"I fell in love with you."Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Para bang isang panaginip. Ang mga salita ay naririnig ko pa rin ngayon. Kahit ang pakiramdam na nakapaloob sa mga bisig ni Thauce ay parang kanina lang naganap."Mahal kita, Zehra Clarabelle."Malinaw sa aking isipan at wala akong ibang hinahangad na pagmamahal sa kaniya dahil nag-umpisa lang naman ang lahat sa isang kasunduan. Sino rin ba ang magmamahal sa isang katulad ko sa mundo ng mayayaman na katulad nila?Tinanggap ko na rin na pagkatapos ng aming usapan ni Thauce ay tahimik akong aalis at hindi magpapakita. Iyong malayong-malayo sa kaniya. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Seya at mamumuhay kami ng magkasama. Pero nagbago ang lahat ng plano ko, lahat ng nasa isipan ko dahil sa biglaang pagtatapat ni Thauce ng kaniyang pagmamahal kagabi sa akin.Napahinga ako ng malalim. Sunod-sunod sa aking isipan ang pagdaloy ng alaala kagabi. Umangat ang aking isang kamay at nailapat ko sa aking mga labi.Ila
"I don't think you understand how much I want your lips."Kapit na kapit ang mga kamay ko sa aking bestida na suot. Kumakabog rin ang dibdib ko nang ang isang kamay naman ni Thauce na nasa pisngi ko ay lumipat sa aking batok at hinapit pa ako palapit.Para akong nahipnotismo dahil hindi ko maialis ang tingin sa kaniya."Damn. I want to kiss you so hard.""Thauce..." napasinghap ako nang ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga labi sa isa't-isa. Otomatikong nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib dahil sa ginawa niya."Don't look at me like that, Zehra Clarabelle. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.""P-Paanong tingin? walang ibang kahulugan ang tingin--"Ang bilis ng desisyon niya!Pinatahimik ako kaagad nang mariin niyang sinakop ang mga labi ko. Nalamukos ko ang kaniyang damit nang kumilos ang mga labi niya at mapusok akong halikan."Damn your lips, baby. It was addicting."Muling niya akong siniil ng halik at sa pagkakataon na ito ay mas matagal kumpara sa kanina.
Magda-dalawang linggo na kami sa isla. Nakikisalamuha na rin si Thauce sa mga kaibigan niya kahit kasama ako ng mga ito. Pero palaging byernes santo ang mukha niya. Kasi ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Errol. Malapit pa rin kami nito sa isa't-isa at bilang walang magawa si Thauce ay sama na lang ng tingin at 'warning' ang lagi kong nakikita."Until when are we going to stay here? Until when am I going to watch you being taken care of by Errol? Na dapat ako ang nagaasikaso sa iyo at gumagawa ng mga bagay na iyon kasi ako ang manliligaw mo?"At iyon nga, ganoon pa rin kami na sobrang ikinaiinit ng ulo niya dahil nga sinabi ko na huwag muna namin ipahalata iyong 'panliligaw' niya."It's annoying."Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko ang pagkunot-kunot ng noo niya at pagsasalubong ng mga kilay. Tapos palagi siyang nakasuot ng sunglasses na tiyak kong itinatago lang niya ang masamang tingin.Akalain mo nga naman, 'no? Kung dati kasi ay palaging ako ang napapasunod niy ngayon ay
"Nawala na! ang bilis naman!"Pero, bakit ba ako nagtataka? sa tangkad niyang iyon at haba ng mga binti ay talagang sasaglitin lang niya ang resthouse. Ang lalaki pa ng hakbang niya! sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan itong si Thauce. Mas lalong naging moody.Akala ko ay okay na iyong usapan namin nitong nakaraan, tahimik naman siya oo at patingin-tingin. Nakasimangot madalas pero sa isip ko naman ay mahaba ang magiging pasensiya niya kasi sabi nga niya na maghihintay siya.Kampante ako tapos ngayon ay ito at may pa walk-out siya."I know what you are thinking, Zehra Clarabelle. You are afraid our friends will judge you because Errol is my cousin and I am courting you now–well, secretly. I understand that, but can we just tell them the truth? that I love you? and you don't like Errol and that he has no chance for you?"Si Thauce na ang gusto ay diretsahan. Walang lihiman ngunit wala rin siyang magawa dahil ito ang gusto ko at kailangan niyang sundin.Napailing ako habang nagmama
Pero iba ang nakikita ko sa kaniya sa mga naririnig kong sinasabi niya. Mukhang mapuputol na ang pasensiya niya anumang oras at nilalabanan lang niya iyon. Ikinukubli sa dahilan na magtitiis siya para sa akin."After confessing, I never thought it would be this hard. Kung iisipin ay mas tamang sa kaniya ka, hindi ba? dahil sa lahat ng mga sinabi at ginawa ko sa iyo, mas kapili-pili siya."Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga iyon kay Thauce. Ang lahat ng alaala simula noong limang taon na pagkikita namin. Ang galit sa mukha niya, ang mga matatalim na salita na natanggap ko, ang insulto sa pera. Lahat nang luha nang magsimula ang kasunduan.At kahit na ganoon, siya pa rin ang pinili ko. Siya ang mahal ko."Pero... hindi ako nagrereklamo. Hindi naman ako magrereklamo."Umangat ang mga kamay ko at hahawak na sana sa kaniyang mga braso nang mapatigil sa muli niyang pagsasalita."I am sorry. Am I making things hard for you, Zehra Clarabelle? Masyado ba akong demanding na m
Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na sagutin ko si Thauce at sa mga araw na iyon ay hindi naman na niya ako kinukulit na ipaalam sa mga kasama namin ang aming relasyon. Mukhang naintindihan na rin niya ako dahil nga sa sitwasyon namin at ni Errol. Pero, iyon ay may kapalit naman."Once we get back, you can't stop me from doing what I want to do to you."Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya."H-Ha?" iyon ang lumabas sa aking bibig kahit nagkaroon ako ng ideya kung ano ang kaniyang sinasabi.Tumaas ang sulok ng labi ni Thauce at lumapat ang kamay niya sa aking leeg, bumaba pa iyon hanggang sa aking braso at nang dumako sa aking tagiliran ay hinapit niya ako sa aking baywang."But I don't know if I can still bear it."Napangiti ako nang maalala iyon, pinaypayan ko rin ang aking sarili nang makaramdam ng pag-iinit ng aking mukha. Hay, Zehra, ang rupok mo naman. Sa tingin ko ay makakatiis naman si Thauce, kasi sumusunod naman rin siya sa mga sinasabi ko pero ipinilit niya iyong pa
Akala mo sa mga halik niya ay ang tagal namin na hindi nagkita. Akala mo ba sa pagkilos ng mga labi niya at sa paghapit sa akin ay hindi kami kagabi nagtagpo. Napangiti na lang ako at pinagbigyan siya sa halik na gusto niya.Ipinikit ko ang aking mga mata at ikinapit ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok at gumanti sa bawat pagkilos ng kaniyang mga labi sa akin. Sinubukan kong sabayan at gayahin ang ginagawa niya pero nahuhuli ako dahil sa gigil na nararamdaman ko kay Thauce. Nadadala akong lalo sa mainit na halik niya sa akin at nang maglakad siya ay napasunod naman ako."Hmm..."Naupo siya sa gilid ng kama at doon na naghiwalay ang aming mga labi. Nakayuko ako ngayon sa kaniya habang siya ay nakatingala sa akin. Nang makita ko ang mas namulang mga labi ni Thauce ay napalunok ako. Muntik pa akong mawalan ng balanse nang bigla ay hapitin niya ako sa aking baywang. Mabuti na lang at naitukod ko ang aking isang tuhod sa kaniyang gilid."Thauce, hindi ako pwedeng magtagal dito," sabi
"I noticed that you're always on your phone, Zehra."Bahagya kong ikinagulat nang marinig ang boses na iyon ni Errol sa likod ko. Hindi ko namalayan iyong pagbukas ng pinto at pagpasok niya sa silid namin! Mabilis ko na itinago ang cellphone na aking hawak sa bulsa ng suot kong jacket nang maglakad siya palapit sa akin. Katext ko pa naman si Thauce, sinabi niya na kagigising lang niya at palabas na ng silid. Tinatanong ako kung anong oras ako bababa para mag-almusal.Hindi pa naman ako nakakasagot!"Oh? I am sorry, nagulat ata kita.""A-Ahmm... hindi naman," nakangiti siya sa akin pero ang ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.Napatingin ako sa hawak niyang tasa, umuusok pa ang laman non.Nang umalis siya kanina at magpaalam ay akala ko magtatagal siya sa kusina. Simula kasi nang dumating kami dito sa resthouse sa tuwing gigising siya ay alam ko na kung saan ang diretso niya. Sa kusina para magtimpla ng kape, nakikita ko pa siya minsan na kausap ang mga kaibigan
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan