OMG! Grabe natutuwa talaga ako at andito na tayo sa part na to hahahaha
(Scene pagka-akyat ni Jared ng hagdan at iniwan si Angeline sa sala) “NASAAN ang anak ko?” Napatayo agad si Angelien dahil sa kaniyang narinig na boses at napatingin sa nagsalita. “P-Papa!” Tinignan lamang siya ng blangko at hindi sumagot. “A-Andoon po s akwarto niya,” utal niyang sabi nito at agad itong naglakad paalis doon tiyaka niya lamang napansin na kasama nito ang mg anak niya na tanging si Addison lang ang tumingin sa kaniya. “Wag ka ng umasa girl, never kang magiging part ng Devaux.” Ngising sabi ni Addison at pagkatapos niyon ay iniwan na niya nag babae. Sobrang sama ng timpla ni Angeline matapos iyon at gustong-gusto na niya sabunutan ang babae ngunit pinigilan niya ang sarili dahil irereserve niya ang kaniyang lakas mamaya sa kaniyang plano. Samantalang nang makarating ang mga ito sa kwarto nila Aiden ay walang pakundangan na binuksan ng kaniyang ama ang pintuan. “Daddy.” Nasabi nalamang ni Aiden ng makita ito na pumasok at sumunod naman ang kaniyang mga kapatid. “
“Malay ba naming ate! Magkakasama tayo sa iisang kwarto!” sagot ni Allistair at nagppatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa kotse at nagdrive papunta sa lugar kung nasaan si Angeline. “Pumunta ka dito kuya Keon. Sigurado akong jaan ang ginawang interview ni Angeline.” Sabi ni Allard sa kaniya na nasa tabi ng driver seat. “Kung ano-anong kasamaan nanaman ang sinabi niya tungkol kay ate Sabby!” gigil na sabi ni Addison habang pinapanood ang interview nito sa cellphone. “Keon bilisan mo!” sigaw ni Addison at maya-maya lang ay parang nasa car race na sila dahil sa sobrang bilis ng sinasakyan nila. Hindi naman natakot ang magkakapatid dahil lahat sila ay kabilang sa Blue team sa racing game. Nasa limang minuto lang ay nakarating na sila sa lugar kung nasaan ang kanilang pamangkin at si Angeline. Hindi sila pwedeng basta-basta na sumigaw at ipatigil ang interview dahil kapag ginawa nila iyon ay malalaman ng mga ito na mayroong gulo na nangyayari sa pamilya Devaux. K
MATAGAL na naglaro si Samantha at Devon sa sala habang sina Sabrina at ang tatlo naman ay pumunta sa kusina pang kumain. Sinabi ‘din kasi ni Devon na busog ito kung kaya’t hinayaan nalamang nila ang dalawa upang maglaro. “Kapag lang talaga nakita ko ‘yang Angeline na ‘yan kakalbuhin ko siya!” Inis na sabi ni Hannah habang tinutusok ang kaniyang karne sa pagkain. “Kahit ako! Ang lakas ng loob na kumuha ng back up sa media? Hindi ba niya alam na lahat ng bagay ay may karma?! Mabuti nalang at anjan si Devon.” Segunda na sabi ni Aichan. Napatingin si Sabrina kay Xenna na ikinataka ng dalaga sa kaniya. “W-Why?” utal na sabi nito na ikinailing ng dalaga. “Nothing. Akala ko ikaw din may reklamo eh.” Pagkatapos ay sumubo si Sabrina ng kaniyang pagkain. “Kung ako tatanungin ate Sabby dapat doon ay tinuturuan ng leksyon. Akala mo kung sinong mabait demonyo pala.” “Tama ka Xenna! Gumawa kaya tayo ng plano?!” sagot ni Aichan sa kaniya. “Ako ng bahala sa look out.” Seryosong sabi ni
“DEVON,”Napalingon si Devon dahil sa tumawag sa kaniya at doon ay nakita niya si Sabrina na pababa ng hagdan. Napatayo ito at inantay ang dalaga habang nakangiti. Nang makarating ito sa kaniyang harapan ay niyakap niya itong muli.“Hindi ko talaga akalain na nakita na kiat Sabby,”Napangiti si Sabrina dahil sa sinabi ng kaibigan at ginantihan ang yakap nito.“Ako din Devon. It’s been years at kitang-kita ko na malaki ang pinagbago mo. Care to share?” napahiwalay ang lalaki mula s akanilang pagkakayakap dahil doon at naupo ito sa sofa.Sumunod naman si Sabrina dito at tinabihan ito.“It’s been almost five years Sabby pero alalang-alala ko parin. Naalala mo nung gabing may mangyari sayo sa event?”Tumango si Sabrina sa kaniya. “Naalala mo ba wala ako sa tabi mo para puntahan sa ospital? Why? Dahil mayroon akong kasamang babae, walang iba kung di si Angeline.” Gulat na napatingin sa kaniya si Sabrina.“Alam kong nagulat kita, pero simula noon ay nakipagkasundo ako sa kaniya para makuha
NAGULAT at napatigil sa pagpasok sa loob ng bahay si Angeline at Jared ng bigla iyon bumukas at nakita nila ang nakakunot na noo ni Aiden. “Son!” “Daddy!” Agad na tumakbo si Jared papunta sa kaniyang ama at niyakap ito mg mahigpit, ganoon din ang ginawa ni Aiden at maya-maya ay sinamaan ng tingin si Angeline at tumayo. “Anong ginagawa mo sa anak ko?! Bakit mo siya itinatakas?! Bakit mo siya ipinakita sa press, alam mong ayokong makilala nila ang anak ko!” sigaw ni Aiden dito na siyang ikinatago ni Jared sa likod ng ama. “Aiden ano kaba, kung itatakas ko ang bata sana hindi kami pupunta dito diba? Hindi ko lang ibinigay ang anak ko kasi ayoko! At isa pa, Karapatan ng anak natin na makilala ng lahat! Hindi ‘yung anak lang ng Sabrina na ‘yan ang kilala nila!” Nanlikit ang mat ani Aiden na napatingin sa babae dahil doon. “I knew it. May kinalaman nanaman ito sa asawa ko! Can you stop comparing the two of you kasi unang-una palang malaki ang pagkakaiba niyo lalo na siya ang le
“NASAAN si Angeline?!” Pumalibot ang malakas na boses ni Addison ng makarating sila sa bahay ni Aiden. Kaaalis lamang ng kanilang kapatid at nasabi na sa kanila na umuwi nga doon si Angeline at dala ang anak niya. Aalis na din sana ang lalaki upang hanapin si Angeline ngunit hindi ito naputol ng makita niya ito sa pinto. “Ma’am Addison, nasa taas po si madame.” Magalang na sabi ng ni Thea na nagulat habang siya ay nagpupunas ng mga vase sa biglang pagsigaw ng kapatid ng kaniyang amo. Tinanguan lamang siya ni Addison at agad na umakyat sa itaas kasama ang mga kapatid niya na kanina pa nag-aalala kay Jared. “Anong kailangan niyo saakin?” takang tanong ni Angeline ng sakto na isasauli niya sa ibaba ang tasa na pinagtimplahan niya ng kape. Kita niya ang paghangos sa itsura ng mga ito habang may mga galit na expression kaya napangisi siya sa kaniyang isip. “Anong ginawa mo sa pamangkin namin?!” sigaw ni Addisson. “Alam mong wala akong ginawa sa ANAK ko Addisson,” nakangisi nitong sabi n
KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Aiden upang pumunta sa opisina ni Sabrina. Narealize niya na hindi dapat siya sumuko sa asawa, kung totoo na niloloko niya ito noon ay kailangan niyang humingi ng tawad dito. Hindi para sa kanilang kumpanya kung di para sa kaniyang sarili, magmula ngf makita niya si Sabrina ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip lalo na ang anak nila. Gustong-gusto na niyang mayakap ang anak na babae kaya kagabi ng umalis ang kaniyang ama ay nagpa-booked na siya ng appointment sa dalaga upang hindi siya mapaalis. Hindi niya pinapansin si Angeline na buong magdamag atang nagpapapansin sa kaniya lalo na at inaakit siya nito ngunit wala siyang pakialam lalo na at nakita niya ang CCTV footage kung paano nito pahirapan ang asawa. Sobrang laki nga ng kasalanan niya kaya ganoon nalamang ito makatingin sa kaniya. Pagkarating niya sa D.G. Company ay napatingin sa kaniya lahat ng madadaanan niya na siyang balewala sa kaniya. Nang makarating sa pinakang office ng babae
NATIGILAN si Sabrina dahil sa sinabi ng kaniyang asawa at napatitig dito. Alam niyang hindi matigil ang kaniyang mga luha ngunit hindi na iyon mahalaga sa kaniya, ngayon niya lang nailabas sa lalaki ang sakit na nararamdaman niya sa paglipas ng panahon. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa nakaraan na masyado siyang nagpaka tanga kung kaya’t ayaw niyang mabihag nanaman sa patibong nito ngunit bakit hindi niya maintindihan ang kaniyang puso na nagsasabing bigyan ito ng pangalawang pagkakataon at tulungan na bumalik ang kaniyang ala-ala. “H-Hindi madali ang hinihiling mo Aiden,” iyan ang tanging lumabas sa kaniyang bibig na siyang ikinatango naman ni Aiden sa kaniya. “I know, pwede bang kahit sa Negosyo nalang muna? Pareho tayong makikinabang dito Sabrina. Isipin mo nalang ang mga taong nagtatrabaho sayo. Paano sila magkakaroon ng sahod kung sa tingin mo ay lahat ng magiging katrabaho mo ay aatras?” napaisip siya dahil sa sinabi ng lalaki at may punto ito. Mga ilang minuto siya nag-isip