Share

Kabanata 6

Author: tineta
last update Last Updated: 2021-08-10 20:51:26

Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. 

Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. 

"G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. 

"Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. 

I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that.

"Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinuklian n'ya rin naman ako ng isang ngiti. Sinundan ko lang s'ya ng tingin na lumabas na mula sa k'warto n'ya. Akala ko ay dederetso ulit s'ya sa drawer sa sala n'ya para kumuha ng pabango ngunit kita ko ang pagpipigil n'ya sa sarili. He's trying to stop what he used to do, maybe he already realized that it wasn't crucial because that was just one of the symptoms of his illness. At isa pa sayang ang pabango, mukha pa namang mamahalin tapos isang gamitan n’ya lang.

"Have you eaten?" 

Hindi ko napansing nakaupo na pala s'ya sa sala habang nakatingin sa ‘kin at nag-aantay ng sagot ko.

“Yes, Sir," tugon ko bago tuluyang lumabas sa k'warto n'ya. 

"Here eat this." Gulat akong napalingon ulit sa kan’ya dahil sa sinabi n'ya. Sa totoo lang ay ‘di pa talaga ako nakakapag-almusal pero hindi naman tama na ako ang kakain ng pagkain para sa pasyente. 

"No, Sir, para po sayo 'yan.” Pagtatangi ko. 

"Hindi ka mukhang nakapag-almusal na,” confident n'yang saad sa ‘kin. "Mukhang isang hangin lang sayo lilipad ka na." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi n'ya at kaagad na nag-iwas ng tingin. Sabi nila hindi naman ako gano'n kapayat pero mukhang sa mga mata ni Rue saranggola ako. 

Nang tuluyan na akong makalapit sa kan'ya ay hindi ko na tuloy alam ang gagawin kung tutulungan ko ba s'yang kumain ko o ano. 

"Sit here,” aniya habang marahang tinapik ang sofa kung saan rin s'ya nakaupo. Sumunod ako sa kan’ya kahit naiilang pa ako ng kaunti. Magkatabi na kami ngayon, nasa kaliwang banda n'ya ako habang parehas kaming nakaharap sa lamesa kung sa'n nakalatag ang mga pagkain. Sadyang nakahahalina ang mga pagkain at kahit lutong ospital ay makikita mo pa rin na masarap 'yon. 

"Hindi ako kakain ngayon, kaya sayo na ang mga 'yan," malumanay n'yang sabi kaya muli na naman akong nagtaka. Mangangatwiran pa sana ako nang iaabot n'ya na sa ‘kin ang kutsara at tinidor. 

Champorado ang isa sa mga pagkain na ginagamitan lang ng kutsara pero may tinidor pa din ang binigay nila. Pasimple akong napatingin sa kan’ya matapos kong kuhain ang kutsara at tinidor sa kamay n'ya. Siguro ang dahilan n'ya kung bakit ibinigay n'ya sa akin ang tinidor ay upang hindi na ulit mangyari ang nagawa n'ya kahapon. 

Sumandok na ako ng pagkain at bawat subo ko ay napaka-awkward dahil na sa tabi ko lang s'ya na pinapanood akong kumain. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong hawiin n'ya ang takas kong buhok at isinampay 'yon sa aking tainga.

"You take care of others while you forget to take care of yourself."

Nawala ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pagdikit ng kan'yang daliri sa aking tainga na tila nag-supply ng elektrisidad sa ’king buong katawan kaya hindi ko na narinig pa ang sinabi n'ya matapos ‘yon. 

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba at lamig ng buong pasilyo. Nandito kami ngayon sa napakalaking conference room dahil nagpatawag ng meeting si Director. 

I don't know why I am even here dahil sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali kaya wala akong kinalaman sa pag-uusapan nila,  kaso si Mrs.Romana ay sinama pa rin ako. Unti-unti nang nagdadatingan ang ibang mga Nurse, Psychologist at kahit Psychiatrist ay mayro'n din kaso napansin ko sila ‘yong mga kasama sa board of directors at mga batikan na. 

Nakadagdag pa sa kaba ko ang takot na baka nalaman ni Mrs.Romana ang pagkain ko sa pagkain ni Rue kaya n'ya ako isinama dito pero kung tungkol man do'n ay handa naman akong depensahan ang sarili ko. 

Napatingin ako sa isang babae na siguro ay nasa mid 30's pa lang. She looks pretty and sossy but not to the point na mukha na s'yang matapobre, it's just that sa edad n'ya hindi n'ya pa rin napababayaan ang hitsura n'ya. She gave me a sweet smile nang mapansing nakatitig ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako o hindi dahil kahit anong pilit ko hindi ko magawa-gawa dahil na din sa kaba sa sistema ko na hindi maalis-alis.

Gulong-gulo na rin ang isip ko kung bakit ba ako nasabit sa meeting nila mukhang hindi naman dapat ako nandito. 

Sunod na dinapuan ng mata ko ang mismong Director ng ospital. Lalaki s'ya at sumisigaw talaga sa hitsura n'ya ang pagiging propesyonal. Never ko pa s'yang nakausap at ‘di na rin ako hihiling na makausap s'ya dahil isipin pa lang na nasa harapan ko na s’ya ay nanghihina na kaagad ako. Hindi pa s'ya gano'n katanda maybe he's only on his late 20's.

"She's always late," inis na wika ng Director. 

"Baka nakalimutan n’ya lang ang daan papunta rito,” tugon naman ni Mrs.Romana. 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa kahit na hindi ko naman kilala ang tinutukoy nila. Sino pa ba ang inaantay? hindi na kasi talaga ako komportable dito sa kinauupuan ko. 

"Whether she's here or not yet let's begin, I will be the one to speak because it's embarrassing for our guest here today." 

Hinanap ko naman kaagad kung sino ang tinutukoy n'ya ng mapansin kong sa ‘kin sila lahat nakatingin. 

"A-ako po?" utal kong wika habang nakaturo rin sa sarili. Sumilay naman ang nakalolokong ngiti ng aming Director. 

"Yes, ikaw nga Ms. Angelic Yuzon. Siguro ay kanina ka pa napapaisip kung bakit ka pinadalo sa pagpupulong na ‘to pero maniwala ka, you are needed in this meeting today.”

Tumango-tango na lang ako ngunit hindi ko pa rin talaga mahinuha kung anong point ng meeting na ‘to at talagang importante pang dapat nandito ako. Sumang-ayon na lang ako dahil ‘di ko gusto na nasa akin lahat ng atensyon nila. 

Magsisimula na sana s'yang magsalita nang bigla na lang may umentrada sa pintuan at niluwa no'n ang isang babae na halos ka age ko lang kung titingnan. 

"Am I late?” nakangiti n'yang wika habang dere-deretso sa paglalakad na parang model. Iginala n'ya ang tingin n'ya hanggang sa magtama ang mga mata namin. "There you are!" Sabay turo n'ya sa akin kaya nagtaka na naman ako. 

"Don't blame me for being late here, she's the reason why.” Nabaling na naman tuloy sa ’kin ang mga mata nilang lahat kaya litong-lito ko rin silang tiningnan isa-isa. Wala akong ideya sa binibintang ng bagong dating na babae. 

"Roshan stop, ikaw ang h'wag manisi ng ibang tao dahil sa pagiging undisciplined mo sa oras." Nagmake face naman ang babae. How can she do that in front of our Director? What's their relationship? 

"I was looking for her kanina pang umaga but she's nowhere to be found. Sabay na sana kami pupunta dito but I can't find her even Nurses and Aides hindi rin alam kung nasa'n s'ya kaya, tell us saan ka galing?”

Bigla akong ginapangan ng kaba nang maalala ko ‘yong sinabi ni Fei na may naghahanap sa ‘kin kanina, hindi malabong s'ya ang babae na 'yon. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na nagtagal ako sa k'warto ni Rue dahil baka kung ano ang isipin nila. 

"Cr.” ‘Yan ang unang lugar na pumasok sa isip ko dahil sa pagkataranta. 

"Sa cr? ng gano'n katagal?” muling hirit no'ng Roshan ang pangalan. 

"Of course, I did my rounds first in my patients and then I went to cr because I had an LBM." Paliwanag ko na ikinatikom na ng bibig n'ya. 

"Enough for that. Can you just start the meeting now, Roshan?” Pagpapatigil sa'min ni Director. Napabuntonghininga na lang si Roshan at tuluyan nang lumapit doon sa malaking projector. 

"Before I start let me introduce myself first, I am Doctor Roshan Fabias, a Psychologist but not here in this institution," may halong tawa n'yang wika. "And since I won't give your respected Director a chance to speak, I'll just introduce him na lang. He is Ruther Fabias, the Director of this institution, 27 years old ready to mingle kaya mine n'yo na." 

"Roshan.” Maawtoridad na tawag sa kan'ya ni Director kaya napatigil s'ya sa pagsasalita at nagawa pang mag-peace sign. 

"Ops! lahat pala kayo dito matatanda na maliban lang sa kan’ya kaso 'di naman gan'yan ang tipo mo kuya Ruther ‘di ba?” Pagpaparinig n'ya sa akin. Napansin ko naman ang pag-ikot ng mata ni Director na halatang napupuno na kay Roshan. Nahalata n'ya naman ‘yon kaya nagseryoso na s'ya. 

"Anyway, don't be confused we are not siblings but we’re just cousins," nakangiti n'yang wika habang tinitingnan ang ibang panauhin hanggang sa dumako ang tingin n'ya sa akin na kaagad ikinawala ng ngiti n'ya. 

"At ikaw, kaya ka naman namin isinali sa diskusyong ‘to para ipaliwanag sayo ang buong impormasyon sa kondisyon ni Rue," she told me seriously. 

"Rue is an athlete, a great Archer. He practiced everyday to become the greatest Archer that the Philippines could have. When he heard that a contest was going to take place, he practiced even more because he wanted to win the gold medal. His long-awaited contest has arrived, at first, he had the highest score because his opponent didn't seem to be on himself and based on what I remember the name of his opponent was Cryo Alcantara. But when the game was about to end, the opponent suddenly recovered and was able to win the contest. Rue was sad and depressed that time and that's where the accident happened. He came from the bar and drove drunk which leads him to have a traumatic brain injury,”

"And when he recovered from the accident, his actions has changed. Even though he's awake and fine, he always says that he died in the car accident."

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Roshan para makahinga at tingnan kaming lahat na nakikinig lang sa kan'ya. Kita ko sa mata n'ya ang pagiging concern sa kan'yang pinsan at habang nagkukwento s'ya ay dama ko na naapektuhan pa din s’ya sa nangyari. 

"That's the reason why he slept on the casket because he was convinced that he was already dead. He also says that his right arm is gone even though it is still intact. There are also times when he hurts himself to feel pain and sometimes he doesn't know that he is also hurting other people around him because he believed, that they are just his hallucinations. We thought it was just because of the trauma that's why he act like that so, we put him under observation first and a month later we found out his real condition.”

Related chapters

  • The Vapid Patient   Kabanata 7

    "Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei. "Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Vapid Patient   Kabanata 8

    Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? "Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. "Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her. Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tu

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Vapid Patient   Kabanata 9

    "O bakit parang basang balut ka?" Isang sulyap lang ang ginawad ko kay Fei para lang makita s'ya bago muling ituon ang atensyon ko sa damit na pinupunasan ko. Naramdaman ko ang paglapit n'ya sa likuran ko hanggang sa kalabitin n'ya ako at ialok ang isa pa n'yang kape na wala pang bawas. "Nag alay-lakad lang naman kasi ako," tamad kong sagot bago tanggapin ang kapeng binibigay n'ya. "Bakit? Anong nangyari?" natatawa n'yang tanong bago bumalik sa upuan at sumimsim ng kape. "Iniwan ako no'ng pambihira kong kapatid dahil may outing daw sila at ito namang si mama hindi ako sinabihan edi sana inagahan ko ang paggising para nakapagpahatid sana ako!" Hindi pa rin matanggal sa sistema

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Vapid Patient   Kabanata 10

    Nakatitig lang sa kan'ya ang mga mata ko at bakas na bakas ang marahang pagkagulat sa mga mata n'ya ngunit kaagad din naman s'yang nakabawi do'n. "I can't tell you that, Ms. Angelic." I know na privacy na ni Rue 'yon pero hindi ba dapat ko ring malaman ang dahilan lalo na't titira kami sa iisang lugar? Ayokong sumabak sa isang desisyon na wala naman akong ideya. "Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip, hindi mo kailangan ngayon sagutin ang offer ko." Tanging pagtango na lang ang nagawa ko dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin. Tal

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Vapid Patient   Kabanata 11

    " 'Wag mo na kaming isipin ng kapatid mo, ayos lang kami dito tsaka dapat sarili mo ang isipin mo dahil ikaw ang malalayo sa amin." wika ni mama. Kahit hindi man siya umiiyak ngayon sa harapan ko alam kong nalulungkot rin siya dahil magkakahiwa-hiwalay kaming tatlo. "Oo nga naman ate atsaka nandito naman ako para bantayan si mama kaya wag ka ng mastress diyan," gatong naman ni Axle na biglang umakbay sa akin. "Ikaw wag kang puro gala ah! Tumulong ka dito kay mama sa gawaing bahay. Tanda tanda mo na kahit maglaba ng pinaghubaran mo 'di mo magawa," bulyaw ko sa kapatid ko. Marahan naman siyang napakamot ulo dahil totoo ang mga sinabi ko. "Ate naman aalis ka na nga lang manenermon ka pa,"

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Vapid Patient   Kabanata 12

    Dere-deretso lang ako papasok hanggang sa makarating ako sa kaniyang sala. Wala naman siya kaya imbis na mag-antay na paupuin ako ay kusa na akong umupo. Mahigit isang minuto kong nilibot ang paningin ko sa buong opisina niya bago ako nakarinig ng yabag. "Hindi ka naman siguro mangingibang bansa hindi ba?" alam ko ang tinutukoy niya... ang maleta ko. Lumingon ako sakaniya at sinundan siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa harapan ko. "Maraming salamat sa pagtanggap ng alok ko pinapangako kong hindi ka magsisisi dahil kung tutuusin pabor naman lahat sayo." Marahan niyang dinekwatro ang kaniyang mga binti bago ngumiti sa akin "Ngunit kahit ganun gusto ko parin ng kasunduan." deretso kong saad. Tumango tango naman siya bago pinadulas sa lamesang namamagita

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Vapid Patient   Kabanata 13

    Tulala lang akong napatitig sa kisame ng kwartong tinulugan ko. May sikat na ng araw sa labas ngunit hindi ko parin magawang igalaw ang buo kong katawan tila gusto lamang nitong dumikit sa napakalambot na kama kung nasaan ako ngayon.Ito ang unang araw na nakatulog ako sa ibang lugar at hindi sa aking kinagisnan na kama. Alas siyete na ng umaga at dahil pinapasweldo ako ay pilit akong bumangon kahit tinatamad talaga ako wala kasi akong tulog. Siyempre sino ba naman ang magiging komportable kaagad na matulog sa ibang lugar? Talo ko pa ang waisted sa nararamdaman kong katamaran. Bago ako lumabas ng kwarto ay niligpit ko muna ang aking pinaghigaan atsaka tinali ang kurtinang nakasabit sa bintana. Ayon kasi ang turo sa akin ni mama simula palang bata, kapag gigising ay buksan na ang binata para pumasok daw ang biyaya, wala

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Vapid Patient   Kabanata 14

    Kumalabog ng malakas ang aking d****b dahil sa kaba at halos umatras ang dila ko dahilan kaya hindi ako makapagsalita. Marahan akong pumikit upang pakalmahin ang sarili at pagkalipas ng ilang segundo nagawa ko nang makapagsalita. "Gusto ko lang sana magpaalam Chief," putol ko. "Tungkol saan?" nagbabasa parin siya at hindi manlang ako nililingon. "Gusto ko po sana dalhin si Rue sa rooftop." Napansin ko na napatigil siya kaagad at marahang sinara ang medical record na binabasa. Dahan-dahang umangat ang tingin niya papunta sa akin at nang magtama na ang mga mata namin ay tsaka siya nagsalita. "Does it really necessary?" seryoso at maawtoridad niyang tanong. Muli na naman tuloy akong kinain ng kaba kaya ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot.

    Last Updated : 2021-08-25

Latest chapter

  • The Vapid Patient   HER POV

    HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk

  • The Vapid Patient   HIS POV

    HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin

  • The Vapid Patient   Epilogue

    Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong

  • The Vapid Patient   Kabanata 61

    "Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text

  • The Vapid Patient   Kabanata 60

    “Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul

  • The Vapid Patient   Kabanata 59

    Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta

  • The Vapid Patient   Kabanata 58

    Napatingin ako sa mga mata niya, tila nangungusap ‘yon pero hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa bago kami pumunta dito.Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita.Napangiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita. “H’wag ka mag-alala, atleast you saved, Cheska.” Wika ko at dahan-dahan nang inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Ayaw niya pa sana akong bitawan pero ako na mismo ang nagpumilit na bumitaw. Alam ko naman na gusto niya na rin mahawakan si Cheska para maramdaman niyang safe na talaga ang babaeng mahal niya.Pagkabitaw niya sa akin ay napatingin ako kay Cheska. I can see pain on her eyes but not just on her eyes but also physically. Magulo ang buhok niya at may sugat siya sa gilid ng labi. Kung hindi ako nagkakamali maaaring nagpumiglas siya kanina kaya siya nasaktan.Napahinga ako ng malalim at napapikit sandali. I’m also in deepest pain right now pero sino ang nandito

  • The Vapid Patient   Kabanata 57

    “Siya na mismo ang nagsabi, may mapupuntahan pa siya so what’s the point of accepting her? I don’t want to be an option again.”Natahimik naman ako bigla sa isinagot niya. Tama naman siya pero what if nasabi lang ‘yon ni Cheska dahil napahiya na s’ya?She just wants to escape the embarrassment.Pumasok na ng tuluyan si Pierre sa kusina at dumeretso sa sa pagkuha ng baso para magtimpla ng kape.Nagpapalakas naman ako ngayon ng loob kung paano ko ba sasabihin kay Pierre na uuwi na ako.Akmang magsasalita na sana ako nang unahan niya na naman ako.“Bago kita ihatid, mag-almusal muna tayo,” he said in a cold tone.Napapikit naman ako. Ikakagalit niya ba kung magpapaalam na ako ngayon?“’Here,” aniya. Pagkatingin ko ay tinimplahan niya na rin pala ako. Hindi ko napansing dalawang baso pala ang kinuha niya.May lamesa naman dito sa kusina kaya doon ko na lang pi

  • The Vapid Patient   Kabanata 56

    Nakaramdam ako ng bahagyang pag galaw sa tabi ko kaya naalimpungatan na rin ako kaso gagalaw pa lang sana ako eh nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ibaba ko. Napangiwi ako at dahan-dahan na lang idinilat ang mga mata.Biglang bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Mariin ko kaagad isinara ang mata at umiling-iling ako para alisin ‘yon sa isip ko pero the more na inaalis ko the more na naaalala ko lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon, magagawa namin at ito naman akong si tanga na pumayag.Akala ko mga lalaki lang ang hindi makakaiwas sa tukso pero ako rin pala. I tried to refuse pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng sariling isip ang buo kong katawan kagabi.Nang kumalma na ako at ang isip ko, sinuyod ko na ang buong sahig gamit ang mata ko para hanapin ang mga damit ko. “Gotcha,” bulong ko sa sarili nang makita ang mga yon malapit sa pintuan.Dahan dahan akong gumalaw at dahan dahan ko ring hinihila ang

DMCA.com Protection Status