"Napakaswerte talaga namin sayo, Angelic," tuwang-tuwa na sabi ni mama habang pinagmamasdan ang puti kong coat na may nakaburdang pangalan ko at may RPsy na sa dulo.
Isa na akong ganap na Psychologist. Sa wakas.
Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at talagang maaga pa lang ay pinaghanda na ako ni mama para raw fresh ako pagpasok. Susme, kahit anong fresh ko pagpasok t'yak na paglabas ko ay para akong binomba dahil sa sobrang stress sa ospital pero kahit gano'n ay ito naman ang pinili kong tahakin na landas.
Minsan na akong nagduda sa sarili ko dahil unang mga taon ko pa lang sa kolehiyo ay grabe na at puspusan na kaagad ang pag-aaral ko, akala ko pa nga no’n ay ako ang unang mababaliw kaysa sa mga magiging pasyente ko, pero I'm proud of myself na kinaya ko. Naging Psychometrician ako at ngayon isa nang ganap na Psychologist.
Marami na rin ang nagtanong sa ’kin bakit Psychology ang kinuha kong kurso eh marami namang iba d'yan kung premed lang ang pag-uusapan. Sa totoo lang tama naman sila, may mas better pa na premed course maliban sa Psychology pero halos lahat kasi ng premed courses ay focus sa physical health ng isang tao samantalang ang psychology ay nakafocus kung paano ang behavior at kabuuang sitwasyon ng mental health ng isang tao.
Gusto kong makatulong sa mga taong hindi na maintindihin ang sarili nila. Marami kasi sa 'tin ang hindi naniniwala at sinasabing kaartehan lang ang pagkakaroon ng mental health problem.
"Angelic, anak alam naming ikaw ang mag-aahon sa ‘tin sa kahirapan. Alam naming magiging mabuting doktor ka para sa mga nangangailangan.” Napangiti na lang ako nang lumapit sa akin si mama at ipinapasuot ang puting coat ko.
"Suotin mo sandali para makapag-picture tayo. Gusto namin ng papa mo na kami muna ang unang makakakita kung gaano ka kaganda habang suot-suot 'yan.”
Nang maisuot ko na ay tinawag ni mama si Axle para kuhaan kami ng litrato.
Nakailang shots pa ang nakababata kong kapatid bago makuntento sina mama at papa. Enjoy na enjoy sila sa pagtingin sa mga kuha.
"Ang ganda ng ngiti mo dito ate,” sabi ni mama at saka iniharap sa ’kin ang cellphone.
Nakita ko ang hitsura ko do’n na pilit na nakangiti dahil pang ilang picture na namin 'yon.
"Ma, hindi naman ehh.” Tumawa lang s'ya at muli nang nagtingin ng mga iba pang litrato.
"Manang-mana ka talaga sa mama mo, Angelic parehas kayong maganda," wika ni papa habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay mama.
"Parehas kayong reyna at prinsesa ng buhay ko.”
Isang luha naman ang pumatak sa mga mata ko bago isara ang wallet kung sa'n nando'n ang litrato naming tatlo nung araw na ‘yon.
"Naaalala mo na naman ba si papa?” Rinig kong boses ni Axle sa gilid ko.
"Namimiss ko lang s'ya,” mahinang tugon ko bago tuluyang ibalik ang wallet sa bag ko.
It's been 2 years simula no'ng nawala si papa kaya sariwa pa ang lahat sa ‘kin. Sa loob ng dalawang taon kong palipat-lipat ng ospital na pinagtatrabahuan sila ni mama ang todo suporta sa akin. At ngayon, dito sa bagong ospital na pinagtatrabahuan ko sina Axle at mama na lang ang sumusuporta sa ‘kin.
"Saan ba kita ibababa ate? Okay na ba kahit sa gate na lang?” hirit ni Axle na halatang napilitan lang ihatid ako.
"Maghahatid ka na nga lang hanggang sa gate lang? Ideretso mo na sa loob. Paglalakarin mo pa ako ng malayo." Reklamo ko.
Malaki kasi ang Wilden Mental Institution, sa labas ay may gate at kapag pinasok mo ‘yon bubungad sayo ang napakalawak na field kaya hagardo versoza ka na pagkarating mo sa mismong ospital.
"Tsk, oo na. Bayaran mo ako pang gas ah!” hirit ulit n'ya na ikinalingon ko.
"Hoy hoy hoy ikaw na bata ka bakit sino ba bumili nitong kotse?” taas kilay kong sagot. Napakamot ulo na lang s'ya.
"Sabi ko nga ikaw,”
Inihinto n'ya na ang kotse sa tapat mismo ng ospital. Bago ako tuluyang lumabas ay muli kong kinuha ang wallet sa 'king bag at dumukot do'n ng dalawang libong piso para ibigay sa kan'ya.
Kumunot naman ang noo n'ya dahil sa pagtataka. Kanina pa nakalahad ang kamay ko ngunit hindi n'ya ‘yon kinukuha.
"Para saan 'yan?" naguguluhan n'yang tanong.
Nagkibit balikat lang ako at ako na ang kusang kumuha ng kamay n'ya para ilagay do'n ang pera. "Hiya ka pa kuhain, kailan pa naging manipis ang mukha ng isang Axle Yuzon aber?” tukso ko sa kan’ya na ikinairap naman ng mata n'ya pero nakangiti s'ya. Baliw.
"Alam kong mahirap ang walang pera at trabaho kaya ‘yan gamitin mo ‘yan pambili ng pagkain at kung anong kailangan mo."
Mas lalong lumapad ang ngiti sa kan'yang labi at dali-dali akong niyakap ng mahigpit. "You the best!" sigaw n'ya at saka ako hinalikan sa pisngi at binitawan na. Muntik na akong hindi makahinga do'n.
Tuluyan na akong lumabas ng kotse at naglakad na papasok sa ospital.
Axle is the sweetest guy I know maliban kay papa. He's hard on other girls but not to the point na rude. Ngunit, pagdating sa’min ni mama ay napakalambing n'ya at punong-puno ng kalokohan sa katawan. When he was a child he became our happy pill dahil napakahumorous n'yang nilalang.
He's already graduated in college as a Civil Engineering student pero hindi pa s'ya nagti-take ng board exam dahil natatakot s’yang bumagsak. Ilang beses ko na s’yang pinagsabihan tungkol sa bagay na ‘yon pero saka na daw kapag handa na talaga s'ya. Hindi ko naman na s’ya pinilit pa sa bagay ‘yon.
Pagkarating ko sa room namin ni Fei ay nando'n na s'ya tinitignan ang mga charts ng pasyente n'ya.
"Hi! Good morning, Ange." Bati n'ya sa akin bago isinara ang chart at binalingan ako ng tingin.
"Good morning rin, Fei." Bati ko pabalik habang nakangiti.
"So, kumusta ang 13th floor kagabi?” nakangisi n'yang tanong halatang gusto ng chika.
Hinubad ko sandali ang coat at isinabit ‘yon bago s'ya balingan ng tingin. Kaya pala isinara n'ya ang chart na binabasa dahil gusto n'yang makichismis.
Kusang bumalik sa isip ko ‘yong mga nangyari kagabi at kahit gusto ko mang ikwento sa kan’ya hindi pa rin pwede dahil hindi magandang pagchismisan namin ang isang pasyente at panigurado rin akong hindi n'ya rin maiintindihan. Magugulo lang din ang isipan n'ya.Kasi kahit ako mismo naguguluhan.
Sa unang tingin mapagkakamalan mo s’yang normal na tao, wala kang makikitang kakaiba sa kan’ya. Ngunit mapapaisip ka na lang talaga kapag mas pinansin mo s'ya dahil maguguluhan ka sa anong klaseng sakit ba ang meron s'ya bakit sa kabaong s'ya natutulog? Bakit mistulang lamay ang loob ng k'warto n'ya?
Pero kung tutuusin wala namang normal na tao ang maa-admit dito sa psychiatric hospital kung walang mali sa kanila.
"Ahm, wala naman, chineck ko lang s'ya tapos lumabas na din kaagad ako,” tipid ko na lang na sagot.
"Anong sakit n'ya?” tanong n'ya ulit. Ramdam kong marami talaga sa’min ang curious tungkol sa mga nagiging pasyente sa 13th floor pero hindi rason 'yon para pagkwentuhan. Wala namang masama pag-usapan ang mga pasyente pero sa sitwasyon ko kasi, hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang sakit n'ya kaya wala rin akong maikukuwento.
Bahagya na lang akong napabuga ng hangin bago sumagot. "Wala rin akong ideya, Fei,” malungkot kong tugon.
Napatango-tango na lang s'ya at muli nang bumalik sa ginagawa n'ya kanina.
Hindi na ako nagsalita pa at sinuot ko na lang ulit ang coat ko. Oras na para mag-round sa mga pasyente ko. Nagpaalam na ako kay Fei at dumiretso na sa nursing station para kuhain ang medical chart ng unang pasyenteng pupuntahan ko.
Lumipas ang kalahating oras at naka-round na ako sa mga pasyente ko, s'ya na lang ang tanging hindi ko pa napupuntahan.
Dahil wala sa akin o sa nursing station ang medical chart n'ya ay dumiretso na lang kaagad ako do’n sa k’warto n'ya.
Nang sandali na akong makarating sa 13th floor ay dahan-dahan ko nang pinihit ang busol ng pintuan. Tahimik ang buong k'warto katulad lang din nang nadatnan ko kagabi. Tatawagin ko na sana s'ya ng pigilan ko ang sarili kong gumawa ng ingay dahil baka mamaya ay natutulog pa s'ya.
Maingat ang bawat paghakbang ko na tila isa ‘kong magnanakaw. Nilibot ko ang mata ko sa buong sala n'ya ngunit wala s'ya doon kaya dumiretso na ako sa isa pa n'yang pintuan kung saan doon s'ya natutulog. Dahan-dahan akong pumasok at pagkapasok ko ay nakiramdam muna ako sandali bago tuluyang lumapit do'n sa casket.
Pagsilip ko ay nakahiga pa rin s'ya sa loob halatang natutulog pa. Do'n ako nagkaroon ng pagkakataon na examin-in ang mukha n'ya.
May kakapalan ang kan'yang mga kilay, habang ang kan'yang pilik-mata ay mahahaba at naka-curl samantalang ang ilong n'ya naman ay matangos at ang labi ay cupid bow ang shape.
"So this is how it feels when someone staring at you while sleeping?"
Nanlaki biglang ang mga mata ko nang marinig ang pagsasalita n'ya habang nakapikit pa din s'ya. Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang paggapang ng kaba sa ’king sistema. Para akong magnanakaw na nahuli.
Ang kan'yang garalgal at husky na boses ang mas lalong nagpatindi sa kabog ng dibdib ko.
Mag aalas siyete pa lang ng umaga kaya ‘di ko inaasahang gising na pala s'ya.
Madiin akong napalunok nang dahan-dahan n'ya nang imulat ang mga mata n'ya. Ilang segundo s’yang nakipagtitigan sa akin hanggang sa magpasya na s’yang bumangon kaya tumulong ako sa pagbukas ng takip ng casket. Pagkatapos no’n ay dali-dali kong kinuha ang upuan upang tungtungan n'ya.
"Good morning po, Sir." Bati ko na ikinatango n’ya lang. Grabe, kakagising n'ya pa lang pero para na s’yang bagong ligo dahil sa amoy n'ya. Napapaisip tuloy ako kung may air freshener ba do'n sa loob ng kabaong.
"Damn!"
Nataranta akong napalingon sa kan’ya nang marinig ko ang pagkalabog ng kung anong bumagsak at nahulog. Dali-dali ko s’yang dinaluhan upang tulungan tumayo.
Mukhang namali s'ya nang tapak sa upuan at natumba ‘to kaya ngayon ay nakasalampak s'ya sa sahig. Mali ko rin, hindi ko kasi hinawakan ‘yong bangko ‘yan tuloy.
"Sir, ayos lang po ba kayo? May masakit po ba? Saan? " sunod-sunod kong tanong dahil sa pag-aalala.
"I'm okay.”
"Sorry, Sir, hindi ko po nahawakan ‘yong upuan,” nakangiwi kong paliwanag.
Tila naging instant Nurse na rin tuloy ako bawat bisita ko dito pero wala namang kaso sa ‘kin ‘yon dahil kasama naman sa trabaho ko ang pag-assist ng mga pasyente ko.
"No, it's not your fault." Tipid lang s’yang ngumiti at nagdere-deretso na sa paglalakad palabas ng k'warto. Sinundan ko lang s'ya hanggang sa makita kong tumigil s'ya sa tapat ng drawer sa sala n'ya. Mukhang alam ko na ang kukuhain n'ya.
Napansin ko ang pagtagilid ng ulo n'ya na tila nag-iisip o naguguluhan sa gagawin. Bubuksan na sana n'ya ang drawer kung sa'n nakalagay ang mga pabango n'ya ng pigilan n'ya ang kamay na gawin 'yon. Parang mayro'ng pagtatalo sa pagitan ng isip n'ya at ng kamay n'ya. Tumalikod s'ya do'n at tiningnan ako. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako tinitingnan kaya tiningnan ko na rin lang s'ya na may halong pagtatanong. Ilang segundo lang ay naglakad na s'ya papalapit sa ‘kin. Deretso lang na nakapukol sa 'kin ang kan'yang mga mata. Gusto ko sanang umatras pero natatakot ako dahil baka ma-offend s'ya.
Ilang hakbang na lang ang distansya namin nang mapansin kong hinawakan n'ya ang laylayan ng damit n'ya, nanatili pa ring nakatitig sa ’kin ang mga mata n'ya hanggang sa tuluyan n'ya nang alisin ang distansya naming dalawa.
Ang lapit n'ya sa ‘kin kaya ito na naman tuloy ang dibdib ko na hindi magkamayaw sa pagtibok. Kung kanina ay gusto kong umatras ngayon kahit anong gawin ko ‘di ko na ‘yon magawa para na akong nasemento sa kinatatayuan ko.
Mas lalo pa s'yang lumapit sa ’kin bago magsalita.
"Do I smell bad?” Halos malaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Kanina pa ako nalilito sa inaakto n'ya at may paghawak pa s'ya ng damit ‘yon pala tatanungin n'ya lang kung mabaho s'ya. Napahinga muna ako ng malalim at saka lumapit sa d****b n'ya bago s'ya amuyin. Matangkad s'ya samantalang ako hanggang d****b n'ya lang kaya do'n sa parteng ‘yon ko s'ya inamoy dahil ‘yon lang ang abot ko. "No need to use perfume na po, Sir,” nakangiti kong sabi. "You don't need to use 'po'. Anyway… " Sandali s'yang napatigil at napatingin sa orasan na nasa itaas lang ng tv n'ya. "Pwede mo ba akong tulungan kumain? Ayoko na kasi magkalat katulad kahapon, ikaw pa rin kasi ang maglilinis no’n kapag nagkataon.” Wala akong kahirap-hirap na tumango dahil wiling akong tumulong simula no'ng makita ko s'ya kahapon na gano'n kumain sinigurado ko na sa sarili ko na hindi na
Axle, sabi ko bilisan mo naman ang pagmamaneho." Kanina pa ako naiirita dahil sa napakakupad ng kapatid ko mag-drive. Late na nga ako tapos gan'yan pa s'ya. "Anong magagawa ko eh traffic, sana bulldozer na lang binili mo." Sa kabila ng pagtataas ko ng boses sa kan’ya ay s'ya namang hinahon pa din at may pagbibiro pang boses n'ya. That's the other thing I loved about him, kahit ga'no na kagulo sa bahay s'ya, nananatili pa ring kalmado. Pero sa sitwasyon kasi ngayon iba, late na ako at kapag lumampas pa ng sampung minuto ang pagkaka-late ko, mapapagalitan na ako ni Mrs.Romana. Si Fei na lang ang tanging nakikita kong pag-asa kaya nawa'y ilusot n'ya ako kapag nagtanong si Chief kung nasa’n ako. Sabagay, bakit ko ba kasi sinisisi kay Axle ang pagkaka-late ko eh
Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. "G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. "Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that. "Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinukli
"Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei. "Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can
Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? "Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. "Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her. Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tu
"O bakit parang basang balut ka?" Isang sulyap lang ang ginawad ko kay Fei para lang makita s'ya bago muling ituon ang atensyon ko sa damit na pinupunasan ko. Naramdaman ko ang paglapit n'ya sa likuran ko hanggang sa kalabitin n'ya ako at ialok ang isa pa n'yang kape na wala pang bawas. "Nag alay-lakad lang naman kasi ako," tamad kong sagot bago tanggapin ang kapeng binibigay n'ya. "Bakit? Anong nangyari?" natatawa n'yang tanong bago bumalik sa upuan at sumimsim ng kape. "Iniwan ako no'ng pambihira kong kapatid dahil may outing daw sila at ito namang si mama hindi ako sinabihan edi sana inagahan ko ang paggising para nakapagpahatid sana ako!" Hindi pa rin matanggal sa sistema
Nakatitig lang sa kan'ya ang mga mata ko at bakas na bakas ang marahang pagkagulat sa mga mata n'ya ngunit kaagad din naman s'yang nakabawi do'n. "I can't tell you that, Ms. Angelic." I know na privacy na ni Rue 'yon pero hindi ba dapat ko ring malaman ang dahilan lalo na't titira kami sa iisang lugar? Ayokong sumabak sa isang desisyon na wala naman akong ideya. "Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip, hindi mo kailangan ngayon sagutin ang offer ko." Tanging pagtango na lang ang nagawa ko dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin. Tal
" 'Wag mo na kaming isipin ng kapatid mo, ayos lang kami dito tsaka dapat sarili mo ang isipin mo dahil ikaw ang malalayo sa amin." wika ni mama. Kahit hindi man siya umiiyak ngayon sa harapan ko alam kong nalulungkot rin siya dahil magkakahiwa-hiwalay kaming tatlo. "Oo nga naman ate atsaka nandito naman ako para bantayan si mama kaya wag ka ng mastress diyan," gatong naman ni Axle na biglang umakbay sa akin. "Ikaw wag kang puro gala ah! Tumulong ka dito kay mama sa gawaing bahay. Tanda tanda mo na kahit maglaba ng pinaghubaran mo 'di mo magawa," bulyaw ko sa kapatid ko. Marahan naman siyang napakamot ulo dahil totoo ang mga sinabi ko. "Ate naman aalis ka na nga lang manenermon ka pa,"
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta
Napatingin ako sa mga mata niya, tila nangungusap ‘yon pero hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa bago kami pumunta dito.Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita.Napangiti ako ng mapait sa kaniya bago magsalita. “H’wag ka mag-alala, atleast you saved, Cheska.” Wika ko at dahan-dahan nang inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Ayaw niya pa sana akong bitawan pero ako na mismo ang nagpumilit na bumitaw. Alam ko naman na gusto niya na rin mahawakan si Cheska para maramdaman niyang safe na talaga ang babaeng mahal niya.Pagkabitaw niya sa akin ay napatingin ako kay Cheska. I can see pain on her eyes but not just on her eyes but also physically. Magulo ang buhok niya at may sugat siya sa gilid ng labi. Kung hindi ako nagkakamali maaaring nagpumiglas siya kanina kaya siya nasaktan.Napahinga ako ng malalim at napapikit sandali. I’m also in deepest pain right now pero sino ang nandito
“Siya na mismo ang nagsabi, may mapupuntahan pa siya so what’s the point of accepting her? I don’t want to be an option again.”Natahimik naman ako bigla sa isinagot niya. Tama naman siya pero what if nasabi lang ‘yon ni Cheska dahil napahiya na s’ya?She just wants to escape the embarrassment.Pumasok na ng tuluyan si Pierre sa kusina at dumeretso sa sa pagkuha ng baso para magtimpla ng kape.Nagpapalakas naman ako ngayon ng loob kung paano ko ba sasabihin kay Pierre na uuwi na ako.Akmang magsasalita na sana ako nang unahan niya na naman ako.“Bago kita ihatid, mag-almusal muna tayo,” he said in a cold tone.Napapikit naman ako. Ikakagalit niya ba kung magpapaalam na ako ngayon?“’Here,” aniya. Pagkatingin ko ay tinimplahan niya na rin pala ako. Hindi ko napansing dalawang baso pala ang kinuha niya.May lamesa naman dito sa kusina kaya doon ko na lang pi
Nakaramdam ako ng bahagyang pag galaw sa tabi ko kaya naalimpungatan na rin ako kaso gagalaw pa lang sana ako eh nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ibaba ko. Napangiwi ako at dahan-dahan na lang idinilat ang mga mata.Biglang bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari kagabi. Mariin ko kaagad isinara ang mata at umiling-iling ako para alisin ‘yon sa isip ko pero the more na inaalis ko the more na naaalala ko lahat. Hindi ko akalaing magagawa ko ‘yon, magagawa namin at ito naman akong si tanga na pumayag.Akala ko mga lalaki lang ang hindi makakaiwas sa tukso pero ako rin pala. I tried to refuse pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng sariling isip ang buo kong katawan kagabi.Nang kumalma na ako at ang isip ko, sinuyod ko na ang buong sahig gamit ang mata ko para hanapin ang mga damit ko. “Gotcha,” bulong ko sa sarili nang makita ang mga yon malapit sa pintuan.Dahan dahan akong gumalaw at dahan dahan ko ring hinihila ang