CELESTINE’S P.O.VSa kabila ng ginawang pagsalungat at pagsigaw sa akin ng kapatid ko ay hindi ko magawang magalit sa kanya. I know, kapakanan ko lang din ang iniisip niya. Na nagawa at nasabi niya lang ang mga bagay na iyon dahil nag aalala siya sa akin.But I have to show her and assure her na walang hindi magandang mangyayari sa akin.Kaya imbis na sabayan pa ang emosyon niya ay dahan-dahan na lang akong umupo sa tabi niya. Kinuha ko rin at hinawakan ang dalawang kamay niya tsaka ako huminga ng malalim bago ko sinimulang kausapin siya sa mababa at mahinahong tinig.“Jela, you have to understand that it is my job now. Parte na ito ng buhay ko. Tsaka hindi naman ibig sabihin na tinanggap kong hawakan ang kasong iyon ay hahayaan ko na lang ang sarili ko na mapahamak, eh. Tsaka hindi naman ako mag isa na lalaban doon. I have my workmates and the whole firm guiding me. Alam ko na sisiguruhin nila ang kaligtasan ko. They won’t let me down and they won’t let anything bad happen to me. Oka
DAMIEN’S P.O.V“She really hates you, Kuya. I don’t know if I could do something to make her feel better towards you.”Hindi na ako nagtaka pa nang sabihin sa akin ni Jela ang mga katagang iyon.I am already expecting my Celestine to hate me to hell and back. Noong araw na magpasiya siyang umalis nang walang paalam, alam ko na agad na may mali. Alam ko na agad na may akala siyang may ginawa akong mali. Kahit wala naman talaga. And sadly, she did not give me a chance to explain my side. Kasi nga, umalis na siya. And up until now, hindi pa ulit ako nagkakaroon ng pagkakataon na harapin siya. Maliban sa mga ginagawa kong lihim na pagsunod sa kanya.“I already knew that, Jela. And I am not expecting you to do anything to make us better. Sapat na sa akin na nag-uupdate ka ng tungkol sa kanya. I’m fine as much as I know that she’s fine.” sinserong sabi ko.“Does that mean na sinusukuan mo na siya, Kuya? Ayaw mo na ba’ng maayos ‘yung relasyon niyo?”I let out a deep sigh, not sure what to sa
CELESTINE'S P.O.VIn the following days, I worked hard to gather every piece of evidence while familiarizing myself with even the smallest detail of the crime.Ginagawa ko iyon hindi dahil nag aalangan pa ako o natatakot na baka matalo ang ipinaglalaban ko at ng mga naulilang kamag anak ng biktima. Because in fact, wala pa mang schedule ng hearing ay alam ko at sigurado na ako na sa amin papanig ang batas. Bakit hindi, eh, hawak na namin lahat halos ng ebidensya? Sa kumalat na video clip pa lang ay wala nang magagawa pa ang hayup na suspek na iyon para pagtakpan pa at i-deny ang mga krimen na ginawa niya. Plus, hindi lang naman ang pamilya ni Madel Duran ang nasa likuran ko sa labang ito. Majority of this country's population is with us, too. It's almost the citizen versus him. So, ano pang laban niya?Ang tanging dahilan lang kung bakit ko pa isinusubsob ang sarili ko sa kasong iyon ay dahil gusto ko lang masigurado na wala talagang lulusutan ang Gerald Montagle na iyon. I wanna make
CELESTINE'S P.O.V"The hearing is about to start in a few minutes. Nakahanda ka na ba?"Diretsahan kong tiningnan si Attorney Toledo, hindi makapaniwala na sa akin niya talaga sinasabi ang tanong na iyon."Seriously, Attorney Toledo? Of all the lawyers you've worked with, talagang sa akin mo pa tinanong iyan." chill na saad ko sa kanya. Then I give him my sweetest yet the most mischievous and tricky smile I could give. "You don't have to worry about me. I've been working on this case for a long time now. Well, okay hindi nga ganoon kahaba ang oras ko para sa kasong ito. But rest assured that I did my very best for this. You know me, Atty. Toledo. You know how good I am in digging. Right?"Natapatawa na lang ang lalaking abogado tsaka napailing."Alam ko iyon at hanga ako sa credentials mo. Ang sa akin lang, hindi ko maiwasang hindi mag isip hindi rin biro ang makakabangga natin sa kasong ito. He's one of the most prominent and idolized actor in the showbiz industry. Isa pa, anak din s
CELESTINE'S P.O.VWhen we reached home, I drove Tita Carmen and Jela away.Ngayon na nandito na ako sa sarili kong tahanan, sa safe space ko, alam ko na anumang oras mula ngayon ay bigla na lang akong magbre-breakdown. At ayaw ko na may sinumang makakita sa akin sa ganoong kalagayan. Kahit pa ang taong pinakamalapit sa akin. That's who I am. At hindi malabo na ganoon ang mangyari lalo na ngayon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina.Iyong mga nangyari kanina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi sink in sa akin.Hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat. Aminado ako na nagpaka chill lang ako sa paghawak sa kasong iyon. Pero kahit na ganoon ay ginawa ko pa rin naman lahat para masiguro na wala nang magiging lusot ang Gerald Montagle na iyon kahit pa tulungan pa siya ng ama niya. I made sure that all evidences are kept safe. Kaya paanong nangyari iyong kanina? 'Di bale sana kung na-reschedule lang ang trial sa susunod na linggo o kahit buwan pa. Pero hindi. The case has been di
DAMIEN'S P.O.VAs I was watching the news, my phone rang uncontrollably.Naiinis na tiningnan ko iyon at saka ako bahagyang napangiti nang makita kung sino ang caller. It was CJ. Yeah, she's the CJ whose best friends with Celestine. And once again yeah, she knows about my existence, too. Just like Jela.Agad kong sinagot ang tawag."Yes---?""Hello, Damien? Did you already see the news?" saad nito agad na tila nagmamadali.Wala man lang 'hello' o 'hi', ah?Napailing ako."Yeah. I've seen everything already." sabi ko.Hindi naman kasi mahirap tukuyin kung anong 'news' ang pino- point out niya. She's talking clearly about what happened to my dearly beloved wife. And her hearing that went 'flop' while being live on national television."I want you to say to me na wala kang kinalaman sa mga nangyari. You didn't do such stupidity, yes?" sabi ulit nito sa kabilang banda.Natawa ako."Me? The heck. Why would I do such thing? Oo, ayoko na pinasok ni Celestine ang mundo ng pag aabogado at gust
CELESTINE'S P.O.VI was in the middle of crying when suddenly, my doorbell rang.Kahit alam ko na kung sino ang siguradong nasa labas ng bahay ko ay bigla pa rin akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba. Hindi naman ako ganito dati kaya isang bagay lang ang sigurado ko--- isa iyon sa mga hindi magagandang epekto sa akin ng nangyari kanina.Gamit ang isang device na nagsisilbing parang remote control sa gate ng bahay ko ay pinagbuksan ko si CJ. Pero wala pang kalahating minuto ay isinara ko na rin ulit ang gate. Kasama kasi sa takot ko ngayon na humarap sa ibang tao ay ang pangamba ko rin na baka meron nang iilang mga tao o mga taga media ang nakapalibot sa bahay ko, nakahandang atakihin ako anumang oras nang dahil pa rin sa kontrobersyal na kaganapan sa naging hearing kanina. So, yeah. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hangga't maaari ay gusto ko na limitado lang ang mga taong may kakayahang makalapit at makipagsalamuha pa rin sa akin. And they are just CJ, Jela, and Tita Car
CELESTINE'S P.O.VLiving my life in these past few days just made me feel even more worthless.Halos dalawang linggo na ang nakalipas pero ang buhay ko matapos ang palpak na hearing na iyon ay ganoon pa rin. I'm still living in fear, in anxiety. Hindi nabawasan ang masaamang pakiramdam na iyon. Sa halip ay nadagdagan pa nga yata.I still don't allow anyone to come into my place. Sina CJ, Jela, at Tita Carmen pa rin ang tanging gusto kong makita at makakita sa akin. Hindi pa rin ako nakakahanap ng lakas ng loob na harapin ulit ang mundo sa labas. Maging ang social media ay hindi ko rin muna binibigyan ng pansin na masilip."So, ano? Hanggang kailan mo balak magkulong dito sa koral mo?" Buntung hininga na lang ang naging tugon ko sa bungad na iyon ni CJ sa akin.She decided to visit me again. It's already for the nth time since the very same day that flop hearing happened. Hindi ko nga alam kung bakit ba paulit ulit niya pa rin akong binibisita kahit na alam naman niyang mai stress lan