Inaantok na ‘ko nang makarating kami. Ala siesta y media pa lamang naman.
Nauna akong bumaba at inalalayan naman ako ni Drake, ang una kong nakita sa pagtaas ko’y si King.
Nangiti ako nang makita ito pero mukhang hindi ito natuwa.
Binitiwan naman ako ni Drake para alalayan ang iba pa.
Mukhang napansin din ng mga naroon si King.
“Sino naman ang guwapong lalaking ito?” tanong ni Aling Esther.
“Ah, ito po ang boyfriend ko si King,” sagot ko.
“Aba’y napakaguwapo!” sabi ni Aling Isyang na mahilig sa guwapo.
Tiningnan ko si King, halatang may topak siya pero ngumiti naman.
“Salamat sa pag-aalaga at pag-uwi nang ligtas kay Anasta—”
“Natasha,” bulong niya rito.
“Wala ‘yon, wala ‘yon! Napakabait niyang dalaga!” sabi ni Aling Dalia.
Nangiti naman ako.
“Aalis na po kami, maraming salamat, Dra
Tulog ako nang umalis si King. Sapat na sa ‘kin iyong gano’n, ang mahalaga alam kong ligtas siya.Maaga akong nagising kaya maaga rin akong nagkape.Naabutan pa ‘ko ni Marina at Renan na papasok naman ng trabaho.“Nakaalis na si King?” tanong ni Renan.Ito lamang ang nag-aalmusal dahil tumanggi ako at gusto naman ni Marina na hintayin ang anak sa almusal.“Umalis na, abala siya ngayon, napadaan lamang,” nakangiting sagot ko.“Mabuti at hindi ka naiinip sa gano’n,” sabi ni Renan.Nangiti ako. “Hindi naman, masaya kasi rito, marami akong nakakausap at naiintindihan ko naman kung bakit siya wala, valid naman ang mga rason niya kaya madali lang sa ‘kin na sumangayon.”Nangiti silang dalawa ni Marina.“Ligtas din dito, alam kong dinala ka niya rito para maging ligtas,” sabi ni Renan.Tumango ako. “Iyon nga ang sabi niya sa &
“Kumusta na ang hawak ninyong Vampire Hunter?” tanong ni Don Felipe sa dalawang bampirang pinagbabantay niya sa nasabing Vampire Hunter.“Maayos naman, kinakaya ng katawan niya ang mga isinasaksak sa kanya,” sagot ng isa.Sa kanyang trono’y napadiretso nang upo si Don Felipe.“Sige, makakaalis na kayo,” sabi niya sa mga ito.Nagdatingan din ang mga babaeng tila wala sa huwisyo at naggagandahan. Pumuwesto ang mga ito sa paanan ni Don Felipe, ang limang babae ay mga aliping nakuha sa iba’t ibang lugar.“Hindi ako kumilos simula nang malaman ko ang kay King. Sa ngayon, sinusunod naman niya ‘ko at wala akong nakikitang pagbabago. Hindi ako dapat magpadalos-dalos. Isa pa, kahit ano naman ang gawin niya’y ‘di iya makakalaya sa ‘kin.” Nangisi si Don Felipe. Noong nakaraan ay ipinadala niya sa Gongorra si King, isa ‘yong Dark Island, ibig sabihin lamang malalakas ang
Napatingin din si Drake kay King.Kinakabahan ako dahil halatang galit si King.“Narito na pala ang kasama mo,” sabi ni Drake. “Siguro ay aalis na rin ako.”Hindi ko malaman kung papayag akong umalis siya o sasabihin ko munang kumain siya. Pero baka magalit lalo sa ‘kin si King. Hindi tuloy lumabas ang boses sa ‘king labi.“Kumain ka muna, gising na rin si Dylan,” sabi ni King.Nagulat naman ako pero ipinagpapasalamat kong pinakain niya muna si Drake dahil nakakahiya naman kung makakaramdam ito nang kakaiba sa pagitan nilang tatlo.Ipinaghanda niya ang mga ito.Mukha namang wala namang kahit na anong pagkailang si Drake. Nakangiti lamang ako. Pero alam ko na si King, iyong ngiti niya’y pilit lamang.“Saan ka nakatira? Sa kabilang isla ba? Pero sa hitsura mo mukhang sa capital ka galing,” sabi ni Drake, palakaibigan naman ang kanyang tono.“Sa malayon
“Natasha, balita ko’y nariyan ang nobyo mo, bakit hindi lumalabas?” tanong ni Aling Isyang. Narito kami’t gumagawa ng mga bayong.“Baka naman nagta-trabaho iyon sa malayo’t napagod at nagpapahinga pa lamang, ito talagang si Isyang!” sabi ni Aling Carmen.Nangiti na lamang ako.“Nagpapahinga po siya, huwag po kayong mag-alala at ipakikilala ko po siya sa inyo bago siya umalis,” sabi ko na lamang.“Ay, napakaguwapo Isyang talaga!” sabi ni Aling Loray na maagang nanghingi ng mainit na tubig kanina kaya nakita niya si King na nag-aalmusal. Ngayon ay natutulog siya, medyo nag-aalala ako dahil nga parang puro tulog siya na hindi normal sa kanilang mga bampira, pero chineck ko naman ang kanyang katawan at may mga naghihilom na siyang sugat. Mabilis ang healing ng mga bampira basta sila’y nagpapahinga, at mukhang malalalim ang mga ‘yon, mahihirapan lamang naman ang katawan
“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay King.Napakaaga pa, alas-kuwatro nang umalis kami sakay ng bangka para ihatid sa kabilang bayan kung saan mayroong barkong dumadaong.“Sa Constacia,” aniya.Tumango-tango ako. Inaantok pa ‘ko kaya sumandal ako sa kanya. Malamig din kasi ang simoy ng hangin sa bangka kaya mas nakakaantok.Hindi naman niya ‘ko ginising at hinaplos pa ang buhok ko para mas makatulog.Naramdaman ko lang na ginigising niya ‘ko nang marahan sa pagtawag sa ‘king pangalan.Napamulat naman ako.“Pababa na tayo,” aniya.Tumango-tango ako. May kaliwanagan na rin ang kalangitan.Limang minuto lang ay dumaong na ang bangka kaya nakababa na kami. Kami lang ang inihatid nila rito. Kumain muna kami sa maliit pero mas may kayang bayan na ‘to at nagpahinga sa isang silid. Alas-diyes nang lumabas kami sa okupado naming silid at sumakay naman sa barkong duma
Napansin namin na ang Constancia ay tila may nagaganap na malaking piging, pista marahil? Pero kompara sa ibang pista, mukhang prosesyon lamang ito at ang mga tao ay nasa labas lahat.Ang mga taga-Constancia ay may kayumangging balat, pero mayroon din namang mapuputi, pero mas kilala sila sa pagiging kayumanggi ang balat.Hindi kami tumungo sa pinaka-capital kung saan patungo ang mahabang prosesyon. Sa ibang direksiyon kami pumunta. Mayroong mga nagtitinda katulad noon sa pistang napuntahan namin kaya nakakatuwang maglakad-lakad. Pero hindi ko alam kung bakit may pakiramdam na malamig o hindi masaya ang buong paligid kompara sa nakaraang pinuntahan ko.Ipinagpapasalamat ko na hawak ako ni King, dahil kung hindi baka nagkahiwalay kami. Marami kasing tao, gitgitan na rin sa pamilihan, maraming mga sinasabi na sa sobrang dami hindi na halos maintindihan pa. Mainit sa lugar kaya medyo hindi ako sanay.Pero unti-unti ring lumuwag nang makalayo kami.Mar
Nakita ko kung gaano kalambot ang puso ni Anastacia. Nagbibigay siya nang pagkain sa mga mahihirap, palagi rin siyang nakangiti. Wala siyang pakialam kung may sakit ang ilan sa mga ito. Parang nakatanaw nga nang pag-asa sa kanya ang mga tao. Kahit iyong mga nakasimangot ay napapangiti niya. Alam kong ang ibinigay namin sa kanila ay hindi naman magtatagal, magugutom pa rin sila sa susunod, pero tama naman si Anastacia, ang mahalaga naman sa bawat araw ay ang makatawid sa gutom sa isang araw.Iyong mahabang tinapay ang binili niya tigtatlo ang bawat pamilya, prutas, gatas sa mga bata at mga matatanda, mayroon din siyang mga ibang binili sa grocery. May tumulong nang maghakot sa kanya.Nakikita kong napapagod na siya pero hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti.Nang gumabi na at kumakain na kami matapos maligo’t magbihis sa silid naming okupado’y nagawa ko siyang tanungin.“Masyado kang malapit sa mga tao, lalo na sa kanila. May pangarap k
“Anastacia.” Kaagad kong hinugot ang tissue para punasan ang bibig at mukha niya. Hiyang-hiya ‘ko na dahil lang sa ginawa niya hindi ako nakapagpigil.Nangiti siya. “Bakit ba parang palaging bago ka rito?”“H-hindi naman sa ganitong paraan—“Ewan ko ba sa buong gabing ‘yon puro ako hingi ng tawad sa kanya. Pero hindi ko naman maiwasang mangiti rin tuwing tatawa siya at sasabihing maging normal na sa ‘kin ang ginagawa namin.Hindi ko rin alam bakit ang babaeng ‘to ay masyadong nagbibigay kulay sa buhay ko. Noong umpisa, sa tingin ko magandang bagay lang na may nalalaman ako sa nakaraan ko, iyong tungkol sa kanya, hindi ko na ‘yon sineseryoso lalo’t ‘di ko maramdaman. Pero sa ilang pagkikita namin, napagtanto ko na siguro talagang ako ay inilaan para mahalin siya.Ngayon para ‘kong nababaliw, masyado ‘kong nababaliw sa kanya at sa bawat niyang kilos. Kahit