MasakitKUMAIN kaming lahat sa isang mahabang lamesa. Nakaupo ako sa tabi ni Damaris at ni Anthara. Pinapagitnaan nila ako. Iyong nasa harapan namin ay mga lalaki.Kanina pa ako kakasulyap sa kanila dahil hindi ko makita si Ric na nakaupo katabi nila. Walang Ric na sasabay sa amin kumain?Siguradong galit siya. Base sa reaksyon ng mga mata niya kanina, kaunti nalang magiging kulay pula na ang mga iyon dahil sa galit.Hindi ko siya maintindihan minsan, inaamin ko iyon. Pero ngayon, sa sinabi niyang nahuli na ako at magulo na, parang biglang pumasok sa isip ko ang lahat.Matinding pagsisisi at lungkot ang naramdaman ko. Alam kong mali iyong pag alis ko sa mansyon nang hindi nagpapaalam, ngunit hindi ko naman intensyon na paasahin talaga si Ric. Wala akong gusto sa kanya noon...at sobra sobra akong nagalit dahil doon sa pag insulto ng papa niya sa akin."Kain ka pa, Lia..." si Owen na nasa gilid ko. Tumango lang ako at tipid na ngumiti."Nasaan si Ala? May naghahanap sa kanyang babae ri
Habol"TAHAN na, Lia..." bulong ni Owen habang yakap yakap pa rin ako. Malapit kami sa dalampasigan, ngunit wala ng masyadong naliligo. Sa kabilang parte sila ni Ric at si Owen ang mismong nagdala sa akin dito para raw mailabas ko lahat nang hinanakit ko."Nakakainis..." Inayos ko ang buhok ko at saka humihikbing inalis ang mga luha na dumadaloy sa pisngi. Paniguradong namumula na ang ilong at mga mata ko.Hindi dapat ako magalit at malungkot. Wala ako sa posisyon para maramdaman iyon. Hindi kami ni Ric at imposibleng mangyari pa iyon. "Bakit ka nagagalit sa nakita mo kanina? May...alam ka bang hindi ko alam?" malalim na boses ang narinig ko sa gilid ko. Inalis ko ang pagkakayakap kay Owen at saka siya nagtatakang tiningnan. Seryoso ang itsura niya na para bang may alam na sa nangyayari."H-Huh?" Iniwas ko ang mga mata sa kanya."Hindi mo man sabihin...alam ko naman, Lia. You don't have to hide it...""Sana nga...g-ganoon lang iyon kadali..." singhap ko at saka umayos nang upo. Naka
Monster"D*MN it..." rinig kong bulong ni Ric habang nagmamaneho. Sinulyapan ko siya at saka ako napalunok.Mukha siyang galit at may malalim na iniisip. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho at ang mga mata niya ay nasa daan lang."A-Ayos ka lang?" tanong ko, nag aalala dahil baka may kung ano siyang sakit na nararamdaman. Mukha kasing kanina niya pa hinahawakan ang balikat niya."Yeah. Don't mind me..." mahina niyang sagot. Malalim ang boses at medyo paos. Hindi niya ako nilingon o sinulyapan man lang. Hindi rin siya tumango."Masakit ba...ang likod mo?" tanong ko ulit at mahigpit na napahawak sa bag na nasa harapan."No. Huwag mo muna akong kausapin..." Hindi ako nakapagsalita.Dahil sa mabilis niyang pagsagot sa akin, nawalan ako ng mga salita para makapag usap pa kami ng mas matagal. Napayuko nalang ako at tumahimik.Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng mahinang daing sa gilid ko. Para bang nasasaktan..."A-Ayos ka lang?" Tumigil ang sasakyan dahilan para agad na napalingon
Akin Palagi Ang BintangANONG oras na nga ba? Gabi na at hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Nasa apartment na ako ngayon at kaarawan na ni Ric. Kahapon, hindi na kami nagkita dahil hindi siya pumunta rito sa apartment.Bali ako lang mag isa ngayon. Nakakapanghinayang dahil hindi kami nagkita kanina para sana makabati ako sa kanya."Ano ang isusuot ko?" mahina kong bulong habang ang atensyon ay nasa nakabukas kong malaking bag.Alas syete na at tinext ako ni Owen na magsisimula raw ang party alas otso ng gabi. Naghahanda na raw iyong iba sa mansyon."Maya maya nandito na si Owen. Naku naman!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka bumalik sa paghahanap ng mga damit. May nakita ako t-shirt na kulay pink kaya agad ko iyong inilingan.Masyadong makulay. Gusto ko puti para hindi masyadong pansin sa ibang mga tao roon. Sigurado naman ako na maraming bisita si Ric. Kung pupunta man talaga ako, kailangan kong magmukhang maayos.Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko. Napaisip
Ayaw Kong Pilitin Ka"YOU want me to?""H-Ha?" Napatingin ako sa paper bag na hawak ko nang mamataan kong naroon ang paningin niya. Kaagad akong umiling at saka sumabay sa kanya ng paglalakad."H-Huwag na...""Are you sure? Baka mabigat 'yan..." mahina niyang turan. Kumurap ako bago tipid na napangiti.T-shirt lang ang laman nito. Hindi mabigat dahil isang bagay lang naman ang nasa loob.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok sa isang simbahan. Wala akong masyadong alam sa mga lugar dito sa Maynila kaya hindi ko masabi kung nasaan na kami."A-Ano ang gagawin natin dito?" kinakabahan kong tanong dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.Pansin kong binalingan ako ni Ric nang makapasok na kami sa simbahan. Nasa harapan pa rin ang paningin ko at pinagmamasdan kapaligiran. Nasa akin pa rin ang paningin niya, mukhang wala siyang balak iyon na ialis sa akin."May dumi ba sa...mukha ko?" tanong ko, hindi pa rin siya binabalingan."Wala. While I was here, standing and starin
Mahal Kita"R-RIC, nakakahiya..." Uminit ang pisngi ko. Gusto niyo kasing magkahawak ang kamay namin. Nahihiya ako dahil baka madumi ang kamay ko o hindi malambot. Baka may pawis rin. Ayaw kong pagtawanan ako ni Ric. Kahit na alam kong hindi siya ganoon, pumapasok pa rin sa isip ko na baka asarin niya ako dahil sa paghawak namin ng kamay."Okay. I understand. Kain nalang tayo ng ice cream..." Sumang ayon agad siya dahil sa pagyuko ko. Mukhang na-gets niya na agad ang pinupunto ko.Napabuga ako ng hangin nang magkahiwalay ang mga kamay namin.Napansin kong ang suot niya ay kulay itim na blazer. Sa loob ay may kulay puti na t-shirt.Iyon sana ang suot niya ngayon kung naibigay ko sana."Hmm, what is it?" Sinundan niya ang tinitingnan ko nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at muling nag init ang mga pisngi.Napatawa siya ng mahina."Hindi ka ba komportable? Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" malambing ang boses niya kaya agad akong nataranta at umiling.Kasalukuyan kaming nagl
Young Bride"SO, you love me?""O-Oo nga!" Kanina niya pa ako paulit paulit na tinatanong niyan. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngunit siya, hindi matanggal ang yakap sa akin. Ang mukha niya ay nasa balikat ko nakapatong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang boses habang nagsasalita."I love you also, Lia..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.Gusto kong ngumiti, ngunit naroon pa rin sa isip ko iyong mga sinent ng kapatid ko sa akin.Bakit ba nandoon ang papa ni Ric? Dahil ba sa mga nasabi ko kagabi? Bakit siya ganoon sa akin? Ni wala pa siyang nakikitang ebedensya. Bakit siya naniniwala agad?"A-Anong oras na nga?" tanong ko."Hmm? Alas tres na ng hapon. Bakit? May gagawin ka ba?""U-Uhm...Oo. Nangako kasi ako kaninang umaga kay Damaris na ngayong araw na ako magt-trabaho sa cafe. Alas singko ng hapon ako magsisimula...""Anong oras ka matatapos? Hatid na kita roon. Kunin na rin kita kung anong oras ka matapos sa trabaho mo..." Napatango ako at saka napangiti.Ang bait n
Sinungaling"I'M sorry. Galit ka ba?" malambing na boses ang nagpatigil sa akin sa kakaisip. Nasa gilid ko siya, nagmamaneho ngunit ang buong atensyon ko ay nasa iniisip ko. Tungkol roon sa mga tinext niya kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala.Si papa...magt-trabaho ulit? Pero paano si mama? Ano ang naging reaksyon noon?Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko kaagad ang kamay ko na tumaas at napunta sa kung saang lugar. Napalingon ako kay Ric at nakita kong hawak hawak niya ang kamay ko habang hinahaplos. Parang pinapakalma ako. Nasa daan ang mga mata niya, ngunit parang nakikita niya ang gulat sa mukha ko."Ibigay mo na sa akin 'to. Ako ang lalaban para sa atin...""R-Ric...bakit ba ginawa iyon ng papa mo? Ganoon ba ang galit niya sa akin kaya niya dinamay pati ang pamilya ko?""I don't know, Lia. Please...just trust me." Hindi na ako umimik. Nanatiling nasa baba ang paningin ko dahil nahihiya akong tumingin kay Ric.Mukhang kasalanan ko ang lahat. Sa ginawa kong pagsabat sa
Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang
Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero
Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k
Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki