Tumagal sila ng ilang minuto sa ganoong ayos at iniiyak ni Aiden ang lahat. Feeling niya ay ngayon niya lamang nailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya apat na taon na ang nakakalipas. Nang kumalma na siya at tumigil na sa pag-iyak ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa dalaga na ikinatagpo ng mata nilang dalawa.
Sa sobrang lapit ng muka nila ay kitang-kita ni Sabrina ang namumulang mata nito at ilong kaya hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti habang nag-iwas naman ng tingin si Aiden at humiwalay sa dalaga. Nakaramdam ng pagkahiya si Aiden dahil doon at kunusot ang kaniyang mata.
"A-Ah salamat wife,"
Nasabi nalamang ni Aiden upang mapagtakpan ang kaniyang kahihiyan habang si Sabrina naman ay nakangiti parin at sumagot.
"Ako dapat ang magpasalamat sayo," naglakad ito papunta sa higaan niya at naupo.
Napatingin sa kaniya si Aiden at seryoso niya itong tinignan.
"Salamat kasi hindi ka sumuk
Thank you so much sa mga nagbabasa at nagbibigay ng Gems kaya nasa rank tayo! Lalo na thank you sa bumibili ng kada chapters! Pagpalain kayo! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
*One Month Later* "SABBY!" Napalingon si Sabrina sa taong tumawag sa kaniya at pagtingin niya dito ay si Mica iyon habang pababa sa kaniyang kotse. Agad na nabuhayan si Sabrina at tumayo. "Mica!" Iniwan niya ang kaniyang hawak na Trowel na kaniyang ginagamit sa panghukay ng lupa dahil nagbubungkal siya para sa panibagong halaman na kaniyang tatanimin. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng mangyari ang gulo na iyon at ang pagtatangka sa buhay niya ay hindi na siya lumabas ng kanilang bahay. Buong isang buwan siyang nasa kwarto habang nagpapagaling. Yes, pinagamot ni Aiden ang kaniyang asawa upang masigurado niya na hindi mangyayari dito ang nangyari sa kaniyang ina. Sinugurado niya na sa loob ng isang buwan ay babalik sa dati si Sabrina at hindi na matatakot sa kanila. At ngayon na natapos na nag pag gagamot sa kaniya ay pinayagan na ni Aiden ang mga ito na pumunta sa bahay nila at kausapin ang babae katulad ngayon na sunod-sunod na dumarating ang mga kotse. "Ate Sabby!"
Napakamot sa batok si Keon dahil doon at hindi maiwasan na matawa ng iba dahil doon. Halata naman na nagseselos ang lalaki. Sa lumipas na isang buwan ay hindi umalis si Aiden sa tabi ni Sabrina. Hindi siya sumuko na maintindihan ng asawa na hindi sila masasamang mafia at hindi nila kayang pumatay ng taong walang kasalanan.Ipinaliwanag niya ng maayos ang ang dahilan kung bakit sila isang mafia at kung bakit sila pumapasok sa isang mapanganib na mission. Ang lahat ng iyon ay nainintindihan na ni Sabrina at lahat ng iyon tinanggap niya ng wala ng takot sa katawan."Ano kaba Aiden nag-aalala lang saakin ang kapatid mo," inis na sabi ni Sabrina dito at pilit na inaalis ang kamay niya na hawak ng lalaki. Lumingon sa kaniya si Aiden at nagsalita."Kahit na! Asawa kita at akin ka lang!"Natigilan si Sabrina dahil sa sinabi ng lalaki at napaiwas ng tingin sa mga mata nito na nag-aalab. Nararamdaman niya ang pamumula ng kaniyang mga pisnge
"Nabanggit mo kanina na katulad ng inyong ina. Bakit? Anong ibig mong doon?"Nagkatinginan si Mica at Addisson dahil sa tanong ni Sabrina kaya mas lalong nagtaka ang dalaga."Nag karoon din ng PTSD si mommy ate Sabby, at dahil iyon sa pagkuha sa kaniya ng mafia kaya kami takot na takot na baka maulit sayo ang nangyari sa kaniya,"Natigilan si Sabrina dahil doon at napagtanto nita na pareho sila ng ina nito na nangyari. Hindi niya alam kung sino ang mas malalang naranasan pero iisa lang ang alam niya, sobrang paghihirap ang naranasan nila pareho."Si Keon ang pinakang apektado saaming lahat kahit pa na hanggang ngayon ay hindi namin tanggap ang pagkawala ni mommy si Keon ang pinakang nahihirapan," napatingin si Sabrina kay Addisson dahil doon."You see ate Sabby isang writer si Keon, at ang huking bilin sa kaniya ni mommy ay bigyan ng happy ending ang love story nila ni daddy,"Hindi na napigilan ni Addisson ang
SA kabilang banda naman ay kadarating lamang ng isang tagapaglingkod niya sa kaniyang silid at nagbigay galang dito bago nagsalita."Naibigay na namin boss,"Napangiti ito sa ibinalita ng lalaki."Magaling, kamusta si Xenna?""Nagwawala parin minsan boss pero tumitigil din naman," napatango ang lalaki dahil sa sinabi nito."Magaling sige, ihanda niyo siya at sigurado ako na darating mamayang madaling araw si Sabrina,""Masusunod boss,"Napangisi ang lalaki dahil sa kaniyang namumuong plano sa isipan. Hindi niya hahayaan na mabuhay ang isa sa mag-asawa. Kung hindi si Aiden ang mamamatay ay si Sabrina ang papatayin niya lalo na kapag pumalpak ito sa mission."SAMPUNG MILYON?!"Gulat na sabi nila Allard ng marinig nila ang sinabi ni M
HATING-gabi ng magpasiya si Sabrina na tumakas at pumunta sa lugar na sinasabi ng lalaki. Nasa kaniya na ang sampung milyon at ang kailangan nalang niya ay makatakas sa bahay na iyon. Masyadong maraming bantay kaya alam niyang mahihirapan siya.Pasado alas dose na ng umaga ng buksan niya ang pinto at lumabas. Hinack niya ang CCTV na meron doon upang hindi malaman ni Aiden ang kaniyang ginagawa. Natuto siya mag-hack ng camera habang siya ay nagtatrabaho dahil aksidente niya itong natutunan.Pagkabukas niya ng pinto ay tahimik na hallway ang sumalubong sa kaniya at dala-dala ang isang back pack ay tahimik siyang tumakbo pababa ng hagdan. Kinailangan niyang yumuko sa hagdan tutal at madilim upang hindi siya mapansin ng mga gising na gaurd.Tagumpay siyang nakababa sa hagdan ngunit bago siya makapasok sa kusina ay naguslat siya ng mayroong papalabas na mga gaurd mula doon kaya napatago siya sa gilid habang pigil hininga siyang nakatingin sa mga bul
"Wow boss totoo nga! Mayaman talaga ang napangasawa ng babaeng to!" parang baliw na sabi ng isa habang inaamoy din ang pera na nagkalat. Nagsilapitan ang mga ito sa lamesa dahil doon na ikinagalit ng anak niya."Aalis kayo o pasasabugin ko mga ulo niyo?" malamig na sabi ni Hoven na siyang ikinaalis agad ng mga ito at bumalik sa kinalalagyan nila kanina.Si Sabrina naman ay nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa pagsasalita ng lalaki, hindi niya napigilan ang sarili at napatingin dito. Malaki ang pinagbago ni Hoven magmula ng magkahiwalay silang dalawa. Mas lalo itong gumwapo at lumaki ang katawan habang mas lalong sumeryoso ang muka na tila ba'y mayroong malaking problema."Chill ka lang anak, pagmasdan mo ang pera natin!" natutuwang sabi ni Edward sa kaniyang anak ngunit iniangat lang ni Hoven ang kaniyang mata na siyang ikinatagpo ng mata nila ni Sabrina.Nagulat siya dahil doon at agad na napaiwas ng tingin sa lalaki.
LUMABAS si Aiden ng kaniyang kwarto dahil gusto niyang makita si Sabrina kung ito ay nagpapahinga na ba. Palagi niya itong ginagawa sa tuwing matatapos siya sa trabaho dahil pasado alasdose na siya kung matapos sa paper works na hindi niya nagagawa. Sa isang buwan na lumipas ay dinadala na niya sa bahay ang kaniyang papaer works at si Raymond ang nag hahandle ng kanilang kumpanya. Ayaw iwan ni Aiden ang kaniyang asawa kung kaya't isinama niya sa bahay ang kaniyang trabaho. Katulad ngayon ay katatapos niya lamang at mag aalas dos na ng madaling araw. Sa sobrang busy kanina ay natambakan siya ng trabaho. "Wife? Ba't gising kapa?" Nagulat si Sabrina ng biglang may magsalita sa kaniyang pintuan at nakita niya soon si Aiden. Gusto niyang hampasin ang sarili ng maalala niyang nakalimutan niyang isara ang pinto pagkauwi niya kanina. Mabuti nalang at tapos na siya magbihis at papahiga na sa higaan. "Hindi ba usong kumatok Aiden?! Ginulat mo ako!" Nakahawak sa dibdib na sabi niya dito
Napatingin si Aiden sa kaniyang cellphone kung saan pangalan lamang ni Keon ang nakarehistro sa cellphone dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang mas lalong naging attached si Keon sa kaniyang asawa. Nawala lamang ito ng isang buwan at bigla nalamang naging ganoon."She's okay Keon, kagagaling ko lang sa kwarto niya,"Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Keon na tila nakahinga ito ng maluwag kaya mas lalo siyang nagduda sa kapatid."Mabuti naman kung ganoon kuya, sige kuya mag-iimbestiga pa kami,"Ibinaba na nito ang tawag at doon ay hindi natuloy ang plano niyang pagpapahinga dahil naghanap din siya ng sagot kung bakit nagkaganoon ang kanilang CCTV.***"Are you ready wife?"Napalingon si Sabrina sa pintuan ng mayroong magsalita doon at sinamaan niya ito ng tingin."Hindi ba uso sayo ang kumatok Aiden?! Paano kung nag bibihis ako huh!" singhal niya dito na ikinangisi ni Aide