PARANG MATATANGGAL na ang ulo ni Erika sa lakas ng pagyugyog sa kanya ng kung sinong walang-hiya at walang-pusong gumigising sa kanya!
Ang sakit ng ulo niya, sobra! Kahit gusto niyang imulat ang mga mata, hindi niya magawa. Parang may pumipiga sa bungo niya, at ang mga mata niya, parang sinemento—ang bigat, ang hirap idilat!
Umungol na lang siya, nagpoprotesta sa brutal na paggising sa kanya. Ano bang problema ng taong ‘to? Hindi ba nito alam na kailangan niya ng pahinga?
Pakiramdam niya, kaunting-kaunti na lang at tuluyan nang malalaglag ang ulo niya!
Sa inis, napilitan siyang bahagyang idilat ang isang mata, pilit na tinitingnan kung sino ang walanghiyang nangangahas guluhin ang mahimbing niyang tulog. Pero ang labo pa rin ng paningin niya!
Kinusot niya ang mga mata niya hanggang sa luminaw ang paligid.
"Kiara?"
Argh! Lintik na babaeng ‘to! Hindi na naman yata uminom ng gamot! Ang aga-aga, nanggigising na naman! Padarag niyang tinabig ang kamay nito. May sinasabi si Kiara, pero hindi niya maintindihan.
Hanggang sa luminaw ang isip niya at may narinig siyang umiiyak at may nagsisigawan pa.
Napakunot ang noo niya. Ano na naman ‘to?
Pilit niyang inangat ang katawan, kahit parang binabarena ang ulo niya sa sakit.
At ayun na nga—nanlaki ang mga mata niya nang tuluyan niyang maimulat ang mga ito at madiskubreng parang may fiesta sa paligid niya—pero horror edition.
Si Mommy, hagulgol nang hagulgol habang inaalo ni Daddy.
Si Kiara naman, mabilis na itinapis sa kanya ang kumot na parang may kung anong makikita ang lahat na hindi pa nila nakikita dati.
At si Lolo—
PUTANGINA.
May hawak itong shotgun.
At nakatutok iyon sa kung sino mang—
WAIT.
Sa katabi niya?!
Bigla siyang napalingon.
At sumalubong sa paningin niya ang isang naguguluhan at bagong gising na Juancho—namumutlang nakatitig kay Lolo, tabingi pa ang salamin sa mata at gulo-gulo ang buhok halatang kakagising lang din.
At pinakaimportante sa lahat?
HUBAD.
Hubad.
HUBAD.
Natakpan lang ng kumot ang ibabang katawan nito, pero still!
Gulat na gulat siyang napatingin sa sarili niya—
SHIT.
HUBAD DIN SIYA.
Mabilis niyang hinablot ang kumot at binalot ang sarili niya. At doon na siya tuluyang natauhan.
Putangina, anong kaguluhan ‘to?!
"HAYUP KA! PANANAGUTAN MO ANG APO KO KUNG AYAW MONG SUMABOG ANG UTAK MO!"
Galit na galit na sigaw iyon ni Lolo Damian, habang mariing nakatutok ang shotgun kay Juancho. Ang hintuturo nito'y mahigpit na nakadiin sa gatilyo, at kahit sino sa kwartong ito alam na walang pinalalagpas ang matandang ito kapag nagalit.
Lahat ng tao sa paligid ay tahimik, takot na takot—pero hindi si Lolo. NEVER si Lolo.
What. The. Actual. F*ck?!
Nanlalamig ang katawan niya sa kaba at gulat habang napalingon siya sa Lolo niya.
"L-Lo!" protesta niya, ang boses niya’y nanginginig.
Pero sinopla siya niya ng mas malakas na sigaw.
"TUMAHIMIK KA, ERIKA!"
Napapikit siya at halos mapaurong sa lakas ng boses nito. Shit, magka-heart attack ata pa ata siya dahil dito! Hindi pa siyaready!
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Juancho, na tila nakabawi na sa pagkabigla. Inayos nito ang pagkakatabingi ng salamin nito
"Ano, lalaki? Papanagutan mo ba ang apo ko o babarilin kita rito mismo?"
Wait.
Wait.
WAIT LANG!
Pananagutan?!
Siya?!
What the hell is happening?!
"Huminahon ka muna, Damian," awat ni Lola Constantina, pero kahit siya mukhang kinakabahan sa hawak ng niya Lolo.
"HUMINAHON?!" halos pasabog na ulit na sigaw ni Lolo. "GINALAW NG HAYUP NA 'YAN ANG APO KO, TAPOS GUSTO MONG HUMINAHON AKO?! PARENG GUSTING, IKASAL MO NA ITONG DALAWANG LINTIK NA 'TO!"
Napaawang ang bibig ko.
Excuse me, what now?!
KASAL?!
HA?!
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya, pero bago pa siya makasigaw ng "HELL NO!" isang matandang lalaki na naka-pajama at puting t-shirt ang lumapit, may hawak na makapal na papel—mukhang legit na dokumento.
Nag-panic siya.
"K-KASAL?!" Halos mahulog siya sa kama sa gulat.
"Lo, ayokong magpakasal!" sigaw niya, nanginginig sa takot at inis.
Gusto niyang magwala! Hindi pa siya ready mag asawa! Hindi siya ready magpakasal! She mean, LOOK AT HER! She's too young, hot, and living her best life! Hindi puwedeng ganito lang 'yun!
Pero ang Lolo niya? Ni hindi natinag.
Mukhang lalong nagpantig ang tenga ng Lolo ni Erika nang lingunin siya nito. Mukha na itong bulkan na anumang oras ay mag-e-erupt na. Namumula ito sa galit, at kitang-kita na niya ang ugat sa noo nitong halos pumutok na sa pamimintig.
"Ikakasal ka sa ayaw at sa gusto mo, Erika! Kung ayaw mong pati ikaw, barilin ko!" sigaw nito, mayanig siya sa lakas at intensidad ng galit nito.
Napalunok siya.
Oh. My. God.
Bumuhos ang reyalisasyon sa kanya. Hindi nga nagbibiro ang lolo niya. Totoo ngang galit ito at seryosong ipapakasal siya anu man ang mangyari.
Napalingon siya sa daddy niya, naghahanap ng kakampi, pero isang masungit at dismayadong tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Ang mommy naman niya ay mukhang hindi niya rin mahihingan ng tulong dahil nakayapos lang ito sa daddy niya at humahagugol nang iyak sa dibdib nito. Hindi niya lang sure kung para sa kahihiyan ba ang iniiyak nito o dahil sa dahilang ang nag-iisang anak nito ay ikakasal na!
Great. Talagang wala siyang kakampi.
Napalingon siya kay Juancho, ang punyemas na dahilan ng gulong ito.
Tahimik lang ito kahit halatang medyo kabado, pero ni wala ni katiting na pagtutol sa mukha nito. Ano ba ito, robot? Wala ba itong sense of urgency? O baka shocked pa rin ito kaya ni hindi na magawang pumiyok?
At bago pa siya makahanap ng paraan para makatakas, lumapit na ang isang matandang lalaki na may hawak na makapal na papel—at wait, saan ba napulot ng Lolo niya ang isang instant wedding officiant sa ganitong oras?! Mangani-nganing tadyakan niya ito.
Napadilat siya, gustong magwala, pero parang nag-time skip ang mundo.
Isang pares ng singsing ang inabot sa kanila.
At bago pa siya makapagsalita, ipinasuot na ito sa kanya.
Sunod, isang papel ang iniabot.
At parang wala na siyang control sa katawan niya dahil bago pa siya makatanggi, napirmahan na niya ito.
Oh. My. Freaking. God.
"You may now kiss the bride," anunsyo ng officiant na parang nagbigay lang ng weather report.
Excuse me, ano raw?!
Doon siya parang natauhan. Ikinasal siya ng nakahubo’t hubad, tanging kumot lang ang saplot, habang nakaupo sa kama, gulo-gulo ang buhok at may muta pa sa mata.
This is not my fucking dream wedding!
KANINA pa mainit ang ulo ni Erika dahil sa natanggap na tawag mula sa Daddy niya. Pinauuwi siya nito ng San Ignacio dahil birthday ng Lolo Damian niya.Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal niya ang lolo niya pero wala siyang balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang siya ng Daddy niya na mag-take over na sa kompanya nila, na ayaw na ayaw niya naman.Hindi niya kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya.Ano siya bale?Bakit naman siya magpapakahirap magtrabaho kung may mga empleyado naman na kayang gawin iyon?At isa pa, malay niya naman sa pagma-manage? Sarili niya ngang buhay hindi niya ma-manage ng ayos, yun pa kayang dambuhalang kompanya? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo.Tinamad na siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng 3rd year na siya sa kolehiyo sa pang apat na kurso niya. Feeling niya kasi niloloko niya lang ang sarili. Wala naman kasi siyang natututunan sa lahat ng mga itinutur
Pero makapal ang balat nito kaya kinukulit siya nang kinukulit.Huminga muna siya nang malalim. Kulang sa pang-unawa si Marius kaya hindi uubra na sabayan niya ang galit nito. Kailangan niyang utuin si Marius para tigilan siya kahit ngayon lang. Isa pa, ayaw niya rin na may masabi siyang masakit na salita na mas dadagdag sa sama ng loob nito. Hindi niya naman kasi ito masisisi kung patay na patay ito sa kanya. Wala e, diyosa siya. "Marius... can we talk, baby? Like a two sensible adults? Hmm?" Mas pinalambing niya ang boses niya. Hinawakan niya pa ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya at marahang hinaplos iyon. Saglit na tinitigan siya nito pero mayamaya rin ay lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap."I know what you feel, baby... and it's... normal..." umpisa niya. Parang maamong tupa naman itong nakikinig sa kanya. Mabilis naman siyang naghahagilap ng idudugtong sa sasabihin niya. Inagat na ingat siyang ma-trigger na naman si Mari
Halos limang oras nang nasa daan si Erika. Ramdam na niya ang pamamanhid ng kanyang mga binti at ang kirot sa kanyang puwetan. Gosh, ang hirap palang magmaneho nang ganito katagal!Nagmamadaling umalis siya kanina sa condo matapos ang insidenteng muntikan na siyang ikamatay. Imbes na bumalik para kunin ang gamit, dumaan na lang siya sa mall para mag-withdraw ng pera at mamili ng mga bagong damit. Mabuti na lang at palaging may nakaipit na credit card sa likod ng kanyang cellphone case.Nagpilit si Patty na samahan siyang magpa-blotter laban kay Marius, pero tinanggihan niya ito. Hindi na siya nag-abala pang makipagmatigasan sa isang baliw na lalaking walang ibang nais kundi sirain ang kanyang buhay. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.At ito nga, nasa daan na siya papuntang San Ignacio—ang lugar na matagal na niyang tinalikuran.Nang makita niya ang isang paradahan ng tricycle, inihinto niya ang kanyang Porsche at ibinaba ang bintana. Isang matandang vendor ang nagtitinda sa
Isang linggo na ang lumipas mula nang bumalik si Erika sa San Ignacio, at isang linggo na rin siyang kinukulit ng kanyang ama tungkol sa pag-takeover ng negosyo. Palagi silang nauuwi sa pagtatalo. Bakit ba hindi na lang tanggapin ng daddy niya na hindi siya bagay sa opisina? At para saan pa ang kinikita ng pamilya nila kung hindi niya gagastusin? Nakakabaliw na talaga! Lahat ng ito, kasalanan ng gagong si Marius.Kung hindi lang talaga siya kailangang magtago, hinding-hindi siya magtitiis dito.Inubos niya ang natitirang alak sa kanyang baso. Ngayon ay pista sa San Ignacio, kasabay ng kaarawan ng kanyang lolo, si Don Damian Arcega, ang patriarco ng mga Arcega. Maraming bisita sa Villa, at halos lahat ng kanyang mga pinsan ay naroon, maliban kay Sabrina. Umalis ito noong fourth-year high school pa sila, at hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung nasaan na ito.Guilty pa rin si Erika sa pagkawala ng pinsan niya. Hindi sila magkasundo noon bago ito umalis, at kahit hindi niya aminin n
Lumayo si Erika ng bahagya, pinagmasdan ang namumungay na mga mata ni Juancho. Sensual niyang pinadaan ang mga daliri sa labi nito, hinaplos na parang sinusuri kung totoo ba ang nangyayari."Come with me, babe," bulong niya sa tainga nito, bago siya hinila papasok sa bahay.Dumaan sila sa likuran upang walang makakita. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa excitement. Para siyang teenager na unang beses gagawa ng kalokohan.Pagkaakyat sa hagdan, binuksan niya ang pinto ng kanyang silid at agad itong isinara.Wala pang isang segundo, muling naglapat ang kanilang mga labi. Halatang hindi bihasa si Juancho sa ganito—ang paghalik nito ay may pag-aalangan, may bahid ng kaba. Napangiti siya. Lumayo siya nang bahagya."Stay," awat niya nang akmang aabutin siya ni Juancho.Dahan-dahan niyang inabot ang zipper ng kanyang dress sa likuran at unti-unting ibinaba iyon habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ng binata. Nakita niyang napalunok ito nang sunod-sunod.Hinayaan niyang dumulas paba
PARANG MATATANGGAL na ang ulo ni Erika sa lakas ng pagyugyog sa kanya ng kung sinong walang-hiya at walang-pusong gumigising sa kanya!Ang sakit ng ulo niya, sobra! Kahit gusto niyang imulat ang mga mata, hindi niya magawa. Parang may pumipiga sa bungo niya, at ang mga mata niya, parang sinemento—ang bigat, ang hirap idilat!Umungol na lang siya, nagpoprotesta sa brutal na paggising sa kanya. Ano bang problema ng taong ‘to? Hindi ba nito alam na kailangan niya ng pahinga?Pakiramdam niya, kaunting-kaunti na lang at tuluyan nang malalaglag ang ulo niya!Sa inis, napilitan siyang bahagyang idilat ang isang mata, pilit na tinitingnan kung sino ang walanghiyang nangangahas guluhin ang mahimbing niyang tulog. Pero ang labo pa rin ng paningin niya!Kinusot niya ang mga mata niya hanggang sa luminaw ang paligid."Kiara?"Argh! Lintik na babaeng ‘to! Hindi na naman yata uminom ng gamot! Ang aga-aga, nanggigising na naman! Padarag niyang tinabig ang kamay nito. May sinasabi si Kiara, pero hind