Share

KABANATA 3.

last update Huling Na-update: 2023-04-12 21:59:14

Serenity/Serin's POV

This is my second day of school. Compare kahapon mas maaga akong nagising ngayon upang makapag-prepare. Si insan naman hindi na daw makakasabay sa 'kin sa byahe every morning dahil nagbago na ang schedule niya sa school. Nadatnan niya pa kasi ako kagabi na naggagawa ng assignments kaya nakapagchikahan pa kami saglit at nabanggit niya 'yung about sa schedule nila.

"Insan alis na 'ko. Teka, nasa'n nga pala si tita?" Kabababa ko lang ngayon galing sa kwarto ko. Nagpaalam ako kay insan nang mapansin kong wala si tita.

"Sige, ingat ka insan. Si mama, maaga siyang umalis para asikasuhin 'yung business namin." Sagot niya habang nakatingin sa cellphone.

"Ah. Okay. Sige. Mauna na 'ko." Huli kong sinabi bago ako lumabas sa bahay. Sinulyapan ako ni Bheka at tangging pagtango lang ang naitugon niya sa 'kin. Busy kasi sa pagseselpon ang bruha.

Nandito ako ngayon nakasakay sa jeep patungo sa university. Habang nasa byahe isinalpak ko ang earphone sa tainga ko at ikinonek sa aking keypa phone, then I dialed someone's number. 

Usually keypad phone talaga ang ginagamit kong cellphone lalo na 'pag nasa byahe or mataong lugar ako. I never use expensive gadgets because I don't have one. Haha. Mayro'n naman akong touch screen na phone, regalo pa 'yun ni Tita last year no'ng birthday ko. Ginagamit ko lang siya dito sa bahay or dinadala ko sa school kung kailangan talaga. Kaya iniingatan ko 'yun kasi hindi ko afford bumili ng mga gadgets.

Saka dito sa manila dapat maingat ka pagdating sa mga ganyang bagay, kasi maraming masasamang loob sa paligid na maaari kang dukutan. Pero hindi ko rin naman sila mamasisi dahil dala na rin siguro ng kahirapan kaya nila nagagawa iyon.

Ilang ring lang ang lumipas bago sinagot sa kabilang linya ang tawag ko. "Hello. Sino ga areh?"

"Tay si Serin ho ito. Kumusta kayo? Pasensya na ho at ngayon lang ulit ako nakatawag." Hindi siguro nabasa ni itay ang pangalan ko sa cellphone ni kuya. Tinawagan ko ngayon ang tatay ko sa probinsya. Ilang araw ko na rin kasi silang hindi natatawagan dahil busy ako. Na-miss ko ang boses ni itay lalo na ang punto niyang batangueño.

I heard his sigh before he answered my question. "Ayus naman kami anak dine. Si Kuya mo ay naroon sa bakuran, nagpapatuka laang sa mga alaga nating manok. Si bunso naman nasa eskwelahan, maayus naman ang pag-aaral niya. Ikaw ga d'yaan 'nak? Kumusta ka naman? Kayo kumusta ng tiyahin at pinsan mo?" Mahabang kwento sa 'kin ni itay.

"Maayus naman ho kami 'tay nila tita sa bahay. Narito na ho ako sa byahe papuntang university."

"Ah, gano'n ba. Sige anak. Basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo ha? Mag-ingat kayo lagi lalo na ikaw." 'Yan ang laging bilin sa akin ni itay.

"Opo. Ako pa? Baka nakakalimutan niyo anak yata ito ni Sergio Delpino? Mana kaya ako sa 'yo itay na palaban sa anumang hamon sa buhay." Pagmamalaki ko na sa kanya ako nagmana. Napansin ko na nakatingin sa akin ang mga pasahero dito sa jeep dahil umatake na naman ang pagiging OA ko. Wapakels.

"Diyan ka nagkakamali 'nak. Aba'y ang totoo sa iyong ina ka nagmana. Kuhang-kuha mo ang mga magagandang katangian niya, maging ang itsura ay nakuha mo. Manang-mana ka sadya sa kanya." Ipinipilit ni itay na kay inay talaga ako nagmana.

"Sus. Sabi ko na nga ba 'yan ang sasabihin niyo. Oh, sige na nga ho. Kay inay na ako nagmana. Ahm. Itay, tatapusin ko na muna ho itong tawag ko. Malapit na ho kasi ako sa school. Ingat ho kayo d'yan lagi. Ikumusto niyo na lang ho ako kay Kuya at bunso. Saka itay magpapadala ako ng pera bukas para sa allowance niyo. Tawagan ko na lang ho kayo pag-naihulog ko na" Nagpaalam muna ko kay itay dahil malapit na 'ko sa university.

"Sige anak. Ingat ka lagi. Saka anak minsan bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Bakit 'di mo ga subukan magpaligaw muli? Ala-eh nang may boyfriend ka naman na ipapakilala sa amin dine. Haha. Hindi 'yung puro kami na laang ang iniisip mo." May halong pang-aasar ngayon ang boses ni itay.

"Ay, itay naman. Alam niyo naman na wala akong panahon d'yan. Saka sakit lang sa ulo 'yang mga lalaki na iyan. Okay na akong ikaw at si kuya lang ang lalaki sa buhay ko. Kasi alam kong hinding-hindi niyo ako sasaktan." Pangangatuwiran ko sa kanya.

"Aysus. Oo na nga. Gusto laang naman kitang magkaroon ng inspirasyon, e. Hehehe. Oh, sige na't patayin mo na iyang selpon mo at ako ga ay may gagawin pa rin." Pagtatapos niya sa usapan namin.

"Opo. Bye." After no'n, in-end ko na ang call.

Napatingin naman ako sa kaharap kong pasahero. Isang lalaki at isang babae ito. 'Yung babae ay nakahilig sa balikat ng lalaki at tila nakaidlip dahil sa paghihintay sa byahe. Napansin kong sobrang maka-angkla ang braso ni girl doon sa boy, siguro magjowa sila. Ito naman si lalaki titig na titig sa 'kin

Ilang sandali lang bigla akong kinidatan nitong lalaki. Noong una akala ko napuwing lang siya, pero hindi pala kasi nasundan pa ito. Muli niya akong kinindatan ngayon, not just once but twice. Tapos ngumisi pa siya na parang nang-aakit. Is he trying to flirting me through that? Napataas tuloy ang kaliwa kong kilay hanggang bubong ng jeep. Charot. Basta nakataas ngayon ang kilay ko dahil sa magkahalong pagtataka at inis dito sa lalaking kaharap ko.

"Sinong bababa?" Naagaw lang ang atensyon ko nang magtanong ang driver. Nalahinto na ngayon itong jeep malapit sa university.

"Ako po. 'Eto po'ng bayad ko manong." Sabay abot ko sa pamasahe.

Pero bago ako tuluyan bumaba sa jeep muli ko munang nilingon 'yung lalaki na kanina tapos bigla kong niyapakan ang paa niya na kunwari hindi ko sinasad.

"Aray! Hooo!" Nang makababa ako sa jeep narinig ko pa siyang napasigaw sa sakit. Pero hindi na ako nag-abalang lingonin siya.

"Tsk, mga lalaki nga naman. Nakaidlip lang 'yung jowa saglit kung kanino na agad lumalandi. 'Di marunong makuntento. " Iyamot kong sabi kahit wala naman akong kausap ngayon.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa architecture building. Nang makapasok ako sa room namin marami na agad ang nadatnan kong kaklase. Natanaw ko si Luke na nakaupo na sa kanyang upuan habang nagbabasa ng libro. Genius talaga 'tong beki na ito. Dumiretso na rin ako sa upuan ko.

"Good morning baks (short for bakla)." Luke greeted me. 'Tong beki na ito ang daming tawag sa 'kin. Minsan girl, madalas mars, tapos ngayon baks naman. Hindi rin ito stick to one, e.

"Good morning beks." Binati ko rin siya.

Naupo na rin ako at gumaya kay Luke na ngayon ay nagbabasa na ulit. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na si Ms. Buena at nag-umpisa na kami sa first subject namin.

Mabilis lumipas ang oras. Dismissal na namin ngayon. Patungo naman ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho.

I'm a working student, since noong nag18 years old ako, nag-umpisa na akong maghanap ng trabaho. Ayaw ko naman kasing lagi na lang umasa sa mga padala ni itay na pera mula sa probinsya. Lalo na't alam ko namang kulang rin iyon sa pang-araw-araw nilang gastusin. Kaya hanggang kaya kong punan ang pangangailangan ko dito sa maynila gumagawa ako nang paraan.

Narito na ako ngayon sa 'The Lover V.' restaurant ang isa sa kilalang restaurant dito sa maynila, at dito ako nagtatrabaho. Halatang inlababo ang may-ari nitong restaurant noong ipinapatayo palang itong negosyo nila. Sa pangalan pa lang mukhang pumapag-ibig, e.

May dalawang palapag itong restaurant at nahahati sa tatlong bahagi ang interior designs nito. Una sa ground floor kung saan naroon ang modern design, magaganda ang mga kagamitan dito na parang nagmula pa sa iba't ibang bansa which is bumagay rin sa mga dishes ng iba't ibang bansa ang ihinahain nila rito. Pangalawa naman ay sa second floor, classic ang pagkakadesign nila dito at mga kilalang Filipino dishes naman ang nasa menu. At ang last is 'yung pangatlong bahagi na nasa second floor lang rin, this part is a romantic place kung saan puwede mong dalahin ang iyong kasintahan dahil sa nakaka-inlove na ambiance nito. Tahimik sa part na ito dahil may glasswall ito na sound proof kaya hindi mo maririnig ang mga ingay sa labas.

"Besh! Alaka ko hindi ka naduduty, e." Bungad sa akin ni besh habang naghuhugas siya ng plato. Narito kami ngayon sa likod na bagi nitong restaurant kung saan namamalagi ang mga staffs at chiefs.

"Nawalan na 'ko ng load, e. Kaya hindi ako nakapagtext." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah, see."

Hindi ko na siya tinugon ganito kasi kami sa work, puwede lang magchikahan 'pag break time. Nagtungo na lang ako sa mini dressing room nitong restaurant para makapagpalit ng uniform ko as a waitress. Almost one and half year na akong nagtatrabaho dito. Sa mga past na pinagtrabahuhan ko months lang ang itinatagal ko dahil sa end of contract, ngayon lang ako nagtagal.

Nag-umpisa na akong magtrabaho. Naka-assign ako ngayon sa second floor. Every week kasi sini-shift nila ang assign area namin. Dipende sa dami ng costumers. Per hour naman nila ibinabase ang sahod naming mga working students kasi hindi naman kami whole day sa work. Si Ms. Susy Alvares our manager ang nakakaalam kung ilang oras lang kami nagtrabaho everyday.

Mabilis lumipas ang oras. 10:00pm na ngayon 5hours lang ang duty namin. Sabay pa rin kaming umuwi ni besh besides same street lang naman ang kinaroroonan ng tinitirahan namin.

Naging gano'n ang routine ko sa loob ng isang linggo. After sa school deretso naman ako sa work. Nakapagpadala na rin ako ng pera noong nakaraan kina itay.

    __                       

Weekend ngayon at narito ako sa park nakatanaw sa view ng beautiful sunset. Malungkot kasi ako ngayon kaya gusto ko muna mapag-isa kaya hindi ko kasama si besh or si insan ngayon.

Hindi alam kung ilang oras na ako dito habang umiinom ng binili kong samalamig kanina sa isang street vendor. Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang biglang magring ang phone ko.

Kuya Simhon is calling...

Kaagad ko naman sayang sinagot. "Oh? Kuya kumusta?"

"Serin... S-si itay inataki sa puso. Narito kami ngayon sa ospithindi Sunod-sunod na sabi ni Kuya habang hinihingal at halatang hindi mapakali ang boses.

Nagulat ako sa narinig ko at nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Teka? Bakit? Anong nangyare?" Natataranta kong tanong kay kuya.

"Mahabang istorya, e. Hindi pa lumalabas ang doctor ngayon kaya hindi ko pa alam ang lagay ni itay. Tinawagan kita para malaman mo kaagad." Sagot ni Kuya.

"Kuya makinig ka, pupunta ako diyan ngayon. Itext mo na lang ako o tawagan habang nasa byahe para ibalita kung ano nang kalagayan ni itay." Pagkatapos kong sabihin iyon ibinaba ko na agad ang tawag ni kuya. Nagpalinga-linga ako para tanawin kung may masasakyan ba agad ako dito sa park. Sakto naman may taxi na dumadaan kaya tinawag ko agad.

Nang patakbo na ako patungo sa taxi hindi ko inaasahan na may mabubunggo akong lalaki at matatapunan ko ng samalamig na iniinom ko kanina.

"Oh! Shit." Pagmumura niya.

"Sorry, sorry. 'Di ko sinasadya. Hindi ka naman kasi tumitungin sa dinadaanan mo, e." Bwelta ko sa kanya.

"So, what do you mean? It's my fault? E, ika"

"Pasensya na nga po. Oh, ito ipunas mo diyan." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nagsalita ulit ako sabay abot ng panyo ko. Napatingin naman ako sa taxi na kanina pa pala nag-aabang sa 'kin 'yung driver kaya dali-dali akong pumunta doon para sumakay.

"Hey! Miss."Narinig ko pang tinawag ako no'ng mokong pero hindi ko na siya nilingon.

Kung kailan naman nagmamadali ako saka naman may asungot na sumulpot. Papunta ako ngayon sa terminal ng bus na patungong probinsya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan ako. Sana walang masamang mangyare kay itay. Sa sobrang taranta ko hindi ko na nagawang dumaan sa bahay para magpaalam kay tita, itetext ko na lang si insan mamaya. Buti na lang lagi kong daladala ang wallet ko saka mabuti rin at may savings pa 'ko para ipamasahe. Wala na rin akong pakialam ngayon kung gabihin man ako bago makarating sa probinsya, ang mahalaga makauwi ako.

Kaugnay na kabanata

  • Today Until Forever    KABANATA 4.

    Serenity/Serin's POV.Almost 4 hours bago ako nakarating sa bayan namin dito sa Batangas. Nagtungo na agad ako sa hospital na tinext sa 'kin ni kuya, doon daw nakaconfine si itay. Natanaw ko si kuya sa 'di kalayuan. Mukhang kagagaling niya lang sa labas."Kuya!" Tinawag ko siya kaya lumingo siya sa gawi ko."Oh. Nakarating ka na pala Serin? Mabuti hindi ka ginabi." Sabi niya nang makalapit ako sa kanya."Actually, inagaw ko na talaga ang manubela sa driver para ako na ang magmaneho. Kaya ayun pinalipad ko ang bus papunta dito." Pagbibiro ko. Panatag na kasi ako ngayon dahil no'ng nasa byahe ako nagtext si kuya na okay na raw ang pakiramdam ni itay pero kailangan pang imonitor ng doctor. Kaya nakakapag-joke na ako kahit papaano."Ah, talaga?" Hindi yata nagets ni kuya na nagjojoke lang ako kaya 'yon ang naisagot niya. Tss, kahit kailan walang sense of humor."Haha. Syempre joke lang 'yon, 'no. Ang slow mo talaga kuya. By the way, nasaan si 'tay?""Ay, joke pala iyon? Hindi mo kasi sina

    Huling Na-update : 2023-04-23
  • Today Until Forever    KABANATA 5.

    Braiv's POV.After one week since I went back here in the Philippines ang dami na agad pinagbago dito sa pilipinas at ang dami rin nangyare sa akin. Most of those are embarrassing moment. Seems I like to go back to US and stay there again. Pero syempre hindi p'wede iyon dahil pinauwi na ako dito ni papa kasi kailangan niya daw ako for our businesses. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng bahay namin papunta sa office room ni papa after niya akong tawagan dahil may importante daw siyang sasabihin. Kumatok muna ako."Come in." Tugon ni dad na nasa loob ng office.Pagpasok dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa harapan ng table niya at naupo. Hindi pa rin niya ako nagawang tapunan nang tingin dahil abala siya sa mga paperworks niya. Nagcellphone na lang ako para hindi maboring. Pinapunta ako dito tapos hindi naman pala ako kakausapin. After few minutes sa wakas binasag niya na rin ang katahimikan. "Jexon, tomorrow I'll start to introduce you in our company and in our other

    Huling Na-update : 2023-04-26
  • Today Until Forever    KABANATA 6.

    Serenity/Serin's POV.Kanina pa ako hindi mapakali after kong mag-cr. Hindi dahil natatae pa rin ako kundi dahil sa nakikita nang dalawang mga mata ko ngayon. Siya, sila pala ang may ari ng restaurant na pinagtatrabahohan ko? Actually wala namang problema sa akin kung sila ang amo namin. Kaso itong kumag na nakasagutan ko ang problema ko ngayon, e. Paano kung totohanin niya 'yung sinabi niya na pagbabayrin niya raw ako sa mga atraso ko sa kanya? Tsk, 'wag naman sana. Pero base sa titig niya sa 'kin ngayon at may pangisi-ngising aso pang nalalaman parang may hindi magandang binabalak ito, e. Hays, bahala na nga. Hindi naman siguro mangyayare ang mga iniisip ko ngayon. "Huy! Besh, baka malunod ka nyan. Sobrang lalim nang iniisip mo, ah. Naku ikaw din, hindi ka pa naman marunong maglangoy. Baka malunod ka. Haha." Kasalukuyan akong nag-iisip nang magsalita itong mahadera kong best friend. Tiningnan ko siya saka inirapan. "Ano 'yon joke? Tatawa na ba ako? Ang korni kasi." Pambabara ko s

    Huling Na-update : 2023-04-28
  • Today Until Forever    KABANATA 7.

    Serenity/Serin's POV. "Tapos alam mo ba pinsan 'yang si besh at 'yung anak ng boss namin ay dalawang beses na pa lang nagkita bago pa mangyare 'yong kagabi. Matatawa ka kung nakita mo sila kagabi. Ito naman kasing si besh lumaban nang titigan. Lumabas ang pagiging suplada. Haha. Pero infairness nakakakilig kayong pagmasdan besh." natingin lang ako habang nagkukwento itong madaldal kong bestfriend sa pinsan niyang si Luke. Nandito kami ngayon sa isa sa canteen dito sa university. Breaktime kasi namin ngayon kaya napagdesisyonan naming isabay magmiryenda itong si besh. "Tsk. 'Yan ka na naman sa kilig kilig mo na 'yan. Kadiri. Tigilan mo nga 'ko besh. Lalo akong naiinis sa mokong na 'yon." pagsaway ko sa kanya. "Luh. Ang K.J. naman nito. Nag kuk'wento lang, e." umismid na lang ang babaeysot sa 'kin sabay kagat sa burger niyang kinakain. Napalingon naman ako kay Luke na ngayon ay seryosong seryoso na palang nakatingin sa akin. Weird lang ng bayot na ito kasi itong mga nakaraang araw

    Huling Na-update : 2023-05-05
  • Today Until Forever    KABANATA 8.

    Srenity/Serin's POV. Mabilis lumipas ang isang lingo ng hindi ko namamalayan. Maybe dahil naging busy ako sa school ko at sa trabaho. Saturday ngayon kaya whole day ako sa work. Bago ako pumasok ngayon sa work naglaba muna ako kaninang five am. Nagluto na rin ako at kasalukuyang naghahayin ng kakainin namin ngayong umagahaan. Sinangag na kanin, pritong isdang tuyo, scrambled eggs at mainit na kapeng barako na nagmula pa sa bayan namin sa Batangas ang mga inihanda ko ngayon sa lamesa. "Wow! Iba talaga itong dalaga namin. Bukod sa maganda na masipag pa." Narinig ko na nagsalita si kuya sa likuran ko na ngayon ay kagigising lang. "Ayus. Tumigil ka nga kuya. Ang aga aga binubola mo na naman ako, e." hindi ko pagsang-ayon sa papuri niya sa'kin. "Hala. Sino namang nagsabi na binubola kita? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ka ba naniniwala sa pogi mong kuya?" pamimilit niya na paniwalaan ko ang sinabi niya. Nagsad face pa siya na tila bata. "Hhhmmmm.... Mukhang masarap itong mga niluto

    Huling Na-update : 2023-05-11
  • Today Until Forever    KABANATA 9.

    Serenity/Serin's POV."Huy! Girl, tinatawag ka no'ng costumer, oh." natauhan nang tapikin ni Anna ang balikat ko sabay turo sa costumer na kanina pa pala ako tinatawag para umorder ng food."Ah—eh. Oo. Sorry, hindi ko kasi narinig." napapahiya kong tugon sa kanya. Kanina pa pala ako lutang sa kakaisip. Kainis kasi bakit ko ba iniisip 'yong mga"Sus. Hindi rinig? Baka lutang ka lang kamo kasi nakausap mo kanina 'yung boss natin na super pogi. Tapos kayo lang dalawa." tinitigan niya ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko."You're wrong. Never kong pag-aaksayahan ng nerve cells ko 'yong tao na 'yon para lang isipin." iniwan ko na siya at pumunta na ko do'n sa costumer na ooder after kong sabihin sa kanya 'yan. Ako kasi 'yung tipo ng tao na tipid magsalita 'pag hindi ko naman kaclose 'yung kausap ko.Naging abala na ako sa pagseserve ng mga pagkain sa costumers. Hapon na ngayon kaya nagpahinga muna kami ni ate Karla sa kitchen area. Madalas ganito ang ginagawa namin 'p

    Huling Na-update : 2023-05-15
  • Today Until Forever    KABANATA 10.

    Phineloepy/Pheney's POV. Tanghali na ako na gising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko kagabi kakaiyak. Pagharap ko sa salamin namumugto na ang mga mata ko na parang na stung ng bubuyog. Yay! Instant chinita ang peg ko ngayon. Nakahiya tuloy lumabas sa boardinghouse. Sa boardinghouse kasi ako tumutuloy since ang parents ko ay nasa probinsya. Nando'n kasi ang lupang sinasaka ni tatay na ipinamana ng Lola at Lolo namin. Dito ako nag-aaral sa maynila dahil nakapasa ako sa board exam sa UP and I've got my scholarship. Buti na lang may kamag-anak ako rito. Si Luke ay second cousin ko. Kaya kahit papaano malayo man sila tatay at inay sa akin may malapit akong kamag-anak akong malapit dito na matatakbuhay ko sa oras ng pangangailangan. But I have also one person na laging nand'yan sa akin if I need someone tuwing may problema ako. 'Yan ay si Besh. Kahit hindi ko siya kamag-anak parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush nang may kumatok sa pinto ng

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Today Until Forever    KABANATA 11.

    Serenity/Serin's POV. Almost two weeks na simula no'ng natanggal ako sa trabaho at two weeks na rin akong naghahanap ng bagong trabaho pero ni isa walang tumanggap sa akin. Kung hindi 'unhiring' ang isinasagot nila sa akin minsan 'we'll call you'. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit gan'to? Parang ang malas ko yata ngayon? To be honest hindi naman talaga ako naniniwala sa swerte at malas kasi for me ang success ng isang tao ay nakakamit sa pagtatyaga at syempre sa pananampalataya niya sa Maykapal. Hindi d'yan sa mga swerte swerte chuchu na 'yan. Pero ngayon hindi ko talaga alam ang itatawag ko sa nangyayari sa akin. Should I call this bad luck? Kasi naman coincidence ba talaga na ni isa man lang sa ina-apply-yan ko ay walang tumanggap sa akin. Halos libutin ko na ang buong maynila para lang makahanap ng work. "Oh..." nagulat ako ng may iniabot sa akin si Luke na burger. Narito kasi kami ngayon sa classroom at break time namin. Yung iba kong classmates nasa canteen para bum

    Huling Na-update : 2023-05-17

Pinakabagong kabanata

  • Today Until Forever    KABANATA 21.

    Serenity/Serin's POV."Thank you ulit sa paghatid sa'kin sa bahay namin." nasa labas na kami ngayon ng boardinghouse namin habang sinasamahan ko ngayon si Luke na pauwi na rin sa condo niya.It's a relief night to me and I know same also for Luke. Para akong naalisan ng isang sakong buhangin sa dibdib. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina habang nasa TLV restaurant pa ako. ~FLASHBACK"Sabi ko naman sa'yo sir ayaw kong magpahatid sa bahay. Kaya ko nang umiwi mag-isa. Bakit po ba ang kulit—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil noong lumingon ako sa likod ko ay ibang tao pala ang nagpapayong sa akin."Ahm. Oy—Hi—ikaw pala. So—sorry akala ko kasi si sir Braiv." Nauutal kong sabi kay Luke na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti at pinapayungan ako. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya nababasa na ako. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya kasi 'di ko naman inaasahan na nandito siya ngayon. "It's okay. Baka nagulat ko talaga ikaw.". tugon naman niya sa akin."

  • Today Until Forever    KABANATA 20.

    Serenity/Serin's POV.Today is Sunday. Maaga akong gumising ngayon kahit naging napuyat ako dahil tinapos ko ang mga assignments ko. Nagmamadali ako ngayong naghahanda para ayusin ang sarili ko sa pagpasok sa work. Isang lingo rin kasi akong hindi nagtrabaho para makapagfocus sa pag-aaral ko."Tay, aalis na po ako." lumapit ako kay itay para mag-mano at magpaalam. Nagkakape siya dito sa kusina. Sila kuya naman ay tulog pa."Oh. Ang aga mo naman anak?" nagtataka niyang tanong. "Oho 'tay. Kailangan ko pong habulin yung oras na hindi ako pumasok sa work. Sayang rin po kasi yung sasahudin ko." paliwanag ko sa kanya."Ah gano'n ba. Ohsige na. Lumakad ka na. Iingat ka ha." tugon siya saka muling humigop ng kape."Nga pala itay. Linggo ngayon hindi po ako makakasama sa pag-simba pero may dadaan po ako do'n ngayon. Mahaba pa naman po ang oras ko. Hindi ko na po kayo masasabayan kasi tulog pa po sila kuya at Sapphire." naalala ko na tuwing linggo sama-sama nga pala kaming mag'simb

  • Today Until Forever    KABANATA 19.

    Serenity/Serin's POV."Ikaw?!!" gulat kong tanong sa kaharap ko ngayon. Paano ba naman hindi ko inaasahan na siya pala ang bisita na sinasabi ni Saph. "Yes. Ako nga Ms bitter—Ms. Delpino." nakangisi niyang tugon sa akin."Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo? Saka kanino mo nalaman na dito ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong."Ehem." napalingon ako sa isang kaharap ko na nakalimutan kong kasama rin pala namin. Narito nga rin pala si itay. "Anak, bakit naman ganyan ka magtanong sa amo mo?" tanong niya sa akin."Ah--eh.... Hehe, nabigla laang ho ako itay. Pasensya na ho." palusot ko na lang na sagot sabay kamot sa ulo ko. Hays, bakit ba naman kasi nagpunta ang lalaking ito dito sa amin. Saka paano niya nalaman na dito kami natira."Naku, ikaw talaga anak. Magugulatin ka na pala ngayon. Ohsha maiwan ko muna kayo nitong boss mo. Sige hijo mag-usap muna kayo nitong dalaga ko." lumayo na siya sa pwesto namin habang nakangisi ng nakakaasar. Ewan ko ba pero yung gano'ng

  • Today Until Forever    KABANATA 18.

    Serenity/Serin's POV. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Luke wala naman akong napansin sa kanyang kakaiba, o baka manhid lang talaga ako. Kaya sa mga oras na ito ini-expect ko na naglakamali lang ako nang inaakala. "Uy, Serin." bati sa akin ni Luke. Pero bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. Huminga muna ako nang malalim sabay lagok kahit wala namang laman ang aking bibig. Hindi ko alam pero parang ayaw ko kasing kumpirmahin sa kanya ngayon na siya ba talaga iyon. "Luke," pagsisimula kong magsalita. Dalawa na lang kami ngayon dito sa room dahil wala na yung mga istudyante. Nanananghalian na sila sa labas. "Ikaw pala si Mr. Shy-type?" tanong ko sa kaniya. Iyon kasi ang codename niya sa mga love letters niyang iniiwan sa upuan ko. "A—ko nga."nauutal niyang sagot. "Pero bakit ikaw? Akala ko ba hindi ka—bakit nga ba hindi ko nahalata?" naguguluhan kong tanong. Relax Serin si Luke lang iyang kaharap mo, sabi ko sa isip ko. "You're right. Hindi nga ako b

  • Today Until Forever    KABANATA 17.

    Serenity/Serin's POV. Actually after noong party hindi na kami muling nag-usap o nagkita ng mokong na iyon. Mas pabor nga sa'kin kasi isang linggo ko siyang hindi nakikita. Walang nang-iinis sa akin. Hindi rin naman siya napapadpad dito sa 'TLV'. Kaya no'ng narinig ko ang sinabi ni besh na nanggaling sa lalaking iyon itong mga bagay sa harapan ko hindi ako makapaniwala. "Siguro ka na sa kanya nanggaling ito?" paninigurado ko. "Yep. I'm really really sure besh. Yiiiee... Nakakakilig ano?" umasta na naman siya na parang timang. Lagi siyang ganyan tuwing kinikilig. "Tsk. Tumigil ka nga besh. Ang sabihin mo nakakadiri. Hindi nakakakilig." naiinis talaga ako sa mga ganitong pakulo o yung sinasabi nilang cheesy moment. For me hindi siya effort kundi kacornyhan. "Nagkakamali ka lang siguro. Hindi ito nanggaling sa kanya." dugtong ko pa. Hindi pa rin talaga ako naniniwala na bigay ng Braiv na iyon ang mga ito. Saka wala namang dahilan para bigyan ng mga ganito. "Maniwala ka Seri

  • Today Until Forever    KABANATA 16.

    Serenity/Serin's POV. "Tapos napaiyak talaga ako doon sa last part besh. Mabuti na lang may dala akong panyo kasi kung wala tala—huy! Besh? Nakikinig ka ba sa kin? Tsk, tsk, tsk. 'Yan ka na naman eh. Lutang na naman ang bruhang ito. Ano bang iniisip mo ha? Kanina pa ako daldal nang daldalan dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa mga kinukwento ko. Tingnan mo 'yang kinakain mo nilalaro mo lang." sunod-sunod na dakdak at pagrereklamo ni Pheney sa akin dahil nahuli niya akong hindi naikinig sa kanina niya pang ikinukwentong istorya na pinanood nila kagabi sa sinehan. Narito kami ngayon ni Pheney sa isa sa canteen dito sa University at totoo na hindi ako nakikinig sa kinukwento niya kasi lutang pa ako dahil sa party kagabi. As in lutang ako ngayon at hindi maka-focus sa mga ginagawa dahil rin siguro sa puyat at sa mga kaganapan kagabi. ~FLASHBACK~ "Sorry nawala ako bigla. May important call kasi ako sa phone na kailangan sagutin. So I went somewhere' silent place." pagsasalita ng

  • Today Until Forever    KABANATA 15.

    Braiv's POV. Nagmamaneho na ako ngayon ng kotse ko papunta sa party ni Haidee. Ilang minuto na lang siguro bago kami makarating doon nitong katabi ko. Hindi ko nga alam kung may kasama ba talaga ako dito sa loob ng kotse dahil hindi manlang ako kinakausap ng babaeng ito. Kanina pa ako salita nang salita pero sinusulyapan niya lang ako saglit o 'di kaya minsan parang wala siyang naririnig. Wow ha, may instant deaf pala akong kasama ngayon. Siguro may bipolar disorder ang babaeng ito. Minsan kasi 'pag nagsusungit sa akin napakadaming sinasabi, tapos mayamaya bigla na lang hindi magsasalita at hindi namamansin. Hays, mga babae nga naman. Ang lalabo nila tapos pabagobago. Ang hirap nilang i-handle. "Akala ko talaga hindi mo ako sisiputin kanina." nilingon ko ulit siya sa tabi ko para tingnan kung tutugunin niya ba ang sinabi ko. Huminga muna siya nang malalim bago tumingin sa'kin. "Don't worry, marunong akong tumupad sa usapan dahil hindi ako taong paasa." pagkasabi niya no'n a

  • Today Until Forever    KABANATA 14.

    Serenity/Serin's POV. "So, kanino nga nanggaling ang mga 'yan?" "Oo nga ate. Kita mo 'to oh? Mukhang mamahalin. Ang gaganda oh. Pahiram ako neto, pwede?" Kinukulit ako ngayon nitong si Bheka at Sapphire kung saan ko daw nakuha itong mga daladala ko. After kasi ng mga pangyayare kanina inihatid na rin ako ni Braiv do'n sa mall kung saan niya ako sinundo. Nagbyahe na lang ako pauwi dito sa bahay. Kaya ito ako ngayon sa loob ng kwarto namin—este kwarto pala nila insan na temporary muna naming kwarto, kasama ko itong dalawang babaysot. "Ays, ang kukulit niyo. Sabi ko na ngang kakilala ko ang nagbigay nyan sa'kin. May nirecommend siya sa akin na sideline. Sayang naman 'yung kikitahin kaya tinanggap ko na. Total sagot na rin naman niya ang susuotin ko." mahaba kong paliwanag sa kanila. Hindi yata kasi nila ako tatantanan hanggang hindi ko sinasabi kung kanino galing ito mga pinamili ni Braiv. Ayoko rin naman sabihin sa kanila 'yung about sa kasunduan namin ni Braiv. Napatingin ako s

  • Today Until Forever    KABANATA 13.

    Serenity/Serin's POV. This is the day na magmimeet kami ni Braiv para pag-usapan yung pagpayag ko sa hinihingi niyang favor. Hindi ako masyadong nakatulog dahil pa rin sa kakaisip ko kung tama ba talaga ang desisyon kong gagawin. "Hays. Bahala na. Wala nang atrasan Serin. Hindi ka gano'ng tao, hindi ka madaling umurong sa laban. Saka lalong may isang salita ka. Kaya go na." nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa kwarto habang nagsasalita. Para tuloy akong baliw. "Ate? Sinong kausap mo?" "Ay! Palaka!" nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot itong Sapphire. "Palaka? Nasaan?" inilibot niya pa ang paningin niya sa kabuoan ng kwato. "Wala namang palaka dito sa loob ng kwarto ate ah. Pinagsasabi mo d'yan?" "Bigla bigla ka kasing sumusulpot. Kaya nagulat ako. Palaka tuloy ang nasabi ko." "Ay gano'n? Sorry naman. Narinig kasi kita nagsasalita. Kaya tinanong kita kung may kausap ka ba. Kasi mag isa ka lang naman dito sa kwarto." aniya at lumapit pa siya sa akin ngayon. "Ah-eh. Iy

DMCA.com Protection Status