“BOSS, hinahanap mo daw ako?”
Napatingin si Edward sa nagsalita at agad itong tumayo na mayroong seryosong muka at naglakad papunta sa gawi niya. Nagtaka ang lalaki dahil doon at nagulat siya ng bigla siyang sinapak ng kaniyang amo.
“B-Boss! Bakit?! Anong nagawa kong mali?!”
Sabi nito habang nakaupo sa sahig dahil bumagsak siya mula sa pagkakasapak nito sa kaniya.
“Anong nagawa?! Kumikilos ka ng hindi ko alam! Isang pagkakamali mo lang Leo tapos ang lahat ng pinaghirapan natin!”
Natigilan si Leo dahil sa sinabi ng amo at agad na tumayo kahit pa na pumutok ang kaniyang gilid ng labi.
“Sinabi ko ho sa anak niyo Boss!”
Sabi niya at tinuro si Hoven na walang expression ang muka.
“Alam ko, at sinabi niya saakin! Kung hindi ka pa niya inabutan ay malamang nagsumbong na si Sabrina gayong nasa harapan niyo ay isang Devaux!”
Natigilan ang lalaki dahil doon.
&ldquo
Napaayos si Sabrina dahil sa sinabi ng asawa at nakaramdam na siya ng kaginhawaan mula sa kaniyang likuran. “S-Salamat,” nahihiya niyang sabi habang papa-upo ng maayos. “Sino ang may gawa sayo niyan?” seryosong tanong ni Aiden habang inaayos ang first aid kit at ibinabalik sa lalagyana ng ginamit niya. Hndi nakasagot si Sabrina at lalo ng wala siyang balak na sagutin ang tanong na iyon kaya napatingin sa kaniya si Aiden. “Wife I’m asking you, saan nanggaling ang hiwa mon a ‘yan?” “W-Wala, ako ang may kagagawa. Nasabit ako sa isang matulis na bagay nang papunta ako dito kaya ayon,” mahinang sabi ni Sabrina at mabuti nalamang at dalawa lang sila doon dahil kung hindi ay walang makakarinig sa kaniya. “Wag mo akong gawing tang* wife, sabihin mo na saakin ang totoo,” ‘Pero hindi mo pwedeng malaman ang totoo,’ pipeng sabi ni Sabrina sa kaniyang isip. Hindi niya iyon pwedeng sabihin kaya buong lakas ng loob niyang tinignan si
(FLASHBACK)“Sino ho ba ang sinasabi mo na tutulong satin tito? Mag hahating gabi na po,”Naiinip na sabi ni France kay Keiron habang andoon sila sa sala. Si Keiron ay nagkakape samantalag si France ay nanonood sa kaniyang laptop ng mga palabas sa N*****x. Nakailang movies na siya ngunit hanggang ngayon ay wala parin ang sinasabi nito na tutulong sa kanila.“Sigurado akong mamaya anjan na siya,” seryosong sabi ni Keiron at humigop ng kape niya.Napairap si France dahil doon at ibinalik nalang muli ang mata sa laptop.“Daddy,”Agad na napatingin si France sa pintuan at doon ay nanlaki ang mata niya ng makilala ang taong iyon.“Ang asawa ni Sabby?!”Gulat na sabi niya samantalang si Aiden naman ay napatingin din dito at napakunot ang noo ng mamukaan niya ito.“You look familiar, ikaw ‘yung kaibigan ng asawa ko.”“Yes, she is son. Siya ay anak ng kumpareko na si Noah, alam kong kilala mo siya,”Sabay silang napatingin kay Keiron dahil sa sinabi nito.“I know them daddy, pero ang pagkakaal
“W-What do you mean daddy?” kinakabahang tanong ni Aiden.Mayroon na siyang clue matapos maganap ang pagkakabaril sa asawa niya ngunit wala siyang sapat na ebidensya kung kaya’t walang kasiguraduhan ang lahat.“Ang dahilan na sinabi ko sa inyo ay hindi totoo. Ginawa ko lamang iyon upang hindi maghinala ang mg kapatid mo. Kaya ko ito sinasabi sayo ngayon ay dahil nasa panganib ang buhay niya. May mga bagay tayo na hindi alam Aiden at kailangan nating alamin iyon.”Natahimik ang paligid dahil doon lalo na si France ay hindi makapaniwala na may tangka ang buhay ng kaniyang kaibigan noong una pa lang. Kaya din siya tuluyang pumayag upang magsanay ay para sa kaibigan. Gusto niya na maibalik ang pagliligtas na ginawa nito sa kaniya noon, panahon na upang siya naman ang magligtas sa kaibigan.“Paano natin malalaman ang
Agad na binaba ni Aiden ang tawag dahil sapat na sa kaniya iyon upang puntahan ang mga ito sa kinalalagyan ng ama. Nasa isa silang property ng mga Devaux sa Manila kung sana ay inilipat din nila doon sina France at Cedrick para sa ganoong biglaang mission.Basta-basta lamang siya umalis sa meeting at ipinagbilin kay Raymond ang lahat. Alam ni Raymond ang lahat at dahil narin sa matalik silang magkaibigan kung kaya’t pinagkakatiwalaan niya ito. Pagkarating niya sa kinalalagyan ng mga ito ay nagsisimula na silang magplano.“Mabuti at dumating ka na, ito ang plano.” Seryosong sabi ng kaniyang ama kung kaya’t hindi na siya nagsalita dahil alam niya na kayang kaya ito ng ama lalo’t batikan ito sa pagpaplano sa paghuli sa mga masasamang mafia.MAKALIPAS ang ilang oras ay nakasakay silang tatlo, Aiden, France at Cedrick sa isang van at inaabangan ang pagd
Tumango ang tatlo sa kaniya at agad na tumakbo papalayo habang siya ay naglakad dahan-dahan sa kinalalagyan ni Cedrick. Hinihingal si Cedrick na nakikiramdam sa paligid. Naririnig niya ang hakbang nito papalapit sa kaniya kung kaya’t lumuhod siya sa kabilang parte ng puno at doon at binaril ang lalaki na ikinatama niya sa balikat nito.“Argghh!”Daing ng lalaki kaya napangisi siya at tumakbo papalapit sap uno na malapit dito. Hindi siya napansin ng lalaki dahil nawala ang attensyon niya dahil doon. Agad niyang itinutok ang baril papunta sa kung saan-saan upang hindi siya nito tamaan muli.“N-Nasaan ka lumabas ka!”Sigaw sa kaniya nito na ikinangisi ni Cedrick. Lalabas n asana siya ng marinig niya ang boses ni Aiden.“Nandito ako,”Saka ay itinutok
Napatingin si Aiden kay Angeline dahil doon. Wala na siyang nararamdaman na kahit na ano sa dalaga dahil wala ng ibang tinitibok ang puso niya kung di si Sabrina nalamang kaya pumayag siya sa gusto ng ama at sinakyan ang gustong mangyari nito.Sa kabila ng pagpapanggap niya ay may isa siyang pinagsisisihan. Ang pagpayag niya sa sinasabing relayson ni Sabrina at Devon. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay nagagwa na niyang saktan ang asawa kaya’t sinikap niyang idestansya ang sarili lalo na kapag lasing siya ay iba angg nagagwa niya dala ng alak.Ang marinig mula dito ang salitang divorce ay napakasakit at hindi niya kinakaya ngunit kailangan niyang tanggapit dahil alam niyang nasasaktan niya din ang asawa.(End of flashback)“BAKIT hindi niyo agad sinabi saamin?! Edi sana katulong niyo kami!” hindi makapaniwalang sabi ni Addison na ikinail
TUMALIKOD na si Sabrina matapos niya iyong sabihin kay Hoven ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at muli ay hinawakan nito ang braso ng dalaga na ikinainis nito. “Ano bang gusto mo Hoven, matagal na tayong tapos!” Natigilan si Hoven dahil sa sinabi ni Sabrina lalo na ng makita nito ang galit na itsura nito. Ang dalaga naman ay hinihingal matapos niyang sabihin ang bagay na iyon, kitang-kita niya ang pagkagulat sa muka ng lalaki dahil sa sinabi niya. Sa di malamang dahilan ay natauhan siya dahil sa sinabi niya na iyon at gusto ng kotongan ang sarili dahil sa kaniyang nasabi. “Hindi ba sabi ko sayo hintayin mo ako?” Natigilan si Sabrina ng tuluyan dahil sa sinabi nito at biglang bumalik sa isip niya ang mga bagay na napagusapan nila bago ang araw na biglang nagbago si Hoven. Hindi makapaniwalang napatingin si Sabrina sa lalaki hanggang sa deretsyo itong tumingin sa mata niya, kitang kita niya ang lungkot at sakit sa mga iyon ngunit mas nangigibabaw ang sakit. “N-Nangako ka saakin my
Nagbigay galang pa sa kaniya ang lalaki bago tuluyang umalis habang naiwan siyang nagtataka. Hindi nagsabi sa kaniya si Hoven na may mission sila, palagi kasi itong nagsasabi sa kaniya tuwing may mission o di kaya kapag malalayo lang ito sa kaniya. Ayon sa lalaki ay alam niyang hahanapin siya ng dalaga kaya ayaw nitong pinag-iisip siya ng kung ano-ano.Napailing si Sabrina dahil sa kaniyang mga naiisip. May tiwala siya sa lalaki kaya hindi siya mag-iisip ng kung ano-anong makakasama sa kanilang relasyon. Bumalik na lamang siya sa kanilang kwarto ngunit nadaanan niya ang kulungan kung saan siya unang dinala ng mga ito kaya pumasok siya doon upang bisitahin sila Aichan at Hannah.“Good evening, lady Sabrina.” Nakayukong sabi ng nagbabantay na ikinangiti niya nalamang at tumango dito habang nagpatuloy siya sa paglalakad papunta doon.“Ate Hannah, ate Aichan! Kamu
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”