"Arzen, bro, I'm serious. I need the report--""I will be the one who will check on her condition, Ariq."I sipped on my wine and I looked around my place. Naglakad ako habang hawak ang kopita.Hindi ko dapat makalimutan kung bakit ko ito ginagawa."Ariq can save her, may tiwala ako sa kapatid mo, Arzen. Nakakaawa. Gusto ko na rin na gumaling si Seya. Sana ay makaligtas siya sa sakit na ito. Naaawa na ako sa kanila lalong-lalo na kay Zehra."Iyon ang mga salita na sinabi sa akin ni Lianna.Wala pang ilang buwan nang bumalik siya ay napakarami nang nangyari. My plan of taking her to good places was ruined because the moment she stepped her foot in the Philippines she looked for Errol.Napaismid ako at umiling.She still love Errol until now. Si Errol pa rin kahit matagal na silang naghiwalay.Narinig ko ang malalim na paghinga ng aking kapatid sa kabilang linya."Arzen, you can't. Ito ngang pag-o-opera mo kay Seya ay lulusutan ko na lang. You don't have your license. You are not a docto
Zehra Clarabelle Mineses"Zehra..."Unti-unti kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Lianna. Naramdaman ko rin ang mahigpit na kapit sa aking kamay.Ano ang nangyari?Nakita ko si Lianna sa aking gilid, pati na si Errol na siyang may hawak sa akin. Nang dahan-dahan akong bumangon ay inalalayan niya ako at pumunta siya sa likuran ko. Kanina lang ay binabantayan ko si Seya. Hinihintay ko na makatulog siya. Iyon ang mga huling ala-ala ko."Si Seya..." sabi ko habang hawak ang aking ulo."Ayos lang siya, Zehra, nag-aalala siya sa 'yo. Siya ang tumawag sa amin dahil nga nawalan ka raw ng malay," lumingon si Lianna sa kinahihigaan ng kapatid ko. Napatingin ako doon at nakita ko ang malungkot na mukha ni Seya.Kaagad akong napatayo."Ate...""Dahan-dahan lang, Zehra! ang baba ng dugo mo, matinding pagod na ang nararamdaman mo sa katawan mo kaya bumigay ka na naman kanina," sabi sa akin ni Lianna.Inalalayan niya ako at lumapit kaming dalawa sa kama ng kapatid ko. Si Errol
Hindi na naging mahaba pa ang tulog ko dahil alas tres ay umuwi na rin muna si Errol at Lianna. Wala na sila talagang balak umalis ngunit pansin na pansin ko na rin ang pagod sa kanilang mga mukha kaya nagpumilit na ako. Nang sabihin sa akin ni Lianna na maaga na lang rin silang babalik ay um-oo ako para wala nang pilitan pa na mangyari.Ngayon ay nag-aayos ako ng mga gamit sa loob ng silid ni Seya. Alas sais na ng umaga at tulog pa rin ang kapatid ko. Napangiti ako. Mainam ito dahil kaninang madaling araw ay gising pa siya at hinihintay ang paggising ko.Ang sabi ay maaga daw darating ang doktor na titingin kay Seya. Si Thauce kaya 'yon?P-Pero ang sabi ni Lianna kagabi ay hindi tama ang ginawa ni Thauce, hindi siya doktor dito sa ospital kaya siguro ay iba ang darating upang tingnan ang kalagayan ni Seya. Baka iyong si Dr. Alvaro o hindi kaya ay ang kapatid niyang is Dr. Ariq."Ate..."Nang marinig ko ang boses ni Seya ay napalingon akong kaagad. Ibinaba ko ang damit na hawak ko at
Nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kapatid ni Thauce na chinecheck ngayon si Seya. May kasama na itong dalawang nurse ngayon sa loob. Nakikinig lang ako sa usapan nila at hindi ko masundan kapag may mga binabanggit silang mga salita tungkol sa medisina.Nasa sampung minuto na silang narito sa silid. Isa sa mga napansin ko kay Dr. Ariq ay iba ang aura niya kumpara kay Thauce. Palangiti ang doktor na nasa aking harapan. Mabiro rin ito at malambing ang boses.Si Thauce rin kaya noon? paano niya kaya kinakausap noon ang mga pasyente niya? Ganito rin kaya? Ngumingiti siya?Ay! ano ka ba, Zehra! pati ba naman iyon ay gusto mong malaman? Pati boses ay gusto mo marinig?!"Arzen requested for a private nurse?" tanong nito sa dalawang kasama."Yes po, Doc."Hindi ko inasahan nang lingunin ako ni Dr. Ariq. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Nanghaba rin ang nguso niya."My stubborn brother," ang sabi nito habang umiiling.Alam niya na si Thauce ang nag-opera. Nakaramdam ako tuloy ng kaba
Tumikhim ako at kabadong pinihit ang pinto ng banyo. Nakayuko ako nang maglakad palabas. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko naririnig ang boses ni Seya, tahimik na tahimik rin sa silid kaya nag-angat ako ng aking tingin."She fell asleep after I injected her medicine."Iyon ang sinabi ni Thauce sa akin nang mapadako ang tingin ko sa aking kapatid na natutulog na nga. Hawak-hawak ko ng mahigpit ang tuwalya nang lumapit ako sa kaniya. Hindi ko siya matingnan dahil sa hiya na nararamdaman ko. Paano ba naman kasi? walang pasabi na pupunta siya dito at ang akala ko ay tapos na ang pagtingin ng doktor kay Seya.Hindi ko alam na pupunta rin pala siya at... hindi bilang si Thauce na CEO kung hindi bilang si Dr. Arzen."Sa..." gumilid ang paningin ko sa kaniya, iniiwasan na magtama ang aming mga mata. Naka pang doktor na kasuotan siya ngayon. Ibang-iba ang itsura niya. Mas... bagay ito sa kaniya."S-Salamat..."Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi a
"Really?! then, that's great! I didn't expect that Arzen would go this far. Nakakatuwa naman rin dahil talagang may malasakit siya kay Seya. He's like this before sa mga pasyente niya. Nakaka-miss ang pagiging doctor niya talaga."Alas siyete na ng gabi at ngayon lang rin bumalik sila Lianna at Errol.Kumakain ako ngayon at kasabay ko silang dalawa. Ikinwento ko sa kanila iyong napag-usapan namin kaninang umaga nila Thauce at ni Dr. Ariq. Napatingin ako sa aking kapatid. Tulog na naman si Seya dahil sa ininject na gamot dito ng dalawang nurse kanina. Dumating rin iyong nurse na sinabi ni Thauce na mag-aassist sa akin para sa general check up."He's doing alot for you, Zehra. Now, he will send Seya to Australia. At ginagawa niya ito para tulungan ka lang?"Sabay kaming napatingin ni Lianna kay Errol nang magsalita ito. Uminom spa ito ng tubig at pagkatapos ay iniligpit ang pinagkainan. Tumayo rin ito upang dalhin iyon sa lababo sa gilid."H-Hindi naman para sa akin, Errol, para kay Sey
Hindi ako umalis sa tabi ni Seya habang ine-examine pa rin siya sa Martini's hospital pagkatapos ng operasyon. Ang mga araw ay mabilis na lumipas at isang linggo na lang ay ita-transfer na si Seya sa Australia para doon ituloy ang gamutan at para masigurado na wala na ang cancer sa kaniyang katawan."Ate, nakakakaban at natatakot rin ako kasi wala ka doon. Ang layo ng Australia. Mabuti sana kung makakasama kita, ate."Katatapos lang paliguan ng nurse si Seya. Ito at sinusuklay ko naman ng dahan-dahan ang kaniyang buhok. Nang mapatingin ako sa nurse sa gilid ay ngumiti ako dito at gumanti rin naman ito ng ngiti sa akin.Siya si Hermi. Tatlumpu at tatlong taong gulang. Isa siya sa mga makakasama ni Seya sa Australia."Huwag kang mag-alala, Seya, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng mga araw, kita mo bukas ay uuwi na tayo ulit," sabi ni Hermi nang lumapit ito at hinimas sa braso ang aking kapatid."Naku, Ate Hermi, hindi pa nga tayo nakakaalis!"Sabay-sabay kami na napatawa dahil sa sina
Araw na ng pag-alis ni Seya. Pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina ni Thauce ay ipinangako ko sa sarili ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kalilimutan ko na. Mas pinaintindi ng halik na aking nakita kung ano ang papel ko sa buhay niya... sa buhay nila."Ate..."Hinimas ko ang pisngi ni Seya. Nakahanda na ang lahat, kumpleto na ang mga gamit niya at narito na rin kami sa airport. Kasama ko si Errol at si... Lianna. Napatingin ako sa kaniya. Napakaganda niya sa suot na white dress. Bigla ay natingnan ko ang aking sarili. Nakapulang blouse at pantalon. Ibang-iba talaga kami. Magkalayong-magkalayo."Siguradong magaling na magaling ka na pag bumalik ka dito sa Pilipinas, Seya," sabi ni Lianna sa kapatid ko."Mabilis lang ang dalawang taon, Seya, huwag ka rin mag-alala dahil hindi namin pababayaan ang ate mo, ha?" si Errol na lumapit sa amin at hinawakan ako sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid.Nang dumating si Thauce at magkatinginan kami ay
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan