“WELCOME to our organization kuya!”Nakangiting sabi ni Addison habang nakabuka ang mga kamay nang makapasok sila sa isang underground ng isang bar na pagmamay-ari nila. Nasa likuran ni Aiden ang kaniyang tatlo pang mga kapatid at maging si Mica.“Wow! Ang laki ng pinagbago dito ah!” nakangiting sabi ni Mica na naglakad papasok sa loob.Napalakad si Aiden papunta sa railings at napahawak doon. Napatingin siya sa paligid at para iyong isang building papaitaas at kitang-kita niya ang napakaraming mga lalaki at iilang babae na naglalakad na tila sobrang busy. Napatingin pa siya sa ibaba na lalo niyang ikinamangha, palalim pa ito at mas maraming tao doon. Isang underground na tila isang building na sobrang laki.“This is our organization?” hindi makapaniwala niyang tanong na ikinaakbay sa kaniya ni Keon.“Yes kuya. Isn’t be
Parang biglang natauhan ang kambal dahil sa sinabi ng kanilang kuya at agad na pinatay ang tawag. Alam na ni Aiden ang gagawin ng mga ito, magmamadaling pumunta sa drag race. Samantalang si Addison naman ay napatapik sa kaniyang noo dahil sa pagkalimot ng mahalagang okasyon na iyon.“I’m so sorry kuya.” Sincer nitong sabi. “Nawala sa isip ko, naging busy lang ako. I’m so sorry,” napabuntong hininga si Aiden dahil doon.Alam niya na ito na ang naghahandle ng Negosyo ng kanilang ina, ang Selry Company kaya naiintindihan niya ito.“It’s okay Addi, sana nasa bahay kana mamaya kapag nag celebrate kami. Mag-iingat ka jan okay?”“Yes kuya. Thank you. I love you!”“I love you too!”Pinatay na niya ang tawag at inilagay ang cellphone sa loob ng bag. Isinoot niya ang kaniyang shades dahil kahit na pa-madaling araw na ay sobrang liwanag sa starting place. Apat na taon na ang
“Wait! Mayroon pang surpresa! Hindi lang basta audition theme ang meron tayo ngayon! Dahil ang team yellow mismo ang nagrequest na mag bet ng halagang 10 million!”“Psh! 10 million? Crazy,” natatawang sabi ni Aiden at napailing habang ang nanonood ay lalong nagtilian dahil doon.Binuksan ni Aiden ang kaniyang bintana at sumignal ng two at zero sa emcee.“Wow! Team blue also bet with a total of 20 million! Agree ba kayo team yellow?”“Oh wait! Kung hindi pa malabo ang mata ko ay nakikita kong naka-thumbs up ang leader ng team yellow so payag sila! 20 million para sa mananalo!”“OMG! Ang laking pera!”“Talo na sila!”“Blue parin ako!”“Pupusta ako sa yellow!”Halo-halong usapan ng mga nanonood sa paligid.“This is an exciting game! So ano pang iniintay natin?! Simulan na!”Maya-maya ay mayroong naglakad
MASAMA ang loob ni Aiden pagkalabas niya ng kaniyang kotse kaya hindi na niya pinansin ang babaeng nakatalo sa kaniya at basta-basta niya lang itong binunggo. Never on his race someone defeated him kaya sobrang laking ego ang nawala sa kaniya dahil sa pagkatalo. Lalo na at pumusta siya ng 20M para lamang sa larong iyon. At ang buong laro ay napanood nang kaniyang nakababatang kapatid na sina Allistair at Allard. Sinalubong nila si Aiden na masama ang loob at tinanggal ang helmet nito. “Kuya! How’s your–” “Shut your fvking mouth!” galit na sabi ni Aiden at nilagpasan nito ang dalawa. Nagkatinginan sila at parehong natawa ng mahina pagkatapos ay nakipag-apir pa. Alam nila na inis na inis si Aiden dahil natapakan ng nakalaban niya ang ego nito at bibihira lamang ang ganoong pagkakataon na matatalo siya dahil kung minsan sila-silang magkakapatid lang ang makakatalo sa isa’t-isa. Agad na sumakay si Aiden sa kaniyang kotse at pinaharurot paalis. Ang kaniyang sports car naman ay mananati
Mabilis na lumipas ang panahon at ang kaniyang itinuturing na isang tunay na anak na si Samantha ay apat na taong gulang na at mag li-lima ngayong taon. Kasama nila ito sa pag-uwi sa pilipinas habang ang kaniyang daddy at si Hoven ay susunod sa mga susunod na linggo dahil marami pa silang inaasikaso sa ibang bansa. Pagkarating nila sa bahay ay hindi na muna kinausap ni Sabrina ang kaniyang mga ka grupo. Mahalaga na sa ngayon na nakapasok sila sa race dahil bukod sa hilig nila itong lahat ay mayroon silang mission na dapat gawin. Umakyat siya sa taas at pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang dim light sa kwarto. Nakita niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama kaya napangiti siya at dahang-dahang sinara ang pintuan at naglakad papunta sa kinahihigaan nito. Maingat siyang dumukhaw upang halikan ang noo nito pagkatapos ay tumuloy siya sa kwarto upang maglinis ng katawan. Si Samantha ay mayroong mapuputing kutis na tila siya ay si snow white habang ang kaniyang pisnge
Katunayan niyan bukas na ang opening ng kaniyang negosyo at isapupubliko na niya ito kasama ang napakaraming press dahil isa siyang sikat na negosyante sa Canada at unti-unting nakikilala sa buong mundo dahil sa negosyo niyang beauty product na maraming tumatangkilik na mga kabataan dahil sa affordability nito. Sa bisig ng kaniyang anak ay nakatulog siya ng mahimbing at tanghali na ng magising kaya nagmamadali siyang bumangon. “Sh*t! Tinanghali ako ng gising!” inis na sabi nito at hindi na napansin kung katabi pa ba nag anak. Kailangan pa niya kasing i-check ang company kung ayos na ang lahat bago magsimula ang event ng 6PM. Maraming negsyante ang imbitado lalo na at gusto nilang makilala ang nagmamayari ng D.G company. Tanging ang alam lang nila ay babae ang nagmamay-ari nito ngunit ang muka ay hindi nila kilala kaya maraming naiintriga. Mayroon pa ngang galing sa ibang bansa para lang sa grande ceremony nito, napagkaalaman nila i-rereveal na nito ang katauhan niya at siya mismo
Natigilan siya dahil sa sinabi ng anak at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Nakangiti lamang ito at maging ang mga kaibigan niya ay nakangiting nakatingin sa kaniya lalo na at nakita nila ang naiiyak nitong itsura. Marahil simula ng manganak siya at mawala ang anak ay naging iyakin na talaga ito kaya sa simpleng nakakatuwang bagay ay naiiyak na ito. “Sabrina wag kang umiyak! Magmumuka kang mahina, lalo na sa speech mo mamaya!” irap na sabi ni Hannah. Kapag kasi ganiyan siya ay ang nakikita nila ang Sabrina na natagpuan nila sa batanes at nawalan ng anak. Dahil sa sinabi ni Hannah ay tumingala si Sabrina at pinigilan ang kaniyang luha, hinayaan nila ang dalaga at nang maayos na nag kaniyang emosyon ay hinarap niya ang anak at hinalikan sa pisnge. “Anong mangyayari saakin kung wala ka Samantha?” emotional na bulong ng dalaga sa anak. Hindi lingid sa kaalalaman ng bata na mayroon siyang kapatid na nawawala at alam nito na mayroong ibang pamilya nag kaniyang ama. Tanggap naman
“READY na ba kayo?” Katok na sabi ni Hannah sa kwarto ni Sabrina at pag bukas niya ay sumalubong sa kaniya si Samantha sa soot nito na color white na dress at mayroong mga design ng paro-paro sa pinakang dibdib nito dahil isa iyong tube dress. “Wow! Ang ganda naman ng Samantha namin!” masayang sabi ni Hannah at lumapit dito. “Thank you po, tita.” Nakangiting sabi ng bat ana nakatingin sa reflection nila sa salamin. “Don’t mentioned it. Maganda ka parang ang mommy mo. Wait speaking of, nasaan siya?” “Nasa banyo po nagbibihis, baka lumabas na din po ‘yun kanina pa siya sa loob eh.” Sakto pagkasabi niyon ni Samantha ay bumukas ang pinto ng banyo at doon ay lumabas si Sabrina soot ang isang gown na color white ngunit mayroong touch of red butterflies sa buong gown na tila pinasadya dahil pareho sila ng anak. Nakaipit ang buhok nito pa bun at mayroon siya flower na ipit sa buhok. Ang kaniyang kwintas ang nangigibabaw sa lahat, isa iyong butterfly na gold. Totoong ginto. “Wow! Ang gan