Napatingin si Aiden sa kaniyang cellphone kung saan pangalan lamang ni Keon ang nakarehistro sa cellphone dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang mas lalong naging attached si Keon sa kaniyang asawa. Nawala lamang ito ng isang buwan at bigla nalamang naging ganoon.
"She's okay Keon, kagagaling ko lang sa kwarto niya,"
Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Keon na tila nakahinga ito ng maluwag kaya mas lalo siyang nagduda sa kapatid.
"Mabuti naman kung ganoon kuya, sige kuya mag-iimbestiga pa kami,"
Ibinaba na nito ang tawag at doon ay hindi natuloy ang plano niyang pagpapahinga dahil naghanap din siya ng sagot kung bakit nagkaganoon ang kanilang CCTV.
***
"Are you ready wife?"
Napalingon si Sabrina sa pintuan ng mayroong magsalita doon at sinamaan niya ito ng tingin.
"Hindi ba uso sayo ang kumatok Aiden?! Paano kung nag bibihis ako huh!" singhal niya dito na ikinangisi ni Aide
Nasabi nalamang niya sa kaniyang sarili at nilibang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Buong byahe ay wlang nagsalita sa kanila at ng makarating sa bangko ay agad na bumaba si Sabrina at mabilis na kinuha ang bag sa likuran."Hey wife! Ako na ang mag-dadala niyan,"Nakita niya si Aiden na kabababa lamang nito ng kotse ngunit agad niya itong nilapitan."Jan ka lang sa loob! Ayoko na malaman nila na mag-asawa tayo mag kakagulo Aiden. Ako na ang magbabayad at hintayin mo nalamang ako maliwanag?"Natigilan si Aiden dahil sa sinabi ng babae ngunit hindi nito inantay ang kaniyang sasabihin dahil basta-basta nalamang itong umalis at pumasok sa loob ng bangko. Wala na siyang nagawa kung di ang pumasok sa loob at inintay ang babae.Si Sabrina naman ay mabilis na itinapon sa isang sako sa labas ng fire exit ang laman ng kaniyang bag at iniwan ang isang papel na naglalaman ng kasulatan na bayad na sila sa utang. G
SABRINA "NO," Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Aiden mula sa pang sampu ko ng dress na nasusukat. Isang linggo na ang nakalipas at bukas na ang party nila. Hindi talaga ako naghanap ng dress kasi balak ko ay kung anong meron ako 'yun na lang ang kaso nagalit saakin ang magaling kong asawa at kinaladkad ako papunta dito kahit todo tanggi ako. "Ikaw kaya mag-sukat dito! Nakakangawit na Aiden!" Reklamo ko sa kaniya at naupo sa tabi niya. Nakita ko na napatawa nalamang ang isang sales lady na katulong ko sa pag-aayos ng aking sarili. Hindi naman sila nagsasalita o nagtatanong kung anong meron saamin pero alam kong may idea na sila dahil sa paraan ng pagtawag nito saakin. "Sige wife ako ng pipili," Napatingin ako kay Aiden na hindi makapaniwala dito. Kanina pa kami paikot-ikot nung sales lady upang makapili lamang ng maayos at disenteng damit ngunit ang lahat ng iyon ay puro 'no' ang natatanggap ko. Siya din pala ang pipili hindi pa ginawa kanina. Napa cross arms nalang ako
***SINIPAT ko sa aking sarili habang Nakatingin sa malaking salamin na nasa aking harapan. Nandito ako ngayon sa aking kwarto, sa itaas na kwarto kung saan ay nalinisan ko noon. Dito na ako lumipat magmula ng ipagamot ako ni Aiden, ayun na nga nakasoot ako ngayon ng isang magarbong gown habang ang aking buhok ay nakaipit pa-bun sa aking likuran at nag iwan ako ng kakaunting hibla upang magkaroon ng design.Hindi ako makapaniwala sa babaeng nakikita ko sa salamin, hindi ko akalain na mayroon pa akong igaganda. Kanina ay mayroong ipinadala saakin si Aiden na mag aayos saakin at kaagad ding umalis ng matapos akong ayusan. Light lamang ang aking make-up dahil sabi nila ay maputi naman daw ako kaya lahat ay babagay saakin.“Wife are you ready?”Nagulat ako ng mayroong kumatok sa pintuan at nataranta dahil doon, naglakad ako papunta sa pinto ngunit dahil nakasoot na ako ng heels at hindi talaga ako marunong magsoot niyon ay natapilok ako at bumagsa
“Sa labas mo nalang ako intayin Aiden, tatapusin ko lang pag-aayos sa sarili ko. By the way, you look handsome tonight. Bagay sayo ang soot mo,”Napangiti siya dahil sa sinabi ko na ikinahinga ko ng maluwag.“Sige iintayin kita,”Hinalikan niya akong muli sa noo at tumalikod na siya saakin upang pumunta sa ibaba. Nang isara niya ang pinto ay nanghihina akong napaupo sa upuan ng vanity ko. Napaharap ako sa salamin na andoon at nakita ko ang pagtulo ng aking luha mula doon. Agad ko iyong pinunasan dahil alam kong masisira ang make-up ko may pupuntahan pa naman kami.Hindi kona alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba. Kapag hindi ko tinuloy ay buhay namin ni Xenna ang nakasalalay. Napatitig akong muli sa aking reflection. Tama buhay namin ni Xenna ang nakasalalay kaya hindi pwedeng hindi matuloy ang plano ko.‘I’m sorry Aiden pero kailangan kong maging matigas para sa kaligtasan namin, hindi ko kaya n
Napatingin ako sa rearview mirror at doon ay nakita ko ang pagtataka sa mga mata nito. Ngumiti nalamang ako sa kaniya dahil alam ko na na-occupied nanaman ang utak ko dahil sa kakaisip. Napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng may makita akong napakaraming tao lalo na nag mga press na nag-aantay sa red carpet na daraanan papasok sa loob ng venue.“Ang dami namang tao Aiden para naman tayong Hollywood actor and actress nito,” natatawa kong sabi na ikinatawa din nito.“Gusto ko na masanay kana sag anito wife dahil asawa kita at isa kang Devaux.”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at magtatanong sana dito kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit pagtingin ko sa kaniyang kinauupuan ay wala na siya doon at lumabas na ng kotse. Bigla akong kinabahan ng ako nalamang mag-isa sa loob ng kotse. Kitang-kita ko ang pagikot niya sa kotse upang puntahan ang aking pinto at pagbuksan ako.Nakasoot siya ng mask pero kilalang-kilala
“Ate Sabby ang ganda mo! Bagay na bagay sayo ang gown na soot mo,” masayang sabi saakin ni Allistair at niyakap ako.“Thank you Allistair, you look handsome too!”“Nasa lahi namin ‘yan ate,” pareho kaming natawa dahil doon.“Hi ate Sabby, you look wonderful tonight.” Sabi ni Allard habang nakangiti at niyakap ako.“Teka parang lyrics ng kanta ‘yan ah! Hahaha,”“Ate naman eh binuking pa,”Natawa kami pareho dahil doon at napatingin ako sa susunod na yayakap saakin. Napalunok ako ng makita si dad na nakangiti at agad na binuka nito ang kaniyang braso kaya naglakad ako papunta dito at niyakap siya ng mahigpit.“Hija, Sabby! Ang ganda-ganda mo ngayong gabi. Kung hindi lang masquerade ang theme ng party ngayon sigurado akong mas makikita at mapapabilib sila sa ganda mo. Ewan ko ba jan sa asawa mo at naisipang ganito ang theme ng party ngayong taon kun
“PAANONG nagkaroon ng baril si ate Sabby?” Naguguluhan na tanong ni Allistair ngunit walang sumagot sa kaniya dahil lahat sila ay malalim ang iniisip. Nagtataka kung paano nagkaroon ng dalawang baril at dalawang kutsilyo ang dalaga sa ilalim ng kaniyang gown. “Hindi kaya isang espiya si ate Sabby?” “Tumigil ka Keon!” sigaw na sabi ni Addison na ikinagulat nialang lahat. Ngayon lamang ito sumigaw ng ganoon lalo na kung ito ay nananaway. “Hindi isang traydor si ate Sabby! A-Alam kong may rason siya,” Pahina ng pahina ang kaniyang boses habang sinasabi iyon. Nasa labas silang lahat ng kwarto ni Sabrina habang inaantay ang doctor na lumabas mula sa loob ng operating room. Nagulat silang lahat ng dumating ang mga nurses galling sa loob at sinabi na mayroong natagpuaang baril at kutsilyo sa katawan nito. “Intayin nalang nating gumaling ang asawa ko,” malamig na sabi ni Aiden na siyang ikinatinginan ng mga ito at itinikom ang kanilang bibig. Mas lamang parin ang pag-aalala sa kanilang
“Aiden,” napatayo si Raymond ng makita ang lalaki na pumasok sa kinalalagyan niya at agad itong naupo sa upuan niya.“Are you sure about that?”Seryosong tanong ni Aiden na ikinatango ni Raymond.“Malinaw ang CCTV na siyang nakakuha sa ikinikilos ni Sabrina, kanina habang nasa event kayo ay nakita ko na hindi siya mapakali at panay ang tingin sa paligid at kung hindi sa paligid ay sayo naman,”Napasandal sa swivel chair niya si Aiden at tahimik na nag-isip.“Aiden naniniwala ka bang magagawa ‘yan ni Mrs.Devaux?”Napatigil si Aiden dahil doon at napatingin sa kaibigan. Ilang Segundo itong hindi nakapagsalita at hindi alam ang sasabihin ngunit maya-maya ay naisip niya ‘rin ang atamang salita na kaniyang dapat sabihin.“Hindi, pero nasa harapan na natin ang ebidensya,” mabigat sa loob na sagot niya.“Paano kung pinipilit lang siya? Paano kung hindi niya
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”