Share

Chapter 4

Author: Raw Ra Quinn
last update Huling Na-update: 2025-03-31 12:26:40

Isang linggo na ang lumipas mula nang bumalik si Erika sa San Ignacio, at isang linggo na rin siyang kinukulit ng kanyang ama tungkol sa pag-takeover ng negosyo. Palagi silang nauuwi sa pagtatalo. Bakit ba hindi na lang tanggapin ng daddy niya na hindi siya bagay sa opisina? At para saan pa ang kinikita ng pamilya nila kung hindi niya gagastusin? Nakakabaliw na talaga! Lahat ng ito, kasalanan ng gagong si Marius.

Kung hindi lang talaga siya kailangang magtago, hinding-hindi siya magtitiis dito.

Inubos niya ang natitirang alak sa kanyang baso. Ngayon ay pista sa San Ignacio, kasabay ng kaarawan ng kanyang lolo, si Don Damian Arcega, ang patriarco ng mga Arcega. Maraming bisita sa Villa, at halos lahat ng kanyang mga pinsan ay naroon, maliban kay Sabrina. Umalis ito noong fourth-year high school pa sila, at hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung nasaan na ito.

Guilty pa rin si Erika sa pagkawala ng pinsan niya. Hindi sila magkasundo noon bago ito umalis, at kahit hindi niya aminin nang malakas, miss na miss na niya ito. Si Sabrina ang pinaka-close niya sa lahat—higit pa sa pinsan, itinuring niya itong kapatid. Wala siyang kapatid kaya si Sabrina ang naging katuwang niya sa lahat ng kalokohan. Samantalang ang iba niyang pinsan? Napaka-plastik.

Lalo na itong si Maria—na sa lahat ng Maria, akala mo siya lang ang pinagpala. Walang tatalo sa pagiging bida-bida nito.

Katulad ngayon, kung hindi ba naman sobrang epal, wala namang nagtatanong pero panay ang kwento ng achievements niya. Ang mga kasama nila sa mesa? Halatang inip na rin. Kanina pa kasi ito ang sentro ng atensyon, at walang nakakaagaw sa kanya ng spot light.

"Uy, Erika! Ang tagal mong hindi umuwi ah. Kamusta ka na?" tanong ni Kiara, ang pinaka-sabaw sa kanilang magpipinsan. Parang laging nakalutang ang utak nito—may pagka-kulang-kulang din.

Napatingin naman ang lahat kay Erika, habang si Maria ay halatang inis nang mahinto ang pagbida niya sa sarili.

"Eto, maganda pa rin." Kibit-balikat at walang kagana-ganang sagot ni Erika.

"Oo nga! Mas lalo ka pang gumanda, Erika. Naku, siguro inggit na inggit na naman itong si Maria. ‘Di ba, Maria? ‘Di ba?" inosenteng sabi ni Kiara, na halatang walang balak mang-asar pero, as usual, walang preno ang bibig.

"Hoy, Kiara! Kapal ng mukha mo ha—!"

Hindi na hinintay ni Erika matapos ang litanya ni Maria. Tumayo siya, kinuha ang isang bote ng Jack Daniels, at naglakad papunta sa swimming pool. Walang tao sa bahaging iyon ng Villa dahil nasa harapan lahat ang kasiyahan.

Siguro tinamaan na rin siya ng alak, kasi parang biglang bumigat ang pakiramdam niya. Ang lungkot-lungkot niya bigla. Parang wala siyang kakampi.

Habang papalapit siya sa swimming pool, napansin niyang may isang lalaking nakaupo roon, nakababad ang mga paa sa tubig. Nakatalikod ito sa kanya, pero agad niya itong nakilala.

Si Juancho—yung lalaking nakilala niya sa paradahan.

Napangiti siya at lumapit dito.

"Hi, Juancho, right?" bati niya nang makalapit siya sa binata.

Napapitlag ito at agad siyang nilingon.

"H-Hi," sagot nito, at dahil maliwanag ang buwan, kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.

Crush siguro ako nito. Natatawang naisip ni Erika.

Naupo siya sa tabi ni Juancho at iniabot dito ang hawak niyang alak. Pero tinaas lang nito ang kamay, na parang tinatanggihan ang alok niya. Saka niya napansin ang hawak nitong beer.

"Bakit nandito ka?" tanong niya habang hinuhubad ang kanyang heels. Naupo siya sa tabi ng binata, at agad naman siya nitong inalalayan.

Hmm… Gentleman, naisip niya habang pinagmamasdan ang mukha ng binata.

"Salamat... So, bakit nandito ka? Nasa labas ang party," tanong ni Erika habang napangiwi nang mabanggit ang salitang 'party.' Para sa kanya, hindi naman talaga iyon isang party—puro matatanda lang ang nagsasayawan ng cha-cha. Eewww.

"Hindi kasi ako sanay sa mga ganito. M-mas gusto ko ‘yung mag-isa," sagot ni Juancho habang nakatingin sa tubig.

"Pareho tayo… Well, in a way lang siguro," sagot ni Erika, sabay buntong-hininga. "Hindi rin ako sanay sa ganito. Mas sanay ako sa party na wild—loud music at bumabaha ng alak."

Napainom siya ng alak. Kasalanan ito lahat ni Marius. Kung hindi lang dahil dito, hindi siya mababato nang ganito at mai-stuck sa probinsya. Bigla niyang naisip kung dapat ba siyang magsisi na dito siya nagpasya magtago.

"Hanggang kailan ka pala magbabakasyon dito?" tanong ni Juancho, dahilan para magulat si Erika. Hindi niya inakalang magsasalita ito kung hindi siya mauunang magsimula ng usapan.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Gwapo pala ito kapag tinititigan nang maigi. Makinis ang balat, at kahit lalaki ay parang walang pores. Napahawak siya sa mukha niya—alaga niya iyon sa diamond peel kaya makinis din. Matangos ang ilong nito, mapula ang mga labi, at may kakapalan ang kilay na mas lalong nagpaangat sa mapupungay nitong mga mata. Nakaharang lang ang eyeglasses nito, pero siguro mas bagay dito ang contact lenses.

Bumaba ang tingin niya sa mga braso nito. Napataas ang kilay niya. Malalaki at toned ang biceps nito. Malapad din ang katawan, halata sa suot nitong gray na polo.

"Magtatagal ka ba rito?" Nagkunot ang noo ni Juancho, marahil nagtataka kung bakit bigla siyang natahimik.

Tumungga muna si Erika bago sumagot. "Di ko sure… Depende siguro..."

Wala pa siyang maisip na paraan kung paano siya makakabalik sa Maynila nang hindi natatakot kay Marius. Dapat siguro magdemanda na lang siya. Tama, hihingi siya ng police protection at magre-request ng restraining order para hindi na ito makalapit sa kanya.

Nagpatuloy ang usapan nila ni Juancho. Doon niya nalaman na magna cum laude pala ito nang magtapos ng kolehiyo, maraming kumpanya sa Maynila ang nag-aagawan sa kanya, pero mas pinili nitong manatili sa San Ignacio para magtrabaho. And so on and so on.

Hanggang sa pareho na silang tipsy. Pulang-pula na ang mukha ni Juancho at hindi na ito nahihiyang makipag-usap sa kanya. Naubos na rin ang beer nito kaya pinaghahatian na nila ang dala niyang Jack Daniels.

"Uy, Erika!" tawag ni Kiara, papalapit sa kanila habang may dalang dalawang baso. "Oh, pinabibigay ni Lolo. Baka daw ubos na ang iniinom niyo."

Napatingin si Erika sa hawak niyang bote—wala na nga itong laman. Kaya inabot niya ang baso na bigay ni Kiara, ganoon din ang ginawa ni Juancho.

"Ang cute mo pala, Patchot, pag wala ang salamin mo!" kinikilig na sabi ni Kiara.

Tinanggal na pala ni Juancho ang salamin niya at isinabit lang sa leeg ng polo nito.

Oo nga! Ang hot ng gago ‘pag walang salamin!  sigaw ng malanding utak ni Erika.

Namula agad si Juancho, parang kamatis. Namumula na nga ito sa alak kanina pa. Ang cute naman! Argh, lasing na yata ako. Pinagnanasahan ko na si boy genius!

Agad ding umalis si Kiara pagkatapos nilang kunin ang inumin.

Tinaas ni Erika ang baso. "Cheers?"

"Cheers." Ngumiti si Juancho bago ibinunggo ang baso niya sa baso ni Erika.

Saglit pang nagpatuloy ang kwentuhan nina Erika at Juancho, hanggang sa maramdaman niya ang matinding init na gumagapang sa kanyang katawan, kasabay ng pagkahilo. Pinilig niya ang ulo at tinangkang tumayo, ngunit muntik na siyang matumba kaya napakapit siya kay Juancho.

Agad naman itong bumangon at inalalayan siya. Napahagikgik si Erika. High na high ang pakiramdam ko. Para siyang naka-marijuana—masaya, magaan, at tila lumulutang sa hangin.

"Okay ka lang?" tanong ni Juancho, malambing ang boses.

Napakagat siya sa labi. Mainit ang pakiramdam niya, at hindi lang iyon dahil sa alak. Parang… ang sarap halikan ng cute na lalaking ito…

Napatitig siya sa labi ni Juancho—mamula-mula, mapipintog, parang juicy fruit na ang sarap kagatin.

Binasa niya ang sariling labi habang patuloy ang titig sa kanya. Para namang nailang ang binata, bahagyang hinaplos ang batok nito, tila hindi alam ang gagawin.

Hindi na siya nag-isip pa. Umangat ang kanyang kamay at sinapo ang magkabilang pisngi ni Juancho bago walang pakundangang inilapit ang labi sa labi nito.

Napaungol siya nang maglapat ang kanilang mga labi. Napakalambot niyon, may bahid ng amoy vanilla at beer ang hininga nito. Bahagyang bumuka ang labi ni Juancho, marahil dahil sa gulat, at sinamantala iyon ni Erika. Ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito, nilasahan at ginalugad ang bawat sulok. Sa una, tila hindi alam ni Juancho ang gagawin, nanatiling nakatayo lamang. Ngunit hindi nagtagal, ginaya na nito ang ginagawa niyang paghalik.

And it tastes like fucking heaven.

Ipiniulupot niya ang mga braso sa batok nito, dahil pakiramdam niya ay matutumba siya—parang gelatin ang kanyang mga binti sa tindi ng halik na kanilang pinagsasaluhan.

Shit… sobrang init…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 5

    Lumayo si Erika ng bahagya, pinagmasdan ang namumungay na mga mata ni Juancho. Sensual niyang pinadaan ang mga daliri sa labi nito, hinaplos na parang sinusuri kung totoo ba ang nangyayari."Come with me, babe," bulong niya sa tainga nito, bago siya hinila papasok sa bahay.Dumaan sila sa likuran upang walang makakita. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa excitement. Para siyang teenager na unang beses gagawa ng kalokohan.Pagkaakyat sa hagdan, binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at agad itong isinara.Wala pang isang segundo, muling naglapat ang kanilang mga labi. Halatang hindi bihasa si Juancho sa ganito—ang paghalik nito ay may pag-aalangan, may bahid ng kaba. Napangiti siya. Lumayo siya nang bahagya."Stay," awat niya nang akmang aabutin siya ni Juancho.Dahan-dahan niyang inabot ang zipper ng kanyang dress sa likuran at unti-unting ibinaba iyon habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ng binata. Nakita niyang napalunok ito nang sunod-sunod.Hinayaan niyang dumulas paba

    Huling Na-update : 2025-03-31
  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 6

    PARANG MATATANGGAL na ang ulo ni Erika sa lakas ng pagyugyog sa kanya ng kung sinong walang-hiya at walang-pusong gumigising sa kanya!Ang sakit ng ulo niya, sobra! Kahit gusto niyang imulat ang mga mata, hindi niya magawa. Parang may pumipiga sa bungo niya, at ang mga mata niya, parang sinemento—ang bigat, ang hirap idilat!Umungol na lang siya, nagpoprotesta sa brutal na paggising sa kanya. Ano bang problema ng taong ‘to? Hindi ba nito alam na kailangan niya ng pahinga?Pakiramdam niya, kaunting-kaunti na lang at tuluyan nang malalaglag ang ulo niya!Sa inis, napilitan siyang bahagyang idilat ang isang mata, pilit na tinitingnan kung sino ang walanghiyang nangangahas guluhin ang mahimbing niyang tulog. Pero ang labo pa rin ng paningin niya!Kinusot niya ang mga mata niya hanggang sa luminaw ang paligid."Kiara?"Argh! Lintik na babaeng ‘to! Hindi na naman yata uminom ng gamot! Ang aga-aga, nanggigising na naman! Padarag niyang tinabig ang kamay nito. May sinasabi si Kiara, pero hind

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 1

    KANINA pa mainit ang ulo ni Erika dahil sa natanggap na tawag mula sa Daddy niya. Pinauuwi siya nito ng San Ignacio dahil birthday ng Lolo Damian niya.Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal niya ang lolo niya pero wala siyang balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang siya ng Daddy niya na mag-take over na sa kompanya nila, na ayaw na ayaw niya naman.Hindi niya kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya.Ano siya bale?Bakit naman siya magpapakahirap magtrabaho kung may mga empleyado naman na kayang gawin iyon?At isa pa, malay niya naman sa pagma-manage? Sarili niya ngang buhay hindi niya ma-manage ng ayos, yun pa kayang dambuhalang kompanya? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo.Tinamad na siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng 3rd year na siya sa kolehiyo sa pang apat na kurso niya. Feeling niya kasi niloloko niya lang ang sarili. Wala naman kasi siyang natututunan sa lahat ng mga itinutur

    Huling Na-update : 2025-03-30
  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 2

    Pero makapal ang balat nito kaya kinukulit siya nang kinukulit.Huminga muna siya nang malalim. Kulang sa pang-unawa si Marius kaya hindi uubra na sabayan niya ang galit nito. Kailangan niyang utuin si Marius para tigilan siya kahit ngayon lang. Isa pa, ayaw niya rin na may masabi siyang masakit na salita na mas dadagdag sa sama ng loob nito. Hindi niya naman kasi ito masisisi kung patay na patay ito sa kanya. Wala e, diyosa siya. "Marius... can we talk, baby? Like a two sensible adults? Hmm?" Mas pinalambing niya ang boses niya. Hinawakan niya pa ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya at marahang hinaplos iyon. Saglit na tinitigan siya nito pero mayamaya rin ay lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap."I know what you feel, baby... and it's... normal..." umpisa niya. Parang maamong tupa naman itong nakikinig sa kanya. Mabilis naman siyang naghahagilap ng idudugtong sa sasabihin niya. Inagat na ingat siyang ma-trigger na naman si Mari

    Huling Na-update : 2025-03-30
  • The Wild Heiress (tagalog)   CHapter 3

    Halos limang oras nang nasa daan si Erika. Ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang mga binti at ang kirot sa kanyang puwetan. Gosh, ang hirap palang magmaneho nang ganito katagal!Nagmamadaling umalis siya kanina sa condo matapos ang insidenteng muntikan na siyang ikamatay. Imbes na bumalik para kunin ang gamit, dumaan na lang siya sa mall para mag-withdraw ng pera at mamili ng mga bagong damit. Mabuti na lang at palaging may nakaipit na credit card sa likod ng kanyang cellphone case.Nagpilit si Patty na samahan siyang magpa-blotter laban kay Marius, pero tinanggihan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang makipagmatigasan sa isang baliw na lalaking walang ibang nais kundi sirain ang kanyang buhay. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.At ito nga, nasa daan na siya papuntang San Ignacio—ang lugar na matagal na niyang tinalikuran.Nang makita niya ang isang paradahan ng tricycle, inihinto niya ang kanyang Porsche at ibinaba ang bintana. Isang matandang vendor ang nagtitinda sa

    Huling Na-update : 2025-03-30

Pinakabagong kabanata

  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 4

    Isang linggo na ang lumipas mula nang bumalik si Erika sa San Ignacio, at isang linggo na rin siyang kinukulit ng kanyang ama tungkol sa pag-takeover ng negosyo. Palagi silang nauuwi sa pagtatalo. Bakit ba hindi na lang tanggapin ng daddy niya na hindi siya bagay sa opisina? At para saan pa ang kinikita ng pamilya nila kung hindi niya gagastusin? Nakakabaliw na talaga! Lahat ng ito, kasalanan ng gagong si Marius.Kung hindi lang talaga siya kailangang magtago, hinding-hindi siya magtitiis dito.Inubos niya ang natitirang alak sa kanyang baso. Ngayon ay pista sa San Ignacio, kasabay ng kaarawan ng kanyang lolo, si Don Damian Arcega, ang patriarco ng mga Arcega. Maraming bisita sa Villa, at halos lahat ng kanyang mga pinsan ay naroon, maliban kay Sabrina. Umalis ito noong fourth-year high school pa sila, at hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung nasaan na ito.Guilty pa rin si Erika sa pagkawala ng pinsan niya. Hindi sila magkasundo noon bago ito umalis, at kahit hindi niya aminin n

  • The Wild Heiress (tagalog)   CHapter 3

    Halos limang oras nang nasa daan si Erika. Ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang mga binti at ang kirot sa kanyang puwetan. Gosh, ang hirap palang magmaneho nang ganito katagal!Nagmamadaling umalis siya kanina sa condo matapos ang insidenteng muntikan na siyang ikamatay. Imbes na bumalik para kunin ang gamit, dumaan na lang siya sa mall para mag-withdraw ng pera at mamili ng mga bagong damit. Mabuti na lang at palaging may nakaipit na credit card sa likod ng kanyang cellphone case.Nagpilit si Patty na samahan siyang magpa-blotter laban kay Marius, pero tinanggihan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang makipagmatigasan sa isang baliw na lalaking walang ibang nais kundi sirain ang kanyang buhay. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.At ito nga, nasa daan na siya papuntang San Ignacio—ang lugar na matagal na niyang tinalikuran.Nang makita niya ang isang paradahan ng tricycle, inihinto niya ang kanyang Porsche at ibinaba ang bintana. Isang matandang vendor ang nagtitinda sa

  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 2

    Pero makapal ang balat nito kaya kinukulit siya nang kinukulit.Huminga muna siya nang malalim. Kulang sa pang-unawa si Marius kaya hindi uubra na sabayan niya ang galit nito. Kailangan niyang utuin si Marius para tigilan siya kahit ngayon lang. Isa pa, ayaw niya rin na may masabi siyang masakit na salita na mas dadagdag sa sama ng loob nito. Hindi niya naman kasi ito masisisi kung patay na patay ito sa kanya. Wala e, diyosa siya. "Marius... can we talk, baby? Like a two sensible adults? Hmm?" Mas pinalambing niya ang boses niya. Hinawakan niya pa ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya at marahang hinaplos iyon. Saglit na tinitigan siya nito pero mayamaya rin ay lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap."I know what you feel, baby... and it's... normal..." umpisa niya. Parang maamong tupa naman itong nakikinig sa kanya. Mabilis naman siyang naghahagilap ng idudugtong sa sasabihin niya. Inagat na ingat siyang ma-trigger na naman si Mari

  • The Wild Heiress (tagalog)   Chapter 1

    KANINA pa mainit ang ulo ni Erika dahil sa natanggap na tawag mula sa Daddy niya. Pinauuwi siya nito ng San Ignacio dahil birthday ng Lolo Damian niya.Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal niya ang lolo niya pero wala siyang balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang siya ng Daddy niya na mag-take over na sa kompanya nila, na ayaw na ayaw niya naman.Hindi niya kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya.Ano siya bale?Bakit naman siya magpapakahirap magtrabaho kung may mga empleyado naman na kayang gawin iyon?At isa pa, malay niya naman sa pagma-manage? Sarili niya ngang buhay hindi niya ma-manage ng ayos, yun pa kayang dambuhalang kompanya? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo.Tinamad na siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng 3rd year na siya sa kolehiyo sa pang apat na kurso niya. Feeling niya kasi niloloko niya lang ang sarili. Wala naman kasi siyang natututunan sa lahat ng mga itinutur

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status