Share

The Vapid Patient
The Vapid Patient
Author: tineta

Prologue

Author: tineta
last update Last Updated: 2021-08-08 16:28:38

"Angelic, dalian mo paparating na sila!” sigaw ng kasamahan ng dalaga na hapong-hapo na sa pagtakbo mula pa kanina.

"Napapagod na ako, Zette,” saad nito ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Malapit na tayo do'n sa may tren bilis hindi ka pwedeng sumuko ngayon!" Huminto panandalian si Zette upang makahabol sakan’ya ang kaibigan.

Sa loob ng ilang oras nilang pagtakbo at pagtakas ni isang mga kapwa nila tao ay wala na silang nakakasalubong o nakikita. Mistulan na ding ghost town ang buong paligid dahil napakatahimik na nito at parang sila na lang ang tanging buhay.

Ang tren na lang ang nag-iisa nilang pag-asa upang makakita ng tao kung sakali man at upang mabuhay.

"Unti na lang.” Inilahad na ni Zette ang kamay para tulungan na sa pagtakbo si Angelic na gusto ng sumuko kanina pa.

Ilang hakbang na lang ang distansya nila at tuluyan na nga silang nakasampa sa tren. Kinalabog nila ‘to nang kinalabog at sinubukang silipin ang loob. Doon nga ay may nakita silang mga tao ngunit nagdadalawang-isip ang mga ‘to na papasukin sila.

Lumapit ang isang lalaki upang tingnan sila sa maliit na glass na bintana.

Kaagad na umiling-iling si Zette tila sinasabing hindi pa sila infected ng kan'yang kaibigan. Nagawa n'ya na ring magmakaawa sa mga ‘to upang papasukin lang sila.

Sandali namang nagkaroon ng mahinang diskusyon ang mga tao sa loob bago sila tuluyang papasukin. Nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makatapak na sa sahig ng tren. 

"Malayo-layo pa sila..." hinihingal pa din na saad ni Zette. "Ngunit mas marami na sila ngayon.” Napasinghap ang mga tao dahil sa nalaman.

“Kapag nasa paligid na sila, walang sinuman sa ‘tin ang pwedeng mag-ingay o kahit kaluskos lang ‘yan dahil malakas ang pandinig nila.” Paalala ng lalaking tumingin kina Angelic kanina.

"Safe naman na tayo dito sa loob ‘di ba?” natatakot na tanong ng isang high school student na babae.

"Nakalulungkot man sabihin, pero hindi. Gaya nang sabi n'ya kanina marami na sila at kapag inatake pa nila ang tren na 'to malaki ang posibilidad na masira ‘to at makapasok sila,” paliwanag nito muli.

"Tama si kuya Jef, kaya hangga’t maaari manahimik lang tayo at magmasid kapag nand'yan na sila,” pagsang-ayon ng isang babaeng nasa mid 30's na.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kanilang lahat. Kung bibilangin ay hindi na sila aabot pa sa singkwenta lahat sa loob ng tren. Malamang ang iba ay infected na o ‘di naman kaya ang iba ay tumakbo na papalayo.

"Nagugutom ako, mama,”  reklamo ng isang batang lalaki na nasa tatlong taong gulang pa lamang.

"Shh anak, wala ng pagkain si mama. H’wag ka mag-alala kapag okay na lahat dadalhin kita sa Jollibee ‘di ba gusto mo 'yon? Sa ngayon tiis muna anak ah?" pag-aalo ng ina sa kan'yang anak. Nakita naman ‘yon ni Angelic kaya kinalabit n'ya si Zette upang senyasan na kumuha ng pagkain sa bag n'ya.

Sa pagtakbo kasi nila kanina ay marami na silang nadaanang mga grocery store at hangga't kasya pa sa bag nila ay kukuha at kukuha pa sila, hindi na nila inisip na bawal ang ginagawa nila dahil wala nang pagpipilian kundi gawin ‘yon.

Todo ang pasasalamat ng mag-ina matapos ibigay ni Zette ang dalawang mamon na nakuha nila.

Muling nagkaroon ng katahimikan hanggang sa marinig na nila ang papalapit ng mga zombie.

"Wala nang magsasalita.” Napuno at bakas na sa mukha nilang lahat ang takot habang nakikita na nila ang grupo ng mga zombie na papalapit na sa tren na kinalalagyan nila.

Paikot-ikot na ang mga zombie sa tren at alam nilang lahat na naamoy sila ng mga ‘to ngunit hindi lang ito umaatake kaya nananatili pa rin silang tahimik.

Maya-maya ay naramdaman ni Zette ang pagkalabit sa kan'ya ni Angelic, lumapit s'ya dito upang maibulong ng kaibigan ang gusto nitong sabihin.

"Hindi na ako makahinga, wala na rin sa bag ko ‘yong inhaler." Nanlaki ang mata ni Zette at kaagad na hinalukay ang bag ni Angelic.

May hika si Angelic at nagsisimula na ‘to ngayon dahil sa labis nilang pagtakbo. Hirap na s’yang huminga tila naninikip ang kan’yang dibdib dahil sa hingal.

"Pigilan mong maubo, Angelic," bulong ni Zette kahit natataranta na ‘to.

"I'm trying," nanghihinang sagot ni Angelic.

Sinubukang magtanong ni Zette sa mga kasamahan nila kung sino ang may inhaler ngunit lahat sila ay wala. Parehas na lang na nagkatinginan ang magkaibigan. 

Sinubukan pang pigilan ni Angelic ang pag-ubo ngunit hindi na talaga nito kaya.

"Mapapahamak ang lahat kung mananatili ka pa dito,” bulong na komento ni Jef.

"Oo nga, ayaw pa naming mamatay kaya lumabas ka na lang."

Patuloy sa pag-ubo si Angelic hanggang sa nakatunog na ang mga zombie sa labas.

Kaagad na may humawak sa dalawang braso ni Angelic at hihilain na sana ‘to palabas nang pigilan sila ni Zette.

"I'll go with her," matapang n'yang saad kaya binitawan na ng dalawang lalaki ang kaibigan n'ya.

"D-dumito ka na lang, Zette,” nanghihina at naiiyak na sabi ni Angelic.

"No, kung nasa'n ka nando'n din ako. Sasamahan kita,” aniya habang dahan-dahan at unti-unti na silang naglalakad ni Angelic papunta sa pintuan.

Nasa tapat na sila ng pintuan at lakas-loob na sana nila ‘tong bubuksan ng biglang may tumawag kay Angelic kaya kaagad nilang nai-pause ang pinapanood na movie.

"Ms. Yuzon,”

Mabilis na napatayo ng tuwid ang dalaga nang marinig ang boses ng kanilang Chief Psychologist sa ospital na pinagtatrabahuan n'ya. Hinarap n'ya si Mrs.Romana.

Istrikto ang mga ekspresyon nito habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng white coat n'ya. Angelic felt tensed. She's not that afraid of Mrs.Romana but as of this moment, she's very nervous.

Nasa mid 40's na ang Chief nila at ito na rin ang pinamatagal na Psychologist sa ospital kaya halos lahat ng mga interns ay mataas ang tingin at respeto sa kan'ya.

"Yes po, Ma'am?” magalang na tanong ni Angelic.

"You will be having your new patient from the 13th floor.”

Sandaling nanlaki ang mata ni Angelic dahil sa narinig. "Are you sure po, Ma'am?" hindi n'ya makapaniwalang tanong.

"Yes. Dahil isang buwan ka pa lang dito, I want to test you kung hanggang saan ang kaya mo. But I think, you can handle him naman." Mrs.Romana just shrugged her shoulders.

Kaagad na napahinga ng malalim si Angelic dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman n'ya. Kinakabahan ngunit nai-excite rin s'ya dahil lingid sa kaalaman ng lahat ng nagtatrabaho dito sa mental institution na ‘to na nasa 13th floor ang iilang pasyente na kakaiba ang mga sakit.

Pinilit n'yang alisin ang kaba sa dibdib. Aminin man n'ya o hindi ay isa rin s'ya sa mga Psychologist na curious sa floor na ‘yon dahil kadalasan dalawa hanggang tatlong Psychologist lang ang pwedeng umakyat do'n at mga batikan pa.

"Pupuntahan ko na po ba s'ya ngayon or mamaya na lang po?”

"Now, please.”

Kaagad nang isinuot ni Angelic ang coat n'ya at kumuha pa ng ibang kakailanganin n'ya ng kaagad s'yang pigilan ni Mrs.Romana.

"Hindi mo pa kailangan ng mga ‘yan. I also won't give you the patient's chart first dahil gusto ko ikaw muna ang mag-i-evaluate kung ano sa tingin mo ang sakit n'ya.” Naguguluhan namang tumingin si Angelic sa Chief Psychologist n'ya.

"All you need is courage, just like the Angelic in the movie you had watched earlier.”

Agad namang napangiwi si Angelic, hindi n'ya kasi alam kung sarkastik ba ‘to sa sinabi o sadyang bukal sa loob ang payo nito. Ngunit kahit nalilito ay tumango-tango na lang s'ya bilang pagsang-ayon.

"Ahm, ma'am?” Magtatanong pa sana ang dalaga ng unahan na s'ya ng kan'yang Chief.

"Just check the patient first and here…”

Pinanood ni Angelic ang kung anong kinuha nito sa kan'yang uniporme hanggang sa dahan-dahan na nitong inilabas ang dalawang bagay na mas lalong nagpasalubong sa kilay n'ya.

"Don't forget to use this after checking him."

Naguguluhan at hindi makapaniwala si Angelic na nakatingin kay Mrs.Romana. “P-po?”

"Just use this. The scent will calm the patient and will put him to sleep.”

She was dumbfounded. Her eyes were still locked on the two objects that she was holding. She immediately felt its heat on her palms until it flowed all over her body. She didn't understand why it's even needed.

Kandila at Lighter

Related chapters

  • The Vapid Patient   Kabanata 1

    "Snow White! Snow White!" ‘yan ang kaniya-kaniyang sigaw ng mga pasyente na naabutan ko. Tinapik ko ang balikat ni Fei dahil mukhang hindi n'ya napansin ang pagdating ko. May mga iba't ibang pambatang libro ang nakapatong sa kan'yang lamesa para basahin sa harapan ng mga pasyente. Mistulang malaking classroom ang buong k'warto na ‘to ang kaso lang ay may glass wall na nakapagitan sa amin at sa mga pasyente dahil kadalasan ay may bigla-bigla na lang sinusumpong at sinusugod ang mga nurse na nagbabantay sa kanila. Ngunit kahit gano'n pa man ay hindi naging hadlang ang glass wall dahil klaro pa ring naririnig ang boses ng isa't isa. "Oh andito ka pala, Angelic, bakit?” tanong n’ya bago ako lingunin sa kan'yang likuran. "Wala naman, gusto ko lang alamin kung anong ginagawa ng isang Psychiatric Nurse.” "Watch and learn,” mayabang n'yang sabi at binukl

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vapid Patient   Kabanata 2

    "Kaya ko." Nagkatinginan na lang kami ng aide dahil sa naging reaksyon n’ya. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin ulit sa buong paligid. Wala namang espesyal dito sadyang kakaiba lang dahil sa kulay nito. Sa paglibot ng mga mata ko ay nahagip ko ang funeral wreth na nasa gilid ng tv nakalagay. Lalapitan ko na sana ‘yon nang bigla akong tawagin ng aide. "Ahm…Doc, kung ayos lang po maiwan ko po muna s'ya sayo? pinapatawag po kasi ako. Pasensya na po talaga.” Wala namang kasong tumango ako kaya lumabas na s'ya. Lumapit na din ako do'n sa funeral wreth para basahin ang nakasulat do'n sa ribbon no'n. It was his name. Nawala ang atensyon ko do'n nang bigla kong marinig ang mahinang pagmura ng pasyente ko sa likuran ko. Nakita kong nagkalat na sa damit n'ya ang pagkain, malamang ay nahulog ‘yon mula sa kutsara maging ang gili

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vapid Patient   Kabanata 3

    "Napakaswerte talaga namin sayo, Angelic," tuwang-tuwa na sabi ni mama habang pinagmamasdan ang puti kong coat na may nakaburdang pangalan ko at may RPsy na sa dulo. Isa na akong ganap na Psychologist. Sa wakas. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at talagang maaga pa lang ay pinaghanda na ako ni mama para raw fresh ako pagpasok. Susme, kahit anong fresh ko pagpasok t'yak na paglabas ko ay para akong binomba dahil sa sobrang stress sa ospital pero kahit gano'n ay ito naman ang pinili kong tahakin na landas. Minsan na akong nagduda sa sarili ko dahil unang mga taon ko pa lang sa kolehiyo ay grabe na at puspusan na kaagad ang pag-aaral ko, akala ko pa nga no’n ay ako ang unang mababaliw kaysa sa mga magiging pasyente ko, pero I'm proud of myself na kinaya ko. Naging Psychometrician ako at ngayon isa nang ganap na Psychologist. Marami na rin ang nagtanong sa ’kin bakit Ps

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vapid Patient   Kabanata 4

    "Do I smell bad?” Halos malaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Kanina pa ako nalilito sa inaakto n'ya at may paghawak pa s'ya ng damit ‘yon pala tatanungin n'ya lang kung mabaho s'ya. Napahinga muna ako ng malalim at saka lumapit sa d****b n'ya bago s'ya amuyin. Matangkad s'ya samantalang ako hanggang d****b n'ya lang kaya do'n sa parteng ‘yon ko s'ya inamoy dahil ‘yon lang ang abot ko. "No need to use perfume na po, Sir,” nakangiti kong sabi. "You don't need to use 'po'. Anyway… " Sandali s'yang napatigil at napatingin sa orasan na nasa itaas lang ng tv n'ya. "Pwede mo ba akong tulungan kumain? Ayoko na kasi magkalat katulad kahapon, ikaw pa rin kasi ang maglilinis no’n kapag nagkataon.” Wala akong kahirap-hirap na tumango dahil wiling akong tumulong simula no'ng makita ko s'ya kahapon na gano'n kumain sinigurado ko na sa sarili ko na hindi na

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Vapid Patient   Kabanata 5

    Axle, sabi ko bilisan mo naman ang pagmamaneho." Kanina pa ako naiirita dahil sa napakakupad ng kapatid ko mag-drive. Late na nga ako tapos gan'yan pa s'ya. "Anong magagawa ko eh traffic, sana bulldozer na lang binili mo." Sa kabila ng pagtataas ko ng boses sa kan’ya ay s'ya namang hinahon pa din at may pagbibiro pang boses n'ya. That's the other thing I loved about him, kahit ga'no na kagulo sa bahay s'ya, nananatili pa ring kalmado. Pero sa sitwasyon kasi ngayon iba, late na ako at kapag lumampas pa ng sampung minuto ang pagkaka-late ko, mapapagalitan na ako ni Mrs.Romana. Si Fei na lang ang tanging nakikita kong pag-asa kaya nawa'y ilusot n'ya ako kapag nagtanong si Chief kung nasa’n ako. Sabagay, bakit ko ba kasi sinisisi kay Axle ang pagkaka-late ko eh

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Vapid Patient   Kabanata 6

    Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. "G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. "Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that. "Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinukli

    Last Updated : 2021-08-10
  • The Vapid Patient   Kabanata 7

    "Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei. "Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Vapid Patient   Kabanata 8

    Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? "Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. "Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her. Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tu

    Last Updated : 2021-08-18

Latest chapter

  • The Vapid Patient   HER POV

    HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk

  • The Vapid Patient   HIS POV

    HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin

  • The Vapid Patient   Epilogue

    Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong

  • The Vapid Patient   Kabanata 61

    "Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text

  • The Vapid Patient   Kabanata 60

    “Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul

  • The Vapid Patient   Kabanata 59

    Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta

  • The Vapid Patient   Kabanata 58

    Napatingin ako sa mga mata niya, tila nangungusap ‘yon pero hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa bago kami pumunta dito.Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita.Napangiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita. “H’wag ka mag-alala, atleast you saved, Cheska.” Wika ko at dahan-dahan nang inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Ayaw niya pa sana akong bitawan pero ako na mismo ang nagpumilit na bumitaw. Alam ko naman na gusto niya na rin mahawakan si Cheska para maramdaman niyang safe na talaga ang babaeng mahal niya.Pagkabitaw niya sa akin ay napatingin ako kay Cheska. I can see pain on her eyes but not just on her eyes but also physically. Magulo ang buhok niya at may sugat siya sa gilid ng labi. Kung hindi ako nagkakamali maaaring nagpumiglas siya kanina kaya siya nasaktan.Napahinga ako ng malalim at napapikit sandali. I’m also in deepest pain right now pero sino ang nandito

  • The Vapid Patient   Kabanata 57

    “Siya na mismo ang nagsabi, may mapupuntahan pa siya so what’s the point of accepting her? I don’t want to be an option again.”Natahimik naman ako bigla sa isinagot niya. Tama naman siya pero what if nasabi lang ‘yon ni Cheska dahil napahiya na s’ya?She just wants to escape the embarrassment.Pumasok na ng tuluyan si Pierre sa kusina at dumeretso sa sa pagkuha ng baso para magtimpla ng kape.Nagpapalakas naman ako ngayon ng loob kung paano ko ba sasabihin kay Pierre na uuwi na ako.Akmang magsasalita na sana ako nang unahan niya na naman ako.“Bago kita ihatid, mag-almusal muna tayo,” he said in a cold tone.Napapikit naman ako. Ikakagalit niya ba kung magpapaalam na ako ngayon?“’Here,” aniya. Pagkatingin ko ay tinimplahan niya na rin pala ako. Hindi ko napansing dalawang baso pala ang kinuha niya.May lamesa naman dito sa kusina kaya doon ko na lang pi

  • The Vapid Patient   Kabanata 56

    Nakaramdam ako ng bahagyang pag galaw sa tabi ko kaya naalimpungatan na rin ako kaso gagalaw pa lang sana ako eh nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ibaba ko. Napangiwi ako at dahan-dahan na lang idinilat ang mga mata.Biglang bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Mariin ko kaagad isinara ang mata at umiling-iling ako para alisin ‘yon sa isip ko pero the more na inaalis ko the more na naaalala ko lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon, magagawa namin at ito naman akong si tanga na pumayag.Akala ko mga lalaki lang ang hindi makakaiwas sa tukso pero ako rin pala. I tried to refuse pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng sariling isip ang buo kong katawan kagabi.Nang kumalma na ako at ang isip ko, sinuyod ko na ang buong sahig gamit ang mata ko para hanapin ang mga damit ko. “Gotcha,” bulong ko sa sarili nang makita ang mga yon malapit sa pintuan.Dahan dahan akong gumalaw at dahan dahan ko ring hinihila ang

DMCA.com Protection Status