the following days, I worked hard to gather every piece of evidence while familiarizing myself with even the smallest detail of the crime.Ginagawa ko iyon hindi dahil nag aalangan pa ako o natatakot na baka matalo ang ipinaglalaban ko at ng mga naulilang kamag anak ng biktima. Because in fact, wala pa mang schedule ng hearing ay alam ko at sigurado na ako na sa amin papanig ang batas. Bakit hindi, eh, hawak na namin lahat halos ng ebidensya? Sa kumalat na video clip pa lang ay wala nang magagawa pa ang hayup na suspek na iyon para pagtakpan pa at i-deny ang mga krimen na ginawa niya. Plus, hindi lang naman ang pamilya ni Madel Duran ang nasa likuran ko sa labang ito. Majority of this country's population is with us, too. It's almost the citizen versus him. So, ano pang laban niya?Ang tanging dahilan lang kung bakit ko pa isinusubsob ang sarili ko sa kasong iyon ay dahil gusto ko lang masigurado na wala talagang lulusutan ang Gerald Montagle na iyon. I wanna make

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 11

    CELESTINE'S P.O.V"The hearing is about to start in a few minutes. Nakahanda ka na ba?"Diretsahan kong tiningnan si Attorney Toledo, hindi makapaniwala na sa akin niya talaga sinasabi ang tanong na iyon."Seriously, Attorney Toledo? Of all the lawyers you've worked with, talagang sa akin mo pa tinanong iyan." chill na saad ko sa kanya. Then I give him my sweetest yet the most mischievous and tricky smile I could give. "You don't have to worry about me. I've been working on this case for a long time now. Well, okay hindi nga ganoon kahaba ang oras ko para sa kasong ito. But rest assured that I did my very best for this. You know me, Atty. Toledo. You know how good I am in digging. Right?"Natapatawa na lang ang lalaking abogado tsaka napailing."Alam ko iyon at hanga ako sa credentials mo. Ang sa akin lang, hindi ko maiwasang hindi mag isip hindi rin biro ang makakabangga natin sa kasong ito. He's one of the most prominent and idolized actor in the showbiz industry. Isa pa, anak din s

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 12

    CELESTINE'S P.O.VWhen we reached home, I drove Tita Carmen and Jela away.Ngayon na nandito na ako sa sarili kong tahanan, sa safe space ko, alam ko na anumang oras mula ngayon ay bigla na lang akong magbre-breakdown. At ayaw ko na may sinumang makakita sa akin sa ganoong kalagayan. Kahit pa ang taong pinakamalapit sa akin. That's who I am. At hindi malabo na ganoon ang mangyari lalo na ngayon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina.Iyong mga nangyari kanina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi sink in sa akin.Hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat. Aminado ako na nagpaka chill lang ako sa paghawak sa kasong iyon. Pero kahit na ganoon ay ginawa ko pa rin naman lahat para masiguro na wala nang magiging lusot ang Gerald Montagle na iyon kahit pa tulungan pa siya ng ama niya. I made sure that all evidences are kept safe. Kaya paanong nangyari iyong kanina? 'Di bale sana kung na-reschedule lang ang trial sa susunod na linggo o kahit buwan pa. Pero hindi. The case has been di

Latest chapter

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   EPILOGO

    15 years later... "Grabe naman po pala iyong nangyari kila Mama at Papa. I still hope na sana, nawala lang sila. That they eventually survived the fall. 'Tapos may nakakita sa kanila at kumupkop. Then they'll come back for me. For us." Iyon na lang ang nasabi ni Chlyd Dale Nivera. Siya ang anak na naiwan nina Damien at Celestine. And after that accident, he was left with no one aside from her aunt, Jela; sa best friend ng mama niya na si CJ, sa best friend din ng ama niya na si Jeremiah, which eventually ended up as couple; at ni Tita Carmen na hanggang ngayon ay malakas na malakas pa rin kasama ang anak nitong si Jonas. Nasa sementeryo sila nang mga oras na iyon. They are celebrating both the fifteenth second wedding anniversary of the two and sadly, their fifteenth death anniversary. "Pero wala man sila sa tabi mo, lagi mo sanang aalalahanin kung gaano ka kamahal ng mama at papa mo. You are their first and last born. Wala kang kahati sa pagmamahal nila, Dale. They loved you with

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 68

    After 3 months... CELESTINE'S P.O.V Tatlong buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay halos hindi pa rin nagsi sink in sa akin ang lahat. Parang kailan lang, eighteen years old ako nang ikasal kay Damien. But then, we broke up--- no, I left. Iniwan ko siya nang dahil lang sa misunderstandings at pagkasobrang assuming ko. I assumed so much in the wrong way that I left him. Then I became a lawyer. Yeah, that pain from our pars played a vital role in giving me so much strength. I became well known and popular. Hanggang sa nadapa ako. And I met him again. Several things happened. Sobrang bilis na namalayan ko na lang na nahuhulog na ako sa kanya ulit. Then I learned I was pregnant. Damien pretended to be Elijah. He took care of me. Then eventually ay umamin din nang matapos akong manganak. We got married again just yesterday, and now we're up to his second condition--- ang umapila ulit sa korte para mabuksan ulit ang kaso ni Madel. And that's where we'll be resuming the story! Ng

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 67

    DAMIEN'S P.O.V I really don't have any idea whether what I was about to do is right. Or... not? Pero base sa mga naging usapan namin ni Celestine sa marami nang pagkakataon ay mukhang tama naman ang magiging desisyon ko. "What if... What if your husband comes back into your life again? Are you... willing to accept him?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga iyon. Bigla ko na lang iyong sinabi nang hindi na pinag iisipan. A part of me is thankful because finally, I was able to utter those words. But a part of me is also worried and regretful. Lalo na nang makita ko na tila natigilan si Celestine malamang ay dahil sa tanong ko na iyon. "I will be more than willing. Iyon ay kung... babalik pa talaga siya." Ako naman ang natigilan. Fck. Totoo ba lahat ng iyon na narinig ko? Hindi ba ako nagkamali lang ng dinig? Damn! Sa narinig kong sagot sa kanya ay nabuhayan ako ng loob. Doon ko na rin naisip na samantalahin ang pagkakataon na tanungin siya. And maybe, it is really high ti

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 66

    CELESTINE'S P.O.V It was already midnight when I felt something disturbing my stomach. Buong akala ko noong una ay gutom lang iyon. You know, the weird and usual pregnancy cravings. Kahit hirap na ay bumangon pa rin ako. I was planning to call Elijah so that I could be assisted with everything I have to do. But just as I was able to stood up, I froze. My water suddenly broke! Napasigaw na ako bunga ng gulat at pag alala. I even cried when I felt my baby getting quirky inside my tummy. I called for Elijah's name. "E-Elijah! C-Come here, p-please! M-Manganganak na yata a-ako... ah!" malakas na sigaw ko. It didn't last long and the door swung open. Then I saw him, Elijah, standing behind. Dali dali siyang lumapit sa akin at binuhat niya ako agad. Wala nang tanong tanong pa. "Come on! Relax! We'll be rushing to the hospital, okay?" anito. Sa kabila ng sakit ay tumango pa rin ako bilang sagot. He rushed downstairs carrying me. Then to the garage. Maingat niya akong inilapag sa

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 65

    Damien'S P. O. VI couldn't be mistaken. Alam ko at sigurado ako na si Celestine nga ang nakita ko kani-kanina lang.Pero paano? Magkaibang-magkaiba sila ng babaeng iyon. Sa pisikal na anyo pa lang ay ang laki na ng pagkakasalungat nila.All that Celestine has is natural beauty. Kumpara sa babaeng iyon na bagama't manipis ay may bahid pa rin naman ng makeup ang mukha. Even the way they dress is just… different. Isa pa, alam kong hindi kayang mabuhay ni Celestine na wala ang malaki niyang salamin sa mga mata. Unlike that woman I just bumped into earlier.I admit, that woman is gorgeous, yes. But I must admit, too, that I like Celestine's natural style that her.Kaya kahit gaano pa kalakas at ulit-ulit na sabihin sa akin ng utak ko na baka si Celestine nga ang nakita ko kanina, isinisigaw naman ng isa pang bahagi niyon na imposible talagang mangyari iyon.Idagdag pa kasi ang paraan ng pagsasalita ng babaeng iyon kanina na kahit nakakatawa ang accent nito ay hindi naman ganoon ang panana

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 64

    CELESTINE'S P. O. VNang halos dalawang oras na ang lumipas mula nang mag ikot-ikot ako dito sa park ay napagdesisyunan ko nang umuwi na lang.Ang boring din naman kasi kung mag-isa lang akong gagala-gala dito. Baka magmukha lang akong tanga at mapagtawanan pa ako.Kung sa Pinas ay sanay akong lumalakad mag-isa, dito ay hindi. Siguro, dahil nasanay ako na unang paglilibot ko pa lang dito ay kasama ko na sina CJ at Jeremiah— pero teka lang…Speaking of CJ and Jeremiah… sila ba ang dalawang iyon?!Napasinghap ako nang aksidente akong mapalingon sa pila ng bilihan ng ticket para sa mga gustong sumakay sa ferris-wheel. May dalawang tao kasi doon na magkasama, at kamukhang-kamukha talaga nina CJ at Jeremiah!Lalapitan ko sana sila para kumpirmahin kung sila nga ba ang mga kaibigan ko o kamukha lang, pero nagbago rin agad ang isip ko. Sa halip kasi na lapitan nga sila ay may naisip akong mas magandang ideya.Napangisi ako sa sarili ko dahil na rin sa mga pumapasok sa isip ko.Dahan-dahan ak

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 63

    Damien'S P. O. VFuck? Tama ba ang pagkakarinig ko sa mga sinabi ng lokong kakambal ko na ito? He is getting married?!Hindi ko naiwasan na mapamura dahil doon."It's not the perfect time to joke, dude. I istorbo mo ba ako para lang pag-trip-an? Oh, come on!” hindi pa rin makapaniwala na saad ko.Hindi siya kumibo at nanatili lang na walang imik."I wish so, too, that I was just joking. Kung pwede lang maging biro ang bagay na iyon, sana nga ay ganoon na lang iyon.” mayamaya ay seryoso niyang saad.And right now, I must say that all I am seeing in his face is sadness. And uncertainty."Ano ba kasing nangyari? And why aren't you not happy that you're going to be married? I'm sure, matagal mo nang pinapangarap na lumagay sa tahimik. Tama ba ako?” sabi ko ulit."Yeah. Kahit noong mga bata pa lang tayo, alam kong alam mo na na isa talaga sa mga pangarap ko pagtanda ang makasal at magkaroon ng sarili kong maayos na pamilya. But that isn't the case here, Damien. I dreamt of being married, y

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 62

    Jeremiah'S P. O. VAfter having a conversation with her, I immediately drive home to fetch CJ.Finally, umayon na sa akin ang pagkakataon.Hindi man planado at napaghandaan, at least, nangyari pa rin. And right now, I couldn't contain my happiness as I imagine what possible things can I do with her.Matagal- tagal ko na ring inaasam- asam na mangyari ito. And now, it is happening!Nang mapansin kong malapit na ako sa bahay ay inihinto ko na agad ang sasakyan ko. May kailangan lang akong ayusin.Tumapat ako sa salamin ng sasakyan ko para makita ang kabuuang ayos ng mukha ko. Baka kasi mamaya ay magulo pala ang buhok ko, o di kaya'y may malaking muta sa mga mata ko. Baka may bangas pa ako, at kung anu- ano pa. I want to make sure that I will look presentable to her, of course. I mean, oo nga at halos araw- araw naman na kaming nagkakausap at nakatira pa nga kami sa iisang bubong. But this time is different.I'll be having a sort of date with her. And that makes today extra different fro

  • Touch Me Not, Mr. Prosecutor   KABANATA 61

    TYLER'S P.O.VI couldn't contain my annoyance. Sa gitna kasi ng meeting ko ay bigla na lang tumawag si Georgina para lang sabihin na kailangan ko silang ilibre dahil may kailangan din daw kaming i- celebrate.I want to shout at her on the phone, but I didn't want it that much so. Dahil sa totoo ay gusto ko rin naman silang makita. Lalo na siya.Sinabi ko na lang na maghintay sila ng kahit isang oras dahil may kailangan pa akong tapusin. Buti na lang din at mahaba ang pasensiya ng kliyente ko na kausap ko ngayon. Dahil kung hindi ay mawawalan pa ako ng kliyente dahil lang sa pagtawag at pagpapalibre na iyon nina Georgina. Tss.Kaya pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko ay agad ko nang tinawagan ang babaeng iyon. Nakalimutan ko kasing itanong kung saan ko sila susunduin.Bukod pala sa panlilibre ko ay may iba pa akong pakay kaya mabilis akong pumayag sa gusto nilang dalawa. At iyon ay ang sermunan si Celestine.Yeah, I will be scolding her so badly! Kung bakit hindi na naman niya sinip

DMCA.com Protection Status