MAAGANG pumasok si Mica upang makausap niya ng maayos si Sabrina. Pumunta siya sa bahay nito ngunit wala ng tao doon kaya dumeretsyo siya agad sa opisina dahil alam niyang andoon ito. "Nasaan si Sabby?" Tanong niya sa mg kasamahan niya sa trabaho pagbukkas palang niya ng pinto dahil nakita niya itong wala doon. "Oh di namin alam, hindi ba sabi mo nagka-emergency baka 'di papasok yun," nagtatakang sabi ni Lyn sa kaniya na ikinaisip naman ni Mica at maya-maya ay napatakbo papaalis. "Nangyari doon?" nagtatakang tanong ni Sophia na ikinakibit balikat ng mga ito. "Hayaan niyo na si Mica, baka pupuntahan niya si Sabby sa kanila," Hinayaan nalang nila ang dalaga habang si Mica naman ay agad na pumunta sa office ni Aiden. "Nasaan si Sabby?!" Agad na sigaw ni Mica ng buksan niya ang pinto kaya napaangat ng tingin si Aiden sa kaniya. "Ate Mica," "Wag mo akong matawag tawag na ate Mica! Nasaan si Sabby!" Kung ibang babae si Mica at hindi sila magkakilala at ganoon ang gagawi
Ipinukpok niya iyon sa ulo ng dalawa na ikina daing nito at ginawa niya muli iyong pagkakataon para suntukin ang mga ito sa tiyan. Tumakbo siya sa kinalalagyan ng kaniyang cellphone at tinawagan muli ang lalaki ngunit katulad kanina ay hindi ito sumasagot."Mica!"Agad na tumakbo si Sabrina sa gawi ni Mica ng makitang pasugod na ang dalawa s alikod nito. Napatumba na niya ang kaniyang kalaban kaya wala na siyang kailangan alalahanin pa habang ang dalawa naman ay matino pa at malakas.Napalingon si Mica sa likod niya at mabuti ay agad na dumating si Sabrina. Hindi siya nag aksaya ng panahon at muling tinawagan si Aiden ngunit di nanaman ito sumagot."Sh*t! Nasa meeting ata yung lalaking yun! Papatayin kita Aiden kapag may nangyaring hindi maganda kay Sabby!"Galit na sabi nito at tumakbo upang tulungan ang babae. Sa gitna ng kanilang pakikipaglaban ay naisip niya na baka sagutin ng lalaki kapag si Sabby ang tumawag.&nbs
"Anong nangyayari Aiden?!" kinakabahan ding tanong ng lalaki."I don't know Raymond, basta sabi ni Sabrina may gustong kumuha sa kaniya. Sh*t! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya!"Saktong bukas ng elevator at tumakbo palabas si Aiden habang si Raymond ay hindi makapaniwalang nakatingin sa likuran ng lalaki dahil sa sinabi nito at napailing nalamang bago sumunod dito."Allistair! Allard! tawagan mo ang mga tauhan natin sa organization at papuntahin sa bahay nila kuya," seryosong sabi ni Addisson na kinakabahan dahil sa nangyayari."Bakit ate?" nagtatakang tanong ni Keon."May gustong kumuha kay ate Sabby,""Ano?!" sabay-sabay na sabi ng mga ito ngunit hindi sila pinansin ni Addisson at tumakbo papunta sa kaniyang kotse."Kumilos na kayo!" sigaw na sabi n
"Sabrina!"Napatingin siya sa kaniyang kamay na tinatakpan ang dumudugo niyang sugat at kay Hoven."B-Bakit ba nagtiwala ako sayo ulit,"Natigilan si Hoven sa pagtakbo papunta sa gawi ni Sabrina ng magsalita ito sapat na upang marinig niya."P-Pinagkatiwalaan kita Hoven, minahal kita!" umiiyak at may puot na sabi ni Sabrina ngunit umiling si Hoven sa kaniya."Sir Hoven! Nandito sila!"Naalarma si Sabrina dahil doon at tinignan si Hoven na may sakit at galit sa mga mata."Simula sa gabing ito," simula ni Sabrina at sandaling inangat ang kamay upang alisin ang sing sing na ibinigay sa kaniya ng lalaki."S-Simula sa gabing ito ay kakalimutan ko ng minahal kita Hoven," itinapon niya ang
Natigilan si Sabrina dahil doon at parang naging hudyat iyon sa kaniya para bumalik sa realidad na ang lalaking nasa harapan niya ay ang kaniyang mission. Mission na patayin. Agad niyang hinawi ang kamay ng lalaki at umatras dito."Marunong ako makipaglaban dahil noong nasa Canada pa kami mahilig akong sumali sa ganoong klase pati ang paghawak ng baril ay pinag-aralan ko. Pati ang mga paraan kung paano palakasin ang aking pakiramdam,"Seryosong sabi niya dito na ikinatayo ng maayos ni Aiden at tumango. Hindi alam ni Aiden kung maniniwala ba siya o hindi gayong nakikita niya na totoo ang sinasabi ng kaniyang asawa. Ang pumupigil sa kaniya na paniwalaan ito ay ang katotohanan ito ang muntik ng pumatay sa kaniyang pinakamamahal."Magpahinga kana muna wife, may a-asikasuhin pa kami,"Pagkasabi ni Aiden niyon ay umalis na siya sa kwarto ng dalaga. Napaupo si Sabrina sa kaniyang higaan at hindi makapaniwala dahil sa nangyari. Napahawak s
"SABRINA!" Napaharap sa kaniyang likuran si Sabrina ng marinig ang tumawag sa kaniya at doon ay nakita niya si Aiden na hinihingal sa paghabol sa kaniya. Agad niyang iniangat ang kamay na may kutsilyo at itinutok sa lalaki. "W-Wag kang lalapit! Hindi ako mag-dadalawang isip na patayin ka!" Kitang-kita ni Aiden ang panginginig ng kamay ni Sabrina habang hawak ang kutsilyo kaya alam niyang madali niyang makukuha iyon kung kakausapin niya lang ng maayos ang dalaga. Si Sabrina naman ay unti-unting umaatras dahil sa lalaking nasa harapan niya. Malinaw ang kaniyang pag-iisip, nakikilala niya ang mga nakikita niya ngunit ang alam niya lang ay lahat sila'y susubukan siyang patayin. "Wife ako to ang asawa mo si Aiden," "Ate Sabby!" Pagkasabi ni Aiden niyon ay saktong dating naman ng mga kapatid niya. Sinenyasan niya ang mga ito na wag lumapit habang si Sabrina ay mas hinigpitan niya ang pagkakakapit sa kaniyang kutsilyo at itinutok sa kanilang lahat. "Wife," "Wag mo akong tawagin
"Kamusta na ang kalagayan niya?"Nag-aalalang tanong ni Addisson sa kaniyang kuya. Nasa loob sila ng kwarto ni Sabrina habang ang iba naman ay nasa sala at naghihintay na magising ito."Sabi kanina ng doctor ayos na siya, mayroon daw siyang PTSD,"Nagulat si Addisson dahil sa kaniyang narinig at hindi makapaniwalang napatingin sa kuya niya."P-Post Traumatic Stress Disorder kuya?!"Garalgal na sabi ni Addisson dito na ikinatango naman ng lalaki. Kuyang tumulo ang luha ni Addisson dahil doon."H-Huh? B-Bakit? Paano kuya?! Hindi pwede?! Alam mo kung ano ang nangyari kay mommy noong nagkaroon siya ng ganiyan!"Iyak na sigaw ni Addisson dito kaya agad naman siyang niyakap ni Aiden upang kumalma ito. Kanina ng kausapin siya ng doctor about dito ay maging siya ay naluha dahil naalala niya ang kanilang mommy, si Atasha.Nagkaroon ng PTSD si Atasha dahil nakuha siya ng mga mafia na siyang
Nagkaroon ng pagputok ng ugat si Atasha sa kaniyang utak habang pinagbubuntis ang kambal. Anim na buwan palang ang sanggol sa kaniyang tiyan ng mangyari ang masalimuot na pangyayaring nagpagunaw sa mundo nila. Sobrang hindi kinaya ni Keiron, ng kanilang daddy ang nangyari sa asawa ngunit ng makita ang ginawang video nito para sa kanila ay doon siya ngkaroon ng lakas ng loob upang magpatuloy.Mas nakilala ang Devaux sa buong mundo dahil sa kakaibang nangyari kay Atasha, she was consider brain dead at that time but her body is still functioning well. Ginawa ng mga doctor ang lahat para mapanatili ang sustansiya sa kaniyang katawan upang mabuhay ang sanggol na nasa sinapupunan niya.Palagi nilang kinakausap ang kambal upang maramdaman ng mga ito ang pagmamahal na dapat ay si Atasha ang magbibigay kaso wala na ito. Successful na nailabas ni Atasha ang bata sa pamamagitan ng cesarean at pagkatapo niyon ay tuluyan ng tinanggal ang life support nito at dineklarang