Natigilan si Sabrina dahil doon at parang naging hudyat iyon sa kaniya para bumalik sa realidad na ang lalaking nasa harapan niya ay ang kaniyang mission. Mission na patayin. Agad niyang hinawi ang kamay ng lalaki at umatras dito.
"Marunong ako makipaglaban dahil noong nasa Canada pa kami mahilig akong sumali sa ganoong klase pati ang paghawak ng baril ay pinag-aralan ko. Pati ang mga paraan kung paano palakasin ang aking pakiramdam,"
Seryosong sabi niya dito na ikinatayo ng maayos ni Aiden at tumango. Hindi alam ni Aiden kung maniniwala ba siya o hindi gayong nakikita niya na totoo ang sinasabi ng kaniyang asawa. Ang pumupigil sa kaniya na paniwalaan ito ay ang katotohanan ito ang muntik ng pumatay sa kaniyang pinakamamahal.
"Magpahinga kana muna wife, may a-asikasuhin pa kami,"
Pagkasabi ni Aiden niyon ay umalis na siya sa kwarto ng dalaga. Napaupo si Sabrina sa kaniyang higaan at hindi makapaniwala dahil sa nangyari. Napahawak s
"SABRINA!" Napaharap sa kaniyang likuran si Sabrina ng marinig ang tumawag sa kaniya at doon ay nakita niya si Aiden na hinihingal sa paghabol sa kaniya. Agad niyang iniangat ang kamay na may kutsilyo at itinutok sa lalaki. "W-Wag kang lalapit! Hindi ako mag-dadalawang isip na patayin ka!" Kitang-kita ni Aiden ang panginginig ng kamay ni Sabrina habang hawak ang kutsilyo kaya alam niyang madali niyang makukuha iyon kung kakausapin niya lang ng maayos ang dalaga. Si Sabrina naman ay unti-unting umaatras dahil sa lalaking nasa harapan niya. Malinaw ang kaniyang pag-iisip, nakikilala niya ang mga nakikita niya ngunit ang alam niya lang ay lahat sila'y susubukan siyang patayin. "Wife ako to ang asawa mo si Aiden," "Ate Sabby!" Pagkasabi ni Aiden niyon ay saktong dating naman ng mga kapatid niya. Sinenyasan niya ang mga ito na wag lumapit habang si Sabrina ay mas hinigpitan niya ang pagkakakapit sa kaniyang kutsilyo at itinutok sa kanilang lahat. "Wife," "Wag mo akong tawagin
"Kamusta na ang kalagayan niya?"Nag-aalalang tanong ni Addisson sa kaniyang kuya. Nasa loob sila ng kwarto ni Sabrina habang ang iba naman ay nasa sala at naghihintay na magising ito."Sabi kanina ng doctor ayos na siya, mayroon daw siyang PTSD,"Nagulat si Addisson dahil sa kaniyang narinig at hindi makapaniwalang napatingin sa kuya niya."P-Post Traumatic Stress Disorder kuya?!"Garalgal na sabi ni Addisson dito na ikinatango naman ng lalaki. Kuyang tumulo ang luha ni Addisson dahil doon."H-Huh? B-Bakit? Paano kuya?! Hindi pwede?! Alam mo kung ano ang nangyari kay mommy noong nagkaroon siya ng ganiyan!"Iyak na sigaw ni Addisson dito kaya agad naman siyang niyakap ni Aiden upang kumalma ito. Kanina ng kausapin siya ng doctor about dito ay maging siya ay naluha dahil naalala niya ang kanilang mommy, si Atasha.Nagkaroon ng PTSD si Atasha dahil nakuha siya ng mga mafia na siyang
Nagkaroon ng pagputok ng ugat si Atasha sa kaniyang utak habang pinagbubuntis ang kambal. Anim na buwan palang ang sanggol sa kaniyang tiyan ng mangyari ang masalimuot na pangyayaring nagpagunaw sa mundo nila. Sobrang hindi kinaya ni Keiron, ng kanilang daddy ang nangyari sa asawa ngunit ng makita ang ginawang video nito para sa kanila ay doon siya ngkaroon ng lakas ng loob upang magpatuloy.Mas nakilala ang Devaux sa buong mundo dahil sa kakaibang nangyari kay Atasha, she was consider brain dead at that time but her body is still functioning well. Ginawa ng mga doctor ang lahat para mapanatili ang sustansiya sa kaniyang katawan upang mabuhay ang sanggol na nasa sinapupunan niya.Palagi nilang kinakausap ang kambal upang maramdaman ng mga ito ang pagmamahal na dapat ay si Atasha ang magbibigay kaso wala na ito. Successful na nailabas ni Atasha ang bata sa pamamagitan ng cesarean at pagkatapo niyon ay tuluyan ng tinanggal ang life support nito at dineklarang
"Simula sa araw na ito ay marami ng magbabantay sa bahay pati sa asawa ko. Sa ngayon ay kailangan muna natin magpaliwanag ng maayos sa kaniya,"KINABUKASAN ay nagising si Sabrina ng mayroong humahaplos sa kaniyang buhok at ng makita kung sino iyon ay agad siyang napaupo at umatras papalayo dito. Muling nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay hanggang sa sumama pati ang kaniyang buong katawan at pinagpawisan siya ng malamig.Si Aiden naman ay nagulat sa nangyari, nakatingin lamang siya sa muka ng babae habang mahingbing na natutulog. Mayroon itong matangos na ilong at natural na mamula-mulang pisnge at labi. Mahahawabang pilikmata at perpektong kilay na bumagay lalo sa kaniyang muka. Nang idilat nito ang kaniyang mata na mayroong itim namay pagkabrown ay agad niyang nakita ang takot doon at naging mabilis ang lahat ng lumayo ito sa kaniya."Wife! Hey wag kang matakot saakin wife,"Sinubukan niyang hawakan ang babae ngunit tinataboy la
Tumagal sila ng ilang minuto sa ganoong ayos at iniiyak ni Aiden ang lahat. Feeling niya ay ngayon niya lamang nailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya apat na taon na ang nakakalipas. Nang kumalma na siya at tumigil na sa pag-iyak ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa dalaga na ikinatagpo ng mata nilang dalawa. Sa sobrang lapit ng muka nila ay kitang-kita ni Sabrina ang namumulang mata nito at ilong kaya hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti habang nag-iwas naman ng tingin si Aiden at humiwalay sa dalaga. Nakaramdam ng pagkahiya si Aiden dahil doon at kunusot ang kaniyang mata. "A-Ah salamat wife," Nasabi nalamang ni Aiden upang mapagtakpan ang kaniyang kahihiyan habang si Sabrina naman ay nakangiti parin at sumagot. "Ako dapat ang magpasalamat sayo," naglakad ito papunta sa higaan niya at naupo. Napatingin sa kaniya si Aiden at seryoso niya itong tinignan. "Salamat kasi hindi ka sumuk
*One Month Later* "SABBY!" Napalingon si Sabrina sa taong tumawag sa kaniya at pagtingin niya dito ay si Mica iyon habang pababa sa kaniyang kotse. Agad na nabuhayan si Sabrina at tumayo. "Mica!" Iniwan niya ang kaniyang hawak na Trowel na kaniyang ginagamit sa panghukay ng lupa dahil nagbubungkal siya para sa panibagong halaman na kaniyang tatanimin. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng mangyari ang gulo na iyon at ang pagtatangka sa buhay niya ay hindi na siya lumabas ng kanilang bahay. Buong isang buwan siyang nasa kwarto habang nagpapagaling. Yes, pinagamot ni Aiden ang kaniyang asawa upang masigurado niya na hindi mangyayari dito ang nangyari sa kaniyang ina. Sinugurado niya na sa loob ng isang buwan ay babalik sa dati si Sabrina at hindi na matatakot sa kanila. At ngayon na natapos na nag pag gagamot sa kaniya ay pinayagan na ni Aiden ang mga ito na pumunta sa bahay nila at kausapin ang babae katulad ngayon na sunod-sunod na dumarating ang mga kotse. "Ate Sabby!"
Napakamot sa batok si Keon dahil doon at hindi maiwasan na matawa ng iba dahil doon. Halata naman na nagseselos ang lalaki. Sa lumipas na isang buwan ay hindi umalis si Aiden sa tabi ni Sabrina. Hindi siya sumuko na maintindihan ng asawa na hindi sila masasamang mafia at hindi nila kayang pumatay ng taong walang kasalanan.Ipinaliwanag niya ng maayos ang ang dahilan kung bakit sila isang mafia at kung bakit sila pumapasok sa isang mapanganib na mission. Ang lahat ng iyon ay nainintindihan na ni Sabrina at lahat ng iyon tinanggap niya ng wala ng takot sa katawan."Ano kaba Aiden nag-aalala lang saakin ang kapatid mo," inis na sabi ni Sabrina dito at pilit na inaalis ang kamay niya na hawak ng lalaki. Lumingon sa kaniya si Aiden at nagsalita."Kahit na! Asawa kita at akin ka lang!"Natigilan si Sabrina dahil sa sinabi ng lalaki at napaiwas ng tingin sa mga mata nito na nag-aalab. Nararamdaman niya ang pamumula ng kaniyang mga pisnge
"Nabanggit mo kanina na katulad ng inyong ina. Bakit? Anong ibig mong doon?"Nagkatinginan si Mica at Addisson dahil sa tanong ni Sabrina kaya mas lalong nagtaka ang dalaga."Nag karoon din ng PTSD si mommy ate Sabby, at dahil iyon sa pagkuha sa kaniya ng mafia kaya kami takot na takot na baka maulit sayo ang nangyari sa kaniya,"Natigilan si Sabrina dahil doon at napagtanto nita na pareho sila ng ina nito na nangyari. Hindi niya alam kung sino ang mas malalang naranasan pero iisa lang ang alam niya, sobrang paghihirap ang naranasan nila pareho."Si Keon ang pinakang apektado saaming lahat kahit pa na hanggang ngayon ay hindi namin tanggap ang pagkawala ni mommy si Keon ang pinakang nahihirapan," napatingin si Sabrina kay Addisson dahil doon."You see ate Sabby isang writer si Keon, at ang huking bilin sa kaniya ni mommy ay bigyan ng happy ending ang love story nila ni daddy,"Hindi na napigilan ni Addisson ang