Serenity/Serin's POV
Welcome back U.P. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ngayon sa paaralang pinapasokan ko.Nandito ako ngayon sa harapan ng isa sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas, ang University of the Philippines dito sa Diliman, Quezon City sa Manila. I'm so blessed because I have full scholarship in this prestigious university. Sa dinami-dami nang nagnanais na makapag-aral dito, isa ako sa pinalad. I'm really thankful with God for this opportunity. Now I'm taking BS Architecture course. This is my mother's dream for me, and also my dream too.Someday I'll see myself as a licensed Architect and managing some of field projects from local government that I'm working for."Pero ngayon kailangan ko muna makapagtapos sa pag-aaral. Kaya dapat na 'kong magmadali dahil baka malate na 'ko." Bumalik ako sa reyalidad nang mapagtanto ko'ng nagde-daydream na naman ako. Hays, nagiging hobby ko na 'yan.Nagmamadali na ako sa paglalakad when I suddenly saw the girl that I missed these past few months. Tumakbo siya patungo sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit."Besh, namiss kita." Yakap-yakap pa rin niya ako nang sinasabi niya 'yon.Nang kumalas kami sa pagyayakapan. "Dalawang buwan lang tayong hindi nagkita ah. Akala mo naman sampung taon tayong nagkahiwalay." B'welta ko sa kanya. "But I missed you too besh. Ba't 'di ka na nagparamdam sa 'kin ha? No text, calls, o kahit chat sa F******k wala manlang. Magtatampo na nga sana ako sa 'yo kasi feel ko kinalimutan mo na 'ko." Nagsad face pa ako para mas feel naman ang pagdadrama ko.Si Phineloepy ang natatangi 'kong bestfriend dito sa Manila since nag-aral ako dito sa university. Medyo maliit ang height niya kaysa sa 'kin. Mapungay ang kanyang mga mata at maliit rin ang labi niya na hugis puso. Bilugan ang kanyang mukha pero maliit ito, tapos lampas balikat lang ang bouncy hair. Maganda rin ang hubog ng katawan niya at maputi ang balat. In short she's a pretty and cute at the same time. Kung lalaki nga siguro ako baka crush ko na siya, e. Kaso ipinanganak kaming parehas ang kasarian kaya 'di p'wede 'yun. Hindi kami itinadhanang maging lovers. Kadiri. Joke. Siguro destiny talaga kami ni besh as BFF. Best Friend Forever. Kahit ang totoo wala naman talagang forever. Duh.By the way. Nakilala ko siya dahil sa pinsan niya na schoolmate ko. After that we're very close now and our treatment to each other is like siblings."Eh. Sorry naman besh. Napakabusy ko lang talaga no'ng nakaraang buwan. Biglaan kasi ang pag-uwi namin sa probinsya dahil nagkasakit ang Lola ko. Tapos ayun." Naging malungkot ang kanyang mukha na kanina lang ay masaya no'ng magkita kami. "Wala na si lola besh. Sa sobrang katandaan niya siguro kaya hindi na nakayang pagalingin siya. Iniwan niya na kami." Maluha-luha na ang mata niyang nagkukwento."Sorry besh hindi ko naman alam. Condolence sa inyo besh." Niyakan ko siya'ng muli."Ayus lang besh. Tanggap na naman namin. Ang mahalaga hindi na ngayon nahihirapan si lola." Ngumiti si besh sa 'kin pero hindi pa rin mawala ang lungkot ka kanyang mga mata.I suddenly looked at my wrist watch when I realized that I'm getting late for my first subject this morning."Naku besh tara na muna. Mamaya na tayo magchikahan dahil baka malate na tayo sa klase." Dali-dali na kaming naglakad papunta sa kanya-kanya naming building.Pheney (her nickname) and I ain't schoolmates. Nursing ang course na kinuha niya. She's 4th year student right now. Mas ahead ako sa kanya nang one year."Sige besh dito na lang ako. Diyan na 'yung building ko, e. Baka gusto mo pa akong ihatid?" Natatawa niyang tanong sa 'kin"Okay. Kita na lang tayo mamaya."Pumunta na 'ko sa architecture building kung saan naroon ang room ko. Mabuti na lang hindi pa ako late kasi halos magkasabay lang kami ng teacher namin sa first subject.Pagkahanap ko sa upuan ko dumiretso na 'ko do'n at naupo. Sa bandang dulo ang upuan ko malapit sa bintana sa right part ng classroom namin."Psst." Si Luke.Nilingon ko kung sino 'yung nag 'psst' sa 'kin. Ito pa lang bayot na pinsan ni besh. Magkatapat lang kami ng upuan. Luke is the only guy (or should I say a Gay) na kaclose ko sa mga kaklase ko. At siya rin ang tinutukoy ko na dahilan kung ba't kami nagkakilala ni besh."Oy, 'musta?" I greeted him with smile."Ito cute pa rin. Ikaw ba?" With confident pero pabulong niyang sagot sa akin. Baka kasi mahuli kami ni teacher na nagchichismisan dito sa klase. Mabuti na lang nagsusulat siya ngayon sa white board."Ayus lang din naman ako. Nagkita nga pala kami ni besh kanina sa entrance nitong university." I replied."I see. Kaya pala muntik ka nang malate, e. Nakita mo na naman yung bruha na 'yon. Sina-""Good morning class. Welcome back. It's our first day. So I expecting that there's no absent for today." Naputol ang chikahan namin ni Luke nang mag-umpisa nang magsalita si Ms. Buena. Our youngest teacher here but one of the smart and strict teacher too."Oh, well. I think wala namang absent. That's great. Since you are graduating and this is your last year as an architect students it doesn't mean that you can be relax because it's your last year. In fact, this is the hardest part of being an architect students. Your school works, stuffs, and activities wouldn't be lessen. Unfortunately, you'll be having times two of school works than your last school year."Nakikinig lang kaming lahat kay Ms. Buena. Pansin ko sa iba kong mga kaklase na halatang nadismaya at nalungkot sila no'ng narinig nila ang sinabi ng teacher namin. Nag-expect siguro sila na papetiks-petiks na lang kami this year."By the way. Mr. Ramirez submitted his resignation files to Dean's office lately. He will go to America and continue his career there. So, magkakaroon kayo nang new teacher na papalit sa kanya to handle his subject. Maybe this week or next week pa siya magtuturo dito." Pagbabalita ni ma'am sa amin."Ok. Let's cut this conversation. Tama na muna ang chikahan. We have to start our class. Copy these before I'll discuss." Tinuro niya ang white board na sinulatan niya kanina.Ugali na talaga ni Ms. Buena na makipagkwentuhan muna bago magturo. Pero kahanga-hanga siya dahil she's one of the young architect teacher in this university. strict and dedicated siya pagdating sa kanyang trabaho. Sabi niya way niya daw ang konting pakikipagkwentuhan para iwas boring sa mga students niya which is effective naman sa 'min."Okay class, dismiss."Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Masyado kasi akong nag-enjoy at naging focus sa klase namin kaya hindi ko alam na hapon na pala. Kung 'di pa sinabi ng Prof. namin sa last subject na uwian na.After naming ayusin ang aming mga gamit, isa isa na kaming lumabas sa classroom."Serin, sabay na tayo." Habol-habol ako ni bekimon Luke."Sige. Baka kasi mamaya marape ka dyan sa daan." Pagbibiro ko sa kanya.Lumaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Magkasabay kami ngayon maglakad papalabas sa campus. "Ay, grabe. Kung mangyare man yun walang mawawala sa 'kin. Baka sa 'yo pa."Nilingon ko siya. "Subukan lang nila. Kita mo 'to?" Itinuro ko ang kamao ko. "Baka gusto nilang makaface to face itong kamao ko." Parehas kaming natawa sa sinabi ko."By the way. Nakuwento sa akin ni besh 'yung about sa Lola niyo. Nakikiramay ako." Pag-iiba ko ng usapan.Medyo naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya sana huminga ng malalim. "Yeah. Salamat sa pagdamay. Mamimiss namin si Lola." lang siya at binigayan nang makahulugang ngiti. Alam ko kasi ang pakiramadam ng taong nawalan ng mahal sa buhay. Kaya hindi ko alam kung paano ko sila icocomfort ngayon ni besh. Siguro ipaparamdam ko na lang na palagi akong nandito sa kanilang tabi upang damayan sila.Nang makalabas kami ni sa university nagpaalam na sa 'kin si Luke at nauna nang umuwi. Mga ilang minuto pa akong nag-abang taxi bago ako nakasakay pauwi sa bahay nila auntie.Walang tao sa bahay no'ng pumasok ako. Siguro busy pa si tita sa business niya kaya ginabi na naman siya. Si Insan naman ay working student like me kaya malamang dumiretso na iyon sa trabaho niya after sa school. Mabuti na lang may sari-sarili kaming duplicate keys ng pinto nitong bahay.Pagpasok ko sa kwarto ko nagbihis muna ako ng damit pambahay bago 'ko bumaba sa kusina para magluto ng hapunan. Habang nagpeprepare ako ng lulutuin ko nag-text ako kay besh.To Beshie ko: 'Besh, hindi ako makakapasok sa work ngayon ha? Kasi may tatapusin akong plates and assignments ngayon.'Nang maisend ko ang message ko ibinaba ko na sa table ang aking phone at nag-umpisa na akong magluto. Ilang minuto lang ang nakakalipas. Biglang nag-ring ang phone ko.Beshie ko' calling....Sinagot ko ang tawag ni besh."Hi?""Anong Hi?" pagtataka niyang tanong sa 'kin."Palagi na lang kasing 'HELLO' ang isinasagot sa tawag sa phone. Para maiba naman, 'Hi' ang sa 'kin." I explain to her."Ay, haha. Sira ka talaga. Anyway, busy ka na pala besh. Akala ko pa naman makakapasok ka ngayon. Pero okay lang, I understand. Sige ipagpapaalam na lang kita kay ate Susy.""Hindi ka pa nasanay. Alam mo naman na umaabsent talaga ako 'pag maraming school works.""Oo na. Sige tumawag lang ako kasi I want to hear your voice. Ayiiieee.. Ang sweet ko 'no? Haha. Oh, I need to hang up this call na besh. Work na 'ko. Bye. Love you. Ingat. Mwa!" Pasabihin niya iyong sabihin sa 'kin she ended the call."Tsh. Oa talaga. Hindi manlang ako hinintay makapag 'bye' sa kanya. Bruha talagang 'yon." Sabi ko habang nakatingin sa screen ng phone ko.Pero kahit ganyan ka-OA 'yang best friend ko, mahalaga sa 'kin ang bruha na 'yan. 'Di niya ako nakakalimutan kumustahin, at lagi siyang nandyan para damayan ako sa tuwing may problema at kailangan ko siya. I'm so thankful to have her.*'A friend loves at all times, and a brother is born for a time of adversity.Proverbs 17:17 NIV'*Serenity/Serin's POVThis is my second day of school. Compare kahapon mas maaga akong nagising ngayon upang makapag-prepare. Si insan naman hindi na daw makakasabay sa 'kin sa byahe every morning dahil nagbago na ang schedule niya sa school. Nadatnan niya pa kasi ako kagabi na naggagawa ng assignments kaya nakapagchikahan pa kami saglit at nabanggit niya 'yung about sa schedule nila."Insan alis na 'ko. Teka, nasa'n nga pala si tita?" Kabababa ko lang ngayon galing sa kwarto ko. Nagpaalam ako kay insan nang mapansin kong wala si tita. "Sige, ingat ka insan. Si mama, maaga siyang umalis para asikasuhin 'yung business namin." Sagot niya habang nakatingin sa cellphone."Ah. Okay. Sige. Mauna na 'ko." Huli kong sinabi bago ako lumabas sa bahay. Sinulyapan ako ni Bheka at tangging pagtango lang ang naitugon niya sa 'kin. Busy kasi sa pagseselpon ang bruha.Nandito ako ngayon nakasakay sa jeep patungo sa university. Habang nasa byahe isinalpak ko ang earphone sa tainga ko at ikinonek sa ak
Serenity/Serin's POV.Almost 4 hours bago ako nakarating sa bayan namin dito sa Batangas. Nagtungo na agad ako sa hospital na tinext sa 'kin ni kuya, doon daw nakaconfine si itay. Natanaw ko si kuya sa 'di kalayuan. Mukhang kagagaling niya lang sa labas."Kuya!" Tinawag ko siya kaya lumingo siya sa gawi ko."Oh. Nakarating ka na pala Serin? Mabuti hindi ka ginabi." Sabi niya nang makalapit ako sa kanya."Actually, inagaw ko na talaga ang manubela sa driver para ako na ang magmaneho. Kaya ayun pinalipad ko ang bus papunta dito." Pagbibiro ko. Panatag na kasi ako ngayon dahil no'ng nasa byahe ako nagtext si kuya na okay na raw ang pakiramdam ni itay pero kailangan pang imonitor ng doctor. Kaya nakakapag-joke na ako kahit papaano."Ah, talaga?" Hindi yata nagets ni kuya na nagjojoke lang ako kaya 'yon ang naisagot niya. Tss, kahit kailan walang sense of humor."Haha. Syempre joke lang 'yon, 'no. Ang slow mo talaga kuya. By the way, nasaan si 'tay?""Ay, joke pala iyon? Hindi mo kasi sina
Braiv's POV.After one week since I went back here in the Philippines ang dami na agad pinagbago dito sa pilipinas at ang dami rin nangyare sa akin. Most of those are embarrassing moment. Seems I like to go back to US and stay there again. Pero syempre hindi p'wede iyon dahil pinauwi na ako dito ni papa kasi kailangan niya daw ako for our businesses. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng bahay namin papunta sa office room ni papa after niya akong tawagan dahil may importante daw siyang sasabihin. Kumatok muna ako."Come in." Tugon ni dad na nasa loob ng office.Pagpasok dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa harapan ng table niya at naupo. Hindi pa rin niya ako nagawang tapunan nang tingin dahil abala siya sa mga paperworks niya. Nagcellphone na lang ako para hindi maboring. Pinapunta ako dito tapos hindi naman pala ako kakausapin. After few minutes sa wakas binasag niya na rin ang katahimikan. "Jexon, tomorrow I'll start to introduce you in our company and in our other
Serenity/Serin's POV.Kanina pa ako hindi mapakali after kong mag-cr. Hindi dahil natatae pa rin ako kundi dahil sa nakikita nang dalawang mga mata ko ngayon. Siya, sila pala ang may ari ng restaurant na pinagtatrabahohan ko? Actually wala namang problema sa akin kung sila ang amo namin. Kaso itong kumag na nakasagutan ko ang problema ko ngayon, e. Paano kung totohanin niya 'yung sinabi niya na pagbabayrin niya raw ako sa mga atraso ko sa kanya? Tsk, 'wag naman sana. Pero base sa titig niya sa 'kin ngayon at may pangisi-ngising aso pang nalalaman parang may hindi magandang binabalak ito, e. Hays, bahala na nga. Hindi naman siguro mangyayare ang mga iniisip ko ngayon. "Huy! Besh, baka malunod ka nyan. Sobrang lalim nang iniisip mo, ah. Naku ikaw din, hindi ka pa naman marunong maglangoy. Baka malunod ka. Haha." Kasalukuyan akong nag-iisip nang magsalita itong mahadera kong best friend. Tiningnan ko siya saka inirapan. "Ano 'yon joke? Tatawa na ba ako? Ang korni kasi." Pambabara ko s
Serenity/Serin's POV. "Tapos alam mo ba pinsan 'yang si besh at 'yung anak ng boss namin ay dalawang beses na pa lang nagkita bago pa mangyare 'yong kagabi. Matatawa ka kung nakita mo sila kagabi. Ito naman kasing si besh lumaban nang titigan. Lumabas ang pagiging suplada. Haha. Pero infairness nakakakilig kayong pagmasdan besh." natingin lang ako habang nagkukwento itong madaldal kong bestfriend sa pinsan niyang si Luke. Nandito kami ngayon sa isa sa canteen dito sa university. Breaktime kasi namin ngayon kaya napagdesisyonan naming isabay magmiryenda itong si besh. "Tsk. 'Yan ka na naman sa kilig kilig mo na 'yan. Kadiri. Tigilan mo nga 'ko besh. Lalo akong naiinis sa mokong na 'yon." pagsaway ko sa kanya. "Luh. Ang K.J. naman nito. Nag kuk'wento lang, e." umismid na lang ang babaeysot sa 'kin sabay kagat sa burger niyang kinakain. Napalingon naman ako kay Luke na ngayon ay seryosong seryoso na palang nakatingin sa akin. Weird lang ng bayot na ito kasi itong mga nakaraang araw
Srenity/Serin's POV. Mabilis lumipas ang isang lingo ng hindi ko namamalayan. Maybe dahil naging busy ako sa school ko at sa trabaho. Saturday ngayon kaya whole day ako sa work. Bago ako pumasok ngayon sa work naglaba muna ako kaninang five am. Nagluto na rin ako at kasalukuyang naghahayin ng kakainin namin ngayong umagahaan. Sinangag na kanin, pritong isdang tuyo, scrambled eggs at mainit na kapeng barako na nagmula pa sa bayan namin sa Batangas ang mga inihanda ko ngayon sa lamesa. "Wow! Iba talaga itong dalaga namin. Bukod sa maganda na masipag pa." Narinig ko na nagsalita si kuya sa likuran ko na ngayon ay kagigising lang. "Ayus. Tumigil ka nga kuya. Ang aga aga binubola mo na naman ako, e." hindi ko pagsang-ayon sa papuri niya sa'kin. "Hala. Sino namang nagsabi na binubola kita? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ka ba naniniwala sa pogi mong kuya?" pamimilit niya na paniwalaan ko ang sinabi niya. Nagsad face pa siya na tila bata. "Hhhmmmm.... Mukhang masarap itong mga niluto
Serenity/Serin's POV."Huy! Girl, tinatawag ka no'ng costumer, oh." natauhan nang tapikin ni Anna ang balikat ko sabay turo sa costumer na kanina pa pala ako tinatawag para umorder ng food."Ah—eh. Oo. Sorry, hindi ko kasi narinig." napapahiya kong tugon sa kanya. Kanina pa pala ako lutang sa kakaisip. Kainis kasi bakit ko ba iniisip 'yong mga"Sus. Hindi rinig? Baka lutang ka lang kamo kasi nakausap mo kanina 'yung boss natin na super pogi. Tapos kayo lang dalawa." tinitigan niya ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko."You're wrong. Never kong pag-aaksayahan ng nerve cells ko 'yong tao na 'yon para lang isipin." iniwan ko na siya at pumunta na ko do'n sa costumer na ooder after kong sabihin sa kanya 'yan. Ako kasi 'yung tipo ng tao na tipid magsalita 'pag hindi ko naman kaclose 'yung kausap ko.Naging abala na ako sa pagseserve ng mga pagkain sa costumers. Hapon na ngayon kaya nagpahinga muna kami ni ate Karla sa kitchen area. Madalas ganito ang ginagawa namin 'p
Phineloepy/Pheney's POV. Tanghali na ako na gising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko kagabi kakaiyak. Pagharap ko sa salamin namumugto na ang mga mata ko na parang na stung ng bubuyog. Yay! Instant chinita ang peg ko ngayon. Nakahiya tuloy lumabas sa boardinghouse. Sa boardinghouse kasi ako tumutuloy since ang parents ko ay nasa probinsya. Nando'n kasi ang lupang sinasaka ni tatay na ipinamana ng Lola at Lolo namin. Dito ako nag-aaral sa maynila dahil nakapasa ako sa board exam sa UP and I've got my scholarship. Buti na lang may kamag-anak ako rito. Si Luke ay second cousin ko. Kaya kahit papaano malayo man sila tatay at inay sa akin may malapit akong kamag-anak akong malapit dito na matatakbuhay ko sa oras ng pangangailangan. But I have also one person na laging nand'yan sa akin if I need someone tuwing may problema ako. 'Yan ay si Besh. Kahit hindi ko siya kamag-anak parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush nang may kumatok sa pinto ng
Serenity/Serin's POV."Thank you ulit sa paghatid sa'kin sa bahay namin." nasa labas na kami ngayon ng boardinghouse namin habang sinasamahan ko ngayon si Luke na pauwi na rin sa condo niya.It's a relief night to me and I know same also for Luke. Para akong naalisan ng isang sakong buhangin sa dibdib. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina habang nasa TLV restaurant pa ako. ~FLASHBACK"Sabi ko naman sa'yo sir ayaw kong magpahatid sa bahay. Kaya ko nang umiwi mag-isa. Bakit po ba ang kulit—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil noong lumingon ako sa likod ko ay ibang tao pala ang nagpapayong sa akin."Ahm. Oy—Hi—ikaw pala. So—sorry akala ko kasi si sir Braiv." Nauutal kong sabi kay Luke na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti at pinapayungan ako. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya nababasa na ako. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya kasi 'di ko naman inaasahan na nandito siya ngayon. "It's okay. Baka nagulat ko talaga ikaw.". tugon naman niya sa akin."
Serenity/Serin's POV.Today is Sunday. Maaga akong gumising ngayon kahit naging napuyat ako dahil tinapos ko ang mga assignments ko. Nagmamadali ako ngayong naghahanda para ayusin ang sarili ko sa pagpasok sa work. Isang lingo rin kasi akong hindi nagtrabaho para makapagfocus sa pag-aaral ko."Tay, aalis na po ako." lumapit ako kay itay para mag-mano at magpaalam. Nagkakape siya dito sa kusina. Sila kuya naman ay tulog pa."Oh. Ang aga mo naman anak?" nagtataka niyang tanong. "Oho 'tay. Kailangan ko pong habulin yung oras na hindi ako pumasok sa work. Sayang rin po kasi yung sasahudin ko." paliwanag ko sa kanya."Ah gano'n ba. Ohsige na. Lumakad ka na. Iingat ka ha." tugon siya saka muling humigop ng kape."Nga pala itay. Linggo ngayon hindi po ako makakasama sa pag-simba pero may dadaan po ako do'n ngayon. Mahaba pa naman po ang oras ko. Hindi ko na po kayo masasabayan kasi tulog pa po sila kuya at Sapphire." naalala ko na tuwing linggo sama-sama nga pala kaming mag'simb
Serenity/Serin's POV."Ikaw?!!" gulat kong tanong sa kaharap ko ngayon. Paano ba naman hindi ko inaasahan na siya pala ang bisita na sinasabi ni Saph. "Yes. Ako nga Ms bitter—Ms. Delpino." nakangisi niyang tugon sa akin."Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo? Saka kanino mo nalaman na dito ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong."Ehem." napalingon ako sa isang kaharap ko na nakalimutan kong kasama rin pala namin. Narito nga rin pala si itay. "Anak, bakit naman ganyan ka magtanong sa amo mo?" tanong niya sa akin."Ah--eh.... Hehe, nabigla laang ho ako itay. Pasensya na ho." palusot ko na lang na sagot sabay kamot sa ulo ko. Hays, bakit ba naman kasi nagpunta ang lalaking ito dito sa amin. Saka paano niya nalaman na dito kami natira."Naku, ikaw talaga anak. Magugulatin ka na pala ngayon. Ohsha maiwan ko muna kayo nitong boss mo. Sige hijo mag-usap muna kayo nitong dalaga ko." lumayo na siya sa pwesto namin habang nakangisi ng nakakaasar. Ewan ko ba pero yung gano'ng
Serenity/Serin's POV. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Luke wala naman akong napansin sa kanyang kakaiba, o baka manhid lang talaga ako. Kaya sa mga oras na ito ini-expect ko na naglakamali lang ako nang inaakala. "Uy, Serin." bati sa akin ni Luke. Pero bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. Huminga muna ako nang malalim sabay lagok kahit wala namang laman ang aking bibig. Hindi ko alam pero parang ayaw ko kasing kumpirmahin sa kanya ngayon na siya ba talaga iyon. "Luke," pagsisimula kong magsalita. Dalawa na lang kami ngayon dito sa room dahil wala na yung mga istudyante. Nanananghalian na sila sa labas. "Ikaw pala si Mr. Shy-type?" tanong ko sa kaniya. Iyon kasi ang codename niya sa mga love letters niyang iniiwan sa upuan ko. "A—ko nga."nauutal niyang sagot. "Pero bakit ikaw? Akala ko ba hindi ka—bakit nga ba hindi ko nahalata?" naguguluhan kong tanong. Relax Serin si Luke lang iyang kaharap mo, sabi ko sa isip ko. "You're right. Hindi nga ako b
Serenity/Serin's POV. Actually after noong party hindi na kami muling nag-usap o nagkita ng mokong na iyon. Mas pabor nga sa'kin kasi isang linggo ko siyang hindi nakikita. Walang nang-iinis sa akin. Hindi rin naman siya napapadpad dito sa 'TLV'. Kaya no'ng narinig ko ang sinabi ni besh na nanggaling sa lalaking iyon itong mga bagay sa harapan ko hindi ako makapaniwala. "Siguro ka na sa kanya nanggaling ito?" paninigurado ko. "Yep. I'm really really sure besh. Yiiiee... Nakakakilig ano?" umasta na naman siya na parang timang. Lagi siyang ganyan tuwing kinikilig. "Tsk. Tumigil ka nga besh. Ang sabihin mo nakakadiri. Hindi nakakakilig." naiinis talaga ako sa mga ganitong pakulo o yung sinasabi nilang cheesy moment. For me hindi siya effort kundi kacornyhan. "Nagkakamali ka lang siguro. Hindi ito nanggaling sa kanya." dugtong ko pa. Hindi pa rin talaga ako naniniwala na bigay ng Braiv na iyon ang mga ito. Saka wala namang dahilan para bigyan ng mga ganito. "Maniwala ka Seri
Serenity/Serin's POV. "Tapos napaiyak talaga ako doon sa last part besh. Mabuti na lang may dala akong panyo kasi kung wala tala—huy! Besh? Nakikinig ka ba sa kin? Tsk, tsk, tsk. 'Yan ka na naman eh. Lutang na naman ang bruhang ito. Ano bang iniisip mo ha? Kanina pa ako daldal nang daldalan dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa mga kinukwento ko. Tingnan mo 'yang kinakain mo nilalaro mo lang." sunod-sunod na dakdak at pagrereklamo ni Pheney sa akin dahil nahuli niya akong hindi naikinig sa kanina niya pang ikinukwentong istorya na pinanood nila kagabi sa sinehan. Narito kami ngayon ni Pheney sa isa sa canteen dito sa University at totoo na hindi ako nakikinig sa kinukwento niya kasi lutang pa ako dahil sa party kagabi. As in lutang ako ngayon at hindi maka-focus sa mga ginagawa dahil rin siguro sa puyat at sa mga kaganapan kagabi. ~FLASHBACK~ "Sorry nawala ako bigla. May important call kasi ako sa phone na kailangan sagutin. So I went somewhere' silent place." pagsasalita ng
Braiv's POV. Nagmamaneho na ako ngayon ng kotse ko papunta sa party ni Haidee. Ilang minuto na lang siguro bago kami makarating doon nitong katabi ko. Hindi ko nga alam kung may kasama ba talaga ako dito sa loob ng kotse dahil hindi manlang ako kinakausap ng babaeng ito. Kanina pa ako salita nang salita pero sinusulyapan niya lang ako saglit o 'di kaya minsan parang wala siyang naririnig. Wow ha, may instant deaf pala akong kasama ngayon. Siguro may bipolar disorder ang babaeng ito. Minsan kasi 'pag nagsusungit sa akin napakadaming sinasabi, tapos mayamaya bigla na lang hindi magsasalita at hindi namamansin. Hays, mga babae nga naman. Ang lalabo nila tapos pabagobago. Ang hirap nilang i-handle. "Akala ko talaga hindi mo ako sisiputin kanina." nilingon ko ulit siya sa tabi ko para tingnan kung tutugunin niya ba ang sinabi ko. Huminga muna siya nang malalim bago tumingin sa'kin. "Don't worry, marunong akong tumupad sa usapan dahil hindi ako taong paasa." pagkasabi niya no'n a
Serenity/Serin's POV. "So, kanino nga nanggaling ang mga 'yan?" "Oo nga ate. Kita mo 'to oh? Mukhang mamahalin. Ang gaganda oh. Pahiram ako neto, pwede?" Kinukulit ako ngayon nitong si Bheka at Sapphire kung saan ko daw nakuha itong mga daladala ko. After kasi ng mga pangyayare kanina inihatid na rin ako ni Braiv do'n sa mall kung saan niya ako sinundo. Nagbyahe na lang ako pauwi dito sa bahay. Kaya ito ako ngayon sa loob ng kwarto namin—este kwarto pala nila insan na temporary muna naming kwarto, kasama ko itong dalawang babaysot. "Ays, ang kukulit niyo. Sabi ko na ngang kakilala ko ang nagbigay nyan sa'kin. May nirecommend siya sa akin na sideline. Sayang naman 'yung kikitahin kaya tinanggap ko na. Total sagot na rin naman niya ang susuotin ko." mahaba kong paliwanag sa kanila. Hindi yata kasi nila ako tatantanan hanggang hindi ko sinasabi kung kanino galing ito mga pinamili ni Braiv. Ayoko rin naman sabihin sa kanila 'yung about sa kasunduan namin ni Braiv. Napatingin ako s
Serenity/Serin's POV. This is the day na magmimeet kami ni Braiv para pag-usapan yung pagpayag ko sa hinihingi niyang favor. Hindi ako masyadong nakatulog dahil pa rin sa kakaisip ko kung tama ba talaga ang desisyon kong gagawin. "Hays. Bahala na. Wala nang atrasan Serin. Hindi ka gano'ng tao, hindi ka madaling umurong sa laban. Saka lalong may isang salita ka. Kaya go na." nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa kwarto habang nagsasalita. Para tuloy akong baliw. "Ate? Sinong kausap mo?" "Ay! Palaka!" nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot itong Sapphire. "Palaka? Nasaan?" inilibot niya pa ang paningin niya sa kabuoan ng kwato. "Wala namang palaka dito sa loob ng kwarto ate ah. Pinagsasabi mo d'yan?" "Bigla bigla ka kasing sumusulpot. Kaya nagulat ako. Palaka tuloy ang nasabi ko." "Ay gano'n? Sorry naman. Narinig kasi kita nagsasalita. Kaya tinanong kita kung may kausap ka ba. Kasi mag isa ka lang naman dito sa kwarto." aniya at lumapit pa siya sa akin ngayon. "Ah-eh. Iy