*Allessandro*I didn't expect Alana to leave me for good. Kahit hindi siya ganoon katagal na nanatili sa bahay ko ay parang nasanay akong nakikita siya, nasanay akong marinig ang boses niya. Hindi ko alam na sobra na akong na-attached sa kaniya. Hindi naman kasi talaga ako ganitong uri ng tao. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I just loved being around her. I'm longing for her. I'm afraid that I will get used to it. I'm afraid that I would love this pain. Alana is my wife, but she's not mine yet. She was untamed and I don't know how to tame her. She was different, something that caught my attention.Why do I have to think about her over and over again?Ni'y halos wala akong nagawa sa buong maghapon ko dito sa loob ng opisina. Nakatambak pa rin ang mga trabaho ko. I had a meeting today with Blue Knuckles, but I cancelled it. Nagiging irresponsible na ako dahil sa nangyayari sa puso ko. I have to get rid of these feelings.Next week I have to file an annulment. I don't want to po
*Alana*Ilang beses ng tumunog ang tiyan ko. Basta na lang kasi akong pumasok sa school ng hindi man lamang nagbreakfast. Maliban sa wala na akong time para kumain ay wala talaga akong gana. Mabuti na lang at may natitira pang twenty minutes para makapaghanda ako bago umalis ng apartment. Halos alas tres na ng madaling araw nang makatulog ako. Ayaw akong dalawin ng antok o dahil sadyang abala lang talaga ang utak ko sa kaiisip. Parang lantang saluyot na naman ang puso ko ngayon. Ilang araw na akong ganito. I was hurt. I think my heart is bleeding because of what I heard from Allessandro few days ago.Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang lahat ng sinabi niya.Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan ngayon e. Masyado akong assuming. Umasa ako na Allessandro will never do the things my mother did. I became weak and blinded by love. This is what I'm afraid of. I became naive.I'm so stupid to think that Allessandro is different from anyone else."Miss Garcia, pinapatawag po kayo ni
*Allessandro*"How dare you suspend Miss Garcia? I want to remind you that you're only the principal of this school and I'm the owner. I want her back here tomorrow, or else you will lose everything you have, Mr. Marquez. I hope you understand me better now." Nanggagalaiti ako sa galit."I'm sorry, Mr. Castellucio. I will talk to Miss Garcia immediately." Pakiusap niya.Tiningnan ko lamang siya ng matalim.Magpasalamat siya dahil may natitira pa ring kabutihan sa puso ko at iyon ay dahil kay Alana. She taught me well to become an angel. Kahit na masakit 'yong ginawa niyang paglisan ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya. Hindi ko siya kayang kalimutan ng basta-basta na lamang. Actually, what happened to the both of us a few days ago was great. Dapat ikatutuwa ko iyon dahil iyon naman talaga dapat ang mangyayari. Alana deserved a safe place. Tama siya, hindi na siya ligtas sa tuwing kasama ako. Hindi makabubuti sa kaniya kung patuloy niya akong mamahalin dahil hindi ako ang tam
*Alana*"Sige lang, sumubo ka lang. Hindi ka naman tataba kung makakaubos ka ng sampung gallon ng ice cream. Actually, inihanda ko talaga lahat ng 'to noong nararamdaman kong nagloloko na sa'kin 'yong ex boyfriend ko. Kaya lang sa sobrang sakit na naramdaman ko kahit ice cream 'di ko kayang lunukin." Pabirong sabi ni Molly.Nakakailang baso na ako ng ice cream.Sabi nila kapag malungkot dapat kumain ng mga sweets para hindi maging bitter. Tangna magkakadiabetes na ako bakit ang sakit pa rin ng nararamdaman ko."Bakit ba kasi nagpaghost ka rin?" Panenermon ni Molly.Muli na naman niyang sinalinan ng ice cream 'yong baso ko. Mas maigi na 'to. Kung magpapakalunod naman kasi ako sa alak sasakit lang 'yong ulo ko kinabukasan. Hindi ako puwedeng umabsent. Ayaw kong sayangin 'yong binigay na second chance sa'kin ni Mr. Marquez. "Hindi ko naman kontrolado ang lahat, Molly. Katulad mo 'di ba ilang beses ka na ring na-ghost?" Tiningnan ko pa siya saka muling sumubo ng ice cream.Inirapan niya
*Allessandro*"What the hell!" Mainit na mainit ang ulo ko dahil sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa Blue Knuckles business."Mr. Castellucio, you have to calm down. I assure you that I will find the thief and I will make him pay for what he did." Marahang wika ng head accountant ng buong Blue Knuckles."No. I will make him pay. I don't want to tolerate this." Nakatiimbagang kong sabi.Napalunok naman ang mga kasama ko sa loob ng silid. Alam kong natatakot sila sa'kin hindi dahil ako ang boss kundi dahil kilala nila kung anong klase ako ng tao. Mas mabangis pa ako sa lion at mas tuso pa ako sa ahas.I don't do killing without torturing.Nasa Italy ako ngayon para ayusin ang gulong nangyayari sa Blue Knuckles. Noong nakalipas na buwan ay nawalan ng halos twenty-five million ang pera ng organization. Hindi ko iyon pinalampas, nag-imbistiga ako at mayroon na akong suspetsa. Naulit muli ang pangyayaring iyon at sa ngayon mas malaking halaga na ang nawawala. Ayon sa accounting staff
*Alana*Pagkatapos ng halos isang dekada ay ngayon lamang naging katotohanan ang outing naming magkakaibigan. Muntik pang hindi makasama si Alena dahil may photoshoot daw sana siya subalit mabuti na lang at na-cancel iyon dahil may importanteng lakad yata si Marcello.Kotse ni Jack ang ginamit namin. Excited ang lahat.Sa isang kilalang beach kami pupunta. Mas gusto ko sana ng private resort kaya lang ayaw nilang lahat. Masyado daw boring.Three nights kami sa resort kaya medyu marami-raming kagamitan ang dala ko. I bring my laptop with me kasi nga kapag may vacant ay magtatrabaho pa rin ako. Gagawa ako ng mga lesson plan ko. Syempre hindi ko nakalimutang magdala ng sunblock, nagdala din ako ng summer hat, beach sandal, sunglasses, two piece na binili pa ni Alena para sa'kin. Minsan lang ako maligaw sa beach kaya susulitin ko na. Awra na kung awra.Biglang nagbeep ang phone ko."You were in my dream last night." Anang mensahe ni Allessandro.Ilang araw at gabi na kaming magkachat.Med
*Alana*"Where are we going?" Punong-puno ako ng pagtataka.Allessandro held my hand tightly. Is he still furious because I wore a bikini?Ang baba naman yata ng dahilan niya para umasta ng ganito.Hindi ko lubos maisip na iniwan niya ang mahahalagang meeting niya sa Italy para lang sa'kin. Para lang sermunan ako ng personal dahil sa pagsuot ko ng bikini. Matino pa ba isip niya?"Get in." Utos niya nang marating namin ang Bugatti Divo niya.Tiningnan ko siya ng matalim.Ano bang nangyayari?Saan niya ako dadalhin?"Did you hear me?" Nakatiimbagang niyang tanong.Galit ba talaga siya?Para namang sobrang laki ng kasalanan ko."You want to get in yourself or do you want me to get you in?" Muli niyang tanong.He clenched his jaw.Tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Ayaw kong umabot pa sa kung saan ang lahat. Kilala ko si Allessandro. He has a bad temper. Ayaw kong sagarin ang pasensiya niya. Nasa public place kami kaya hindi ko sasabayan ang init ng ulo niya.Mabilis ang pagpa
*Allessandro*"What! That's impossible!" Bulalas ko nang makatanggap ng balita tungkol sa mga Ruso.Tuluyan na ngang tumiwalag sa Blue Knuckles si Francesco Russo. Kinumpirma iyon ni Mauro. Matagal na panahon din na naging bahagi ng organisasyon si Francesco. Maayos naman at matino siyang miyembro ng Blue Knuckles. Nabago lamang ang lahat matapos akong italaga na bagong leader ng organisasyon. Hindi ko lubos maisip na nagawa niyang bitawan ng basta-basta na lamang ang Blue Knuckles. Marami siyang alam tungkol sa grupo at delikado iyon para sa lahat ng miyembro. Si Francesco Russo ang dahilan ng lahat ng nangyayaring kapalpakan sa mga negosyo ng organization. Siya ang may pakana ng protesta laban sa pagpapatayo ng casino plaza sa Hawaii. Siya rin ang nagnakaw ng pera ng Blue Knuckles at siya rin ang dahilan kung bakit ang iba't-ibang cockpit arena ay nagsara. He's doing inside job and the worst one is he already build a new organization. Maingat siyang magtrabaho dahil walang may nakat