Pag-ibigC.A.E. Sandejas is calling…Natigilan si Enrique nang makita niya na mayroon siyang incoming video call sa kanyang laptop. Tumayo siya mula sa kanyang kama at tinungo ang study table kung saan nakapatong ang laptop.“Aba… aba… tignan mo nga naman, oh, akalain mong buhay ka pa pala,” pabirong bungad ni Enrique noong sagutin niya ang tawag.“I miss you too, E. Kumusta?”“Ito mas lalong gumagwapo.”“Ha! As conceited as ever, little brother.”Umupo si Enrique sa kanyang swievel chair para kausapin ang kapatid.“Napatawag ka yata ngayon. Anong meron?” tanong ni Enrique.“Wala naman, nangungumusta lang. Medyo busy lang ako nitong mga nakaraan kaya hindi ako nakatawag. Tinatawagan ko sina Mom pero hindi sumasagot. Kumusta sila?”“Ayun… naglalagablab pa rin ang init ng pagmamahalan.”Bahagyang natawa ang kausap ni Enrique. “Mabuti naman. Pero bakit ganyan nanaman ang tono mo? Hindi ka ba natutuwa? Mas gusto mo bang makita ‘yong mga action scenes nila noong mga bata pa tayo?”“Alin? ‘
“Nga pala. Nag-u-usap kami nina Tom kanina, ano raw ba ang term of endearment natin?” tanong ko kay Enrique.“Huh?”“Term of endearment. Nicknames. Alam mo ‘yon? Suggestion ni Tom para raw maging mas kapanipaniwala ‘tong acting natin, ano game?”Tumango lamang si E bilang pagsang-ayon. “Fine.”I thought of something. “Aaahhhmmm, how about Sugar?”Tila siya nasamid sa sohesyon ko.Over acting naman. “No. That’s too sweet!” mariing tutol niya.“Ano ka ba! Dapat naman talagang sweet, term of endearment nga, eh. Oh sige ito na lang, Honey?”Napailing siya.“Hindi, hindi ko gusto ‘yon. ‘Yon ang tawagan ng parents ko kapag nagkikipagsabayan sila sa mga sikat na love teams ngayon. Ayaw ko, na-i-imagine ko ang mga magulang ko na naglalandian sa harap ko.”“Ito naman, ano naman ang masama sa pagpapaka-sweet ng parents mo? Grabe ka.”“Lorryce, they’re too sweet. Wala naman akong problema kung langgamin sila sa sobrang sweetness pero sana naman hindi PDA. Parang teenagers.”“Kinikilabutan pa ri
I am enjoying the fresh October breeze while doing my drawing assignment here at the SPU picnic grounds. Tahimik ang picnic ground ngayon dahil karamihan ng mga students ay nasa class pa. Kaninang umaga pa tapos ang classes ko pero I decided to stay in school kasi wala rin naman akong gagawin sa bahay.Halos mapatalon na lamang ako noong magitla ako sa pagbulaga ni Enrique sa aking tabi.“Gggeeeezzz, can you please stop doing that, E? You are going to give me a heart attack!”Wala siyang naging sagot kung hindi ang kanyang malokong ngiti na pakiwari ko’y palaging panganib ang dala. Walang pasabi niyang inalis sa aking tainga ang earphone sa aking kaliwang tainga para ikabit sa tainga niya.Nakunot nga lang ang kanyang noo noong mapakinggan niya ang musikang napakinggan niya. Natawa ako sa kanyang reaksyon, para kasi siyang napa-isip ng sobrang lalim at wari bang kinikwestyon pa niya ang kanyang buong pagkatao.“What’s up, my fake boyfriend?” tanong ko sa kanya habang kinukuha ‘yong ea
Para lang kaming mga bata ni Enrique habang nag-e-enjoy sa mga circus shows dito sa rolling carnival kung san kami dinala ng nasakyan naming taxi. Sumuong rin kami sa iba’t-ibang mga rides mula carousel, bumpcars, horror train at kung ano-ano pa.“Alright. Halika, ferriswheel tayo.”Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong tumanggi sa pag-aya niya sa ferriswheel.Sa abot ng makakaya ko, ipinaliwanag ko sa kanya na natatakot ako sa matataas na lugar. Hindi man ako iyong tipo ng tao na hihimatayin kapag nasa mataas na lugar, may pakiramdam ako na mahuhulog ako. Hindi ko ma-iwasang isipin ang posibilidad na mahulog ako. Isa pa, natatakot ako na baka tumirik ang ferris wheel at hindi na kami makababa!Iyon nga lang, inatake ng pagiging sira ulo ang kasama ko. Halos ma-ubos ang braincells ko kakapaliwanag sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Paulit-ulit niya akong sinabihan ng ‘relax,’ ‘kalma,’ ‘everything’s going to be fine.’“Ano ka ba, Lorryce? Halika na. Ferris wheel lang iyan, ika
Ang buong klase namin ay naririto sa open ground para sa aming drawing class. Lahat kami, nakasalampak sa simento at kanya-kanyang pwesto para mag-drawing.Ang napakalawak na open ground ng SPU ay pinalilibutan ng limang buildings. Bawat isa sa class namin ay natokahan para mag-drawing ng isang particular na building. Natapat sa akin ang Joseph Griffiths building.Halos tanghaling tapat na kaya mataas ang araw. Mabuti na lang ay may mga malalaking tents dito sa open ground kaya hindi kami natosta ng mga kasama ko.None of us was prepared for this activity. Si Architect Eros Arellano ang drawing teacher namin. He is a really good teacher. Mahilig lang talaga siya sa mga surprise activity katulad nito.Marunong naman akong mag-drawing, pero technical kasi ang pag-da-drawing ng buildings lalo na’t arkitekto ang teacher ko. Architect Eros Arellano is very particular with lines and angles. Dahil nga surprise and activity na ito, wala sa amin ang nakapagdala ng ruler.Todo-todo ang concentr
LorryceMabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namamalayang halos nangalahati na ang semester. Natutuwa lang ako kasi unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit mahal na mahal ng mga magulang ko at ng mga kuya ko ang SPU. It is a really great place to be.Nag-e-enjoy ako sa lahat ng class na pinapasukan ko kasi ang gagaling ng mga teachers namin. Istrikto sila pagdating sa disiplina pero maruong silang makisimpatya at makipagsabayan sa mga estudyante. Siguro isa pang dahilan kung bakit ako nag-e-enjoy ay dahil gusto ko talaga ang ginagawa ko.The people in SPU are really cool. Aaminin kong, may mga iilan na alam kong hindi ko talaga makakasundo pero ano ba naman sila kumpara sa napakaraming Peterfolks na mas nagbibigay kulay sa buhay ko. Mayayaman ang karamihan ng mga nag-aaral dito pero hindi sila ‘yong mga tipong super taas na hindi mo ma-reach. Humility, respect, kindness and excellence ang core values ng SPU na ipinamamalas ng mga estudyante rito.Ilang buwang pa lamang ako r
EnriqueHanggang ngayon gumugulo pa rin sa utak ko ‘yong sinabi ni Doc. Michael sa school clinic kagabi.Si Lorryce, gustong-gusto ka siyang iwasan kasi hindi ko nagugustohan ‘yong ginagawa niya sa akin, para akong biglang nagkakasakit kapag nandiyan siya. Kapag wala naman siya parang mas magkakasakit ako.Ano ba ito? Kinakarma na yata ako dahil sa mga pinag-gagagawa ko noon.Hindi ako nakatulog kaya kahit alas sais pa lang ng umaga’y nagmaneho ako papunta kina Ate Althea. Halatang-halata ang pagkagulat sa mukha ni Ate Althea noong nakita niya ako sa bahay nila.“E, what are you doing here?” bungad sa akin ni Ate Althea pagkapasok ko pa lang sa main door ng bahay nila.“Ate, nandiyan ba si Tito?”Si Tito Alister Mondragon ang dad ni Ate Althea. Isa siya sa mga pinakamagagaling an cardiologists sa buong Asya. Sikat na sikat siya sa medical field at siya rin ang president ng Mondragon Medical, one of most celebrated hospitals in Asia. Hindi ko basta matatanggap ang diagnosis ni Doc. Mic
EnriqueNgayong break time ko, dito muna ako tumambay sa gym. Naisipan kong mag-shooting para kahit papaano, ma-relax naman ako. Hanggang ngayon kasi tensyonado pa rin ako. Nakita ko si Lorryce kanina pero iniwasan ko siya.Halos matawa ako sa sarili ko kasi para akong gago sa mga pinaggagagawa ko. Umiwas ako sa babaeng mahal ko.Naloko na! Torpe na yata talaga ako. Natigil lang ako noong nahagip ng mga mata ko si Mildred na pumasok sa gym at umupo sa bleachers katabi ng mga gamit ko.“Hi Enrique,” she greeted.Bahagya ko lang siyang nilingon.“Ui, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” halos walang gana kong sabi.“Wow, lagyan mo naman ng kaunting excitement ‘yang tono mo. Para namang hindi ka masayang makita ako. No Lorryce today?”Umakto na lang ako na parang wala akong narinig.This is awkward.“So, what brings you here?” I casually asked again.“Love.”“Mildred,” I exhaustedly said. Ayan nanaman siya.“Okay, okay fine. Sorry. Break na pala tayo— oooppsss, hindi nga pala naging tayo