Share

Banana boating

*Alana*

Pagkatapos ng halos isang dekada ay ngayon lamang naging katotohanan ang outing naming magkakaibigan. Muntik pang hindi makasama si Alena dahil may photoshoot daw sana siya subalit mabuti na lang at na-cancel iyon dahil may importanteng lakad yata si Marcello.

Kotse ni Jack ang ginamit namin. Excited ang lahat.

Sa isang kilalang beach kami pupunta. Mas gusto ko sana ng private resort kaya lang ayaw nilang lahat. Masyado daw boring.

Three nights kami sa resort kaya medyu marami-raming kagamitan ang dala ko. I bring my laptop with me kasi nga kapag may vacant ay magtatrabaho pa rin ako. Gagawa ako ng mga lesson plan ko. Syempre hindi ko nakalimutang magdala ng sunblock, nagdala din ako ng summer hat, beach sandal, sunglasses, two piece na binili pa ni Alena para sa'kin. Minsan lang ako maligaw sa beach kaya susulitin ko na. Awra na kung awra.

Biglang nagbeep ang phone ko.

"You were in my dream last night." Anang mensahe ni Allessandro.

Ilang araw at gabi na kaming magkachat.

Med
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status