Tahimik kaming kumain sa Jollibee at wala namang nakakakilala sa ‘kin dito kasi 'di naman kumakain dito ang mga kaibigan ko. Isa pa, karamihan ng nandito ay bata o matatanda. Pero hindi pa rin ako napapakali kasi baka may makakilala sa ‘kin dito. After that, bumalik na kami sa kotse ni Sol. Grabe! Busog na busog ako. Tataba na yata talaga ako. Kanina pa ako kumakain kasama si Tori, e.
"Next destination,” paalala ko kay Sol habang kinakabit ko na ang sarili kong seatbelt. Baka maunahan niya pa ako, e.
"Are you full?" he asked while smiling.
I nodded while smiling too. "Pero may space pa rito. Ano ba 'yung gusto mo? Para naman mawala rin 'yun sa to do list ko.” Natawa siya nang bahagya at pinatakbo na ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero nakarating kami sa apartment ko ulit. "Niloloko mo ba ako?" seryosong tanong ko.
"No. I'm full and you're full so do you still have to eat?" natatawang sabi niya. Sa inis ko ay sin
"What!?" gulat na tanong niya. "For what?"Expected ko na ang magiging reaction niya. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng taong biglang hihingi ng isang milyon nang isang bagsakan lang."Sinuhulan ko po si Aling Julie at magsasalita na siya. Sorry,” mahinang sabi ko. Nahihiya kasi ako.Natawa siya sa sinabi ko. "You're learning, Luna. That's how we negotiate but don't worry, I'll send you the money,” aniya kaya nakahinga ako nang maluwag."Thank you po. Kunin niyo na lang po sa account ko. Oo nga po pala, p'wede po kayang ako na lang ang mag-withdraw? Madetect kaya nila na buhay ako?""No. I made an account for Adira Ayala and I transferred your money there but not all, okay? They might detect it.”"Baka po malaman ni Atty. Calisto na nililipat niyo.""He knew, Luna. He knew that you're alive but he don't want you to know that he knew it. He's helping but don't want to bother you at all. This will be really fast. Maka
"I have a gay friend na lawyer sa firm nina Atty. Ibasco. I think I can use him about the Ibasco brothers,” sabi ko kay Sol na kausap ko sa phone kasi tumawag siya. Nagyayaya ng lunch. Nandito na ako ngayon sa kotse ko pero nasa tapat pa rin ako ng building nina Atty. Ibasco."How did you make friend with a lawyer?" natatawang sabi niya."Long story. But to make it short, we have a crush in one person and that person is Lance Villaflor. I have to search about him. I think he's Marcus,” paliwanag ko."What? Crush?" seryosong tanong niya dahilan para matawa ako."Jealous?""What if yes?"Natawa ako, "don't be. I just have to say that I like Lance Villaflor to be able to get info about his whereabouts. As I've said, I need to use people and manipulate them for me to get what I want.""You're making a great lawyer, Luna,” seryosong sabi niya at mukhang hindi siya natutuwa sa pagbabago ko. Ang sarcastic ng pagkakasabi niy
Nang dumating si Tori ay agad kong pinakilala sa kanya ang adopted parents ko at si Sol kahit na kilala niya naman na. Architect Dela Cuesta pa rin ang tawag niya. Haha. Hindi na raw 'yun magbabago."Ang saya naman nila. Pero nakakatakot 'yung Atty. Calisto,” bulong sa ‘kin ni Tori nang samahan ko siya sa CR. Natawa ako sa sinabi niya. "Pero mabait naman. Infairness naman kay Architect Dela Cuesta, ngumingiti siya rito madalas. Sa bayan kasi natin, hindi, e.""May mood lang talaga siya na ngumingiti siya pero madalas, seryoso ang mukha. Hayaan mo na,” natatawang sabi ko at saka kami bumalik sa baba.Nagcelebrate lang talaga kami ng birthday ko at hindi namin pinag-usapan si Marcus at ang kaso niya. Parang bumalik ako sa normal kong buhay. Simple pero ang saya ng celebration. Hindi ako napagod mag-entertain ng bisita kasi kakaunti lang sila. Kaso ang dami-daming pagkain. Hindi nga namin naubos."Dito ka na kaya matulog?" sabi ko kay Tori.
"Let's star gaze?" Sol asked kaya napatango agad ako. Gusto ko talagang mag-star gazing kaso ayokong tumambay sa rooftop ng apartment ko mag-isa. May rooftop kami at doon ko na sinasampay ang mga nilabhan ko. Balak kong bumili ng dryer para mabilis. Isa pa, ang dami-dami kong ginagawa at binabasa. Nakahiram na kasi ulit ako kay Atty. Cha ng mga libro."Hindi ka naman ginugulo ni Atty. Ibasco?" I asked.Nakahiga kami ni Sol sa comforter na nilatag namin sa sahig at nakapatay ang ilaw ng rooftop para makita namin ang stars nang mas maayos. Ang daming stars pero mas maganda ang view nito kung nasa dalampasigan ulit kami. Kapag doon kasi, para akong nasa kalawakan."No. They're not even suspecting me if I know something about them coz I stayed quite,” sagot niya habang nakatingin sa langit. Sana may falling star."Ako lang talaga ang gusto nilang guluhin. Ganun siguro, kasi ginulo ko rin ang buhay nila,” natatawang sabi ko kaya natawa rin nang bah
Natigil ako sa pagtingin sa kanila nang mapansin kong hinihila ni Tori ang skirt niya pababa para matakpan ang legs niya tapos usog siya nang usog sa 'min ni Atty. Ivan. Then I saw this guy who kept on sliding his hand to my friend's butt.What the hell?Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis na pinilipit papunta sa likod niya sabay sipa sa likod ng tuhod niya dahilan para mapaluhod siya sa sahig. Agad na nagkaroon ng space sa paligid namin dahil sa ginawa ko. Natigilan ang mga tao pero patuloy pa rin ang music at ilaw. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga ng lalaki sabay hawak sa buhok niya dahilan para mapatingala siya. Hawak ko pa rin ang kamay niya sa likod."Alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga manyak? Gusto mong baliin ko 'yang kamay mo?" kalmadong bulong ko sa kanya kaya umiling siya nang mabilis."Sorry, sorry. I didn't know she's your friend,” kinakabahang sabi niya kaya napangisi ako."Kahit 'di ko kaibigan, gagawin ko 'to,” tugon
"Uuwi na ako. Pakibukas nung pinto,” sabi ko habang naglalakad papunta sa pinto.Hindi ito ang tamang panahon para mag open up, Luna! Baka iba ang i-open up mo, e. Delekado 'yun. Masakit 'yun! At bata ka pa! Kahit 19 ka na, teenager ka pa rin! Bawal 'yun! Jusko! Ano ba 'tong iniisip ko? Sana makapagkontrol po ako! Isa pa, bawal ako ngayon. Meron ako, e. Hala! Bakit ko ba ‘to iniisip?"Stay for awhile. Tell me first why you're here,” aniya sabay bukas ng ilaw kaya natigilan ako sa paglalakad at napapikit na lang habang tinatawag lahat ng Santo para gabayan ako sa mga p'wedeng mangyari! Naka-off ba ang aircon niya? Ang init kasi, e."Sinabi ko na. Mukhang ayos ka naman na, e. Uuwi na ako,” sabi ko at gusto ko nang lumuhod at magmakaawa sa kanya na buksan niya na ang pinto.Teka, bakit ako luluhod? Haaa??? Hinddiiii! Hindi maganda ang view dun."Oh? Yeah right. I'm always okay though. I told you this will be okay,” wika n
Nakatulog kami ni Sol sa ganung posisyon at nagising na nakayakap pa rin siya sa ‘kin. Kaya pala hindi ako nilalamig dahil sa body heat. Tatayo na sana ako pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa ‘kin mula sa likod."Stay. It's Sunday,” he said with a bedroom voice. OMG!"I'm gonna pee,” sabi ko pero mas siniksik niya lang ang mukha niya sa batok ko."Then pee here, I don't care,” he said. Natawa ako."Seriously, Sol?""Yes, I'm serious. Just let me hug you for a while."Hindi na lang ako kumibo at gumalaw. Naramdaman ko na lang na nilalaro niya na naman ang tiyan ko at nakikiliti ako dun.Jusmiyo pardon!Hinawakan ko ang kamay niya para alisin pero ayaw niya talaga. Ang lambot kasi ng pagkakahawak niya sa tiyan ko. "Sol, huwag 'yung tiyan ko,” suway ko sa kanya dahilan para tumaas iyon sa dibdib ko. "Huwag!" sigaw ko agad kaya mabilis siyang tumigil at ramdam kong nagulat siya sa p
Papasok ba ako? Pipigilan ko ba sila? Mukhang mamamatay na 'yung isang lalaki, e. Duguan na ang mukha niya.Nang makontento si Sol, tumigil na siya sa pagsuntok sa lalaking nakahandusay sa sahig. Hinihingal silang tatlo pero wala man lang tama si Sol."Leave! And stop talking like that about Luna,” seryosong sabi ni Sol kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Napangisi pa iyong lalaking nabugbog bago tumayo sa tulong ng kasama niya pang lalaki rin."You're crazy! Wake up, Sol! She's fucking dead! Move on!" tugon pa nung nabugbog bago sila tuluyang lumabas. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko at sa pinagtataguan ko.What was that? Bigla na lang silang nagbugbugan? Halos 'di ko nga makilala kung sino ba 'yung lalaking duguan.Ilang minuto pa akong nakatulala sa pinagtataguan ko nang bumukas 'yung pinto at nakita ko si Sol na nagpupunas ng kamay habang nakatingin sa ‘kin."I'm sorry about that,” sabi niy
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho